15

“Have a seat.” Aya niya sa akin ng makalapit ako sa table. Nasa sofa lang silang tatlo ni Ceres at Eros habang may kung anong hinahalungkay si Claretine sa mga folders na nakatambak sa isang sulok. Wala si Zeus kasi pumasok siya ulit sa elevator at bumalik sa baba. Siguro ayaw niya lang na madagdagan ang inis ni Claretine sa kaniya.

“Um…may meeting ba ang may-ari ng kompanyang ‘to sa mga oras na ‘to?” Tanong ko habang nakaharap sa kanilang tatlo. Wala akong pakialam kung sino man ang sumagot, ang importante malaman ko kung nasaan ang boss nila para naman makaalis agad ako dito.

Tapos na ang report ko tungkol sa ipapatayo mong bagong branch ng Hephaestus sa ibang bansa. Kung wala ka ng reklamo pagkatapos mong basahin ‘yon, magpapatawag na ako ng meeting kasama ang mga engineers mo,” saad naman ni Claretine. Hindi ko alam kung kanino pero sigurado na ako ngayon na isa sa kanilang tatlo ang may-ari ng kompanyang ‘to.

Bakit ko nga ba hindi napansin? Iba ang trato sa kanilang tatlo sa elevator pa lang. Pinagsisisihan ko tuloy ang pagtanggap sa orders na ‘to.

“Ibabalik ko din ang report na ‘to mamaya. Kailangan ko lang i-check ang report last month,” saad ulit nito bago tuluyang lumabas sa kwarto.

Naiwan ako kasama ang tatlong taong ayaw ko pa namang makasalubong sa mga ganitong panahon.

“Venus…ang layo mo naman sa amin. Dito ka na sa tabi namin umupo.” Aya ni Eros.

Nginitian ko muna siya ng peke bago tinanggihan ang alok niya. “I’m fine, thank you nalang,” mahirap na. Ayokong ma-hotseat ng wala sa oras ‘no.

“Akala ko ba gusto mong makausap ang may-ari? Dito ka na para masimulan na natin,” ani niya ulit na nakakuha ng atensiyon ko. Naghuhurumentado na ang loob ko. Bakit ba kasi kailangan sila pa ang maging kaibigan ni Zeus! Hindi ba pwedeng putulin ang ugnayan ko sa kanila ng pang-habambuhay?

Tumikhim muna ako upang mawala ang bara sa lalamunan ko. Ayokong mahalata nilang nanginginig ako dahil sa kaba ‘no. “Ikaw ba ang may-ari nito?”

“Umupo ka kas—”

“Take a seat. Kahit saan mo gusto huwag lang diyan sa malayo. I don’t have time to waste para lang sa iisang tao,” putol ni Vulcan kay Eros.

Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya. Nang mapansing seryoso na naman ang mukha niya, napilitan akong igalaw ang katawan ko upang ilapit ang inuupuan ko ng ilang dangkal sa kanila. So siya pala talaga ang may-ari? Kung iba-base sa nangyari sa elevator kanina at sa sinabi ni Claretine, walang duda. Siya nga.

“So…ano ang mai-o-offer mo sa akin na hindi ko makikita sa iba?” tanong ni Vulcan.

“’Yong anak mo.” Bulong ko naman ng hindi nag-iisip.

“What did you say?” pag-uulit niya na nagpakaba sa akin ng todo. ‘Yan kasi! Hindi kasi nag-iisip eh.

“Ha? W-wala. Wala akong sinabi,” maang-maangan ko.

“But I am sure I heard you said ‘anak’ earlier,” abot-abot ang kaba ko ng mapagtantong narinig niya ng klaro ang salitang ‘yon. Bakit ba kasi ‘yon pa ang kailangan niyang marinig ng klaro?

“Ahh…ano…ang ibig kong sabihin…ano, ah…kung papalarin ang simple at kabubukas pa lang na restaurant namin na siyang mag-cater ng pagkain para sa annual company party niyo, we will make sure na hindi lang adults ang mag-eenjoy, kasali na rin doon ‘yong mga anak ng mga  employee if ever maisipan nilang dalhin ang anak nila. Also the children of the shareholders, kagaya nina Eros at Ceres. Even you, I am sure na kasama niyo ang mga anak niyo sa gabing ‘yon para maipakilala sa iba pang shareholders. And of course, ‘yong mga anak ng mga kaibigan ninyo na a-attend sa party na ‘yon. At least kahit papaano hindi mabobored ang mga bata dahil hindi sila makasabay sa adults party at isa pa, they can make friends with the other kids. ‘Yon ang ibig kong sabihin,” paliwanag ko habang pilit na iniiwasan ang mga mata niya.

“Wow naman Ven. Mukhang pinaghandaan mo talaga ‘to ha.” Si Eros ang unang nagsalita sa kanilang tatlo. “But sad to say, I still don’t have a child,” dagdag nito na pinagdudahan ko pa.

“Seryoso? ‘Yang mukha mong ‘yan na ibinabalandra mo kung saan-saan wala pang nadidisgrasya?” hindi makapaniwalang tanong ko. Mukhang wala atang balak magseryoso ang isang ‘to ha.

“Grabe ka naman sa akin Venus. Ganoon na ba talaga ako katandang tingnan para pagdudahan mo ng ganiyan?” Naglulungkot-lungkotang saad niya.

“Hindi naman. Nakapagtataka lang na hanggang ngayon wala ka pa ring nahahanap na pakakasalan mo.”

“Eh kasi may hinihintay,” singit naman ni Ceres na lalong nakakuha ng atensiyon ko.

“Hoy ikaw Eros ha, hindi ko naman alam na loyal ka pala. Hindi ko rin alam na nanunuhog ka ng bata.”

“Hoy Venus ‘yang bibig mo. Hindi bata ‘yong hinihintay ko ha. Tsaka, huwag ka ngang magpapaniwala dito kay Ceres. Akala mo naman walang hinihintay ang hayop,” pasaring niya kay Ceres na tinapunan lang siya ng unan.

Natawa naman ako dahil hindi pa rin nagbabago ang dalawang ‘to mula noon. Matagal-tagal na rin noong huli ko silang nakasamang tumawa. Nakakamiss din naman pala ang mga kumag na ‘to kahit papaano.

“At least ako, hindi naghihintay kung kailan ma-a-annul ang kasal ng babaeng hinihintay ko,” pang-aasar naman ni Ceres kay Eros na mukhang tumalab naman.

“Okay lang ‘yon. Alam ko namang malapit ng maaprubahan ng korte ang annulment nila. Eh ikaw, naghihintay kung kailan makakamove-on ang babaeng mahal niya sa yumaong kasintahan,” turn naman ngayon ni Eros ang ngumisi dahil mukhang nahuli din niya ang kahinaan ni Ceres.

Ano bang klase ng love life meron ang dalawang ‘to? Ang isa, kasal ang problema, ‘yong isa naman, patay ang problema. Habang ito namang striktong-strikto kung makatingin na may-ari pala ng kompanyang ito, bayaw naman ang problema. ‘Yong si Zeus naman ugali ni Claretine ang problema habang si Valmond, kuya ang problema. Bagay nga sa kanilang maging magkakaibigan.

“Hoy, naiintindihan kong nagluluksa pa siya kaya kailangan niya ng panahon para makahinga,” depensa ni Ceres sa sarili.

“Sus…panahon, panahon. Ang sabihin mo, hindi ka sigurado kung may pag-asa ka ba sa kaniya,” pang-aasar pa rin ni Eros. Halatang pinipikon si Ceres eh.

“Talaga ba pare? Baka gusto mo ipahawak ko sa ibang judge ‘yong annulment na hinihintay ng babae mo,” pikong banta ni Ceres.

“Hindi ko lang siya babae bud. Iba siya, ayusin mo ‘yang pananalita mo,” nagulat pa ako ng bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin dito sa loob. Kanina lang nagtatawanan pa kami ha, ano'ng nangyari at bumaliktad ata ang hangin?

“Now you two are both pissed off samantalang kanina tinatawanan niyo pa ang kamiserablehan ng isa't isa. Para kayong mga bata. Kapag napipikon mag-aaway. Tapusin niyo na nga lang ‘yong assigned cite sa inyong dalawa.” Walang kahit na anong emosyon ang makikita sa mukha ni Vulcan. Kahit man lang kaba dahil sa biglaang pag-iba ng ihip ng hangin kanina wala akong makita.

Lumipat siya sa table niya habang sabay naman na tumayo sina Eros at Ceres bago tinahak ang daan palabas.

“Another one…huwag na huwag ko lang maririnig na nagsusuntukan kayo sa labas, makakatikim kayong dalawa sa akin. Go burn your ass off,” paalala niya sa dalawa bago ito tuluyang lumabas.

Hindi ko naman naisip agad na kami na lang palang dalawa ang maiiwan dito. I secretly pinch my thighs dahil sa katangahan ko. Ngayon anong gagawin ko?

“Ikaw naman, don’t mix your personal life on your work. Hindi porke't magkakilala kayo ay kakalimutan mong trabaho ang ipinunta mo dito. My company is not a reunion company, it is a steel company kaya be aware. Talagang sa harapan ko pa eh ‘no?” panenermon niya naman sa akin na dumagdag lang sa kahihiyang nararamdaman ko kanina pa. Hindi ko naman magawang tumutol kasi nga tama naman siya. Hindi ko lang talaga kayang tanggapin na tama siya at wala man lang akong magawa!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top