1
I know that you will back girl...
When your days and your nights get a little bit colder ohh...
My car greeted me with such a fucking heartbreaking song the moment I entered.
I know that you'll be right back babe...
Oh baby believe me it's only a matter of time...
Kaso hindi eh. Ilang taon na ba ang lumipas simula nung maghintay ako kung kailan ulit siya babalik sa akin?
"Man, let's go. The wedding's about to start," one of my friends knock the window para sabihan ako.
Kanina pa ako kinakabahan. I am tense. I admit, my hands are fucking cold and it's shaking. Damn! I should be happy right now but I couldn't help myself but to be nervous.
....
"I vow to be your partner, your wife, your best friend and your human shoulder to help you carry all of your burdens that you'll have for the rest of my existence. Hanggang sa magunaw ang mundo, hinding-hindi ako magsasawang mahalin at alagaan ka. I love you love, always and forever," she said while tears are visible in her eyes.
"You may now kiss your bride," the priest announce.
The wedding officially ended with two happy hearts contented with each other.
After the solemn wedding ceremony, picture taking takes place. I am now preparing the camera for my best shot when I suddenly capture her most beautiful smile. The smile supposed only for me. Dahan-dahan kong ibinaba ang camera. We're facing each other. I can't help but to tremble, not in fear but with my so many what ifs. I should be the one.
I can see how happy she is right now. I can see how much she glow that I didn't see when she's still with me. Tears are visible in her eyes but that doesn't change a thing that she's still beautiful despite of that.
"Hai. Thank you," she uttered first. Hindi ko alam kung anong gagawin. Gusto ng isip ko na umalis na dahil alam nitong hindi ko kayang magpigil kapag kaharap ko siya pero yung mga paa ko...hindi ko maigalaw.
"I am happy for the both of you. After so many hardships and sacrifices, you two end up together. Masaya akong nakikitang masaya ka. You deserve him more than I deserve you. I still love you baby, but you are free now. Please be happy with him, take care of him and love him. Best wishes to the both of you. Good bye, Brianna," I stated while slowly turning my back away from her, from them. I am now giving my heart to the man I trust the most. I am giving my life to my only brother.
"Please take care and love her foerever," huli kong sambit bago pumasok sa kotse at nagmaneho palayo doon. Palayo sa babaeng mahal ko. Napagdesisyunan kong huwag nalang umattend sa reception nila. Mabuti na rin 'yon at ng may matirang katinuan pa sa utak ko.
I didn't blame her. Hindi ko siya sinising hindi ako ang pinili niya. She's already twenty and I am just a mere seventeen year old boy. Anong laban ko sa kuya ko? They look good in each other.
She said I should wait when the time comes. Sabi niya kung kami, kami talaga. Umalis siya ng walang pasabi. Para na akong mababaliw kakaisip kung saan ko siya hahanapin, kakaisip kung hanggang kailan ko siya hihintayin. Kung babalik pa ba siya? kung ako pa ba? kung wala bang nagbago? o kung may iba na ba?
Mama scolded me several times kasi napapabayaan ko na 'yong pag-aaral ko, na wala na akong ibang inatupag kundi ang babaeng iniwan lang daw ako. She compared me to my brother, kesyo daw bakit hindi ko gayahin ang kuya ko, edi sana maganda daw ang image ko. But I don't care about that. I don't care what they all think, all I think that time is bahala na kung bumagsak ako sa school, bahala na kung hindi ako maging katulad ni kuya, bahala nang maubos ang pera namin kakahanap ko sa kaniya, pero ilang araw, buwan, taon na ang lumipas, kahit isang hint galing sa kaniya wala akong makuha.
Ginawa ni mama ang lahat para hindi lang ako bumagsak sa school. She even imprisoned me in my room, away of everything para lang daw bumalik ako sa katinuan. But even that doesn't stop me from loving her. I kept on looking for her everywhere. Nahinto lang noong nalaman kong nagkasakit si mama. I forgot everything what I am planning when her doctor said na kailangan niyang operahan. May namumuong bukol daw sa dibdib ni mama and if not taken cared of, maaari niyang ikamatay.
I am torn between the things I have to do and the things that I must do. Tinawagan nila si kuya na nasa Venice nang mga panahong 'yon. The moment I decided na tigilan na ang kahibangan ko, na tigilan na ang paghahanap sa kaniya at ituon na ang buong atensyon kay mama, is the moment my heart shattered into millions of pieces.
During my mother's operation, umuwi si kuya. Sabi niya it's a surprise. Surprise para sa paglabas ni mama sa operating room, masisilayan niya ang dalawang anak niya. Surprise para kay papa dahil noon lang nag-uwi ng babae si kuya. Surprise para sa akin dahil ang babaeng hinahanap ko, matagal na palang nasa piling ng kapatid ko.
"Akalain mo pare, dalawang taon kang halos muntikan nang mabaliw kakahanap sa kaniya tapos pagkalipas nang apat na taon, kasal na sila ng kuya mo. How ironic," Valmond said na siyang nakapagpabalik sa huwisyo ko.
Hindi ko man lang namalayang lutang na naman ako.
Dito ako dumeretso sa pag-aaring bar ni Valmond pagkaalis ko sa simbahan. Gusto ko nalang idaan sa alak ang lahat ng nangyayari sa buhay ko.
"Anim na taon na rin ang nakalipas, mahal ko pa rin siya," tugon ko na siyang nakapagpatahimik sa kanilang lahat. Kumpleto ang tropa namin dito, palibhasa may sawi sa grupo. Pero kapag nasa mabuting kondisyon ang lahat, halos lahat walang oras.
"Dude, you should move on. End game na, wala ka ng aasahan. Kung noon baka meron pa, ngayon, talagang wala na." Saad naman ni Ceres.
"Hayaan niyo 'yan, sigurado akong may dadating na bagong babaeng magiging dahilan ng tuluyang pagkabaliw niyan," tugon naman ni Eros na sinundan ng pustahan ni Val.
Mga baliw. Pero sana nga. Sana nga may dumating na bago na mapagbabalingan ko ng pagmamahal ko. Nakakapagod din naman minsan, pero hindi ko naman kayang pigilan.
Kung sana lang kaya kong pahintuin sa pagmamahal 'tong puso ko, ginawa ko na para lang mapayapa ang buhay ko. Kung sana nga lang.
____________________________________
Listen to Always be my Baby by Mariah Carey if you like the song💞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top