07: because

˗ˏˋ07'ˎ˗

・゜because・゜

byeol's pov

"Cute..."

Nakadapa ako sa kama habang pinagmamasdan ang lamp na binili ni Minho kanina. Hugis ulap ito na may nakangiting emosyon na drawing. Tinapik-tapik ko ito para buksan at patayin ang sindi. I also got up from my bed and turned off the ceiling light, leaving the light from the lamp as the only thing that illuminates the room.

Bumalik ako sa posisyon ko kanina. Pinagpatong ang dalawa kong braso at ipinahinga rito ang baba ko.

Naalala ko lang ang mga nangyari kanina. When he was carrying me, aside from feeling my own anxious heartbeat, rinig na rinig ko rin ang tibok ng puso niya. It was rather slow beats. Mabagal na biglang bumilis. Siguro nabigatan na siya bigla sa akin.

When he was setting the table, and when he prepared the food for both of us, that was the first time he did that. Usually kasi he would ask me to do it on my own.

Then when we went out. I actually did not expect that he would spend some time with me. Hindi kaya inutusan siya ng mama niya? Hmmm.

But whatever the reason is, I'm just so happy today to have spent some time with him. As if everything's just normal between us.

[1:30 a.m]

"Aray..." Harap sa kanan, harap sa kaliwa. Nakabaluktot na ang katawan ko habang ipit-ipit ang parteng tiyan gamit ang dalawang kamay ko.

Bago ako natulog kagabi, naramdaman ko nang may magiging bisita ako at hindi nga ako nagkamali. Ito pa naman ang pinaka ayaw ko sa lahat. First day of menstruation is the worst!

Marahan akong bumangon at pinilit na maglakad palabas ng kwarto. I'm actually so envious of other girls. Sa iba normal lang ang mga gantong araw sa kanila. Tapos ako, I have very low pain tolerance and it's no joke when I say na sobrang sakit talaga kapag una hanggang pangalawang araw ko.

I go pale, my body could barely move, sometimes I even pass out. Right now, kaunti na lang at mukhang mawawalan na ako ng malay. But I don't want to make a big deal out of it. Especially to Minho. Besides, we just started to get along well. I don't want him to find me a nuisance.

"Eomma..."

I looked around when I reached the first floor pero wala pa rin si Eomma. Hindi ko alam na hindi ngayon ang uwi niya.

"Ah.." I bent down at mas lalong hingpitan ang pag ipit sa puson ko. Ramdam ko na ang tagaktak ng malamig kong pawis. Nangangatog na rin ang tuhod ko sa sobrang sakit.

I looked up in the direction of Minho's unit pero agad din akong umiling. I can't bother him. Malamang tulog na siya sa oras na ito. Isa pa, I can't expect him to bring me to the hospital.

Pinilit kong tumayo at inikot ang tingin. Hindi ko alam kung saan nakalagay ang gamutan nila. I used the remaining energy I had in me looking for a pain medicine. Kalkal dito, kalkal doon pero wala akong nakita. I was only able to see a hot compress in one of the cabinets.

Agad akong nagpainit ng tubig. I made sure not to make so much noise while doing so. Nag iwan lang din ako ng isang bukas na ilaw para naman hindi masyadong maliwanag dito sa baba. While waiting for the water to boil, naupo ako at isinandal ang likod sa pinto ng mababang cabinet.

I closed my eyes so tight trying to fight the pain. The kettle started to whistle at agad ko iyong pinatay. I could feel my body getting weaker every movement I make pero pinilit ko pa ring isalin ang tubig sa hot compress.

"Ah!" I groaned in pain when the freshly boiled water was poured on my other hand instead of the hot compress it was holding. Nabitawan ko rin iyon at agad na ibinaba ang painitan saka napahingal sa sobrang sakit ng pagkakapaso. My burnt hand and the excruciating pain I've been feeling was enough to make me cry.

"Byeol?" I looked up and saw Minho slowly walking towards my direction. He looked confused with the mess I made from looking for medicine and now the wet floor and my state.

"Anong nangyari? Bakit...?" His eyes landed on my hand na mas namula na ngayon then to me. Ngayon ay napahagulhol na ako sa iyak. Hindi ko alam kung sa sakit pa ba 'to o sa hormones ko na. But I just started to burst out crying.

Lumapit sa akin si Minho at hinawakan ang kamay. He looked around trying to find something pero binalik niya ulit ang tingin sa akin at inalalayan ako paupo sa couch. Para akong batang humihibi sa pag iyak. Pinaghalo na nga siguro itong sakit at hiya.

Umalis siya saglit at bumalik na may dala na ngayong cold compress. Naupo siya sa tabi ko at kinuha ang kaliwang kamay ko saka dahan-dahan itong nilapatan ng hawak niya.

"'Wag ka masyadong magalaw," napatikhim ako sa pag iyak para hindi masyado gumalaw ang kamay ko.

"S-sorry—"

"I'd appreciate it more kung sasabihin mo kung anong ginagawa mo rito sa baba ng ganitong oras at bakit-" mula sa kamay ko ay ibinaling niya ang tingin sa akin.

"Nag.. naghahanap ako ng gamot..."

"Gamot?"

"I..." Hindi ko masabi ng deretso sa kaniya ang mismong dahilan kung bakit pero napahawak na lang ulit ako sa puson ko nang umatake na naman ang pagsintak ng sakit nito.

"Are you on your period?" Marahan akong tumango. Mataman niya muna akong tiningnan saka siya napahinga ng malalim.

"Are you stupid? Napakalapit ng kwarto ko sa kwarto mo. If you're in pain, you should have knocked." Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung galit ba siya o nag-aalala.

"Ayokong... ayokong istorbohin ka," umiwas ako ng tingin. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko ang pabigat at istorbo ko na sa kaniya.

"Hindi ka istorbo." I looked at him again.

"I'm responsible for you. I should at least know when you're in pain."

Those words felt as if it's the most genuine thing he has ever said to me. Parang nawala ang sakit na nararamdaman ko kanina lang. I just looked at him, still with the tears I cried earlier.

The look in his eyes. It's filled with worry, guilt, and...

Care.

Why..?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top