Chapter 9
Pagkatapos nilang makapagpahinga sandali ay nagpatuloy na sila Cassandra at Dylan sa paglalakad pabalik sa kung saan sila bumagsak from the plane. But it wasn't an easy route dahil nagkandaligaw-ligaw pa sila bago nila narating ang pampang na kung saan ay tanaw ang malawak na karagatang malakas na ang alon. Tinanaw niya ang kasama niyang lalaki na noon ay kinakalikot ang nadala nitong radio na ewan n'ya kung gumagana ba o hindi. Kasama kasi nilang bumagsak ang bag na pinaglagyan nito sa tubig kaya tiyak na nabasa rin iyon. "Is that working?" Tanong niyang hindi na nakatiis pa. Gusto na niyang makaalis sa lugar na iyon dahil tiyak na hinahanap na siya ng mga magulang at ni Gavin. Isang araw pa lamang niyang hindi nakakamusta ang anak niya ay labis na ang pagka-miss niya rito. "I don't know I'm trying to fix it." He responded na patuloy sa pagkalikot sa device na hawak nito. "Do you have your phone?" Segundang tanong ni Dylan na noon ay nakabaling ang tingin sa kanya. Napaisip siya at inalala kung nailagay ba niya ang cellphone niya sa backpack na dala niya o naiwan sa may handbag niya. Madali niyang kinapa ang bag at binuksan saka hinanap ang cellphone. At halos tumalon ang puso niya nang makapa iyon ng kamay niya sa pinakaloob ng bag. "Oh Gosh narito pala, akala ko naiwan ko sa handbag ko." She uttered excitedly sabay bukas niyon but the battery is only 10% kaya parang hindi rin nila mapakinabangan. Saan namang lupalop siya ng islang iyon maghahanap ng charger at kuryente. Naisip niya habang napapangiwi pa. "Okay can I borrow?" Anito sabay lahad ng palad sa harap niya. "Here, but you have to hurry up dahil malapit na iyang maglowbat." She said nang maiabot ang cellphone. Himalang may signal sa lugar na iyon kahit mahina and Dylan hurriedly contacted someone para mahingian ng tulong. "Hello buddy, this is Dylan-- listen up you have to send a rescue here in this area somewhere in the Island of Siayan we need help ASAP." Narinig niyang turan nito sa voice mail dahil hindi sumagot ang taong tinatawagan nito. Eksaktong naipadala ni Dylan ang mensahe sa kasamahan nitong Piloto nang malowbat ang cellphone. "Sure ba na nakarating ang voice message mo sa kasama mo?" Hopeful na tanong ni Cassy sa binata. "Well I'm not sure, let's just cross our fingers and pray na may dumating na rescuer. But we need to stay in this place and wait." He answered saka sumalampak ng upo sa may dalampasigan. Ibinalik naman niya ang cellphone sa loob ng kanyang bag at tumabi ng upo rito. Tumingala siya sa asul na kalangitan at nag-usal ng taimtim na panalangin para sa kanilang kaligtasan. Magtatanghalian na at ayaw na niyang abutan ulit sila ng gabi sa islang iyon. "Did you hear that?" Untag ni Dylan at iminwestrang pakinggan niya ang tila tunog ng isang papalapit na helicopter. Bigla siyang nabuhayan ng dugo at mabilis silang tumayo at nagtungo sa gitna para kawayan ang noon ay palapit nang sasakyang panghimpapawid. Halos sumisigaw na sila para lamang makuha ang atensyon ng piloto. "Hey! We're!" Malakas ang tinig na tawag ng binata sabay kaway and fortunately ay nakita nilang bumababa ang naturang helicopter sa ibang parte ng dalampasigan. Kumaripas agad sila ng takbo para lapitan iyon. And she saw na bumaba ang isang lalaking nakasuot ng rescuer uniform na agad din silang sinalubong. "Sir Dylan-- Are you okay?" Tanong ng lalaki na mukhang kilala ang binata. "Meynard! I'm glad natanggap mo ang voice message na ipinadala ko." He utter sabay tapik sa balikat ng lalaking rescuer. "We're actually currently locating you kaninang narinig ko ang voice message sir and luckily nasa malapit na kami. We already rescued the rest of the plane's passengers and they all are safe now." Imporma ng lalaki kay Dylan saka siya binalingan ng tingin. "Halina po kayo mam, ligtas na po kayo." He even told her na tinanguan naman niya. Sumakay sila sa helicopter at nakaramdam siya ng ibayong tuwa dahil paniguradong ngayon ay nakarating sa mga magulang niya ang pagbagsak ng eroplanong sinakyan niya. "You can now go back to your son Cassandra. Thank you dahil sa pagiging matapang mo nagawa nating iligtas ang lahat ng naroon sa eroplano." Saad ni Dylan sa kanya habang sila ay nasa himpapawid pa. Nilingon niya ito at nagtama ang tingin nila and that moment parang may kakaiba siyang naramdaman but she stops herself for assuming in whatever it was that she was not certain of. "Uhmm-- No worries, K-kahit naman siguro sino ay gagawin ang ginawa ko." Sagot niya na biglang nakaramdam ng pagkailang mula rito. "Pero hindi lahat ay willing isugal ang sariling kaligtasan para sa ibang tao. You're one of a kind woman and I'd like to invite you after this sa isang dinner into one of the finest restaurant here in Basco, Batanes." He said na may ngiti pa sa labi na dahilan para mapatitig siya sa g'wapong mukha nito. 'Kamukha n'ya talaga ang ex ni Miley Cyrus na si Liam Hemsworth.' Litanya niya mula sa kanyang isip saka pasimpleng nag-iwas ng tingin sa gawi nito at tumingin s labas ng helicopter. Pababa na noon iyon sa isang domestic Airport na sa hinuha niya ay narating na nila ang Basco, Batanes. Napahinga tuloy siya ng malalim at naisip na ituloy na lamang niya ang naunang planong hanapin ang biological father ni Gavin na doon niya nakilala noon. "Are we here in Basco Dylan?" Sa halip na tumugon sa paanyaya nito ay tanong niya. "Yes, we're here." Sagot naman nito. "K-kasama bang sumabog lahat ng mga dala naming gamit?"She asked him again na nakaramdam ng lungkot para sa mga dala niyang gamit. Ilang damit lang naman ang laman ng bag na dala niya dahil nga sa tatlong araw lang ang balak niyang pamamalagi sa Isla upang balikan ang kubong pinagdalhan sa kanya noon ng estrangherong nag-iwan pa ng souvineer which is her son Gavin. "The good news is hindi kasama ang mga check-in baggage n'yo sa eroplanong sumabog dahil sadyang isinasakay ang mga iyon sa barkong patungo rito sa Isla, kaya makukuha mo rin maya-maya ang mga gamit mo. And the management made sure na sagot ng company namin lahat ng expenses including your accommodation and plane ticket pabalik ng Manila." Mahaba nitong paliwanag that causes her to smile dahil hindi na niya kailangang maghanap ng matutuluyang hotel habang naroon siya. "Hay salamat naman kung gan'on. But I really need to call my family para i-inform silang ligtas ako." Aniya, while the plane landed in the runway saka madali na silang bumaba mula roon. Hawak ni Dylan ang kamay niya habang sila ay naglalakad papunta sa mismomg terminal. Sinalubong sila ng ilang mga paramedics and ask if they have injuries saka na sila dinala sa isang gusali for further questions particularly to Dylan dahil ito naman ang piloto. "Cass, I think you have to go ahead sa hotel kung saan ka mananatili. May kinontak na akong staff from there and they're about to be here any moment. Can you put your number here. I will contact you as soon as matapos lahat ng investigations nila okay?" Saad ng lalaki na noon ay hinila siya sa isang gilid palayo sa mga naroong mga investigators at ilang reporters. Nag-alangan pa siyang ibigay rito ang number niya but in the end ay kinuha rin naman niya ang inaabot nitong cellphone saka isinave ang kanyang contact number. "Okay, salamat sa libreng hotel Dylan." She said saka tipid itong nginitian. "I'll see you soon Cass." He utter before itong nagbalik sa mga kausap na mga tao. After awhile ay dumating na nga ang tinawagan nitong staff ng hotel para sunduin siya kaya mabilis na rin siyang sumama sa mga ito para makapag-charge ng cellphone. She terribly miss her son and she can't wait to call him.
Sa isang five star hotel siya naka-check in na s'yempre pa libre dahil iyon ang compensation ng Airline sa kanya for being a brave paramedics that help the pilot to safely put all the passengers in a safe place before pa iyong tulayang sumabog. Muntik na siyang napahamak sa ginawa niya but she felt so proud to herself dahil sa katapangan niya. Nang ma-full battery ang cellphone niya ay agad-agad na niyang kinontak ang kanyang mommy para ipaalam na okay na naman siya at walang masamang nangyari sa kanya.
"Hello mommy-- Nasaan si Gav?" Bungad na tanong niya agad upon hearing the voice of her mom on the other line. "Jusko anak--- Mabuti naman at tumawag ka na, kagabi pa kami nag-aalala sa'yo nang mabalita sa TV ang nangyaring pagsabog ng sinakyan mong eroplano. Ang akala namin ay napahamak ka na." Halos naiiyak na turan ng mommy niya. "I'm okay now mom, magaling ang piloto ng eroplanong sinakyan namin at nagawan niya ng paraan para mailagtas ang mga pasahero before man lang iyong sumabog." Pagdedetalye niya sa kagitingan ni Dylan. "Mabuti naman kung ga'non anak, teka at tatawagin ko ang anak mo, kanina pa 'yon tanong ng tanong kung nasaan ka." Her mom said at maya-maya nga ay narinig na niya ang masiglang boses ni Gavin. "Mommy! Where are you? Did Shrek hurt you mommy?" Malambing na tanong ng kanyang anak na dahilan para siya ay maluha dahil naisip niyang paano na lamang ito kapag nawala siya. "No baby, I was saved by Captain America and I'm coming home soon okay, are you a good boy there while I'm away?" Masuyong tanong niya kay Gavin. "Yes mom, and I miss you." He replied that almost melt her heart.
To be continued....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top