06: your eyes




˗ˏˋ 06'ˎ˗

・゜your eyes・゜

byeol's pov


Sunday morning.

Maaga akong nagising ngayon kumpara noong una-una. Mukhang nag-iiba na ang body closk ko simula noong lumipat ako rito. Matapos magawa ang morning routine ko sa loob ng kwarto ay lumabas na ako para mag almusal. Wala si Eomma ngayon, sabi niya kagabi sa amin ni Minho ay may lakad sila ng mga kumare niya.

"Lalala--" pababa na ako ng hagdan papunta sa kusina nang matigilan ako sa nakita.

"D-dori..." My last step landed in an anxious state at the sight of Dori, Minho's youngest cat.

"Dori-" Minho came out of the kitchen looking for Dori, then he looked at me. Habang ako naman ay nakatulala lang sa kinatatayuan at hindi makagalaaw. Naramdaman ko pa ang sariling paglunok.

Ibinaba ni Minho ang mga hawak niyang gamit saka kinuha si Dori at kinarga ito na parang bata. Para akong nabunutan ng tinik sa ginawa niyang iyon.

"Hanggang ngayon takot ka pa rin sa pusa." He wasn't looking at me. Kay Dori siya nakatingin peor dahil kami lang naman ang tao rito sa bahay, ako ang kausap niya, hindi ba?

"Oh?" May pagtataka kong reaksyon.

Since when he knew I was scared of cats?

"Bakit ang aga mong nagising? Pinababa ko muna sila kasi akala ko tulog ka pa."

"Teka... Sila?" Tumango siya at luminga-linga. Just before it hit me na pati ang dalawa niyang pusa na si Soonie at Doongie ay nasa baba rin, nakarinig ako ng komosyon mula sa likuran ko at...

"AHHH!"

It just happened so fast. Adrenaline rushed at napatakbo na lang ako kay Minho na siya namang nabitawan si Dori at ngayon ay... ako naman ang buhat!

"Ya..." I know he was caught off guard pero mahigpit din ang pagkakabuhat niya sa akin at alam kong hindi ako mahuhulog. I buried my face on his chest while my arms are wrapped around his neck.

"I'm sorry, pero please huwag mo muna akong ibababa." I shook my head in pani hoping na hindi niya nga ako bitawan.

"I love your cats; I find them adorable and all pero... Sorry..."

"Stop saying sorry," he started walking kaya lalo akong napahigpit ng kapit pero tuloy lang siya sa paglakad.

"Get off, itataas ko na sila." I looked back and saw na ibinababa niya ako sa couch. Tiningnan ko pa siya pabalik and I realized just now how close our faces are. He just nodded at me saka ako marahang ibinaba. Agad ko namang itiniklop ang tuhod ko habang nakaupo.

"Akyat na," he commanded in a soft tone. Umakyat din siya sa taas kasama ang mga pusa niya habang ako naman ay napabuntong-hininga na lang at napayuko sa kahihiyan.

Cats are some of the few things I'm scared of. It started when I was bitten noong bata pa ako. I don't really remember much about that time basta ang alam ko simula noon ay natakot na ako sa pusa. I find cats cute and all pero kapag malapit na ang distansya nila sa akin, binabalot na ako ng takot.

As a Lee Know biased, I find that... embarrassing...

"Kain na," I lifted my head and saw Minho preparing the table already. Sinipat ko pa ng tingin ang hagdan at siniguradong wala na ang mga alaga niya.

"I already locked the door, hindi sila makakalabas."

"Sorry..." Marahan na akong bumaba ng couch at naupo katapat niya. Nagsasandok na siya ng pagkain habang ako naman ay tahimik lang na nakahawak sa bowl ko habang nakatingin sa walang emosyon niyang mukha. He extended his hand at iniabot ko naman ang hawak ko na nilagyan niya rin ng pagkain at ibinalik sa akin.

"Sorry ulit-"

"Will you please stop saying 'Sorry'?" Napatikom na lang ako ng bibig at tumango.

"Hindi mo kasalanang takot ka sa pusa." Did I ever mention to him na takot ako sa pusa? Ang natatandaan ko lang na binanggit ko sa kaniya kahapon ay takot ako sa dilim.

"It's my bad for bringing them down here. Nakalimutan kong may ibang tao na nga pala rito."

Ibang tao...

I looked around and realized that despite this place being so cozy, sobrang tahimik rito kapag wala ang mama niya. Kapag kasi nandito si Eomma, madalas bukas nag TV kaya hindi mo mararamdamang dalawa lang sila sa bahay. Speaking of...

"Nasaan nga pala ang papa mo?"

"Obviously, not here."

"Tss. Sungit naman neto..."

"Talaga ba?" I zipped my mouth and shook my head.

"Oo nga pala, aalis tayo mamayang tanghali."

"Saan tayo pupunta?" Nagliwanag ang mukha ko sa narinig.

"You said you wanted to buy a lamp. Sasamahan lang kita."

"Ohh, okay lang naman kahit ako na lang-- ay, hindi pala, sige go, tara." I started digging on my meal habang hindi mapigilan ang sarili na mapangiti.

Why do I feel like I'm going on a date with him?

minho's pov

"Whaaaa!" The moment we entered the store, Byeol started running like a child on a field trip.

"Look! Ang cute nitoooo!" She looked around with a fascinated look on her face. Tama nga na dito ko siya dinala. With the things inside her room, it's easy to tell she's into cute stuffs. Napaismid na lang ako habang pinapanuod siya.

"Si Lee Know ba 'yon?"

"Oh? Parang kamukha. Hindi ko sure, naka-mask kasi."

I fixed my mask and looked away. I did not expect someone would notice me here. Hindi naman kasi gaano karami sa Gimpo ang nakakakilala sa akin.

"Oppa!" [Oppa - endearment called by a girl to her boyfriend / what a younger female calls her older brother]

Oppa? Did Byeol just called me... Oppa?

Napatingin ako sa direksyon ni Byeol at nakumpirmang siya nga ang tumawag sa akin. Her eyes are wary of the people around us, especially the two girls near me.

"Oppa," she called again and clung to my arms.

"Oppa?" tanong ng dalawang abbae malapit sa amin at tumango naman si Byeol habang nakangiti.

"Kapatid ko po,"

Kapatid..?

"A-ahh, sorry, akala kasi namin artista siya..."

"Ah! Madalas po siyang napagkakamalan na artista pero hindi po hehe, pogi lang 'to pero hindi ito artista, hehe."

She's so bad at acting...

"Mauna na po kami," mabilis niya akong hinila papalayo doon sa mga babae.

"P'wede mo na akong bitawan, dongsaeng..." [Dongsaeng - what an older brother/sister usually calls a younger sibling]

"Dongsaeng?" Inalis niya na ang pagkakahawak niya sa akin nang makalabas kami ng store.

"Bakit? You just called me older brother earlier, isn't it only right that I call you younger sister?" I asked.

"The situation called for it. Alangan namang sabihin kong..."

"Sabihin mong ano?" I saw her biting he lower lip kaya bahagya akong napatawa pero hindi ko pinahalata iyon. Not that she can see through my mask.

"Wala..." At umiwas siya ng tingin. I can clearly tell she's pissed off.

"D'yan ka muna. Kakamadali mo hindi na natin nabili lamp mo."

"Oo nga-" Natigil siya nang ipatong ko ang kamay ko sa ulo niya.

"Behave ka lang dito, dongsaeng..." I said teasingly.

I went back and got the lamp she's been looking at since earlier. Binalikan ko siya ng tingin at nandoon nga lang siya sa labas ng store at palakad-lakad habang nakanguso. She then looked at me and tilted her head, probably asking why I'm looking at her.

She's so transparent.

Her eyes tell exactly how she feels. How cautious she was earlier with the fans, how happy she was with these cute stuffs around, how excited she was when I told her we're going out, and how scared she was this morning while I was holding her.

You can see all those emotions through her eyes.

She hasn't changed at all.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top