Ano kailangan mo malaman?

Bukod sa pagkain, kinahiligan na ng mga Pinoy ang pagbabasa at panonood ng mga teleserye (TV series) at pelikula. Dahil doon, hindi rin natin maiiwasan ang humanga at mahalin ang mga karakter na nababasa o napapanood natin. Kaya naman nakakagawa tayo ng mga kwentong tungkol sa kanila upang ipagpatuloy ang natapos na nilang kwento sa ating sariling likha.

Ito ay tinatawag na Fan Fiction.

Anong kailangan mong malaman bilang isang nagsusulat ng fan fiction? Marami.

Pero paano mo nga ba masasabing fan fiction ang isang kwento? Kapag ginawa ng isang fan? Kapag hindi totoo ang kwento? Kapag may pagkakapareho lang?

Hindi nga lang namin ito sasabihin lahat sa iisang pahina lang na ito kaya naman, sasagutin namin ang lahat ng mga tanong na 'yan sa librong ito.

Simulan nating buhayin ang mundo at mga karakter na ating hinahangaan upang mas dumami pa tayo!

Handa ka na bang ipasakop ang mundo mo at sumakop rin ng ibang mundo?

I-comment ang inyong mga tanong tungkol sa Fanfic at iyon ay susubukan naming sagutin sa susunod na kabanata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top