19

Ahh…mas naging busy kasi ako pagkatapos nating maghiwalay. To top it all…I don’t have enough money to cater my cravings kaya matagal ko ng tinigilan,” sagot ko ng may buong pag-iingat.

“Uhm…ganoon ba? Sorry if I made you comfortable. Akala ko kasi…nakamove-on ka na,” mababakasan ng pag-aalinlangan ang tinig niya.

Panay ang lunok ko ng laway habang siya naman, malapit ng maubos ang tubig na iniinom niya. Nasaan na ba kasi ang waiter at bakit ang tagal ng pagkain namin! Hindi ba niya nase-sense ang awkward aura namin kanina?

“Um…saan ka nga pala nakatira ngayon?” tanong niya kapagkuwan.

I think faster but careful to answer his question without telling my real address. Hindi niya pwedeng malaman kung saan ako nakatira at baka malaman niya ang sikreto ko.

“May BH ako malapit sa Double V. Ikaw ba? Same place?”

Hesitation is visible in his eyes when he look at me straight after I ask him that question.

“I…I change place. I figure it out na wala ng silbi ang bahay na ‘yon after what happened between us kaya binenta ko na. But don’t worry, your part is still safe. If you want the money, just feel free to tell me. Ibibigay ko agad sa ‘yo.”

Part of me feel pain after he said those words. Binenta niya. Hindi man lang ba siya nasayangan sa memories na meron ang bahay na ‘yon? Oo nga naman pala, I am not that important to him kaya worthless lang lahat ng meron sa bahay na ‘yon. Lalong-lalo na kung tungkol sa akin.

“Actually…you don’t need to…” naputol ang sasabihin ko ng dumating ‘yong waiter kasama ng mga in-order naming pagkain.

“Thank you..” Pasalamat ko bago siya umalis. “…you don’t need to give me a part about the house. Pera mo naman sa umpisa pa lang ang ipinundar doon sa bahay kaya wala akong karapatang humingi ng kahit ano.” Patuloy ko sa sasabihin ko sana kanina bago dumating ang waiter.

Inubos niya muna ang nginunguya niya bago niya ako kinausap ulit. “I know how much you love the house and I’m not that heartless para pagdamutan ka. Hindi ko na nga ipinaalam sa iyo ang pagbenta ko sa bahay kaya dapat lang na ibigay ko sa iyo ang parte mo. Besides…I know you treasure the memories we have their kaya you deserve something in return,” mahinang saad niya sa huli niyang sinabi bago itinuon ulit ang atensiyon sa pagkain.

He doesn’t care about the memories kaya madali sa kaniya ang ibenta. I blew a loud breath before I focus my attention to the food. Wala rin namang saysay kung magagalit ako sa pagbenta niya. Gaya nga ng sabi ko kanina, it’s all his money and I can’t do anything kahit ano pa ang gawin niya sa bahay. At least…he still thinks of me part bigyan ng parte and considers the memory kahit pa ibenenta niya rin sa huli.

Kanina ka pa nagpapakawala ng malalim na hininga d'yan. You don’t like the food?” agad ko namang iniling ang ulo ko.

Hindi ko naman sinasadyang magmukhang may problema sa harap niya. It’s just that I can’t get the house out from  my mind.

“Sabihin mo lang kung may gusto ka pang iba. I will order it for you.”

Tatawagin na niya sana ang waiter ng pigilan ko siya. “No, no. I’m okay. Masyado ng marami ang pagkaing nasa harap natin. Besides, their food are good kaya huwag ka ng mag-alala pa.”

“You’re fine but you seem bothered. Is it because of the house?” Hindi agad ako nakasagot dahil sa tanong na ‘yon. Baka isipin niya pa na big deal sa akin ang bagay na ‘yon.

“No…it’s just that~”

“It’s just that you are sad because I sold it? I’m sorry kung hindi ko ipinaalam sa ‘yo ang pagbenta ko. Inisip ko kasi na baka ayaw mo ng makialam sa bahay kasi nga…ikaw naman ‘yong nang-iwan.” Natigilan ako sa huli niyang sinabi.

Right. It’s my fault kaya wala akong karapatang magreklamo. Ako ‘yong nang-iwan kaya wala akong karapatang mag-demand. Nakalimutan kong ako nga pala ang unang sumuko.

“Yeah…sorry. I didn’t mean to open up that,” mahinang saad ko bago kumain.

Nararamdaman ko pa ang pagtitig niya sa akin ng ilang oras bago bumalik sa pagkain.

Natapos ang hapunan namin ng walang kahit na anong salita galing sa aming dalawa. Hindi rin ako naglakas-loob pang magtanong ng kung anu-ano at baka mapahiya na naman ako sa huli.

“Gusto mo ng dessert?” tanong niya kapagkuwan habang tinitingnan ang menu.

Hindi pa ba kami tapos?

“No. Huwag na. Masyado ka ng maraming nagastos para sa thank you dinner na ‘to,” magalang na pagtanggi ko. Gusto ko ng umuwi. Ayoko ng madagdagan pa ang oras na magkasama kami. Baka hindi ako makatulog ‘pag nagkataon.

“I told you money is not a problem when you’re with me,” nagsalubong naman ang mga kilay ko sa narinig. He told me? Kailan pa?

“You…told me?” pagkaklaro ko. “As far as I remember wala ka namang sinabi tungkol sa pera kanina.”

“Oh! Sorry. Let me correct it. I told you before we separate that money is not a problem when you’re with me,” pagtatama niya kuno sa sinabi niya kanina.

Hindi ko na naman napaghandaan ang katotohanang isiniwalat niya. Hanggang anong oras kaya ako mapapahiya sa harap niya? Kung bakit ba kasi nagtatanong pa ako. Sinasabi ko na nga bang maba-back to me ako kapag nagsalita pa ako eh.

“Ahh…so~”

Hindi natuloy ang paghingi ko ng tawad ng bigla na lang tumunog ang cellphone ko sa bag na dala ko.

Sino naman kayang tatawag sa akin ng ganitong oras? Maliban sa mga tao sa bahay na alam na may lakad ako, wala naman na akong iba pang kakilala na tumatawag ng ganitong oras. Malabo rin namang loyal customer ng Double V kasi may telepono naman doon at maaari rin nilang tawagan si Shane na manager ng Double V kung sakali.

“May importante siguro,” saad ng kaharap ko ng mapansing nag-aalinlangan akong sagutin ang tawag.

“Sorry ha. Sasagutin ko lang ‘to. Excuse me,” akmang aalis na ako ng pinigilan niya ako.

“You can answer that here. I don’t mind.”

Nag-aalinlangan man, bumalik na lang ako sa pagkakaupo bago tiningnan ang caller I.D., nagtaka pa ako ng makita ang pangalan ni Zeus na naka-register sa caller I.D.

Ano naman kaya ang problema ng isang ‘to?

Tiningnan ko muna si Vulcan na kausap na ngayon ang waiter bago ko sinagot si Zeus.

“Hello Ze~”

“Venus! Venus pumunta ka ngayon sa hospital. Ise-send ko sa ‘yo ang pangalan. Bilisan mo!” putol niya sa sasabihin ko.

“Ano? Ano namang ginagawa mo d'yan sa hospital?” agad napabaling ang atensiyon ni Vulcan sa akin ng marinig ang sinabi ko at pinaalis ang waiter.

“Si Loki~”

“What do you mean Zeus? Anong nangyari kay Ven~”

“Mamaya ka na magtanong. Basta pumunta ka na agad dito,” putol niya sa akin.

Hindi ko na maramdaman ang kamay ko. Nilulukob na ng kaba ang buong sistema ko. Wala akong ibang marinig kundi ang malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi ko makakaya kung may masama mang mangyari kay Venice. Hindi ko alam ang gagawin kung may mangyaring masama sa anak ko.

“Venus! What happened? Okay ka lang ba? Namumutla ka,” napakurap-kurap pa ako ng alugin ako ni Vulcan. Nakadukwang na siya sa lamesa para lang mapabalik ako sa reyalidad.

“I’m sorry Vulcan but I need to go,” sagot ko bago dinampot ang bag ko at tumayo.

A hindi ko na siya pinakinggan at dire-diretso lang ako sa paglabas ngunit napahinto rin ng makita kung gaano kalakas ang ulan sa labas.

“Bwisit! Bakit ngayon pa! Bakit kung kailan hindi ko dala ‘yong kotse tsaka ka bubuhos!” Inis na sigaw ko. Walang taxi ang nakakapasok dito kaya kailangan ko pang maglakad hanggang sa labasan.

Kung bakit ba kasi sa dami ng pwedeng kainan, dito niya pa napili!

I am ready to run under the rain when someone grab my arm dahilan kung bakit ako nasubsob sa dibdib niya.

“Ano ba! Ba't ka na~” nagulat ako ng mapagtantong si Vulcan pala ‘yong taong humila sa akin at itinulak ko.

“Vulcan I..”

“You look problematic. Let me give you a ride kung saan ka man pupunta. Besides the rain is so strong kaya mababasa ka kapag sinuong mo ‘yan,” putol niya sa akin. Wala na akong panahon pa upang mag-isip ng tama. Okupado na ng kung anong nangyari sa anak ko ang utak ko kaya hindi na ako nag-inarte pa at agad na tinanggap ang alok niyang libreng sakay.

Ibinigay ko sa kaniya ang pangalan ng hospital na sinend ni Zeus. Kahit na alam kong nagtaka siya, nagpapasalamat pa rin akong mas pinili niya na lang ang mag drive kesa ang magtanong. Habang binabaybay namin ang daan papunta sa hospital na kinaroroonan nina Zeus, hindi ko naman mapigilang hindi kabahan at matakot sa posibleng nangyari kay Venice. Sana lang talaga walang kahit na anong malalang nangyari sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top