Chapter 3

Nakatanaw si Cassandra sa labas ng bintana ng eroplanong kanilang sinakyan pauwi ng Pilipinas. Her son Gavin is asleep on her arms already. Katabi niya sa pantatluhang upuan ang mommy at daddy niya na nakaidlip na rin sapagkat alas-onse na ng gabi at mahaba-haba ang lalakbayin nila. Fifteen to sixteen hours ang flight pauwi ng Pilipinas from Canada at kinakailangan nilang mag-stop over sa Hongkong saka lalapag na sa NAIA. Her mind is flying back at the last time na umuwi siya sa bansa wherein naganap ang isang pagkakamaling nagpabago ng matindi sa kanyang buhay. Maituturing na isa itong matinding dagok and most probably a mistake but she wouldn't think that way because Gavin is definitely not a mistake but a blessing that she will forever be grateful, Gavin made her a complete woman and strong that she'd be able now to surpass anything that life throws at her. At habang nakatitig siya sa maamong mukha ng anak ay naiisip din niya ang ama nitong parang kidlat sa bilis na dumating sa buhay niya at ganoon din kabilis na nawala sa isang kisap-mata lamang. Hindi talaga niya akalain na pagkatapos nilang magsalo sa isang mainit na magdamag ay hindi na niya ito masisilayan pa kinabukasan. 'Napangitan kaya sa akin 'yong Shrek na 'yon?' Natanong tuloy niya sa isip habang napapangiwi pa. Pero naisip din niya kung may namana kaya si Gavin sa itsura nito. Kahit kasi anong pikit niya at pilit na alalahanin ang kabuan ng wangis nito ay wala talaga siyang maalala bukod sa balbas nitong tumatakip sa ibaba ng ilong nito. "Mom?" Napakislot siya when she heard her son speak. Nagising na pala nang hindi niya namamalayan. She smiled tenderly at him saka hinalikan sa noo. "Baby, just sleep in mommy's arms where still flying." She whispered sa tapat ng tainga ng anak saka isinuklay ang daliri sa maiksing buhok nito. "Is there a bird outside flying too mommy?" Ang tanong muli nito na nag-umpisa na namang maging curious. "No baby--- all the birds are asleep at this hour like human." Sagot niya sa tanong nito and hugged him tighter. "But mommy when the plane landed in the Philippines are we going to see my daddy?" Hirit na usisa muli nito ukol sa ama na gustong-gusto na nitong makilala. Napahugot tuloy siya ng malalim na hininga sa mga tanong na iyon ni Gavin. 'Kailan kaya matatapos ang pagtatanong niya about his father?' Her subconscious mind asked. "Gav, I will tell a story about your dad. Do you wanna hear it?" Bigla ay nasabi niya. Maybe she needed to create a fiction story na kung saan ay para matigil na rin ito sa katatanong at kahahanap sa ama nitong hindi nga niya alam kung saan hahanapin. "Yes mom, I wanna hear the story of my dad." Mabilis pa sa alas-kwatrong turan ni Gavin na mukhang nawala na rin ang antok. "Oh well it seems you can't sleep now little boy."Aniya and prepare herself to be a story teller. "Once a upon a time there's a man named Shrek, he was half ogre and half human. He has a green skin complexion and a nose that is big and flat. He also had a big ears like an elf that made him so ugly from the typical human appearance. His tummy is so big he's very fat.--- Tumigil siya saglit sa pagsasalaysay at sinilip ang itsura ni Gavin and he seems so hook by her story already and maybe is imagining. "Do you wanna see how Shrek look like Gav?" Tanong niya pa habang natatawa ng palihim sa naisip niyang kalokohan. "Do you have pictures of him mommy?" Tanong ng anak niya. "Yeah, I have." She said at kinuha ang phone at nag-search sa internet ng larawan ni Shrek. Ipinakita niya iyon kay Gavin and she almost burst out into laughter upon seeing his reaction na lumalim ang pagkakalukot ng noo at napapangiwi. He seems not to like what he saw. "He's ugly mommy-- is that my daddy?" Tanong niyang malapit ng umiyak sa hilatsa ng mukha nito. Itinakip naman niya ang palad sa tapat ng bibig para 'wag matawa. "Uhmm-- actually he transform into human when I met him, but I'm scared that now he's back to being an ogre. D-do you still wanna meet him?" Aniya na nakaisip ng kwento for him to stop asking his whereabouts. Napalabi ito at maya-maya naiyak na. "I don't wanna see my daddy looks like that mom-- No tell him to transform first into a handsome prince!." Ngawa nito na dahilan para magising ang mga magulang niya. Nasintir tuloy niya ang sarili sa ginawang kalokohan. "Why are you crying apo?" Tanong kaagad ng mommy niya saka kinuha mula sa kanya si Gavin na kinukusot-kusot pa ang mata. "Ano bang ginawa mo dito sa anak mo ha Cassandra?" tanong ng mommy niyang pinandilatan na siya ng tingin. "It's alright apo--come to lolo." Pang-aalo naman ng daddy niya na kinuha mula sa mommy niya si Gavin. "I didn't do anything 'my, He said he wanted to hear a story." saad niya defending herself for her mom not to roast her. "Lola, is it true that my daddy is so ugly?" Sinisinok na tanong nito sa mommy niya. Pinandilatan tuloy siya ng mata nito. "No apo-- don't believe your mommy. He must be handsome just like you." Tugon ng ginang sabay punas sa luha ni Gavin. "That's enough Cassandra, hindi magandang kung ano-anong bagay ang sinasabi mo sa bata." Saway pa nito that made her to just zip her mouth. "Okay, I'm not gonne tell a story about your daddy anymore so please stop asking." Aniya sabay tingin sa anak na noon ay mahigpit na ang kapit sa lolo nito. Nakita niyang tumango ito na dahilan para siya mapangiti. 'Hay sana nga hindi na makaalala.' Aniya pa sa isip and decided to close her eyes to take a nap. But still kailangan pa rin niyang bumalik sa Batanes para magbakasakali. Kahit paano kasi ay karapatan ni Gavin to know his real father para na rin wala itong maisumbat sa kanya paglaki nito and it is her responsibility to make his son complete as a person by knowing atleast his roots. She is not expecting anything from that man dahil kaya naman niyang buhaying mag-isa si Gavin kahit wala ang suporta nito, all she wants is for him to recognize his son that's it.

NAIA, Philippines.

Nakalapag na sa airport ang eroplano at sobrang excited na silang lahat para makita ang mga kapatid niya at mga kamag-anak. Sila Amira at Ashley na mga kapatid niya ang sumama kay Kevin para sumundo sa kanila. Naiwan ang pangatlo nilang kapatid na si Leo sa bahay kasama ang tiyahin niyang mama naman ni Kevin at kapatid ng mommy niya.

"Mga anak ko!" Hysterical agad na sambit ng mommy niya at patakbong sinalubong ng yakap ang mga kapatid niyang nag-iiyakan na rin dahil matagal din bago naka-uwi ng bansa ang mga magulang nila. "Mommy, daddy--ate Gav." Hiyaw ni Ashley ang bunso nilang kapatid na 23 years old na rin. Graduate na ito sa kursong Chemistry but she wanted to become a MS chemist kaya nagma-masteral ito ngayon. Siya na lamang ang pinag-aaral nila dahil may trabaho na ngayon si Leo na isang call center agent. Si Amira naman ay nagtapos sa kursong Accountancy and currently working as bank teller. Lahat sila ay maayos na ang buhay kaya naman medyo maginhawa na ngayon ang mga magulang niya subalit ang plano nga nila ay i-petition din sana ang dalawa niyang kapatid kaso ayaw naman ng mga ito sa Canada. Niyapos nila isa-isa ang mga kapatid niya at pinsan saka sila masayang nagkamustahan while walking palabas ng airport. "Ang cute cute naman nitong si Gavin ate." Masiglang hayag ni Ashley na giliw na giliw sa pamangkin nitong sa videocall lamang dati nakikita at nakakausap. "Magsawa ka ngayon sa kakulitan n'yan." Natatawang aniya habang nakaakbay kay Almira ang pangalawa niyang kapatid. Sila ang close dati dahil sa halos hindi naman nagkakalayo ang edad nilang dalawa. 28 years old na si Leo ang sumunod dito and the only thorn among the roses sa kanila. "So sis hahanapin mo na ba ngayon ang daddy ni Gavin?" Bulong na tanong ni Amira sa may tainga niya na hindi ipinarinig sa mga magulang nila. "I'm not yet sure Mira but I will try." Sagot niyang may kalakip na pag-aalinlangan. Nasabi na kasi niya rito dati pa ang totoong nangyari sa kanya kaya siya noon nagbuntis without her expecting it. Ito lang at si Naomi na bestfriend niya ang nakakaalam ng totoong nangyari before at nakiusap siya sa mga ito to keep it for them because she already wanted to forget what happen before. "You need to give it a try, malay mo magkita na kayo ulit para na rin may maiharap ka na kay Gav everytine he ask about his father." Segundang aniya pa sabay tapik sa balikat niya. She gave her sister a sweet smile as a response then followed their companions na ngayon ay malayo na ang nalalakad.
Nang makarating sila sa kanilang bahay sa may Tanay, Rizal ay nadatnan na nga nila ang maraming tao sa harap ng bahay na sa hinuha niya ay mga kapitbahay at ilang mga kamag-anak. Alam na niyang pasalubong ang inaantay nila mula sa kanila.

Abangan ang next chapter...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top