Chapter 8

Pagkapasok nila sa loob ay inilatag ni Dylan ang banig para mahigaan nila. Ginawang unan ni Cassandra ang backpack na dala niya habang patagilid na nahiga. Tumabi naman sa kanya ang binata at wala na silang naging imikan pa. Subalit dahil sa malamig ang lugar na iyon at idagdag pang nakakatakot ang paligid ay hindi siya dalawin ng antok kahit nakapikit na siya ng mata. She could even hear his hard breathings na mukha hindi rin makatulog. She cleared her throat at tumihaya ng higa. "You can't sleep?" Napakislot siya ng marinig na nagsalita si Dylan. She stare at him at huli na ng ma-realised niyang nakaharap ito sa gawi niya. "Uhmm--P-paano ba ako makakatulog sa ganitong lugar." Sagot niya na napapabuntong-hininga. "Just close your eyes at pilitin mong makatulog. Don't worry it will just be tonight. Bukas makakaalis na tayo rito." He told her na pinapagaan ang loob niya. Napatingin tuloy siya rito at sandaling pinakatitigan ang g'wapong mukha nito. There's something in his eyes and that stare so deep but she was not certain what was it. Familiarity she guess pero ngayon lang naman sila nito nagkita. Naisip niya.
"I just miss my son." Mahina niyang usal at agad na ring nag-iwas ng tingin. "How old is he by the way?" He asked her. " He's four years old na." Tipid niyang sagot. "You raise him alone?" Muli nitong usisa. Nawili na silang maghuntahan. "I have to. Wala na akong naging balita sa ama na niya noon at hindi ko rin alam kung saan ko siya hahanapin." Saad niyang idinitalye ang dahilan why she became a single mom. "You're an amazing woman. Bihira ang mga babaeng kinakayang magtaguyod ng anak alone. Iyong iba naghahanap ng ibang lalaki just to provide for them." He utter with amusement. "I did try but I discover na hindi naman pala niya tanggap ang anak ko. He only wants me not my son and I'm not that stupid to let him reject my son." She said with determination. "You deserve someone who can love everything about you and will able to accept your past." Turan ni Dylan na dahilan para siya ay matahimik. "I'm contented with Gavin. Ayoko ng umasa na may lalaking tatanggap sa aming mag-ina."Aniya sa matatag na tinig. Maya-maya ay namayani ang katahimikan sa pagitan nila at tanging paghinga nila ang maririnig. "Good night Cassandra." Basag nito sa kanilang pananahimik. "G-good night din Dylan." Sagot niya and tried to sleep.

Naalimpungatan si Cassandra nang makarinig ng mga ingay at yabag galing sa labas. Napabalikwas tuloy siya ng bangon at hinanap ang katabi niyang lalaki na noon ay gising na rin. "S-sino sila--- Magtatanong sana siya ng bigla nitong itakip ang palad sa bibig niya at sinenyasan siyang 'wag gagawa ng ingay. Papalapit ng palapit ang mga yabag sa kubo at parang mga armadong lalaki ang mga ito.
"Shhh--Don't make any noise Cass." Bulong nito sa kanyang tainga. She nodded as a response at pinakiramdam nila ang mga taong dumadaan. Pinatay nito ang flashlight kaya hindi sila makikita.
"Buksan n'yo iyang kubo!" Narinig nilang utos ng isang lalaki sa mga tauhan siguro nito. Kinabahan siya at nilingon si Dylan. "Dito tayo." He said sabay lipat nila sa may likod ng pinto at kuha sa banig. Halos hindi sila humihinga habang halos magkayakap na naroon sa gilid at nagtago sa nirolyo nitong banig na ginawang pantakip sa kanila. "Marahas na binuksan ng kung sino ang pinto at itinapat ng ang flashlight sa loob. "Boss wala naman tayong makukuha rito." Saad ng isang lalaki. "Sige tara na baka abutan tayo ng mga sundalo." Yakag ng pinaka-lider nila.

Nakahinga lang sila ng maluwang ng makalagpas ang mga ito. "They're gone--- Mukhang pugad ng rebelde ang lugar na ito." Wika ni Dylan sabay baklas sa kamay nitong nakapulupot sa baywang niya dahil sa pagtatago nila kanina. "Kailangan na nating umalis dito. "Suhestiyon niya na lumayo sa katawan nito. "Yeah, its almost 3 am. Be ready maglalakad na ulit tayo but let's be cautious. We don't know kung sino ang mga taong nakatira rito sa lugar na ito." Gagad pa niyang isinukbit ang bag nito ng parachute na tangi nitong dala-dala.

Tinahak muli nila ang rutang hindi nila alam kung may makikita silang komunida. Dylan suggested na mas mainam kung bumalik na lamang sila sa may dalampasigan sapagkat may pag-asa raw na may mang-rescue sa kanila kaysa ang suungin nila ang gubat na may mga naglipanang mga rebelde at baka mapahamak pa sila. Ilang oras ulit silang naglakad hanggang sa sumilip na si haring araw at doon na siya nakaramdam ng pagkalam ng sikmura at pagka-uhaw.
"May mga prutas kaya taung madaanan?" Wala sa loob na tanong ni Cassandra habang sapo ang tiyan. "Maghahanap tayo ng maari nating kainin."tugon ng binata habang hinahawi ang malalaking damong nakaharang sa dinaraanan nila. Inilibot niya ang mata sa paligid hoping to find anything to eat. At mabuti na lamang at may isang puno ng bayabas na hitik sa bunga silang nadaanan. Agad inakyat iyon ni Dylan at saka nanguha ng mga bunga. Iyon ang pinanlaman nila sa sikmura upang maibsan ang gutom na nararamdaman nila. "Grabe ngayon ko na-realise na sobrang hirap palang mamuhay dito sa isla."Usal niya sa mahinang tinig.  "Definitely--
here you have to be strategic para makakuha ng food for survival at dapat hindi ka maarte." Wika niya and she was fascinated by the way he carries himself as if sanay na sanay itong mamuhay sa jungle.
Matapos nilang kainin ana prutas ay naghanap naman sila ng ilog para makapaghugas ng katawan at makainom na rin. "Ayon may naririnig na akong lagaslas ng tubig bilisan natin." She told her excitedly at mabilis nang naglakad para masilayan ang ilog. And after awhile ay narating na nga nila iyon. Patakbo siyang lumapit doon saka nagtanggal ng sapatos para makalusong sa tubig. Naghilamos agad siya ng mukha at naisip niyang maligo. "Uhmm gusto ko sanang maligo." Turan niya sa nahihiyang tinig. "Sure, maliligo rin ako." Sagot naman nitong nagtanggal agad ng damit. Naitakip tuloy niya ang palad sa mata dahil sa mismong harap niya ito naghubad. "May pamalit ka bang damit?" Muling tanong ng binata na noon ay lumublob sa tubig. "Ah--ehh wala, k-kaya nga ako nagsabing ako muna ang maliligo para makaalis ka na muna sana." Nakasimangot niyang sintir. Naiilang siyang naroon ito kapag nagtanggal siya ng saplot. "Why do I have leave? P'wede naman tayong maligong dalawa, see the river is so wide." He told her with sarcasm and even smirked. "P'wes for me hindi magandang tignan, we are different individual. Lalaki ka at babae ako." Aniyang pinandilatan pa ito ng mata. "What's wrong with that. Kapag ba nagpupunta sa mga resorts or beaches hiwalay ba ang liguan ng mga babae at lalaki?" He asked even stare at her deeply. Napabuga tuloy siya ng hangin dahil sa pagiging sarcastic nito. "Okay fine sabi mo eh, just don't took advantage on me okay?. Tayo lamang dalawa rito sa gubat na ito remember." Naka-usli ang ngusong sambit niya saka mabilis na tinanggal ang suot niyang top at pantalon. Tanging bra at panty lamang ang natira. Naalala niyang may set of underwears naman siyang nailagay sa kanyang bag dahil minsan ay nagpapalit siya kapag gumagamit ng public toilets kaya madalas talaga siyang magdala niyon sa kanyang bag. She wore a black panty and same color Victoria secret brassiere.
Lumusong agad siya ng tubig at lumangoy palayo kay Dylan na noon ay parang nabato-balani at napatitig sa katawan niya. Lihim tuloy siyang natatawa sa itsura nitong parang nakita si Darna.
"Wew! Nice body huh." Hindi na napigilang puri ni Dylan kay Cassandra while watching her swim. He decided to swim with her at hinabol pa ito sa na papalangoy sa kabilang side ng ilog. Para silang batang naghabulan sa paglangoy at nagsabuyan pa ng tubig. "Para kang isda ang bilis mong lumangoy." Wika ni Cassandra na habang sila ay nagpapahinga sa ibabaw ng isang malaking bato. "And you're like a mermaid. Ang sexy mo." He utter with amusement and even wink at her. "Bolero ka, mas sexy ang girlfriend mo." Cassy said na hinulaan ang status nito. Ayaw naman kasi niyang direktang magtanong. "Well she's a supermodel, So that's understandable." He said na inaming mayroon nga itong nobya. Napangiwi siya ng lihim but smiled at him. "M-matagal na ba kayo n-ng girlfriend mo?" Naisip niyang itanong. Ewan ba niya pero kakaiba agad ang naramdaman niya para rito na para bang matagal na silang magkakilala kahit na unang pagkakataon naman niya itong makita. "Two years na kami. And I'm actually planning to propose."He mutter but his voice seems to be unsure sa gusto nitong gawin. Napabaling tuloy ang tingin niya sa gawi nito at eksaktong tumingin din ang binata sa gawi niya kaya nagtama ang mga tingin nila. And for a moment ay parang naging slow motion ang pag-inog ng mundo sa paligid nila. "Uhmm-- c-congratulations in advance, I'm sure magiging masaya siya kapag nag-propose ka na." Ang nasambit na lamang niya at siya na mismo ang unang umiwas dito. "Thank you Cass. I Hope you'll find the father of your son very soon." Saad ni Dylan sabay hawak at pisil sa palad ng dalagang ina.

Abangan ang next chapter....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top