Chapter 1
A/N: I used famous universities around Manila and didn't mean to offend anyone here. I just wanted to make it more realistic kaya gano'n..
Para sa pangalawang manunulat na tiningala ko sa unang account ko. Ang diyosang si J. Isa siya sa nagsabing komportable siya sa mga linya ko kaya grabe ang kilig ko. Haha.
***
Chapter 1 of Stranger Has Disconnected
Amber Rushton
Omegle: Talk to strangers!
Omegle is a great way to MEET NEW FRIENDS. When you use Omegle, we pick someone else at random and let you talk one-on-one. To help you stay safe, Omegle keeps you anonymous unless you tell someone who you are (not suggested!), and you can stop a chat at any time.
If you prefer, you can add your interests, and Omegle will look for someone who's into some of the same things as you instead of someone completely random.
Nice site huh? Meron pang interests, at pwede pala sa phone. I searched for my phone in my pocket at agad na dinownload sa appstore ang omegle. After a few minutes of waiting ay pwede na siyang gamitin, so nag-add agad ako ng universities na payo ni Alexandre.
Unang chat. Connecting..
You are chatting with a random stranger. Say hi!
You both like Manila.
Stranger: 18 M Horny. Got kik? Kik me @abcjo11
You have disconnected
Bakit hindi kaya siya sa porn site pumunta. Asar. Wala yata akong makakausap na matino dito eh. Kung hindi manyak, mga babaeng biglang aalis. Halatang naghahanap ng kasparks. I tapped the new chat button. Pagkatapos ng ilang segundo ay may lumabas na.
Another chat. K, I'll try ulit.
You both like DLSU.
Stranger: Fuck! I failed. I failed!
You: Midterms?
Stranger: Yeah! Fucking midterms! I failed! Kawawa parents ko :(
You: Big boy, ganyan talaga. Guess what? I failed at one of my subjects. Bawi tayo next time, aryt?
Stranger: But I failed. Ang mahal ng tuition eh. Fucking trigo!
You: Engineering student? Woah, you should study harder, next time.
Stranger: Pano mo nalaman?
You: I dont know, feeling ko lang.
Stranger: Classmate siguro kita.
You have disconnected.
New chat na naman. Hays. Bakit kasi ang drama ni kuya. Amp.
You are chatting with a random stranger. Say hi!
You both like DLSU, UST, FEU & LPU
Stranger: Ikaw ba si stranger has disconnected?! Hooo. Did I find you na ba?!
You: Nope. Female bisexual here.
Stranger: Oh cool. Hello!:) 19, female.
Wow. Parang kanina lang pag sasabihin kong female bisexual here, puro disconnected ah! Iba si ate. Mostly male ang nagstay after kong ireveal na bi ako. Lol. Akala mo kakainin ko sila eh.
Napangiti ako, atleast may makakausap na ako. It bores me to death to talk to my friends sometimes. I just wanna try this cool app. Hindi naman siguro masama. Haha.
Stranger is typing..
You: What's so cool about that? Hello!
Stranger: Akala ko magDC ka na. Well, I don't know, I find it cute lang. :)
You: Haha. Salamat. You're the first female here who wanted to talk to me. You wanted to chat with me, right?
You: No, humiga lang ako. Sorry for the late response.
Stranger is typing..
Hindi ko alam kung ilan ng nagDC kanina pero mag-iisang oras na yata ako dito. Yung mga lalaki kasi ang stay madalas. They find it awesome daw.
Stranger: Yes of course. Mukha namang maayos kang kausap so, why not? Anyway, what brings you here? :)
You: Not really. Fluid lang siguro ako. Hmm, boredom. Just wanna try the app din. How about you?
Nag-inat ako then tumingin sa orasan. It's a bit late and I'm still up, talking to a stranger. Hindi normal para sa'kin.
You: Hey, where school are you from?
Stranger: Don't you know how to use smiley? Nagmumukha kang masungit. Haha. Well, I'm looking for someone. :)
Stranger: LPU. You? :)
You: Oh sorry, marunong naman ako. Like this.. :)
You: What? Mahanap mo pa kaya yung someone na yun?
You: DLSU.
Stranger: Yan. Use smiley's.. Pwede? I don't know. Medyo nakakatuwa kasi siyang kausap eh. Kaya hinahanap ko. :)
You: Why don't you DC now? Nakakaabala ako sa ginagawa mong paghahanap.
Stranger is typing..
Stranger: Ang sungit. Okay lang. As I've said a while ago, matino kang kausap. :) Just use smileys lang. Haha.
What should I feel? Hmm, flattered? Gosh, may mga gusto namang kumausap sa'kin outside of this strange world eh. Pakiramdam ko, nagsasayang lang ako ng oras. Pero para akong kinilig. Landi lang!
You: Sorry ah! I don't smile so often kasi. Anong course mo?
Stranger: Talaga? Interesting huh. Ngiti ka naman. :) Ilang taon ka na ba? Hm, masscom. You?
You: Haha. Hindi talaga ako nangiti. Lalo na walang dahilan. 17. Don't dare calling me, kiddo or else..
Namuo ang isang planong alam kong iilagan niya. Haha. Hmm..
You: Anyway, Architecture.
Stranger is typing..
Stranger. Wow! CSB?
You: Yup.
Stranger: Or else what? Haha.
You: I'll search for you, and I'm going to kiss you on public.
Stranger: Isang daang milyon ang populasyon ng Pilipinas ngayon. Makikita mo kaya ako, kiddo?
Wow. Palaban. Haha. Por que hindi ko siya kilala ah! Let's see. Hmm, I'll surely use our connections.
You: Torrid? French? Hmm, what else.. Deep? Passioanate? Choose one, I'll make you forget your boyfriend.
Stranger is typing..
Stranger: Pwede bang lahat? Haha. Oh wait, that's the greatest line I've ever read this month. Make me forget my stupid ex boyfriend. Hahaha. Please, kiddo?
Hindi ko man lang naisip na baka pangit tong kausap ko. Lol. Hindi sa choosy ako pero sayang kung pangit siya. But anyway, pwede ko namang lokohin lang. Since hindi niya naman ako kilala. Di ba? Trip lang! Hihi.
Umiral agad ang curiosity ko kahit hindi naman kailangan. Hmp. Kapag apo talaga ni Einstein.
You: You broke up with your man? Wow. Sorry about that..
You: Sure, pwede lahat. :) Do you wanna talk about it? I mean the break up. Baka kailangan mo ng kausap.
Stranger is typing..
Inantok ako bigla kaya tumayo ako at kumuha ng in canned cold coffee sa mini ref sa sulok ng kwarto ko. Umupo ako sa couch sa tabi ng full glass window tsaka ibinalik ang tingin sa phone.
Stranger: Can you kick his ass for me? Hahaha.
You: Masakit ba? Kung masakit, babasagin ko mukha niya for you.
Seryoso. Ayoko sa lahat yung may babaeng umiiyak. Isa rin sa dahilan kaya as much as possible I am keeping myself away from men.
Stranger: I can see you here, miss. Mukhang napakaseryoso't sincere ng sinabi mo.. Haha. Yes, masakit. Madatnan ko ba namang may idinedeposit sa kimchi ng babae niya sa condo nya. Hahaha.
Stranger: Ang tapang mo naman. Parang ang laki laki mo ah. Haha.
What? Ano daw? Ay, naalala ko tuloy bigla si Jantzen. Yung kaklase naming beki. Pinipilit niya akong turuan ng gay language but sumasakit ang ulo ko.
You: Yes, seryoso ako. Pwede kong gawin yung gusto mo. Gusto mo ipalapa ko sa aso kong si Athos yun eh.
You: Wait! What? Hindi kita naintindihan. Ano yun?
Stranger: Hahahahahaha. He's standing 5 feet, and 11 inches tall. Kaya mo ba siyang suntukin? Ipalapa mo na lang sa aso mo. :))
Stranger: You're quite ignorant about this world, kiddo. Haha. I mean, nadatnan ko siya inside his condo of course na nakikipag you know sa iba..
WOW. Seryoso? Tang ina! Parang yung girlfriend ko lang last week. Naalala ko na naman yung babaeng yun. Hindi ba sila marunong makontento? Ugh!
You: Kaya ko yun. Believe me. Kahit mata nun injured pagtapos. Gago siya eh! Hindi ba siya nakontento sayo?!
Stranger: Hey, easy. May pinaghuhugutan ka ba? Aba may kasparks ang bata. Haha!
Stranger: Hindi ko kasi ibinibigay yun. Haha.
Kaya kalmado lang siya? Hmm. Good girl. 19 at virgin? Sounds interesting.
You: My girlfriend did the same thing. Does that mean, virgin ka pa?
Bakit ko nga itinanong yun? Where the hell did I find the guts to ask that damned question? Baka naoffend ko siya? Aish! Anon naman ako eh. Okay lang no?
Stranger: Talaga? As in.. Wow, kakaiba na talaga ang kabataan ngayon. And to answer your question, syempre secret. :)
You: Hindi ko naman siya ka-age. 21 na yun eh. Bakit secret? *pouts*
Stranger is typing..
Tumingi ulit ako sa oras sa phone ko, 2:32 am. Great. Parang wala akong pasok bukas, kung makipagkwentuhan ako ngayon ah!
You: Wala kang classes tomorrow?
Stranger: 21? Tapos 17 ka lang? Hindi nga? Secret kasi secret. :p
You: Yeah. Hindi ako naggigirlfriend ng kaedad ko. Maaarte. Tsaka mas may chance magloko. You know, teenage hormones.
Stranger: Meron. Sanay naman akong pumasok ng walang tulog. Haha. Ikaw ba bata?
You: Wow. Zombie lang? Papangit ka nyan. :p
Stranger: Wow. Ayaw mo ng ka age mo? Haha. Cool. Siguro matalino ka. Halata eh. Way of thinking..
Stranger: Wooow. For the first time in forever! *ting* Gumamit siya ng smiley. Hahaha! Congrats. Tao ka na.
You: Exactly. Pero hindi ako matalino.
You: Hahahaha. Nakakatawa ka. Naimagine ko pang kinanta mo yan ah.
Stranger: So did I make you laugh? Ayiiee. Kikiligin na ba ako?
You: Hahaha. Ang baliw mo ah! Your name, please?
Stranger: Hmmm.. My name is..
You: Ano? :) I'm waiting..
Stranger: Neon. Cute no? Fan yata ni Dmitri tatay ko. Haha. Ikaw?
You: Ha? Neon? Hahaha! As in? That's so cool! Argon. Haha. Joke. The name's Amber.
Stranger is typing..
Parang walang epekto yung kape, inaantok talaga ako. Hmp. After this, we're strangers na naman.
Stranger: Nice name. Hihi. Yes, Neon talaga pangalan ko. :)
You: Inaantok na ako. Amp. Pano? I'm gonna find you soon. Remember my name ha?
Geez. Bakit parang ang hirap naman magDC. Hmp. Palibhasa unang babaeng hindi nagDC to eh.
Stranger: Aw. Oryt! :) Antayin kita. Punch my stupid ex boyfriend. Ayt? Goodnight!
You: Yeah, I will. :) Goodnight, Neon. You go to sleep na rin. Morning na.
Stranger: Thanks.. Goodnight Amber. :)
Stranger has disconnected..
New chat?
New chat? I'm going to sleep.
* * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top