10
Kanina pa tulog si Venice. Mukhang mas napagod nga siya kesa sa akin eh. Ang likot-likot naman kasi. Kanina ko na rin siya tinititigan. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko ng umalis sa tabi niya. Sa katunayan nga, kahit kanina pa nagrereklamo itong sikmura ko, hindi ko pa rin magawang umalis sa pagkakadapa dito sa tabi niya. Siguro ganoon talaga kapag isa ka ng ina.
Ang bilis din kasi ng panahon. Parang noon lang napupuyat pa ako kakakarga sa batang ‘to kasi ang hilig-hilig umiyak, ngayon kaya niya ng makipaghalubilo sa mga tao. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang sisihin ang mabilis na paglaki niya o dapat kong sisihin ang sarili ko. Siguro mas nakatuon ang atensiyon ko sa pag-iipon ng pera para sa kinabukasan niya kaya nababawasan ang oras ko sa kaniya.
“Sorry Venice. Hindi kasi kaya ni mommy na makasama si daddy eh. Kailangan mo tuloy na lumaking walang ama. Kung naging maganda lang ang pagsasama namin ng daddy mo, hindi ka sana nahihirapan ng ganito,” agad kong pinunasan ang luhang nagsimulang mamalisbis sa mga mata ko. Pinahid ko pa nga ‘yong tumulo sa noo ni Venice pagkatapos ko siyang halikan.
Inayos ko muna ang kumot bago siya iniwan. Kailangan ko na talagang kumain. Wala na sina Zeus sa sala. Hindi ko rin sila nakita sa dining area na ikinaginhawa ko naman. Hindi ko alam kung ano ang gagawin oras na malaman nilang nakatira ako sa iisang bahay kasama si Zeus.
“Oh! Akala ko tulog ka na.” bungad sa akin ni Zeus pagkapasok niya.
“Nagutom ako eh,” sagot ko na lang ng hindi siya tinitignan.
Panay naman ang tapon niya ng tingin sa akin na ikinainis ko. “Ano? May sasabihin ka?” bakit ba kasi hindi na lang magtanong?
“Kanina kasi…ahh…ano. I know it’s weird and impossible pero gusto ko lang magtanong kung kay Vulcan ba—”
“No! Venice is mine. Hindi siya anak ni Vulcan! He will never be his father. Anak ko lang siya…mine only!” putol ko sa sasabihin niya. Hindi nila pwedeng malaman kung sino ang ama ni Venice. Magkakagulo at sigurado akong gagawin ni Vulcan lahat para lang makuha si Venice. I don’t want Venice to experience having a father na mahal ang asawa ng kapatid niya. Mas gugustuhin ko pang masaktan sa tuwing tatanungin ni Venice ang mga taong nakapalibot sa kaniya tungkol sa ama niya kesa ang mapunta siya sa ama niyang hindi marunong magmove-on. Baka kapag dumating ang araw na ‘yon, pabayaan lang siya ng ama niya. Hinding-hindi ko talaga mapapatawad si Vulcan kapag nangyari ‘yon!
“Okay! Okay! Chill…hindi ko naman sinabing si Vulcan ang ama ni Loki. Alam kong hindi mo papatulan ang lalaking kagaya ni Vulcan at isa pa, I doubt kung papatol ‘yon sa iba. Eh may history sila ng asawa ng kapatid niya. Anong malay ko kung hanggang ngayon broken hearted pa rin siya? Ang gusto ko lang naman tanungin is…” inilapit niya pa ang mukha niya para mas marinig ko ang sasabihin niya.
“Obsess ka siguro sa mukha ni Vulcan ‘no? Lahat ba ng newspapers, magazines, brochures at mga articles na may mukha niya pinaglihian mo—oh bakit? Pwede naman ‘yon ‘di ba?”
Hahambalusin ko pa sana siya ng kutsarang hawak ko, mabuti na lang at agad siyang nakaiwas dahil kung hindi, siguradong mabubukulan ang bwisit na ‘to. “Akala ko pa naman ano ng sasabihin mo. Wala rin palang kwenta katulad mo!” bwisit talaga! Kinabahan pa ako sa mga ikinilos niya tapos tatanungin lang ako ng walang kakwenta-kwentang tanong? Pukpukin ko kaya ulo nito at baka magtino?
“Walang kwenta? Mas walang kwenta kung iisipin kong si Vulcan talaga ang ama ng bata. Come to think of it Ven, Loki looks like the younger version of Vulcan. Hindi ka ba nagtataka kung bakit magkamukha sila gayong hindi naman sila magkadugo?” natigilan naman ako sa tanong niya. Hindi dahil ngayon ko lang narealize ang tanong niya kundi dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya. Kung bakit ba kasi pumunta-punta pa ‘yong gagong ‘yon dito eh!
“See? Wala kang maisagot. Kasi nga…tama ako. Pinaglihian mo ang mukha ni Vulcan noong pinagbubuntis mo pa si Loki.” Dagdag niya pa habang may ngisi sa labi.
“Siguro hanggang ngayon crush na crush mo ‘yong kaibigan ko ‘no? Pwede kitang ilakad kung gusto mo,” ani niya ulit sabay kindat.
“Gusto mo tamaan ng kutsara? Sabihin mo lang, gagawin ko. Kita mo ng busy ako sa trabaho, dadagdagan mo pa. Minsan ko na nga lang nakakasama ang anak ko, ninanakawan mo pa ng oras. Wala akong panahon diyan ‘no!” asik ko. Utak talaga nito binabahayan ng gagamba eh.
“Bakit? Hindi ka pa naman ganoon katanda para magmahal ulit ha. Anong malay natin, baka sa ikalawang pagkakataon makapili ka na ng seseryoso sa ‘yo?” ayaw talaga patalo eh.
“Alam mo Zeus, baka nga pinaglilihian ko ang mukha ng kaibigan mo noong nagbubuntis pa ako, but that doesn’t mean gusto ko ang kaibigan mo. Pregnant women have unexplainable hormones. Pabago-bago at mahirap sundan. Kung gusto mong magsettle down ang kaibigan mo, iba na lang hanapin mo. I don’t want to entertain another heartbreak. Sorry,” sagot ko bago pinagpatuloy ang pagkain. Ayokong humaba ang usapan tungkol kay Venice at sa ama niya. Baka madulas pa ‘yong dila ko at masabi ang hindi dapat masabi.
Sinaluhan niya naman ako habang nag-uusap kami ng kung anu-ano. Nagulat pa kaming dalawa ng bigla na lang umupo si Aether sa tabi ko habang tulala.
“Hoy! Okay ka lang?” tanong ng kuya niya.
“Hoy, Aether Santos! Tinatanong kita!” Ulit ng kuya niya. Pati ako napatalon ng bigla na lang hinampas ni Zeus ang mesa.
“Anong problema mo?” Kunot-noong tanong ni Aether. Nanahimik na lang ako sa tabi. Baliw talaga ‘tong si Zeus, alam ng masamang gulatin ‘yong kapatid niya ginawa niya pa rin. Hay!
“Tinatanong kita kung okay ka lang. Tulala ka kasi diyan.” Hindi niya sinagot ang kuya niya. Sa halip, binalingan niya ako bago nagsimulang umiyak.
Nagulat naman ako sa biglaang pagtulo ng luha niya. “T-teka…may masakit ba sa ‘yo? Bakit ka umiiyak? May problema ba? Eding sumagot ka nga!” Hindi ko alam ang gagawin ko. Maging si Zeus napuno ng pag-aalala at walang ibang ginawa kundi ang magmura ng magmura dahil kahit isa sa tanong ko, walang sinagot si Aether.
“Fuck Aether! Kapag hindi ka pa nagsalita mapipilitan akong tawagan sina mama. Ano bang problema mo at bakit bigla-bigla ka na lang umiiyak?”
“Kasi..kasi…”
“Kasi ano? Ano nga?” frustrated na tanong ulit ng kuya niya. Panay hilamos na ng mukha niya si Zeus dahil sa pag-aalala.
“Isa Aether ha. Kapag hindi ka pa suma—”
“Kasi ang unfair ni Venus! Ang sama-sama ng ugali niya!” putol niya sa kuya niya.
“Ako?” Gulat na tanong ko naman habang tinuturo ang sarili ko. “Anong ginawa ko?”
“Kasi hindi niya sinabing kasal na pala siya. Hindi niya man lang ako kinuha bilang bridesmaid o kahit maid of honor man lang!” sagot niya sa tanong ko bago umiyak ng umiyak.
Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya. Dahil lang doon kaya siya nagkakaganito? Baliw nga talaga siguro ang magkapatid na ‘to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top