14
“Magkakilala kayo?” Usisa ni Zeus kay Eros. ‘Yan kasi, napakadaldal hindi man lang nag-iisip.
“Um..ano..’di ba binanggit mo na pangalan niya kanina?” Palusot niya dahil sa masamang tingin na ipinukol ko sa kaniya. Ayokong malaman ni Zeus na kilala nila ako, baka mapatunayan niya lang sa sarili niya na si Vulcan nga talaga ang ama ni Venice. Mahirap na. Isang floor na lang at makakalabas na rin kami dito. Hindi ko alam kung sa anong floor lalabas sina Vulcan pero sana naman hindi sa floor ng CEO ng kompanyang ‘to.
Masayang nag-uusap ang mga lalaki sa harapan namin ni Claretine, natigil lang sila ng biglang umalog ang elevator at huminto. Patay-sindi pa ang ilaw dahilan kung bakit nagpanic si Zeus, akala ko natakot siya pero kunot-noo ko siyang sinundan ng tingin kahit na masakit sa mata ang paulit-ulit na pagpapatay sindi ng ilaw at nagulat ng lapitan niya si Claretine na mahigpit na nakakapit sa railing na nasa magkabilang gilid niya.
Hindi ko alam kung ano ang binubulong ni Zeus sa kaniya pero mukhang pinapakalma niya si Claretine. Alam kong masama ang trato sa akin ni Claretine kanina pero hindi ko maiwasang hindi maawa sa kaniya. Mahirap para sa mga taong tulad niya ang makaranas ng ganito. Mabuti na lang at may kasama siya dito at kasama rin namin si Zeus na agad siyang dinaluhan.
Mukha namang kumalma na siya kahit papaano pero hindi pa rin siya iniwan ni Zeus. Sa halip, niyakap niya ito ng mahigpit habang binubulungan pa rin. Mukhang mahal na mahal nga talaga ni Zeus si Claretine. Kahit na nasaktan na siya nito hindi niya pa rin kayang pabayaan lang ito. Habang bumubuo ng sariling mundo ang dalawa sa kabilang sulok ng elevator, narinig ko namang kausap na ni Vulcan ang electrician niya.
“Make sure na maaayos niyo agad. May claustrophobic kaming kasama,” rinig kong utos niya bago nawala ang kausap niya sa kabila.
Magkatabi kami ni Ceres habang magkatabi naman si Eros at Vulcan.
“She has trauma,” ani Ceres habang nakatingin sa harapan namin kung saan si Zeus at Claretine nakatayo.
“But she looks fine earlier.” Nilait niya pa nga ako eh. Hindi ko na lang ipinahayag ang mga salitang ‘yon dahil alam kong seryoso ang sitwasyon ngayon ni Claretine.
“She’s fine kapag umaandar ang elevator. Pero kapag ganito na ang sitwasyon, nagsisimula na siyang matakot,” sagot niya sa akin.
“Pero bakit mukhang hindi naman kayo nag-aalala?” komento ko dahil napansin kong prente lang na nakasandig ang mga kumag na ‘to sa pader ng elevator.
“We’re worried. But we know who’s much worried. How about you? Looks like your man’s still into someone huh,” hindi ko inaasahang si Vulcan ang sasagot sa tanong ko. At mas lalong hindi ko inaasahang magtatanong siya tungkol sa akin. Mali nga lang.
“You’re definitely right. He’s still into someone,” that’s why I leave him years ago because I don’t want to be just his rebound.
“Huh! And here I thought you’re not fund of that kind of guy. Zeus is a playboy.”
“And so are you. Kaya nga magkaibigan kayo ‘di ba? Birds who have same feathers, always flock together,” bara ko sa kaniya. Talagang sa kaniya pa nanggaling ang mga salitang ‘yon.
“Hey…hinay-hinay naman Venus, nagmumukha kaming masama sa mga sinasabi mo eh,” komento naman ni Eros.
“Ngayon ka pa ba magugulat? Tingin mo naman ikinabait niyo ‘yang pagiging babaero niyo?” Bara ko rin sa kaniya na hindi niya pinansin at inisturbo na lang si Ceres na tahimik na nakatayo sa gilid ko.
Panay ang paypay ko sa panyong hawak ko dahil mas nararamdaman kong pinagpapawisan ako ngayon kesa kanina.
“Hindi mo ba hihilahin ang boyfriend mo? Mukhang kanina pa siya nakayakap eh,” tanong niya ulit sa akin pagkalipas ng ilang segundo.
Ano bang gustong iparating ng isang ‘to?
“Kahit naman hilahin ko siya pabalik sa akin, nakakabit pa rin ang puso niya sa nakaraan niya,” sagot ko. I am pertaining to him and not on Zeus but I bet he never knew it. Akala niya talaga magkakagusto ako kay Zeus? Eh kahit nga siguro si Zeus na lang ang natitirang lalaki sa mundo hindi ko pa rin papatulan eh.
Dahil hindi ko na matagalan ang titig niya, tiningnan ko siya ng may nakataas na kilay dahilan kung bakit patay malisya siyang tumitingin-tingin sa sulok ng elevator. Hindi rin nagtagal at naging maayos na ang ilaw at bumalik na din sa pag-andar ang elevator. Pagdating sa 11th floor, naunang lumabas si Vulcan habang kausap si Ceres.
“Man, call the electronics staffs, tell them na lagyan ng AC ang lahat ng regular elevators.” Agad inilabas ni Ceres ang cellphone sa bulsa niya na siyang ikinagulat ko naman. Dahil lang sa nangyari kanina magpapalagay siya ng aircon? Siya ba ang may-ari para makagawa ng ganoong desisyon?
Sigurado naman akong empleyado lang din siya dito dahil kahit noong kasal pa kami, hindi ko nakikitang may kompanyang tinatrabaho ‘tong si Vulcan kaya napakaimposible.
“Looks like someone still cares for you,” bulong ni Eros ngunit hindi ko siya pinansin. Hinabol ko si Vulcan na ilang metro lang ang layo mula sa akin para kausapin.
“You don’t need to do that. Besides, you are just an employee kaya you don’t have the power to tell the others to do what you want.”
Pagkatapos kong sabihin ‘yon ay agad niya naman akong hinarap na may usual poker face at nakalagay pa talaga ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa ng pants niya na para bang ganoon na lang ang boredom niya ngayong kausap ako.
Magsasalita na sana siya ng marinig naming nag-aaway na naman sina Claretine at Zeus.
“C'mon Clare, I just want you to be better bago kita hayaang umalis. Pati ba naman ‘yon bawal?” habol ni Zeus sa kaniya.
“You can see clearly that I am completely fine Mr. Santos so your concern is not really needed. At isa pa, hindi porke't nangyari ang kung ano mang nangyari kanina ay okay na tayo. I still hate you so please stop showing some concern for me,” matigas na sagot ni Claretine na hindi naman pinakinggan ni Zeus.
“Bakit? Dahil marupok ka at kapag ipinilit ko ang sarili ko sa ‘yo bibigay ka na? Bakit ba kasi pinapahirapan mo pa ang sarili mo? Kung gusto mo ng bumalik sa akin hi—”
“Stop right there Zeus. Gusto mong malaman kung anong rason kung bakit ayaw kong pinapakitaan mo ako ng pag-aalala? Isang rason lang naman. Nagmumukha kang desperado Zeus. And I don’t like desperate people. So kung ayaw mong kamuhian pa kita lalo, leave me alone. For god’s sake!” putol ni Claretine sa kaniya bago ito naunang pumasok sa pinto. Naiwan naman si Zeus sa kinatatayuan niya habang tulala.
“Worry not. Hindi ko palalagyan ng AC ang mga elevators dahil lang sa ‘yo. Huwag mo sanang isipin na para ‘yon sa ‘yo. Ayokong inaalala ang mga bagay na walang halaga sa akin, ganoon din sa mga tao. I don’t see any reason why I should explain this to you but I don’t want to rise your hopes instead. I am doing this for my own good. Para kapag naulit ang pangyayaring ito….” Inisang hakbang niya lang ang pagitan namin bago hinawakan ang kamay kong may hawak na panyo, “…hindi na ako pagpapawisan. I’m sure you know I hate it kapag pinagpapawisan ako right? Ibang usapan naman pagdating sa kwarto.” Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng talikuran niya ako. Habang nagsasalita siya kanina, pinapahid niya ang panyong nasa kamay ko sa noo niya habang hawak niya ang kamay ko. Iniwanan niya naman ako ng isang kindat bago niya binitiwan ang kamay ko dahilan ng marahas na pagbagsak nito sa dating pwesto.
“Sorry Ven. Akala ko para sa ‘yo eh,” tinapik-tapik pa ni Eros ang balikat ko at sabay sila ni Ceres na pumasok sa pintong pinasukan ng dalawa.
“Huh! Why did I expected it in the very first place? Ang lakas naman yata ng loob ko,” hindi makapaniwalang bulong ko sa sarili.
I can’t believe na nasupalpal ako ni Vulcan sa isang ‘yon!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top