08: why?
˗ˏˋ08: why?'ˎ˗
・゜✭・because・✫・゜
minho's pov
"Nabili mo ba lahat?"
Kakapasok ko pa lang ng bahay nang salubungin na ako ni Eomma para kuhanin ang mga bitbit kong gulay na pinabili niya. She returned home early this morning at alalang-alala siya kay Byeol nang makita na sa sofa ito natutulog kanina. I looked around when I noticed she's no longer lying on the sofa. Maya-maya lang ang lumabas siya galing kusina.
"How are--"
"Eomma," lumapit siya sa nanay ko at tinulungan ito sa inaayos niyang mga gulay.
Did she just ignore me?
Napailing na lang ako. Baka hindi niya lang ako narinig.
Dumiretso na lang ako sa taas at iniwan silang nag uusap. My mom kept on asking if she's feeling better now and she's answering positively pero halatang hindi pa bumaballik ang lakas niya. She looked so sick last night. I didn't know a girl could feel that much pain when in period.
"Doongie-ya..." I called on my cat and gently scratched his belly.
"I'm responsible for you. I should at least know when you're in pain."
She did not answer me back after I said that. And the way she looked at me, I thought she's so transparent pero hindi ko maipaliwanag ang ibig niyang sabihin sa mga tingin niya sa akin noong sabihin ko iyon kagabi. Was it because the lights were so dim, I couldn't see her expression properly?
"May mali ba sa sinabi ko?" tanong ko sa nilalaro kong pusa. I'm not wrong, though. It's true that I am responsible for her. In fact, she's also my mom's responsibility now that she lives here.
The doorbell suddenly rang, and I heard my mom greeting someone. Hindi naman kami madalas magkabisita ng ganitong oras.
"Oh, ikaw iyong panganay ni Mina, hindi ba?"
Tita Mina? Panganay?
"Raebin po, Tita."
Ano namang ginagawa niya rito?
"Oh, Minho anak. Si Raebin nga pala, nagkita na kayo noong isang araw, hindi ba?" tanong ni Eomma pagkababang-pagkababa ko. I just nodded and went to the kitchen to get water for myself. Nadaanan ko pa si Byeol pero hindi niya ako pinansin.
"Napadaan ka?"
"AH, ito nga po pala. Nagluto po si Mama ng Samgyetang." He handed a sealed bowl to my mom.
"Naku, salamat! Maupo ka muna d'yan. AH oo nga pala!" Papunta na sa kusina si Eomma nang bigla ulit siyang bumalik.
"Si Byeol nga pala, nagkita na rin kayo hindi ba?" Byeol nodded with a smile at ganoon rin si Raebin. He's smiling way too wide, baka mapunit ang bibig niya.
"Fianc--" napatigil si Eomma sa pagsasalita nang biglang umubo si Byeol. She's really so bad at acting, kahit pag ubo niya halatang peke. Tiningnan niya pa ako saglit bago siya bumaling kay Eomma at pasimpleng umiling. My mom was quick to get that saka tumango at iniwan iyong dalawa na nag uusap. When she passed me by, binigyan niya pa ako ng makabuluhang tingin.
Anong gusto niyang gawin ko?
"Nice to see you again,"
"Nice to see you again! K-kamusta? Si Yebin, nasa inyo ba?"
Wow, close 'yan?
Bumalik si Mama na may dala nang tinapay at juice. Tiningnan niya pa ulit ako sa pagdaan niyang iyon na para bang may gusto siyang sabihin. Narinig ko naman na medyo nagtatawanan na iyong dalawa. Parang kagabi lang lantang gulay siya, ngayon parang ang sigla niya na.
"Tita, okay lang po ba na lumabas kami ni Byeol?" Bahagya ko namang naibuga ang tubig na mga limang minuto ko na atang iniinom.
"Saan kayo pupunta?"
"Ah, gusto po kasi ng kapatid ko pumunta sa playground. Actually, I'm not familiar with this village now, it's been years na po kasi." Kung hindi siya pamilyar, paano pa kaya si Byeol? Wala pa nga siyang isang buwan dito.
"Ahm..." Napansin ko ang kamay ni Eomma na pasimpleng sumesenyas para lumapit ako.
"Sa totoo n'yan, bagong lipat lang din kasi si Byeol dito sa amin. Hindi pa rin siya pamilyar masyado dito. Pero p'wede naman kayong samahan ni Minho--"
"Okay lang po, Eomma." Byeol stood up.
"Nakita ko naman po iyong playground kahapon noong lumabas kami ni Minho. Okay lang po kahit kami na lang." She would steal glances at me while saying those. There's no way she's not avoiding me at this point.
Bakit? For what reason?
"A-ahh. Kung ganoon, sige. Pero okay ka na ba? Hindi na masama pakiramdam mo?"
"Okay na po ako. Balik na lang po ako agad para sabay na po tayong mananghalian."
Tumango-tango si Eomma at hinatid pa iyong dalawa hanggang pintuan. Akala mo naman mawawala sila.
"Anong ginawa mo?" Iyon agad ang tanong niya pagkasaradong-pagkasarado ng pinto. I agve my mom a surprised and confused look.
"Bakit ako? Wala akong ginawa,"
"Bakit umiiwas sa iyo si Byeol? Imposibleng wala kang ginawa,"
"Eomma, sino ba ang anak mo sa aming dalawa?" Sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Tingnan mo, hindi mo man lang ba sila susundan?"
"Bakit ko naman po sila susundan? Malalaki na sila." Napabuntong-hininga na lang si Eomma saka umiling.
"Kawawa naman talaga ang anak ko..."
"Ako? Bakit--"
"Hindi ikaw, si Byeol."
Wow...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top