Chapter 4
"Ay Grabe naman Cassandra, ito lang ang pasalubong namin sa tagal mo na roon sa Canada?" Nakamulagat ang matang turan ni aling Mameng ang kapit-bahay nilang saksakan ng pagkareklamador. Inabutan niya kasi ang mga ito ng dalawang sabon na lux at tig dalawa ring de-lata saka tsokolate na toblerone. Hinati-hati na niya ang mga dala niyang kaunting grocery items para mabigyan niya lahat ang naroong mga kapit-bahay na kagabi pa halos nasa bahay nila at mga nag-aabang. Tipical na eksena sa isang lugar kapag may OFW na umuuwi para magbakasyon. Iyon bang para kang obligadong mamigay sa mga taong wala namang kaambag-ambag noong mag-abroad ka at madalas ikaw pa pulutan sa mga tsismisan nila. Cassandra rolled her eyeballs at nagpigil na supalpalan ang demanding nilang kapit-bahay. "Aling Mameng, hindi ho ako nag-abroad para mamili ng mga ipapasalubong sa inyo-- Hindi ho ba dapat ay magpasalamat kayo dahil kahit paano ay naalala namin kayong bigyan." Walang kaabog-abog niyang saad sa matandang babae na sadyang ipinarinig sa mga kasamahan nito. Nakita niyang namula ang pisngi ng ale at parang napahiya na nagyuko ng ulo. "Hay naku, uwi na nga lang tayo at baka makarinig pa tayo ng masakit na salita sa mga taong nakaapak lang sa ibang bansa ay yumabang na!" Segundang sambit naman ni Tonya ang isa pa nilang kapit-bahay na siyang ka-tsismisan ni aling Mameng madalas. Nakita niyang lumapit sa kanila ang mommy niyang parang hindi na makatiis pa sa mga naririnig na pang-iinsulto ng mga ito sa kanya. "Kayong dalawa kung hindi kayo masaya sa ibinigay ng anak kong kaunting pasalubong na galing sa pinaghirapan niya sa Canada ay mabuti pang umuwi na hane? Mga wala talaga kayong mga asal eh ano at dito pa kayo nagkakalat ng masamang ugali sa bahay namin at imbes na magpasalamat ay nagrereklamo pa!" Ang pagalit na sintir ng mommy niyang si aling Socoro. Natigilan ang dalawa at pati na rin ang iba saka maya-maya ay umalis na ng wala man lang paalam pero dinala naman ang mga ibinigay niyang pasalubong. Nilapitan naman niya ang kanyang ina at hinagod sa likod saka nginitian. "Hayaan mo na lang sila mommy, bukas tayo pa rin naman ang magiging topic nila sa tsismisan." Aniya na nakikinita ang mga bulungan dahil sa inuwi rin niya si Gavin at ang alam ng mga ito noon ay wala naman siyang nobyo. Isa ang toxic environment ng neighborhood nila rito sa Pilipinas ang inaayawan niya. Nakakapikon na rin kasi kung minsan ang mga taong laging may puna sa kapwa na para bang hindi sila nagkakamali. Ipinilig niya ang ulo at hindi niya hahayaang masira ng mga tsismosa nilang kapit-bahay ang masaya nilang bakasyon. Pumasok na lamang siya sa loob ng bahay para asikasuhin ang anak niyang pinagkakaguluhan ng mga kapatid at pinsan niya. "Mommy look tito Leo gave me this." Masayang salubong ni Gavin sa kanya when he see her na palapit sa mga ito na naroon sa may sala. "What's that anak?" Masiglang tanong niya. "A robot mom--tito bought it for me." Pagyayabang nito sa laruang binili raw ng kapatid niyang si Leo na mukhang natutuwa kay Gavin. "Did you say thank you to tito?" Muli niyang usisa sabay hawak sa kamay nito saka sila naglakad palapit sa mga kapatid niya. "He did ate at ang bibo niyang kausap mukhang dehado ang englishing ko diyan sa anak mo." Natatawang turan ni Leo na mukhang mauubusan nga ng English kay Gavin na sobra sa dami ng katanungan na may pa-follow up questions pa. "Aba ano pa't naging call center ka Leo." She told her brother na naupo sa tabi nito. Kumuha naman ng juice si Amira at idinulot sa kanila. Naghuntahan silang magkakapatid habang panay ang usisa kay Gavin until nadako na naman ang usapan sa kagustuhan ng anak niyang makita at makilala ang ama nitong missing in action at again she was out of guard. "Oo nga pala ate, hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi sa amin kung sino ba talaga ang ama ni Gav." Si Ashley na mukhang gusto ring maki-usisa. "Ash, 'wag mo ngang i-pressure si ate na magsabi malay mo talagang traumatic ang naging expirience niya sa lalaking 'yon." saway ni Amira sa kapatid nilang bunso. "M-malapit ko na siyang ipakilala kay Gav, of course gusto ko ring mabuo ang pagkatao ng anak ko but maybe hindi pa sa ngayon." Sambit niyang pahapyaw na nagpaliwanag. Matagal niyang iniwasang pag-usapan sa family nila ang tungkol sa ama ng anak niya dahil nga sa isa naman iyong unexpected na sitwasyon kaso alam niyang hindi naman niya habang-buhay na maiiwasan ang mga tanong ng pamilya niya ukol doon, kaya kailngan na talaga niyang kumilos at balikan ang lugar kung saan niya nakilala ang lalaking ama ni Gavin.
Nang mga sumunod na araw ay naging busy silang lahat para sa preparation ng kasal ni Mira sa kasintahan nitong si Bong. Gaganapin ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa simbahan ng kanilang kura sa Tanay, Rizal and the reception will be followed sa isang private resort na pag-aari ng mga magulang ni Bong. He was a businessman at may-ari ng resort sa kanilang lugar kaya panatag ang loob ng mga magulang niya dahil secured na secured na ang future ng kapatid nilang si Amira. Kinuha ng mga itong ring bearer si Gavin at kasalukuyang nagsusukat ang mga abay at iba pang secondary sponsor ng mga gowns. She was assisting her son to wear the barong tagalog na siyang isusuot nito sa kasal. "Stop moving Gav please, You have to try this clothes if it fits you right." Saway niya sa anak na hindi mapakali habang sinusuotan niya ng damit. Kailangan na kasing ma-finalise ang fitting ng mga isusuot nila para matahi pa ng kinuha nilang mananahi ang mga adjustments. Subalit sadyang malikot talaga ang anak niya kaya nahirapan siyang ipasukat iyon dito. At nang makita niyang tama lamang naman ang fitting ay hindi na niya ibinalik pa sa mananahi. "Ano anak, okay na ba ang fit kay Gavin?" Tanong ng mommy niya na lumapit sa kanilang mag-ina. "Sakto lang naman 'my." Sagot niya habang ibinabalik ang damit ni Gavin. "Mabuti naman, akin na at ng maplantsa ko mamaya sa bahay." Anito sabay abot sa damit. After nilang magsukat ng mga damit ay nagrehearsal naman sa simbahan at wala siyang ibang ginawa kundi ang sawayin ang anak niyang nangulit lang hanggang matapos.
Sumapit ang araw ng kasal ni Amira at Bong and everybody is so happy for them. Mangiyak-ngiyak nga ang mommy nila habang naglalakad sa may aisle kasama ang dad at s'yempre nasa gitna nila ang magandang bride na si Amira. She was holding a camera at kinukuhanan ang mga ito ng larawan but she couldn't help herself not to cry as well too. She is so happy for her sister at alam niyang magiging maayos ang buhay nito sa piling ng magiging bayaw na niyang si Bong.
"Congratulations sis and bayaw, I wish you all the best." Madamdaming pagbati niya sa mga bagong kasal nang nasa reception na sila at naglilibot ang dalawa sa mga bisita. "Thank you so much ate Cass and I wish you also find your soulmate soon." Nakangiting hayag ng kapatid niyang si Amira na mababakas ang sobrang kaligayahan sa mata nito. Tabingi siyang napangiti dahil parang malabo na ata ang sinasabi nito at her age and status as single mom. Sa panahon kasi ngayon kapag single mother napakahirap ng makahanap ng lalaking makakatanggap sa sitwasyon at magmamahal ng totoo kaya itinanim niya sa kanyang isip na magiging sapat na sa kanya si Gavin.
"Uhmm sis, mauuna siguro kaming umuwi ha inaantok na kasi si Gav, just enjoy this day and again congrats." Pag-iiba niya sa usapan at nagpaalam na sa mga ito para maiuwi na niya ang anak niyang napagod sa paglilikot.
The day after ay bumili na si Cassandra ng ticket para sa planong pagpunta ng Batanes but she needs to tell her parents about it first dahil iiwan niya si Gavin sa mga ito. She already think of an alibi na dahilan kung bakit siya pupunta roon.
"Ilang araw ka naman sa Batanes anak?" Tanong ng mommy niya when she approached her para makapagpaalam. " Three days lang po mom, kapag naibigay ko na iyong pinadala ni Carla ay babalik na rin ako rito agad." Aniya na ang sinabing dahilan ng pagpunta roon ay para ibigay ang pinadala ng ka-trabaho niyang Pinay na si Carla. Partly ay taga Batanes talaga ang nanay nito but their family moved to Pangasinan at wala naman talagang ipinadala. She just used that as an excuse. Hindi pa siya ready na sabihin sa mga magulang ang balak niyang paghahanap sa ama ni Gavin. Maybe if she already found him ay saka pa lamang siya magpapaliwanag sa mga ito but for now she needs to deal with it alone first. Sana lang ay may mapala siya sa pagpunta sa Islang iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top