Chapter 16

After a week ay isinagawa na ang mga series of test para kay Gavin and Cassandra decided to file a resignation letter from her job in Canada para matutukan ang pagpapagamot ng anak niya. Her dad told her na ito na lamang muna ang babalik doon para makapag trabaho and maiiwan sila ng mommy niya. May health insurance naman siyang maaring magamit for the medication doon but it will be hard for them to travel and mas malaki ang magiging expenses nila since she couldn't able to work during the chemotherapy. Kaya balak niyang mag business na lamang muna habang under medication pa ang anak para kahit paano ay maitawid nila ang gastos sa mga gamot at iba pang pangangailangan nila. May natitira pa naman siyang savings at nakahanda rin daw tumulong ang mga kapatid niya sa mga expenses nila habang nasa hospital. "Oh anak saan ka pupunta?" Takang tanong ng mommy niya ng makita siyang palabas ng room ni Gavin sa hospital. Medyo stress pa rin ang pakiramdam niya but she have to get going. "Sa may cashier mommy, ipapa-compute ko iyong kailangang bayaran. Sa makalawa ay maari na raw tayong lumabas at magiging out patient na lang si Gav for the series of test. Iyong chemotherapy sessions naman ay sa ibang hospital tayo ini-refer ng oncologist." Pagpapaliwanag niya sa ina na mistulang hapong-hapo na dahil sa kaiisip sa kung paano ba niya lahat malulusutan ang problema. Her mom sigh at tumingin sa kanya with sympathy. "Anak, alam kong matapang ka at makakaya mong lagpasan lahat ng pagsubok na ito." She told her with assurance and even hugged her para magpakita ng suporta. Tipid siyang ngumiti sa kanyang ina saka tumango bilang sagot. "Bantayan n'yo muna si Gavin mom." Bilin niya bago siya lumabas at magtungo sa cashier ng hospital.
Pagdating doon ay t'yempong wala namang pila kaya agad siyang inasikaso ng kahera. "Good morning miss, gusto ko lang sanang magpa-compute ng bills namin." Aniya na iniabot ang isang papel na naglalaman ng kanilang details. "Ah okay po mam, wait lang po." Magalang namang sagot ng kahera sabay harap sa computer monitor nito. "Mam, settled na po lahat ng bills n'yo kaya okay na po. Including sa mga gamot na nakuha ay fully paid na rin po lahat." Maya-maya ay turan ng babaeng kahera na siya namang ikinagulat niya. 'Paanong. bayad na? Sino namang nagbayad 'nun?' Naguguluhang tanong niya sa isip saka muling bumaling sa babae dahil baka mali ito nang tinignang pangalan. "Ha? Paanong bayad na eh ngayon lang ako nagpunta rito? Miss baka nagkakamali ka, paki-check naman ulit oh." She insisted dahil talagang hindi siya naniniwala. "Eh sure po mam, fully paid na po kayo. Ito po ang details ng payment through cheque pa nga po." Saad ng kahera saka ipinakita sa kanya ang na-print na payment details. Laking gulat niya when she saw the name of Dylan na siyang nakapirma at may-ari ng cheke. 'Bakit naman niya ginawa 'yon?' She even asked herself saka madali ng nagpaalam sa babae matapos siyang makapagpasalamat. Nagtungo siya sa may terrace ng hospital at kinontak si Dylan para alamin ang dahilan why he fully paid their hospital bills.
Narinig niyang nagri-ring ang telepono nito subalit hindi sinasagot. Maybe he already thought na iyon ang pakay niya and he seems not to give her an answer. At dahil hindi niya ito makontak ay nagpasya siyang puntahan na lamang ang binata sa building na kung saan sila noon lumapag mula sa helicopter. Naalala niyang may access doon ang lalaki kaya malamang ay naroon ito. Agad na siyang bumalik sa silid ng anak niya para makapag bilin muna sa mommy niyang bantayan muna ito habang wala siya. She needs to know why Dylan did what she have supposed to do. Sapat na kasi ang pagdo-donate nito ng dugo at hindi niya gustong abusuhin ang kabutihan nito kaya ibabalik niya ang perang ibinayad sa hospital na halos umabot rin ng isang daang libong piso dahil sa mahal na presyo ng mga gamot.

Hiniram niya ang sasakyan sa pinsan niya at iyon ang ginamit para lumuwas ng Manila. That building is located in Quezon City and she still remember the name. Cordova Tower ang nakalagay doon. 'So he owns that building, kaya pala alam niya ang pasikot-sikot doon.' Aniya sa isip na ngayon pa lamang napagtanto kung gaano kayaman ang akala niya noong isang ordinaryong piloto. At hindi na rin siya magtataka na pag-aari ng pamilya nito ang Airline company na siyang sinakyan niya noon patungo sa Batanes wherein si Dylan mismo ang piloto. She moved her head sideward in disbelief. Nakarating naman siya ng walang aberya sa naturang gusali at mabilis ang kilos niyang nagtungo sa may information desk sa may lobby para magtanong kung naroon ang kanyang pakay.

"Hi miss, is Mr. Dylan Cordova here today?" Direktang tanong niya sa babaeng nakayuko habang may binabasang file. "Good morning mam-- uhmm may I know po kung sino kayo? Itatawag ko po sa secretary niya." Tanong nito sa kanyang personal information. "It's Cassandra Vasquez." She told her as a reply. "Okay, a moment po." Saad ng babae saka may tinawagan sa intercom. "Hi miss Angie, there's a certain miss Cassandra Vasquez here in the lobby right now and she's looking for sir Dylan. Is he available at this moment?" She heard the lady inquired the secretary. And she waited for an answer.
"Oh okay, thanks." Muli niyang narinig na tugon ng receptionist saka bumaling sa kanya. "Mam you can now proceed to the 10th floor of this building at sa kanang bahagi po 3rd door ang office room ni Mr. Cordova." She said that give her relief. Ang akala niya ay hindi siya nito haharapin dahil ayaw sagutin ang mga tawag niya kanina. Nagpasalamat siya sa babae and hurriedly went to the elevator para magtungo sa office room ni Dylan sa 10th floor. Pagdating doon ay  agad naman siyang pinapasok ng secretary kaya dumiretso na siya sa nakapinid na pintong itinuro ng nito sa kanya saka mahinang kumatok.

"Come in." Narinig niyang sambit ng pakay niyang binata kaya naman pinihit na niya ang door knob and entered the room. She saw Dylan na nasa harap ng office desk na may nakapatong na computer and he was busy doing something sa PC nito. "H-hello Mr. Cordova-- Can I talk to you for a moment?" Bungad niyang tugon na medyo nag-aalangan pa. Nag-angat ng tingin sa gawi niya ang lalaki at iminwestra ang upuan sa harap nito. "Please take a seat Cassandra."He offered her at tumalima naman siya. "Thank you." She replied and smiled at him vividly. "So what is that you wanna tell me?" Maya-maya ay usisa ng binata sa pagpunta niya roon. Tumingin siya ng diresto sa mga mata ng kaharap bago kinuha ang perang nasa loob ng isang puting sobre and handed it to him. Napatingin naman si Dylan sa inaabot niya but didn't bother na kuhanin iyon mula sa kamay niya hanggang sa nangawit na nga siya. "Kunin mo, iyan ang bayad sa hospital bills namin na binayaran mo raw-- I came here para ibalik iyang pera mo. You don't even need to do that." Sambit niyang hindi na nagpaligoy-ligoy pa. "We need to talk privately Cassandra. Can you wait for half an hour, I just need to finish what I'm doing and then lalabas tayo rito." he told her sa mukhang seryoso at parang may mahalaga talagang sasabihin sa kanya. Napakunot siya ng noo but she nodded as a response at hinintay nga itong matapos sa ginagawa. After 30 mins. ay niligpit na ng binata ang mga papers na pinag-aaralan niya saka binalingan si Cassandra na noon ay lumipat sa may sofa at nagbasa-basa muna ng magazine subalit dahil na rin sa matinding puyat at pagod dahil sa pagbabantay kay Gavin ay naidlip siya ng hindi niya namamalayan. Dahan-dahan ang naging kilos ni Dylan papalapit sa nahimbing ng babae saka napapailing-iling. He knows she's tired dahil sa pag-aalaga kay Gavin at doon ay nakaramdam naman siya ng matinding guilt feelings na kung ilang gabi nang laman ng kanyang isip. After niyang malaman ang result ng DNA nila ni Gavin ay para siyang nahiyang harapin si Cassandra. Hindi niya alam how would he tell her what he discovered and he doesn't know how to handle the situation kaya naman pinili niyang 'wag munang magpakita rito ng ilang araw. And he also have to be prepared para sa gaganaping take over ng kanilang Airline company kaya inabala na lamang niya ang sarili na pag-aralan ang mga dapat niyang malaman ukol sa kanilang negosyo. Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya when he saw Cassy open her eyes at magtama ang tingin nila. "Uhmm--- are you done? P-pasensya na kung naka-idlip ako." Tugon ni Cassandra kay Dylan at saka mabilis na bumangon. Nahiya pa siyang nakita nitong natutulog siya sa sofa nito. "That't alright-- are you ready?" he said na tipid pang nangiti sa kanya. "Y-yeah, tara na ba?" sagot niya sabay tayo at ayos sa sarili. They headed at the parking lot at sumakay sa sasakyan nitong bago sa paningin niya at mukhang mamahalin. Hindi iyon ang ginamit nila noong ihatid siya sa hospital galing sa Batanes. 'Walang dudang mayaman nga siya.' Aniya sa kanyang isip habang tahimik na nagkakabit ng seatbelt when they were inside his car. "Where are you taking me?" Kapagdaka ay tanong niya nang mapansing patungong North bound ang direksyong tinatahak nila. "In my place Cass, QC." maiksing sagot nito and continued driving. And after 20 mins. ay pumarada na ang sasakyan nito sa tapat ng isang magarang condominium building na sa hinuha niya ay ang tinutukoy nitong tinutuluyan. Sumakay sila sa may elevator and she saw him pressed the 20th floor. Tahimik lang siyang nag-ooverthink sa tabi nito and wondering what he's going to discuss with her.

*to be continued*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top