02: the view

˗ˏˋ 02'ˎ˗

・゜✭・the view・✫・゜

byeol's pov

"Ito naman ang kwarto mo. Pasensya ka na, hindi ko na napaganda pa. Hindi ko kasi inaasahan na ngayon ka na darating kaya nilinis ko na lang," I gave Minho's mom an assuring smile while slowly shaking my head.

Ako pa nga itong nahihiya dahil sobrang accommodating niya sa akin. I could have just learned my way on every corner of this house on my own nut she was so kind to tour me around.

Kung titingnan mula sa labas, parang three-storey house ang bahay nila. Pero sa katunayan ay para itong tatlong unit pinagdugtong ng dalawang hagdan. Ang unit sa baba ang pinaka main unit. Naroon ang sala, kusina, liguan, hindi hamak na mas malaki dito sa nasa second floor kung nasaan ang kwarto ko. Isang maliit na unit lang talaga ito, pang kwarto lang talaga ng isang tao pero hindi sobrang liit ng espasyo.

The upper unit, on the other hand, is just the same as the main unit. Bawat unit ay parang parang magkakaibang bahay dahil may kaniya-kaniya iting pinto. Pero tanging main unit lang ang may main door so kahit nasaang floor ka pa, dadaan at dadaan ka pa rin doon.

It's just a simple house, actually. I always thought na when you're so big in the industry, sa mansion ka nakatira. But this house is nothing like a mansion but rather just a simple and cozy home.

"Si Minho, sa taas siya. Nandoon din ang mga pusa niya." Tumango-tango ako saka saglit na tumingin sa itaas. Masisilip mo kasi rito kung may tao ba sa labas ng third unit dahil hindi naman covered ang pagitan ng mga floor.

"Byeol," his Mom held my hand. Sa totoo lang, I feel so comfortable around her. Mula pagdating ko kanina, she did nothing but be kind to me. From her gestures to her words, I could feel her sincerity.

I was actually worried at first. Kasi just like how confusing this is on Minho's side, I was sure her Mom wouldn't be so okay with it as well.

But I was wrong.

"Sobrang saya ko na nandito ka." It's as if she's about to cry while gently tapping my hand and looking at me straight to my eyes.

"Si Minho, alam kong biglaan ang mga pangyayari kaya kailangan niya pa ng oras bago siya makapag adjust. Pero ako, masaya lang ako na may makakasama na siya sa buhay."

Kung alam niyo lang po...

"Alam mo naman sa trabaho niya, parang ilegal na magkaroon ng sariling pamilya. Kaya masaya ako na kahit papaano may pag-asa pa na magkaroon siya ng taong magpapasaya sa kaniya at makakasama niya... At syempre, masaya ako na magkaroon ng isa pang babae sa bahay." Bahagya akong napangiti sa sinabi niyang iyon. Hindi dahil sa unang parte kungdi sa huli.

It seems like she's been longing for a daughter.

I could at least be one.

"Salamat po, Tita..."

"Eomma. Tawagin mo na lang akong Eomma."

"E-eomma..." Tumango-tango siya habang pinupunasan ang kaunting luha na pumapatak mula sa mga mata niya. Bahagya siyang napatawa saka huminga ng malalim.

"Pasensya ka na, malalim ang emosyon ko."

"Okay lang po," I gave her a genuine smile.

My worried feelings earlier was suddenly replaced with a warmth and assurance. Things will probably be complicated from now on but at least I know there's one person here who truly cares for me.

"Eomma, lalabas lang ako saglit," our conversation was cut when Minho went down from his unit. He was still fixing his hoodie while going down the stairs when he saw us chatting. Parang nagulat pa nga siya. Mukhang nakalimutan niya yatang may bagong tao sa bahay nila.

Mabilis siyang umiwas ng tingin nang magtama ang mata naming dalawa.

"Umiiyak ka?" may pag-aalalang tanong niya sa mama niya. Natatawa namang umiling ang mama niya.

"Saan ka pupunta? Bumili ka na rin ng rekado pang ulam natin mamayang gabi. Ipagluluto ko si Byeol ng masarap na pagkain."

Our eyes met once again. I was actually excited to go with him pero mabilis niyang tinanggihan ang suhestyon ng ina.

"Ako na lang po, mabilis lang naman."
The quick rejection left me feeling awkward towards her mom's suggestion. Pero mabilis din akong sumang-ayon sa sinabi ni Minho.

"Ah, oo nga po. Si Minho na lang po, medyo pagod din po kasi ako sa byahe..." Pagdadahilan ko. Saglit pa akong tiningnan ni Minho. Tingin na parang may mali sa sinabi ko.

"Sige na nga, bilisan mo pala para makapag luto agad ako."

"Opo," at dumiretso na siya sa baba. His mom turned to me and told me to rest first before I unpack.

Pumasok na ako sa kwarto at nagsimula nang mag ayos ng gamit. Kahit pagod ako, parang hindi ko pa kayang mag pahinga agad. There's just too much going on. Moving in this soon was definitely not what I expected.

Not that I expected any of these to happen.

Matapos ayusin ang mga damit sa cabinet at mga sapatos na itinago ko muna sa box ay sinimulan ko namang ayusin ang table ko. I love that everything is in white here.

Books, writing materials, mirror, and... my Stray Kids stuffs.

Somehow it felt weird seeing Minho's picture on my table now that I am living here. Ni hindi ko nga alam kung alam niya bang fan nila ako at siya ang bias ko. Of course I wouldn't come to him and say those things.

Bahala na kung malaman niya man. I proceeded putting my things on the table. Kasama na roon ang lightstick ko, some SKZ albums I got as a present from the program, a Stray Kids group photo, and Minho's photocard in a toploader I placed on a small weasel.

I sat on my table chair and looked outside. This got to be the best view I could ever have in my life. Since their house is facing the beach, ganoon rin dito sa kwarto ko dahil nakaposisyon mismo ang bintana sa tapat ng dagat.

Sometimes, you really just have to enjoy the little things in life. The view right now is one of those small but genuine happiness I appreciate so much.

Mula sa dagat ay nalipat ang tingin ko sa photocard ni Minho. Marahan kong isinandal ang ulo ko sa magkapatong kong braso sa table saka pinagmasdan ang litratong iyon.

How are you so near and yet so far at the same time...?

Unti-unti ko nang naramdaman ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko hanggang tuluyan na nga akong makatulog.

🕣 7:28 p.m

"Byeol..."

I must be going crazy. Naririnig ko ang boses ni Minho. He's calling my name.

"Byeol."

"Hmm?" It felt so real. Parang ang lapit niya lang sa akin dahil dinig na dinig ko ang boses niya.

Unti-unti kong minulat ang mata ko at bumungad sa akin ang photocard niya. Mukhang nananaginip--

"Byeol!"

Mula sa photocard ay napaangat ako ng tingin. Malabo pa ang paningin ko dahil kakagising ko lang pero parang may lalaki sa harapan ko. Pamilyar ang mukha niya kahit blurry pero nang luminaw ito ay napagtanto kong si Minho iyon.

Si... Minho?

"AHH!!"

・❥・

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top