04: ice.cream


˗ˏˋ 04'ˎ˗

・゜✭・ice.cream・✫・゜

byeol's pov


"Haaa... Boring..."

Blangko akong nakatingin sa kisame habang nakahiga ang katawan sa kama at nakalagpas ang ulo mula rito. Nakataas din ang dalawa kong paa na nakasandal ang sa dingding. Wala akong magawa. Nahihiya akong lumabas ng kwarto dahil baka makasalubong ko si Minho. Sapat na lahat ng kahihiyan na nagawa ko para iwasan siya pansamantala.

"Ice cream... Ice cream!" Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang maalala ang store na nadaanan namin noong dalhin ako rito. Malapit lang iyon mula sa bahay na ito. Tama, kung wala akong magawa ngayon dito, lalabas na lang ako.

Saglit akong nagpalit ng damit saka may pagi-ingat na lumabas ng kwarto. Tiningnan ko pang mabuti kung palabas si Minho pero mukhang saradong-sarado ang kwarto niya sa itaas.

"Oh, Byeol, saan ka pupunta?"

Halos malaglag ang puso ko nang mairnig ang boses ng mama niya. I realized na para pala akong tumatakas ng bahay sa mga kilos ko. Agad ko namang hinarap si Eomma at napakamot sa sariling batok.

"Ahm, lalabas lang po sana ako. D'yan lang po sa malapit na store,"

"Siguradong naiinip ka na rito sa bahay," agad akong umiling habang winawagayway ang kamay ko.

"Hindi po!" Pagsisinungaling ko. "Gusto ko lang po ng ice cream, hehe." Tumango-tango naman ang mama ni Minho saka ito sumigaw.

"Minho! Samahan mo si Byeol--"

"Huwag na po!" Parehas pa kaming nagulat sa pagsigaw ko. Napakalakas pa naman ng boses ko kapag sumisigaw!

"A-ahm, huwag na po, Eomma. Alam ko naman po ang daan, malapit lang naman po.." Napansin ko ang pagkurba ng ngiti mula sa labi ng mama ni Minho at natitiyak kong dahil iyon sa pagtawag ko sa kaniya ng Eomma. Sa totoo lang ay hindi pa rin ako sanay na tawagin siya ng ganoon pero kahit papaano ay hindi naman ito mahirap para sa akin. Besides, she's been nothing but a mom to me since I came here.

Hinayaan niya rin naman akong lumabas mag isa. Ngayon ko lang din narealize na simula noong dumating ako rito noong isang araw ay ngayon lang ako nakalabas ng bahay. The sea breeze welcomed me as soon as I got out of the house. Napakasarap sa balat ng simoy ng hangin.

I then made my way to the store I saw the other day. But I was wrong about being sure where it was. Natunton ko naman ito pero halos maligaw ako dahil sa dami ng pasikot-sikot sa village na ito. As soon as I arrived at the store ay agad kong nilibot ito. Parang ang luma na nitong tindahan pero maayos pa ring tingnan. Isang matandang lalaki rin ang tindero kaya malalaman mong matanda na rin itong store.

"Ah, ice cream." I went to the corner where the ice cream freezer was located. Iba't ibang uri ng ice cream ang naroon pero sa isang klase ng ice cream lang ako nakatingin.

At nagiisa na lang siya.

"Yes--" Ang kaninang maliwanag kong ngiti ay mabilis na mapawi nang mawala sa kamay ko ang hawak na ice cream. My eyes followed the little girl who stole my ice cream. 

"Huy, bata!" Nilingon niya ako habang dinidilaan na iyong ice cream na kinuha niya mula sa akin. Nakakaloko pa ang mga tingin niya. Hindi pa nga siya bayad!

"Harabeoji," [Harabeoji - Lolo] I just watched her pay for the ice cream that's already melting on her hand. Wala na rin akong ibang choice kundi ang bumili na lang ng ibang klase ng ice cream.

"Eonnie,[Eonnie - Ate (when addressed by a younger female)]

Nakalabas na ako ng store nang tawagan ako noong batang babae. Nandito pa siya sa labas at nakaupo sa isa sa mga upuang nakaikot sa bilog na lamesa na may payong sa gitna.

"Hmp." Umiwas ako ng tingin habang kagat-kagat ang ang ice cream na binili ko. Isip bata na kung isip bata pero paborito ko kasi talaga iyong kinuha niya mula sa akin. Isa pa, basta niya na lang iyon kinuha!

But I still found myself sitting at the same table as her. Para kaming nasa staring contest sa pagtitigan naming dalawa. Nakahalukipkip siya habang ako naman ay inuubos ang ice cream na binili ko. Sa pagatagal ng pagtingin ko sa kaniya ay lalo kong napapagtantong sobrang cute niyang bata. Siguro ay nasa sampung taon siya.

"Bata, bakit kanina pa masama ang tingin mo sa akin?" Tanong ko sa kaniya matapos kainin ang ice cream ko. Kung tutuusin ako dapat ang masama ang tingin sa kaniya.

"May pangalan ako," mataray niyang sagot. Hindi pa rin niya inaalis ang nakahalukipkip niyang braso. Napatawa naman ako sa sagot niya. Tawang hindi makapaniwala na tinatarayan ako ng isang bata at tawang naku-cute-an sa kaniya.

"Okay bata, anong pangalan mo?"

"Yebin." Tumango-tango ako at inulit ang pangalan niya.

"Ikaw, sino ka?" Inayos ko ang upo ko at inilahad ang kamay ko. Wala naman sigurong masama kung makikipag kaibigan ako sa kaniya, hindi ba?

"Byeol--"

"Kaano-ano mo si Lee Know Oppa?" [Oppa - Kuya (when addressed by a younger female)]

"Lee Know Oppa...?" Ibinaba ko ang kamay kong hindi niya pinansin saka napaisip sa sinabi niya. She just called Minho "Lee Know". Ibig sabihin fan din siya ng Stray Kids? Tsaka paano niya nalamang may koneksyon ako kay Minho?

"Nakita kitang lumabas ng bahay nila Lee Know Oppa kanina!" Napatikhim naman ako sa pagsigaw niya. Ibig sabihin kapit bahay lang namin siya!

"F-fiancee--" napailing din naman agad ako sa sarili ko. Hindi naman niya maiintindihan kung sabihin ko sa kaniya ang relasyon ko kay Minho. Besides, Minho does not even acknowledge me as his fiancee kaya ang awkward din kung manggagaling sa akin iyon.

"P-pinsan niya ako," pagsisinungaling ko. Isa pa, mas safe siguro kung sabihin ko na lang na kamag anak ako ni Minho. Mahirap na kapag may nakaalam na engaged siya. We don't know how people will react.

"Ohh, okay," saka lang ipinahinga ni Yebin ang braso niya nang sabihin kong pinsan ang ni Minho. Pansin kong parang napawi rin ang mataray niyang ekspresyon kanina.

"Paano mo nakilala si Lee Know?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

"Tinatanong ba 'yan? Sino bang hindi nakakakilala kay Lee Know Oppa? Sinong hindi nakakakilala sa Stray Kids??" May attitude pa rin na pagsagot niya pero ngayon ay may halo na iting pagkasabik.

"Idol na idol ko silang lahat lalo na si Lee Know Oppa lalo na at malapit lang ako sa kaniya. Gustong-gusto ko rin ang mga kanta nila tapos may SKZOO stuff toys din ako sa bahay namin! Nag aaral akong mabuti dahil sa kanila!" Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanuod siyang magkwento. Somehow, I can see myself in her. Her excited tone and gestures, her collection, and how she's studying hard because of them.

"Ikaw, anong feeling na pinsan mo si Lee Know Oppa? Anong feeling ng nasa iisa lang kayong bahay?" I was taken aback by her questions. Napaisip din tuloy ako sa huli niyang tanong.

Anong feeling ng nasa iisang bahay lang kami ni Lee Know?

"Yebin!" Hindi pa man ako nakakapag isip ng sagot sa kaniya ay narinig namin ang patawag sa pangalan ni Yebin. Both Yebin and I stood up at hinarap iyong tumawag. Tumakbo si Yebin doon sa lalaking tumawag sa kaniya. Tinawag niya rin itong Oppa. He must be her brother.

Hindi nagpaalam si Yebin at umalis rin kasama ang kapatid niya. Ako naman ay saglit pang nagstay sa labas hanggang sa maisipan kong umuwi na nang dumilim na. Syempre muntik na naman akong mawala.

I also realized that it's also the first time I've been out carefree. As a scholar in the foundation program, we were not really permitted to go out that much. Halos naroon lang sa loob ang buhay namin dahil provided naman nila ang lahat. Maybe that's why I'm feeling so happy right now kahit na saglit lang ako lumabas.

Malapit na ako sa pinto ng bahay nang lumabas mula roon si Minho. Nagsusuot pa siyang jacket niya noong papalabas siya. Tumigil rin naman agad siya nang makita niya ako.

"Saan ka pupunta-"

"Saan ka nanggaling?"

Sabay kaming nagsalita at sabay ring napatigil.

Why does he look angry?

No... Why does he look worried...?

"B-bumili lang ako sa tindahan ng ice cream..."

"Ice cream... And you were gone for almost two hours?" How did he know? Hinintay niya ba ako? Was he about to look for me? Ang daming tumatakbo sa isip kong tanong ngayon.

"H-hahanapin mo ba dapat ako?" He suddenly looked away.

"Bakit naman kita hahanapin?" Mabilis niyang sagot kaya napakagat na lang ako sa labi ko nang mapansin ang pamumula ng tenga niya.

He's shy. He was definitely about to look for me.

"Pumasok ka na, malamig na sa labas." Iyon na lang ang sinabi niya saka pumasok muli sa bahay. Sumunod naman ako habang pinipigilan ang pag ngiti dahil baka mapansin niya.

Now I know the answer to Yebin's question. What it's like to live in the same house as Lee Know.

It's like an ice cream. It's cold and you may find yourself in discomfort because of that. But despite that, it's still an ice cream so you just enjoy. You choose to focus on the cream itself instead of just the ice. Besides, it won't be an ice cream without both.

He himself is like an ice cream. He's as cold as an ice. But I know he's also as soft as a cream.

・❥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top