11
“Pambihira naman Aether oh! Aatakihin ako sa puso dahil lang diyan sa kabaliwan mo, at tsaka isa pa, paano mo naman nasabing kasal si Venus eh kahit kailan hindi ko nakitang may suot siyang wedding ring,” inis na saad ni Zeus. Hindi makapaniwala sa ginawa ng kapatid.
Panay naman ang paglunok ko ng umabot sa kasal at singsing ang usapan namin. Paano nga ba nalaman ni Aether na ikinasal ako eh kahit lasing ako wala akong sinabi tungkol sa bagay na ‘yon.
“Here,” nagpunas muna siya ng mukha bago may dinukot sa bulsa ng shorts niya. Nagulat pa ako ng naglabas siya ng dalawang singsing. At hinding-hindi ako magkakamaling makilala ang mga singsing na ‘yon. “P-paano napunta sa ‘yo ‘yan?”
“Patingin nga.” Agad ibinigay ni Aether ang singsing sa kuya niya. “Mamahalin ang isang ‘to ha. Totoo bang sa ‘yo ang nga singsing na ‘to Ven?”
“Saan mo ‘yan nakuha Aether?” imbes na sagutin siya, ibinaling ko ang atensiyon ko sa kapatid niya.
“Actually, I accidentally found it back then at your old unit. Kasi naglaro kami ni Loki that time then noong nakatulog na siya, iniligpit ko ‘yong mga kalat namin. And then ‘yon na. Nakita ko ang lalagyan niyan sa ilalim ng side table. At first hindi ko na lang pinansin dahil baka wala lang but then I saw the design. The design is one of the famous jewelry brand in France kaya kinuha ko na. Nagdadalawang isip pa nga ako kung sasabihin ko ba sa ‘yo o huwag na lang kaso nakalimutan ko at ngayon ko lang naalala. Tell me Venus, gaano kayaman ang napangasawa mo?” sagot ni Aether.
“Hindi siya mayaman ‘no at isa pa, hindi akin ‘yan. Baka ‘yong nauna sa amin ang may-ari niyan.” Depensa ko sa sarili. Bakit ko ba kasi nakalimutang itago ang bagay na ‘yan? Ngayon panibagong problema na naman.
“Anong hindi? Don’t tell me Venus Grace Vesta din ang pangalan ng nauna sa inyo sa unit na ‘yon? You know you sucks at lying kaya huwag ka ng magpakatrying hard diyan. Sabihin mo na lang kasi,” bwisit! Pahamak talaga! Bakit ba kasi kailangan may pangalan ko pa? Kahit kailan talaga Vulcan hindi mo ako tinatantanan eh!
“Akin na nga ‘yan. I don’t want to talk about it. It’s over and I’m not up for any reminiscing.” Putol ko sa usapan bago tinago ang mga singsing. Pambihira naman talaga eh.
“Hmmm…ayaw mo lang talaga na ipakilala sa akin kung sino man ‘yang sugar daddy na nabingwit mo. Nagbabakasakali lang naman ako baka may mga kaibigan din siyang single and ready to mingle. Anong malay natin,” pakindat-kindat pa na saad niya. Marunong palang lumandi ang isang ‘to.
“Hoy eding umayos ka ha!” sita naman ng kuya niya na ikinalukot ng mukha niya.
“Kuya naman. I told you more than a million times na don’t call me eding! It sounds gross! Ayokong marinig ang pangalan na ‘yon!”
“Sus…nagdadahilan pa. Iniiba mo lang ‘yong usapan eh. Subukan mo lang lumandi, makakatikim ka sa akin,” banta ng kuya niya na inirapan lang naman niya.
“Palibhasa kasi hindi ka na pinapansin ni ate Claretine kaya ka bitter sa love life ko. Kung bakit ba kasi naghanap ka pa ng iba kahit na alam mong nandiyan na siya?” naintriga naman ako sa sinabi ni Aether. Magkaibigan nga talaga sila ni Vulcan. Hindi nakukuntento sa iisang babae lang. Gusto palaging may reserba eh.
“It’s not like that. I didn’t cheat, hell that’s not even in my mind. Ang problema kasi sa inyong mga babae, iniisip niyo na parati kayong tama. Hindi niyo na inisip kung mali ba ang mga pinaggagagawa niyo, akusa na lang kayo ng akusa eh wala rin namang katotohanan. At kapag sinabing mali kayo, ayun nagagalit agad. Ano na lang ba kaming mga lalaki? Dapat ba kasalanan na lang namin palagi? Wala ba kaming karapatang i-explain ang sarili namin? Magiging dehado na lang ba kami palagi? Minsan tama rin naman kami ha, pero dahil ang kikitid niyong mag-isip at umintindi girls, kami pa rin ang mali sa huli. Kasalanan pa rin namin sa huli. Kaya huwag niyong sasabihing nagloko kami at sinungaling kasi kung willing lang naman kayong pakinggan ang explanations namin, edi sana nalaman niyo ‘yong totoo. Hindi ‘yong hahantong sa hiwalayan tapos kapag nakita niyong may ibang kasama kami sasabihin niyong hinihintay lang talaga naming makipagbreak kayo para malaya na kaming makipaglandian. Anong mindset ba meron kayong mga babae?” natigilan naman ako sa sinagot ni Zeus. Maging si Aether nakatulala lang na nakatingin sa kuya niya. Kasalanan ba talaga namin ang lahat? Talaga bang hindi kami nakikinig sa explanations na meron sila? Eh mas malakas naman ‘yong gut feeling namin kaya bakit pa namin kailangan ng explanations kung sa umpisa pa lang tama na kami?
“Did you…not really cheat on her?” tanong ni Aether ng makabawi.
Bumuntong hininga muna ng malalim si Zeus bago sumagot. “I love her, I still do and cheating on her is really not on my mind. It just happened na nakita niya akong may kasamang ibang babae sa isang restaurant. That girl is my client’s secretary and that place is our meeting place para pag-usapan ang trabaho. Ang totoo nga niyan, may dalawang lalaki pa siyang kasama no'n, ang kaso na-late kaya nagkwentuhan na muna kami habang naghihintay sa mga kasama niya. I kept on boasting her to that girl because I am proud that she’s mine. But I didn’t know that that will be the last time na pwede ko siyang ipagyabang sa iba bilang akin. How sad the sudden turn of event right? Umalis ako sa opisina na kami pa, umuwi akong single na.”
“Did you explained to her the real story?” tanong ko naman. May ganito pa lang nangyari sa love life niya? May dahilan din ba si Vulcan na hindi ko man lang pinakinggan? Kasalanan ko bang lumaki si Venice ng walang ama?
“What for? Eh ayaw niya nga akong pakinggan kaya bakit ko pa ipipilit ang dahilan ko? Kaya kayo girls, huwag kayong basta husga na lang ng husga. Yes, men are always men pero kapag nagmahal kami, wala ng halaga ‘yang men are always men na kasabihan na ‘yan.”
“And here I thought na cheater ang kapatid ko.” Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Aether bago tumayo. “Aakyat na ako. I have things to do.”
“Hep, hep, hep…” Pigil ng kuya niya sa tangkang pag-alis niya. “Umupo ka ulit,” utos nito na kunot-noong sinunod niya naman.
“Bakit?”
“Akala mo hindi ko napapansin? Napapadalas ata ang pag-alis mo ng bansa nitong mga nakaraang araw ha. Sinong kasama mo? Huwag mong sabihing mag-isa ka lang kasi nakita kong tigdadalawa ticket mo. Umamin ka sa akin Aether,” possessive na tanong ng kuya niya.
Wala namang ibang ginawa si Aether kundi ang bigyan ang kuya niya ng hilaw na ngiti. “Ano ka ba naman kuya, of course I also have friends. Pwede naman siguro kaming umalis ng bansa ‘di ba?”
“Eh bakit dalawa lang ang ticket? At bakit ikaw ang may hawak?”
“Kuya naman…kung gusto mong sumama magsabi ka lang. Hindi ‘yong iniinterrogate mo ako. Akala mo naman may kasalanan na akong nagawa. Diyan ka na nga. Good night Ven.”
“Good night,” saad ko na lang sa paalis na Aether. “Ngayon ano ka?” baling ko naman kay Zeus.
“Gusto ko lang namang magpakakuya. Mali ba ‘yon?” Malungkot niyang saad.
“Medyo” sagot ko na may ngiti sa labi bago tumayo at niligpit ang pinagkainan.
“Good night na. Matulog ka na rin,” bilin ko ng maabutan pa rin siya sa pwesto kung saan siya nakaupo kanina.
Sign na ba ‘to na kailangan ko ng kausapin si Vulcan? O baka naman dahil lang sa pagiging guilty kaya ako natamaan sa mga sinabi ni Zeus kanina? Binalewala ko na lang ang mga tanong na pumapasok sa utak ko at sumampa na lang sa kama upang makatulog na. Panibagong pagod na naman ang maaani ko bukas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top