Chapter 7

Dikit na dikit ang mga katawan nila ng Piloto habang tanaw ang usok na galing sa kung saan inabutan ng pagsabog ang eroplano. Nakapatong si Cassandra sa ibabaw ng lalaki at bumagsak sila sa mababaw na parte ng karagatan na nasa ibaba ng tuhod ang lalim at pareho na silang basa nito. Her mind is wandering at hindi na niya namamalayang napaka-awkward na pala ng posisyon nila kung hindi pa tumikhim ang poging piloto.

"Ehem-- Baka naman p'wede ka ng tumayo miss ang bigat mo." Wika nito na nakatingin na sa mukha niya while smirking. Bigla siyang namula at mabilis pa sa orasang tumayo at saka nagpatay-malisya. 'Shook baka isipin niya na bet na bet kong pumatong sa kanya.' Her subconscious utter saka mabilis na naglakad paahon sa tubig. The man followed her habang inaalis sa katawan nito ang parachute na kasama nilang bumagsak kanina. Inilibot niya ang tingin sa paligid at tanging mga naglalakihang puno at buhangin ang natatanaw niya. They seems to be in an Island na hindi naman niya alam kung saang lupalop ba ng Pilipinas iyon. Ibinalik niya ang tingin sa kasama niyang lalaki and saw him looking around as well. Sukbit pa rin niya ang bag na talagang binalikan pa niya kanina sapagkat naroon lahat ng mahahalaga niyang gamit like her wallet and passport and some snacks na palagi niyang baon wherever she goes. "I think we are now here in Batanes-- This Island I think is Siayan." Usal nito na parang sarili lang naman ang kinakausap dahil hindi naman nakatingin sa kanya. "So nakarating naman pala rin tayo ng ligtas, ayon nga lang iyong eroplano mo abo na ngayon." Aniyang may kalakip na sarkasmo. 

Biglang nagbaling ng sulyap ang binata sa kaharap na babae at tumiim ang tingin niya rito. "That is an unexpected accident miss at hindi ko rin ginustong malagay ang buhay nating lahat sa panganib. I've been flying that plane since I started to become a Pilot at ngayon lang ito pumalya." He told her trying to explain what happened. Napaismid siya at umandar ang pagkamaldita niya. Hindi rin naman kasi basta-basta ang trauma na naidulot nang pangyayari sa kanilang lahat. Imagine muntik na silang matusta kapag nagkataong hindi nito naagapang ibaba ang lahat ng pasahero sa isang ligtas na lugar. Subalit kahit paano ay dapat pa rin siyang maging grateful sa pagiging magaling nitong piloto. Now what matters most is walang casualties and all were safe, she thought at nawala ang iritasyon niya sa piloto. "A-ang mahalaga ay ligtas tayong lahat at walang napahamak. Salamat sa'yo captain America." Bigla siyang parang naging maamong tupa at nakuha pang magbiro para gumaan ang atmosphere between them. Natawa ng pagak ang lalaki at naglakad palapit sa kinaroonan niya. "But you did a great job too miss Paramedics, What's your name by the way?" He said sabay tanong ng pangalan niya. Para tuloy siyang teenager na biglang kinilig dahil sa nasilayan niyang ngiti ng g'wapong piloto. May maputi at pantay-pantay na ngipin ang lalaki at makinis rin ang mukha bukod sa manipis na bigote sa baba nito na mas bumagay sa pangahang mukha nito. "I'm Cassandra--i-ikaw mister Pilot?" Nangingimi niyang pakilala sa sarili sabay pasimpleng tanong din sa pangalan nito. "My name is Dylan Cardova--It's so nice to meet you Cassandra." Sagot nito sabay lahad sa palad in front of her. Nag-alangan si Cassy na tanggapin ang nakalahad na palad nito but at the end ay nakipagkamay naman din siya. "T-thank you sa pagliligtas mo sa aming lahat kanina Dylan." Aniya sabay guhit sa labi ng matamis na ngiti. Gumanti rin ito ng ngiti sabay tango. "So halika na, we have to find something or someone kung may tao mang naligaw dito sa Islang 'to." Yakag nito na nakahawak pa rin sa palad niya. Nahihiyang binawi niya iyon saka ito tinanguan bilang pagsang-ayon. 

Naglakad-lakad sila papasok sa masukal na gubat para maghanap ng tao o bahay na p'wede nilang hingian ng tulong. Subalit halos isang oras na silang naglalakad pero ni isang bahay ay wala silang makita kung hindi ang parang walang katapusang puno at mga halamang ligaw ang nasisiliyan nila. Masakit na rin ang mga paa niya, idagdag pa ang gutom dahil madilim na noon. May dala ang lalaking flashlight na galing sa bag ng parachute kaya nakikita nila ng bahagya ang dinadaanan but that still the environment feels so eerie and scary at the same time. "T-teka Dylan, pagod na ako can we take a rest first? saka sobrang dilim na rito oh baka mamaya may mga wild animals at tayo ang gawing hapunan." Sambit niyang nag-uumpisa ng makaramdam ng takot. Tanging huni ng mga insekto at mga ligaw na hayop ang naririnig nila sa paligid kaya siya natatakot. "Okay dito tayo."Turo niya sa ilalim ng isang malaking puno na tinanglawan pa nito ng ilaw mula sa flashlight. Sumunod siya rito at na-upo agad sa may ugat ng puno at nahaplos ang tiyan niyang kumukulo na dahil sa gutom. "May makikita ba kaya tayong bahay sa gitna ng gubat na ito?" Wala sa loob niyang tanong sa katabi na nagmamasid sa paligid. "I don't know, I remember na nadaanan ko lang ang lugar na ito noon but I didn't notice a community kung mayroon man." He said na mukhang nababahala na rin. Bigla niyang naalala ang mga snacks na nailagay niya sa backpack na dala niya kaya kinuha niya iyon at binuksan. Itinapat naman ni Dylan ang flashlight para makita niya ang hinahanap at sakto mayroon ngang chocolates at biscuit na maari nilang kainin para maibsan ang gutom nila. "Good girl, your such a smart girlscout." Puri nitong parang na-amuse sa pagiging handa niya. "Buti na lang at mahilig ang anak ko sa mga snacks na ganito, here kain na muna tayo." Aniya at huli na ng maisip niyang nabanggit na may anak na siya. Although hindi naman niya ikinahihiya si Gavin ay hindi pa rin dapat siyang nagbanggit ng ukol sa personal niyang information sa taong ngayon lang niya nakilala. "You're married?" Tuloy ay natanong ng lalaki. Umiling-iling siya bilang sagot at nag-iwas ng tingin sa gawi nito. "Uhmm-- G-Gavin is the name of my son. Bale anak ko siya sa pagkadalaga." Wala na siyang nagawa kundi magpaliwanag sa binata kahit hindi naman niya iyon obligasyon gawin. "Oh, I see-- he mutter na mukhang nabigla.

"So he's with his father right now?" Muli nitong usisa. 'Kalalaking marites din nito.' Sa isip niyang napapangiwi ng labi. "My son doesn't even know his father. Kaya nga ako pumunta rito para magbakasakaling makikita ko siya ulit." Nasambit niyang mistulang matagal ng kakilala ang lalaki. "He's from here? your ex?" Muli nitong tanong na parang nawili ng makasagap ng tsismis. "Hindi ko alam, siguro. Basta mahirap kasing ipaliwanag." Aniyang kumagat ulit sa chocolate saka iniabot sa kasama. "Okay, I'm sorry to keep on asking. I'm just shocked to know na may anak ka na. You look so young." He mutter na napapangisi. Kaya napataas siya ng kilay dahil hindi niya mawari kung nambobola ba ito o nagsasabi ng totoo. "I'm 32 years old already." She said informing him her age. "Oh shut up-- You look like 25." Muli niyang pambobola na dahilan para matawa siya. "Anong size ng paa mo?Hahaha--" Turan niyang sinakyan ang pagbibiro nito. "What? Bakit gusto mong malaman? Do you wanna see if my feet had same size on my dick?" Prangka at walang filter na litanya nitong dahilan para siya ay pamulahan ng mukha. Mukha may pagka-manyak pa ata itong pilotong ito. Naisip tuloy niya saka pasimpleng umusad. "Sira, ibibilhan kita ng sapatos dahil sinabihan mo akong mas bata sa edad ko." Aniyang itinama ang naiisip nitong kapilyuhan. "Yeah I know, I'm just kidding."Saad ni Dylan na biglang natahimik at nakikiramdam sa kanya. "Halika maglakad na lang ulit tayo baka sakaling may mahanap na tayong bahay." Maya-maya ay yakag niya matapos nilang maubos ang kinakain. "Yes we better hurry up masyado ng malalim ang gabi at mahirap na baka may mga baboy damo rito." he said and they continued walking. Matapos ang halos dalawang oras na lakad ay nakakita na sila ng liwanag sa di-kalayuan mukhang poste ng kuryente. Para siyang nabuhayan ng loob dahil sa may pag-asa na silang makaalis sa lugar na iyon. "Kalsada na ba iyang may poste ng ilaw?" Tanong niya kay Dylan na noon ay nauunang maglakad. "Let's find out. Maybe may mga bahay na sa bandang 'to." He utter sabay hawak sa kamay niya at halos patakbo silang lumapit doon. At tama nga ang akala nila dahil nasa may highway na nga sila. "B-baka may dumadaang sasakyan dito?" Patanong na sambit niya sabay upo sa may batong naroon. "At this hour ay wala ng sasakyang dadaan dito kay kailangan nating muling maglakad, we can't just wait here." Muling suhestiyon ng binata and started to walk again. Wala ng nagawa si Cassandra kundi ang nakasimangot na sumunod na lamang kahit sobrang pagod na pagod na siya at inaantok na rin. Maswerteng nakakita sila ng isang bahay kubo sa 'di kalayuan at mukhang walang nakatira sapagkat madilim at sarado ang kawayang pintuan. "God salamat naman at makakapagpahinga na tayo."Sambit niyang nakaramdam ng relieve. "Okay, we can spend the night here fisrt, but we have to get up early, we can't be here long dahil baka maabutan pa tayo ng may-ari nitong bahay." Turan ni Dylan habang papalapit sila sa kubo. He pushes the door at itinapat ang liwanag ng flashlight sa kabuan ng maliit na bahay. Inakyat nila ang tatlong baitang n hagdan saka pumasok sa loob para makapagpahinga. Walang mga gamit sa kubo liban sa isang banig. Hindi komportable para sa kanila ang lugar subalit wala naman silang magawa kundi ang magtiis dahil sa pagkakataong iyon na sila ay stranded sa isang Isolated na isla ay ang tangi nilang magagawa lamang ay magpakatatag at manalig na makabalik sila ng ligtas sa kanilang pamilya.

Abangan ang next chapter...

  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top