05: close
˗ˏˋ 05'ˎ˗
・゜✭・close・✫・゜
byeol's pov
"Good morningggg," pagsalubong ko sa umaga habang nakataas ang kamay. I fixed my bed and tidied my room bago ako lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko pa si Minho paglabas ko. I greeted him as soon as our eyes met, I even raised my hand and slightly waved at him before making my way downstairs.
"Byeol, gising ka na pala,"
"Good morning po, Eomma!" masiglang pagbati ko saka dumiretso sa kusina.
"Parang good mood na good mood ka ah?" Nakangiting puna ng mama ni Minho na sinagot ko naman ng mahinang pagtawa. Was I really gloomy these past few days kaya pansin na pansin ang masigla kong mood ngayon o talagang masyado lang talagang mataas ang energy ko ngayon?
"Anong nakain mo?" May pagtataka kong tiningnan si Minho na ngayon ay kumukuha ng tubig mula sa ref. Ako ang kausap niya pero hindi niya ako tinitingnan, para tuloy siyang nakikipag usap sa hangin.
"Wala naman, hehe," sagot ko saka siya nginitian. Siguro iniisip niya kung bakit hindi ko na siya iniiwasan ngayon. Not that I have been avoiding him for a long time, kahapon ko lang ata siya sinubukang iwasan. I don't know, maybe until now I'm still thrilled over the fact that he tried to look for me yesterday. That took my worries away. Hindi lahat pero kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
"Oo nga pala, Minho," sabay kaming tumingin sa mama ni Minho nang lumapit siya sa aming dalawa at may hawak na parang bundle ng tela.
"Dalhin niyo ito ni Byeol sa Tita Mina mo,"
"Tita Mina?" saglit na nag isip si Minho, mukhang hindi niya kilala iyong tinutukoy ng mama niya. His mom explained to him the house she's referring to. Turns out the bundle actually has a tray of rice cakes inside.
"Dumating kasi iyong panganay niya galling U.S, pang welcome natin."
"Eomma, ikaw na lang, ayoko lumabas."
"May gagawin ako, alangan namang si Byeol ang papuntahin ko eh lalo naming hindi niya alam kung saan iyon." Saglit kaming nagkatinginan ni Minho saka siya bahagyang napabuga ng hangin. In the end, we still went together.
"Whaaa, ang sarap talaga sa pakiramdam ng hangin dito sa inyo, 'no?" Naglalakad na kami papunta doon sa bahay na itinuro ng mama niya dala ang mga rice cake na mama niya mismo ang gumawa.
"Ah oo nga pala, p'wede mo bang ituro sa akin kung saan bumili ng lamp?"
"Lamp?" tumango ako.
"Sa totoo lang, hindi kasi ako nakakatulog ng walang ilaw sa gabi. Alam ko malakas sa kuryente kapag nakabukas nag ilaw kaya bibili na lang ako ng lamp." Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako.
"Bata ka ba?"
"Oh?"
"In your age, hindi ka pa rin nakakatulog ng nakapatay ang ilaw. Are you scared of ghosts--"
"Binabangungot ako." Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang magsalita ako. It's like his words were cut into air. Napansin ko rin ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya kaya agad akong nagpilit ng tawa saka nagsimulang maglakad ulit at ganoon rin siya.
"Simula pagkabata hanggang ngayon binabangungot pa rin ako. Hindi naman sobrang nakakatakot pero minsan nagigising ako sa kalagitnaan ng gabi. Kaya gusto ko may ilaw palagi." He did not answer. Pagtingin ko sa kaniya ay nakatingin lang din siya sa akin kaya mabilis akong umiwas ng tingin saka sinubukang pagaanin ang ihip ng hangin sa pagitan naming dalawa sa pamamagitan ng pagkokomento sa mga bahay na nadadaanan namin pati na rin sa dagat na nasa kanan ko lang.
We finally reached the place where we're headed. Malapit-lapit lang ito mula sa sa bahay nila Minho. He pressed the doorbell and knocked when no one answered. Ilang minuto pa hanggang sa may magbukas na ng pinto.
"Sino po sila?" tanong ng lalaking nagbukas ng pinto. He looked at Minho then at me. Teka... bakit pamilyar ang mukha niya?
"Unnie!"
"Oh? Yebin!" Mula sa likuran noong lalaki sa pinto ay tumakbo palabas si Yebin. She first looked at me with excitement hanggang sa malipat ang tingin niya sa kasama ko.
"Lee Know Oppa!!" Masiglang pagbati niya. Tiningnan pa ako saglit ni Minho saka siya kumaway sa bata.
"Oh, ice cream?" Nalipat ang tingin namin sa lalaki na ako pala ang tinutukoy.
"Ice cream?" tanong ni Minho at napaisip din naman ako.
"Ah!" Naaalala ko na. Siya iyong sumundo kay Yebin kahapon!
"Hi, ako iyong kasama ni Yebin kahapon."
"Tama, siya iyong gustong kumuha ng ice cream ko kahapon, Oppa!" Wow, parang ako pa iyong may atraso...
"Lee Know Oppa, ano pong ginagawa nyo rito?"
"Ah," Minho handed the rice cake bundle he was holding to Yebin. Ewan ko ba bakit hindi niya roon sa lalaki iniabot eh mabigat iyon. Buti na lang kinuha agad noong lalaki kay Yebin.
"Ikaw siguro iyong bagong dating galling U.S, tama ba?" tanong ko roon sa lalaki na sinagot naman ako ng positibong ngiti saka inilahad ang kamay niya.
"Raebin." I shook his hand and introduced myself as well.
"Byeol," pakilala ko.
"That's a really cute name--"
"Minho." Biglang pagsingit ni Minho at inilahad ang kamay niya. Saglit itong tiningnan ni Raebin saka niya ito kinamayan.
"I know, sino bang hindi nakakakilala sa iyo?" Minho cleared his throat and looked away. Siya rin ang unang kumawala sa shake hands nilang dalawa.
"Salamat nga pala sa pagsama kay Yebin kahapon," sambit ni Raebin. Saglit kong tiningnan si Yebin na parang may puso-puso ang mata habang nakatingin kay Minho. Napatawa naman ako ng bahagya saka umiling-iling.
"Wala 'yon, mukhang ako pa nga ang sinamahan ni Yebin." I pat Yebin's head nang muling magsalita si Minho.
"Pasabi na lang sa mama mo na pinadala ng mama ko 'yan. Let's go,"
"Oh? Okay..." Nagpaalam na ako kay Yebin at Raebin saka sinundan si Minho na nauna nang maglakad. Ano naming nangyari sa kaniya?
"Akalain mo, ang liit talaga ng mundo, 'no?"
"Bakit naman?"
"Wala lang, just yesterday I had an encounter with Raebin tapos ngayon nakita ko siya."
"It's not the world that's too small, it's this village." Sungit naman neto.
"Bakit tayong dalawa?" Nasa tapat na kami ng bahay ni Minho nang harapin ko siya.
"Ano namang mayroon sa atin?" Tanong niya na.
"Para kasing kahapon sa TV lang kita nakikita, ngayon..." I extended my hand and poked his right cheek.
"Nasa harapan na kita." From an uninterested look ay kitang-kita ko kung paano nag iba ang ekspression sa mukha niya. Late ko na rin narealize ang ginawa ko nang mapansin ko na lang na ang pula ng tenga niya.
"S-sorry--" I was about to distanced myself from him nang bigla niyang hawakan ang pulsuhan ko at mas lalo pa akong napalapit sa kaniya. This time, he's looking straight into my eyes with a teasing... No, a warning look.
"What's with you today?" He asked, not even batting an eye. Naramdaman ko na lang ang sarili kong paglunok hanggang sa marinig namin ang Mama niya na nadito rin pala sa labas. I quickly pulled my hand from his grip and ran inside the house. Byeol talagaaaa!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top