12
Maaga akong nagising kaya inayos ko na lang ‘yong mga papeles na kakailanganin ko sa meeting mamaya. Ano kayang uri ng kompanya ‘yong Hephaestus na ‘yon? Siguro matandang kalbo ang may-ari ng kompanyang ‘yon at tsaka baka amoy kalawang kasi nga bakal ‘yong produkto nila ‘di ba?
“Ami…are you awake already?” Agad akong napalingon sa kama ng magsalita si Venice. Ang aga niya namang magising.
Iniwan ko na muna ‘yong ginagawa ko at tinabihan siya upang patulugin ulit. “Baby, may work si mommy remember? You should go back to sleep na.”
Nakatitig lang ako sa kaniya habang hinahaplos ang buhok niya. “Sorry Venice. Sana mapatawad mo si mommy dahil hindi niya kayang ipakilala ang daddy mo sa ‘yo.”
Nagulat pa ako ng bigla-bigla siyang bumangon at umupo paharap sa akin. Akala ko nakabalik na sa pagtulog ang isang ‘to. “Mom, I know I am still a kid but I understand. I know how to keep quit and how to ask about random things. I am not a baby anymore.”
“Hmm..bulol ka pa nga eh,” pang-aasar ko na lang sa kaniya. Kung ano-ano talaga ang itinuturo ni Aether sa anak ko.
“Mommy I’m not bulol. I am just doing this because I don’t want you to worry about me. I am already on my second grade this school year and I can manage myself,” natameme ako sa mga salitang lumalabas sa bibig ng batang ‘to.
“Wha—ho—”
“Mommy, I know you want to baby me and I don’t want to take that away from you. But as time passes, I don’t want you to keep worrying about me when in fact I am now able to take care of myself and you.” Putol niya sa sasabihin ko. I keep on blinking my eyes kasi wala akong masabi. He’s now different from what he is yesterday. Very different.
“Kung ganoon, I want to say sorry kasi…kasi inilihim ko sa ‘yo ang tu—”
“Mom…you don’t need to explain your side. I can wait if you don’t have the courage to tell me your reason yet. I can wait mom,” hindi ko mapigilang hindi umiyak sa mga pinagsasasabi niya. Paano niya nasasasabi ang mga bagay na magpapagaan sa loob ko sa edad niya ngayon?
Talaga ngang totoo na mabilis lumipas ang panahon. Hindi ko man lang namalayan na kaya niya ng umintindi ng problema ng matatanda. “Paano ‘yan? Mabubully ka uli ng mga classmate mo dahil wala kang daddy?”
Tinuyo muna ng maliliit niyang kamay ang mga luha ko bago ako nginitian. “Tito Z's still their for me. He can be my daddy for a while hanggang sa magkaayos kayo ng totoong daddy ko. You don’t have to worry about me mom. Please stop crying.”
“Hmm…pati ‘yong pagtawag mo ng tito kay Zeus hindi na bulol ha. Ginagawa mong nakakatawa si mommy,” pagmamaktol ko.
“Of course not mom. I love you,” malambing niyang saad.
Bakit ang sweet ng baby ko ngayon? “I love you.”
Ihiniga ko siya ulit sa kama bago kinumutan. “Now, go back to sleep kasi maaga pa.” Tinalikuran ko siya pagkatapos niyang tumango para tapusin ang ginagawa ko.
After a while, ng magsimula ng lumabas ang haring araw, minabuti kong sa baba na lang tapusin ang ginagawa ko. Gusto kong uminom ng kape kaya sa may island counter ko na lang inilagay ang laptop ko. Maaga namang nagising si manang at agad na tinungo ang maliit na garden sa labas ng bahay habang si Rosie naman ay naglilinis ng pool.
Mag-isa lang ako na nagkakape doon hanggang sa sumulpot si Aether na nakabihis. “Saan punta mo at bihis na bihis ka?”
Hindi niya naman ako pinansin, sa halip, tinawag niya si Rosie para tanungin tungkol sa kuya niya.
“Maaga pong umalis si sir Zeus ma’am para mag-jogging,” magalang na sagot ng kasambahay.
Pagkatapos umalis ni Rosie para tapusin ang tinatrabaho niya, doon lang naisipan ng bruha na kausapin ako.
“Ang aga-aga nakaharap ka na agad sa laptop mo? Para saan ba ‘yan?”
“May meeting ako mamaya para sa isang company party. Nakalimutan kong i-edit ang mga menu na ipepresent ko mamaya kaya inagahan ko ang paggising para magkaroon pa ako ng oras dito. Ikaw ba? Aalis ka?” tanong ko naman sa kaniya na tinanguan niya.
“Saan ka pupunta?”
“Sa Japan,” balewalang sagot niya.
Nagtataka ko naman siyang binalingan ng tingin? “Anong gagawin mo sa Japan?”
“May plano kami ni Valmond na pupuntang Japan. Maya-maya lang darating na dito ‘yong sundo ko. Kaya nga tinatanong ko kung nandito pa ba si kuya, baka mahuli niya ako eh.”
“Valmond? As in ‘yong kaibigan ng kuya mo?” pagkaklaro ko na tinanguan niya lang ulit.
“Anong gagawin niyo sa Japan? At bakit kailangan maaga kayong umalis?”
“Ikaw naman. Para kang si mama kung magtanong ha. Binayaran ka ba ni kuya para maging imbestigador niya?” mapang-akusang tanong niya sa akin.
Agad ko naman siyang inismiran dahil sa tinanong niya. “Kailan pa ako pumayag na maging utusan ni Zeus? Kabaliktaran siguro pwede pa. Tsaka huwag mo ngang iniiba ang usapan. Anong gagawin niyo ni Valmond sa Japan at bakit kailangan maaga kayong umalis?”
“Magdedate.” Simpleng sagot niya na naging dahilan kung bakit ako nabulunan sa kapeng iniinom ko. Magdedate lang kailangan sa Japan talaga?
“Magdedate ng ganito kaaga? Nakadrugs ka ba eding?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Ano ka ba naman Ven. Of course kailangan naming dumating sa airport ng maaga, maiwan pa kami ng eroplano,” sagot niya.
“Mag-eeroplano kayo? Eh ‘di ba may sariling chopper naman si Valmond? Bakit kailangang sa eroplano pa?”
“Venus, date ang gagawin namin. Hindi payabangan. At isa pa, magtataka si kuya kung bakit aalis si Valmond ng nakachopper. Ginagamit lang naman niya ‘yong chopper niya kapag may emergency na eh. Kaya wala kaming ibang choice kundi ang mag-eroplano,” paliwanag niya.
“Sigurado ka ba diyan kay Valmond? Baka mamaya niyan paiyakin ka lang rin sa huli.”
“Kaya nga nabuo ang date Venus. Getting to know each other ika nga nila. Ano pang silbi ng getting to know each other stage kung susunggaban mo lang agad ‘yong tao. Dalagang pilipina din naman ako ‘no,” sagot niya na para bang hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga salita niya.
“Ewan ko sa ‘yo. Hanggang kailan ka naman mawawala?”
“Don’t worry. Hindi naman kami mawawala ng matagal. Kapag tinanong ka ni kuya kung nasaan ako, sabihin mo may importanteng ginawa lang.” paninigurado niya.
“Hanggang kailan ka nga sa Japan?” ulit ko.
“Heto naman. Akala mo naman aabutin ako ng isang taon sa Japan. Uuwi rin naman kami. Asahan mong wala pang nine o’clock nakauwi na ako.”
Nanlalaki naman ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. “Magdedate ng isang araw sa Japan pa talaga? Tapos sasabihin mo sa akin na hindi payabangan ang ginagawa niyo? Edi kayo na mayaman.”
“Venus naman. Makakahalata si kuya kapag umalis ako ng walang paalam tapos sa Japan pa ang punta ko. Don’t worry, bibilhan ko naman kayo ng pasalubong ni Loki eh.”
“Hala sige. Magdate na kayo. Buhay niyo naman ‘yan. Pera niyo rin ‘yan kaya wala akong magagawa diyan. Kung ako sa ‘yo, aalis na ako ngayon bago pa ako maabutan ng kuya ko,” utos ko sa kaniya.
“Uyy…kapag talaga nakakarinig ng pasalubong, walang kuskus balungos sa ‘yo eh ‘no?” pang-aasar niya pa.
“Sige na. Kapag naabutan ka ni Zeus siguradong mahihirapan ka ng makaalis,” pagtataboy ko sa kaniya.
“Sige na nga. See you later. Bye,” masiglang saad niya bago lumabas ng kusina. Grabe naman talaga. Tinalo pa ‘yong mga artista sa date eh ‘no? Isang araw lang magja-Japan pa? Nahiya naman ang mga dating places ng pilipinas sa kanila. May pa ‘getting to know each other' pang nalalaman, nagsusukatan lang naman ng yaman. Mga mayayaman nga naman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top