18

After what happened on that day, naging sunod-sunod na ang pagiging busy ko. Gusto ko maging hands-on sa big project na ‘to kaya ayokong ipaubaya sa iba.

Tungkol naman doon sa paglalasing ni Zeus, ayun, pagkagising niya sermon agad ng kapatid niya ang sumalubong sa kaniya. Kinabukasan no'n, ipinadala ni Valmond sa bahay ang bill ng inubos niyang alak sa paglalasing niya. Ngunit kahit piso, hindi niya binayaran. Tutal naman daw suki na siya ng bar ni Valmond kaya libre niya na lang daw ‘yon. Ayun tuloy, panibagong sermon ulit galing kay Aether ang natanggap niya.

Si Venice naman, nagsimula na ang pasok niya. Ako ang naghahatid sa kaniya sa umaga, minsan naman si Aether kapag talagang busy ako sa preparations para sa party. Tuwing uwian naman, napagkasunduan namin ni Zeus na siya na ang sumundo kay Venice. Ayaw ko man sanang makaabala pa sa kaniya, pinipilit niya naman. Para daw hindi na mabully pa ang anak ko na walang ama.

Speaking of ama, itong bwisit na Vulcan naman na ito, masyadong napakademanding! Alam ko naman kung anong mga ayaw at gusto niya. Ang kaso nga lang, medyo nakakainis na ang pagiging oa niya sa mga bagay-bagay. Ang mas malala pa doon, talo ko pa ang secretary niya. Akalain mo bang sa lahat ng meetings niya kahit wala naman akong kinalaman isinasama niya ako. Kesyo daw marami pa kaming pag-uusapan para sa party at mahalaga ang bawat oras kaya kailangan wala kaming sayangin na oras. Kaya dinaig ko pa ang secretary niya sa pagiging buntot niya.

Hindi lang ‘yon, gusto niya pang sabay kami na kumain sa loob ng office niya kahit hindi naman kailangan. Pwede ko namang itanong sa secretary niya ang iba pang mga concerns ko pero ang kumag gustong sa kaniya ako diretsong magtanong.

“Vulcan, itatanong ko na lang sa secretary mo ang iba pang detalye kung may nakalimutan man ak—”

“No need. You can ask me directly. Ako ang magpapaparty kaya ako ang nakakaalam kung ano ang dapat.” ‘Yon ang unang beses na tinutulan niya akong sa secretary na lang magtanong ng iba pang detalye.

“Sige Vulcan, bukas na lang natin ituloy ‘to. Seems like you have so many things in your plate,” saad ko pagkatapos makalabas ng secretary niya para paalalahanan siya sa lunch meeting niya kasama ang isang big client.

“No. You’re going with me,” napatigil naman ako sa ginagawa kong pagliligpit ng mga gamit ko dahil sa sinabi niya.

“But I don’t have things to do with the meeting. Meeting mo ‘yon kaya bakit ako kasama?”

“I will not be here for almost one month kaya every time is important para maging perfect ang party. Sasama ka sa akin papunta sa meeting na ‘yon. Wala kang ibang gagawin kundi ang makinig lang sa amin.” Sagot niya.

“But you have your secretary para sa trabahong ‘yan Vulcan. Bakit mo pa ako isasama kung makikinig lang naman ang trabaho ko doon?” pangungulit ko. Anong nakain ng isang ‘to?

“You can also order some food you want to eat para hindi lang makinig ang gagawin mo. You can eat all what you want to eat. Don’t worry, it’s on me. At least sa paraang ‘yon, may iba ka ding pinagkakaabalahan habang nakikinig sa amin,” hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Nababaliw na ba siya?

Pagkarating namin sa meeting place nila, naroon na ang ka-meeting niya. ‘Yon nga lang, sa halip na sa kabilang gilid ako umupo, hinila niya ang kamay ko paupo sa tabi niya. Sinamaan ko pa siya ng tingin ngunit binalewala niya lang ‘yon at pormal na hinarap ang ka-meeting niya.

“Nice to see you again Mr. Natividad.” Inalok naman ng lalaki ng handshake si Vulcan na agad namang pinaunlakan ng huli.

“Nice to see you too again Mr. Chu. You want to order some thing first?” alok niya dito pagkatapos nilang maghandshake.

“Coffee will do.” Sagot ng kaharap niya bago niya tinawag ang waiter para kuhanin ang order nila.

“What do you want?” nabigla pa ako ng balingan niya ako ng walang pasabi. Agad kong tiningnan ang menu bago inilista ng waiter ang gusto ko. Tutal naman libre niya, mabuti pang sagarin ko na.

“Who’s this beautiful lady beside you Mr. Natividad? Your secretary?” tanong ni Mr. Chu pagkaalis ng waiter.

“No. She’s the girlfriend of one of my friends,” nagulat ako dahil sa sinabi niya. Kailan pa ako naging girlfriend ng kaibigan niya?

“Oh…is that true? Sayang....gusto ko pa naman sana siya,” agad namang nagsitaasan ang balahibo ko dahil sa sinabi ng kaharap namin. Hindi ko alam na nakikipagmeeting pala si Vulcan sa mga manyak.

Hindi ko inaasahan na hahawakan ni Vulcan ang kamay ko na nasa ilalim ng mesa upang pakalmahin.

“Let’s go straight to the point Mr. Chu. Ano bang purpose ng meeting na ‘to?” nag-usap silang dalawa ng masinsinan habang abala naman ako sa pagkaing in-order ko. Hindi ko masabayan ang pinag-uusapan nila pero mukhang hindi sila nagkakaintindihan na dalawa.

Ilan lang ang mga pangyayaring ganoon kapag pinag-uusapan namin ang tungkol sa party. At sa bawat pag-uwi ko, hindi siya nagmimintis sa pagpapadala ng strawberries sa akin. Hindi ko alam kung saan niya in-order ang mga strawberries na ‘yon dahil napaka-fresh pa tuwing natatanggap ko. Napagkakamalan tuloy ng mga kasama ko sa bahay na may manliligaw ako.

Noong umalis siya ng bansa ng halos isang buwan, unti-unti na naming nabubuo ang menu na gusto nila para sa party. In the month of May, isa-isa ko ng in-order ang mga ingredients na kailangan para sa menu. May iba pa na talagang kailangan sa ibang bansa ko pa bilhin. Naabala ko pa tuloy si Zeus para mangibang bansa sandali.

First week of June, bonding time namin ni Venice kaya wala kaming ibang ginawa kundi ang maglakwatsa kung saan-saan. Second week, inuna na naming ihanda ‘yong mga dessert para sa party. Sa sabado na ang pinakahihintay na party kaye medyo napepressure ako at kinakabahan. Mabuti na lang at kayang magtrabaho under pressure ng mga staff ko kaya maayos ang trabaho.

Thursday came. Ilang araw na lang party na. In-invite ako ni Vulcan para sa isang dinner. Gusto niyang magthank you dahil sa magandang service daw kuno namin. Alam kong may iba pang motibo si Vulcan, pero hindi ko alam kung bakit niya pa ginagawa ’to.

“Thank you dahil pumayag ka sa dinner na ‘to,” saad niya ng makaalis ang waiter na kumuha ng orders namin.

“At least man lang maging bayad sa mga strawberries na pinapadala mo,” pabirong ani ko na ikinapula ng tenga niya. Nahiya pa. “Ano ka ba. Hindi ka naman dapat mahiya. Gustong-gusto nga ni Aether at manang ‘yong mga strawberries eh.” Dagdag ko pa. Hindi ko pwedeng sabihin na maging si Venice nagiging paborito na ang strawberries. Baka malaman niya pa ang katotohanan.

“Does that mean…ni isa wala kang kinain doon?” tinanguan ko lang siya sa tanong niya.

“But I thought you love strawberries. Ayaw mo ngang nauubusan ng strawberries ang ref dati ‘di ba?”

Napakurap-kurap ako ng banggitin niya ang kung anong meron kami dati. Sa mga nakalipas na meetings namin, ngayon lang niya binuksan ang topic tungkol sa nakaraan namin kaya hindi agad ako nakakilos sa tinanong niya. Paano ko ba sasabihin sa kaniya na hindi nagmumukhang affected ako?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top