16

“So…kumusta ka?” Kapagkuwan ay tanong niya sa akin ng matapos naming pag-usapan ang tungkol sa nalalapit na party ng kompanya niya.

“Well…as you can see. I am still alive and kicking,” I joke na hindi man lang tumalab.

“You didn’t change,” komento niya.

“As if you change,” ingos ko naman. Makapagsalita parang malaki ‘yong pinagbago ha.

“I change…a lot,” sinserong saad niya. Not just the sound of his voice but also the feelings that visible in his eyes.

“Yeah…mukha nga. Hindi ko nga alam na ikaw pala ang may-ari nito,” sagot ko na lang dahil ayokong hukayin pa ng malalim ang ibig niyang sabihin.

“And I didn’t know na professional ka na rin ngayon.”

“Yeah…thanks to you,” nagulat pa siya ng marinig ang sinabi ko.

Pinigilan ko ang matawa sa reaksiyon niya. Para namang ngayon lang siya nakatanggap ng thank you sa buong buhay niya.

“M-me? How? You didn’t even take BAR exams while we’re still together. How come it’s my doings?” confusion is visible on his face. He really didn’t change at all. Siguro pinipigilan niya lang na makita ng lahat ng tao ang tunay niyang ugali kaya nagmumukha siyang strikto. But his innocence is still visible after all those years na naghiwalay kami.

“Kasi after we broke up, I manage to stand alone. Natutunan kong tumayo sa sarili kong paa at magpursigi,” para sa anak ko. Para sa anak natin.

“Well…should I say you’re very much welcome?” tatawa-tawang ani niya na tinawanan ko na lang din.

Habang sabay kaming nagtatawanan, narealize ko na hindi ko naramdaman ang pakiramdan na ganito magmula ng maghiwalay kami. Parang bigla na lang na nawala ang lahat ng bagay na nakapalibot sa kaniya.

Masama na ‘to. Parang bumabalik ako noong una ko siyang magustuhan. Noong mga panahon kung kailan nagpursigi akong ligawan siya.

Bago pa bumalik ang lahat-lahat ng naramdaman ko noon, minabuti kong magdesisyon na umalis na bago pa ulit ako mahumaling at maisipang ligawan siya ulit.

“Aalis ka na?” tanong niya ng mapansing inililigpit ko na ang mga gamit ko.

“I still have things to do. Hahanapin ko pa si Zeus. Baka kung ano na ang ginagawa ng isang yon,” sagot ko bago kinuha ang mga gamit ko. “Thank you for trusting Double V food house and restaurant para maging caterer ng party mo. I shall take my leave,” paalam ko bago lumabas.

Walang imik lang niya akong hinatid ng tingin palabas. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga ng maisara ko ang pinto. I didn’t know that talking to him will exhaust me this much.

After few seconds, I decided na hanapin na si Zeus. Saan ba kasi nagmukmok ang isang ‘yon at talagang kailangan ko pang hanapin?

Pagkarating ko sa lobby, naabutan ko doon si Ceres na prenteng nakaupo habang nakatingin si kawalan.

Pinili ko na lang na lapitan siya at tanungin kung nakita niya ba si Zeus kesa naman maghanap ako ng maghanap kung saang sulok siya inilagay ni lord. “Ceres, nakita m—”

“Shh..I’m busy miss,” putol niya sa akin ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

“I just want to ask you something,” pamimilit ko.

“Go ask someone else. I am busy,” sagot niya pa rin habang hindi man lang ako tinitingnan.

Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya ngunit kunot-noo akong napabaling sa kaniya ng makita ang mga employees ng kompanya sa canteen.

“Gusto ko lang naman magtanong. Wala rin namang halaga ‘yang tinitin—”

“Walang hala—Venus! Bakit ka nandiyan?” Gulat na tanong niya sa akin.

“Magtatanong nga sana. Ang kaso…panay naman ang tingin mo doon sa mga babae. May gusto ka ba sa kanila?” Tinapunan pa niya ng tingin and tinutukoy ko bago ako hinila sa kung saan. “Teka…saan mo ako dadalhin?”

“Gusto mong malaman kung nasaan si Zeus ‘di ba? Edi dadalhin kita sa kaniya,” sagot niya pagkalabas namin sa building.

Hindi naman ako nagreklamo sa paghila niya sa akin hanggang sa makarating kami sa pinakasulok na parte ng parking lot.

“Anong gina—”

“Shhh…maririnig nila tayo,” bulong niya habang nakatakip pa rin ang kamay niya sa bibig ko. Sana naman hindi galing C.R. ‘tong lokong ‘to. Makikita niya talaga hinahanap niya.

Narinig kong parang may nagtatalo sa likod ng sasakyang pinagtataguan namin kaya minabuti kong sumilip muna upang alamin kung sino ang mga nagtatalo doon na sana hindi ko na lang ginawa.

Walang pasabi akong umalis sa lugar na ‘yon habang panay naman ang tawag ni Ceres sa akin. Hindi ko siya nilingon hanggang sa makarating ako sa sasakyan ko. Hindi na siya nahiya! Talagang sa open spaces pa talaga.

“Venus…Venus wait lang…Ven…sandali nga lang kasi. Venus…Ven—Venus…don’t lock the door. I am sure we just misinterpret what happens back there,” ayaw niya pa rin akong tantanan.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago binuksa ang bintana. “Go away. I don’t care about them anymore. Besides matagal na rin naman kaming hiwalay kaya wala akong karapatang magalit sa ginagawa nila.”

“But you have to right to be hurt.” Matigas na sagot niya na nakapagpatahimik sa akin. “I know you two are not in good terms but that doesn’t mean na wala ka na talagang nararamdaman for him Ven. I know you. Lahat ng ginawa mo noon para makuha siya alam ko. Kaya huwag mong sabihin sa akin na wala kang karapatang magalit dahil walang may karapatang husgahan kung ano man ang nararamdaman mo.”

Ibinaling ko sa ibang direksiyon ang paningin ko dahil ayokong makita ni Ceres na tama siya. Hindi ko alam kung bakit mabigat sa pakiramdam ang makitang magkasama sila pero baka dahil hanggang ngayon, affected pa rin ako sa kanilang dalawa. Hindi ko lang siguro matanggap na ginawa lang niya akong panakip-butas.

“You can talk to him and ask him kung anong ginagawa nila dito at talagang nag-aaway pa,” saad niya kapagkuwan.

“Para saan pa? Baka isipin niya nanghihimasok ako sa buhay niya,” nakangising saad ko.

“Bakit naman? Karapatan mo na~”

“I don’t have the rights Ceres,“ putol ko sa kaniya.

“Of course you have the rights. You’re his wife after all,” natigilan ako sa sinabi niya. Hindi siguro ipinaalam sa kanila ng kaibigan nila ang totoong nangyari.

“Ex-wife Ceres. I am his ex-wife.” This time, oras niya naman para magulat at matigilan. “That’s why I don’t have the rights. Sorry kung umabot sa ganito imbes na ang hanapin si Zeus. I guess mauuna na akong umuwi. I will just call him when I’m home. Thank you for your time.”

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinaandar na ang sasakyan paalis sa lugar na ‘yon. Siguro nga ayaw niyang ipaalam sa iba ang nangyari sa amin. Pero hindi naman tamang hayaan niyang isipin ng mga kaibigan niya na not in good terms lang kami kaya hindi kami magkasama.

Iwinaksi ko na lang sa utak ko ang nangyari kanina na sana hindi ko na dapat nasaksihan. Kasalanan talaga ‘to ni Zeus eh. Kung hindi dahil sa pagmumukmok niya, hindi ko pa sana masasaksihan ang pangyayaring ‘yon. Hayyyy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top