Chapter 15

"My mom told me you save her life?" Gavin utter habang patuloy sa masayang pakikipag-kwentuhan kay Dylan na mukhang aliw na aliw rin sa bata. "Oh really? Did she also told you how handsome I was?" Nakangising balik-tanong nito kay Gavin na dahilan naman para pamulahan siya ng mukha. 'At pinagtsismisan pa ako ng dalawang 'to.' She told herself habang napapataas ng kilay. "Hahaha---she said my real dad is Shrek and he's very ugly. I wish you were my dad." Nagulat siya ng marinig ang sinaad na iyon ng kanyang anak kaya mabilis niyang natakpan ang bibig nito but it was too late dahil nakatingin na sa kanya si Dylan ng makahulugan as if nang-uusig. "Uhmm-- Gav, I think you need to take a rest now okay. Dylan have to go at the laboratory for checking up." Pag-iiba niya sa usapan at sapilitang pinatulog ang anak na noon ay parang ayaw pang pakawalan si Dylan. "But mom--I still wants to talk to Captain America, please.." Pagsusumamo pa nito and even put his two hands in front of his chest as a gesture of pleading. "Don't worry bro--- I'll be back after they check me alright. Take a rest first." Sambit naman ng binata saka nakipag-high five kay Gavin na mabilis namang nagtaas ng palad. "Okay-- I'll wait for you." He replied to Dylan. "Sleep now Gav, I will go outside to talk to the doctors first." Aniya sa anak saka hinalikan muna sa noo then followed Dylan outside the room. "P-pasensya ka na kay Gav, masyado lang talagang makulit ang batang 'yon." Bungad niyang saad nang makalapit sa binata na naabutan niyang nakatayo sa harap ng pinto. Mukha itong pre-occupied while still looking at the door. "Ha?." Parang nagulat na sambit nito. "T-that's fine. Ganoon talaga ang mga bata masyadong curious."Segunda ni Dylan na matamang nakatitig pa rin sa may nakapinid na pinto. "Yeah I know. He's like that kaya nga napilitan akong magpunta sa Batanes just to find the answers for all his queries about his dad." She said na napapailing-iling pa pagkaalala ang paulit-ulit na pag-uusisa ng anak niya kung bakit wala itong amang nakagisnan. Napalunok ng laway si Dylan na noon ay nakabaling na ang tingin kay Cassandra. "Did you tried to come back on that place after that day?" He asked her. "No I didn't. Hindi naman na kasi kailangan dahil ni hindi naman kami personal na magkakilala. A-and I wasn't expecting na mabubuntis niya ako, so what's the need." Sagot niya na hanggang ngayon ay abot-abot pa rin ang pagsisi kung bakit siya noon mabilis na nagpaubaya. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila and Dylan couldn't stand the situation. Now it was confirmed. "I think kailangan ko ng magpunta sa may laboratory para ma-check if I could transfer blood to Gavin." He told her afterwards trying to escape. "Okay, thank you so much Dylan. I really owe it to you." Aniya sa lalaki and saw him hurriedly leave. Naiwan siyang natitigilan dahil sa napansin niyang kakaibang ikinilos ni Dylan after he met her son. But in the end ay ipinagkibit na lamang niya iyon ng balikat at nagpasyang magtungo sa nurse station para tanungin kung anong oras muli nilang tuturukan ng gamot si Gavin dahil magvo-volunteer na lamang to do it instead.

*******

Pinayagan naman si Dylan ng mga doctor para magsalin ng dugo kay Gavin but they have to wait 3 hours and he needs to drink a lot of water para mailabas niya ang alcohol na kanyang nakunsumo.

Nasa may waiting area na siya when Cassandra headed. "Dylan, how are you?" Bungad na natanong ng babae saka tumabi ng upo sa kanya. He looked up at her at tipid itong nginitian. "Hi Cass, Is he asleep?" Usisa niya rito. "Yes actually pinainom na siya ng pampatulog baka raw kasi magwala habang sinasalinan mo ng dugo, but I'm sure he wont naman kasi alam niyang ikaw ang donor." Sagot nito na halata pa ring worried para sa anak nito. Dylan stare at her again intently at parang gusto na niya itong kausapin about what's on his mind. But he have to wait for the DNA result para makasiguro rin siya. "You really raise him well Cass." Ang tangi niyang nasambit sa dalaga. And after a few more moments ay tinawag na siya para pumasok sa loob para sa isasagawang blood transfusion sa anak ni Cassandra. He was staring at the child habang isinasalin ang dugo mula sa kanyanng katawan niya papunta sa mahimbing ang tulog na bata. At habang titig na titig siya sa mukha nito ay hindi niya namamalayang tumulo na pala ang luha niya. And there he confirm his suspicion even withouth the result that Gavin was his own blood and flesh. His face and feature is exactly his appearance when he was his age at walang duda iyon. Nakita niya mula sa mga luma nilang larawan ang mga kuha noong bata siya katulad ng edad ngayon ni Gavin at halos pinagbiyak ng bunga. Kanina habang kausap niya ang batang lalaki ay kakaibang saya ang nararamdaman ng kanyang puso at kung maari nga lamang niya itong yakapin ay ginawa na niya. 'Damn! how can I not known you before my son.' Usig niya sa kanyang konsensya habang naiisip ang mga hirap na pinagdaanan ni Cassandra raising a child alone while taking good care of her own family.

"Mr. Cordova okay na po. You can take a rest po muna bago kayo umuwi." Saad ng nurse na siyang nag-assist sa kanya nang matapos ang pagsasalin niya ng dugo. "Yeah, thanks--Is he okay?" Pahabol pa niyang tanong habang dahan-dahan ang kilos para bumangon mula sa pagkakahiga. I still felt a little bit dizzy but he is more concern about Gavin. "Tulog pa rin po ang patient sir, but he's okay po. Malaking tulong sa kanya ang masalinan ng dugo." Sagot naman ng nurse bago ito lumabas ng naturang silid. Nang ganap na siyang makatayo ay lumapit siya sa may bed ni Gav na noon ay mahimbing pa nga ang tulog. And while staring at him deeply ay wala sa loob niyang iniangat ang palad haplusin ang maamong mukha nito. "I'm here now Gav, I promise that I won't let anything happen to you a-at hindi na ako mawawala. I will be protecting you at any cost m-my son." Mahina niyang sambit na tanging siya lamang naman ang nakakarinig. Nasa ganoon siyang ayos when he heard the door open kaya mabilis niyang inayos ang sarili pretending to just watching him. "Dylan-- Are you okay? Sana nagpahinga ka na muna." Turan ni Cassandra na siyang pumasok sa loob ng silid. "I-I'm just making sure that he's fine-- I have to go now Cassandra." Sambit niya habang pasimpleng pinunas ang luhang tumulo while he's talking to the child kanina. "Ha? Teka kakatapos mo lang kuhanan ng dugo, You can't drive pa dahil baka mahilo ka. Just take a rest first please." Natatarantang pigil ni Cassandra sa binata na mukhang nagmamadali na ngang umalis. "I'll be alright, may kailangan pa kasi akong gawin, but I'll be back to check on him." he uttered at hindi na nga nagpapigil pa. Wala nang nagawa si Cassandra ng lumabas ang lalaki kundi ang mapailing-iling na lang.

While Dylan on the other hand ay nanatiling nakaupo lang naman sa harapan ng manibela ng kanyang sasakyan. He manage na makarating sa may parking lot kahit na nahihilo pa rin. He couldn't take it anymore. Cassandra is taking all the responsibility na dapat sana ay dalawa silang umako. 'I really need to know the truth.' He told himself at muli niyang tinawagan si Norman para itanong ang result. "Hello pare, may balita na ba about sa request ko?" Wala ng paligoy-ligoy niyang tanong sa kaibigan. "Oh yeah-- sakto lang ang tawag mo. Sadyang inuna ko habang naka bakasyon ang kasama ko rito." He responded na dahilan para siya ay ma-excite at kabahan at the same time. "I can come over. Wait for me." He said saka madali ng binuhay ang makina ng sasakyan para magtungo muli sa clinic ni Norman. At pagdating nga doon ay iniabot agad nito ang isang envelop na naglalaman ng result for the DNA. Kinuha niya iyon at matagal na tinitigan muna. He doesn't even know where he will find the courage to open the document.
But at the end he choose to open it and he just confirm everything at halos ay hindi niya malaman ang magiging reaksyon even though he already see it coming. That was surreal but he felt so damn stupid for letting his child grew up without him for four fucking years."He's yours pare, congratulations daddy ka na pala." Turan ni Norman na siyang nagpabalik sa huwisyo niya. He stare at him blankly. Napadiin ang hawak niya sa document. "I-I don't know what to feel pare. He's ill." Ang tangi niyang nasambit because he's still feeling overwhelm. He's out of words and out of his mind that time. How can he even tell his parents and Lucile na mayroon na siyang anak at kailangan siya nito sa pagkakataong iyon? And his dad paano niya haharapin ang ama niyang umaasang aakuin na niya ang pagpapatakbo sa kanilang Airline company.

*To be continued*

Oh no, paano kaya 'yan Dylan?.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top