Chapter 10

Kinabukasan ay agad na ngang nagtungo si Cassandra sa resort kung saan noon ginanap ang kasal nila Naomi at Joshua. But the place is so different now. Ayon sa mga tauhan na inapproach niya ay iba na raw ang may-ari niyon at pati nga pangalan ay napalitan na. Agad siyang nagpunta sa direksyon ng kubong pinagdalhan sa kanya noon ng lalaking nagpakilalang Shrek pero sa huli ay nadismaya lamang siya sapagkat wala na ang mga kubo roon at napalitan na ng mga konkretong gusali at ginawang hotel.

"Ate kilala n'yo po ba iyong dating may-ari nitong loteng ito? Tanda ko ho kasi four years ago ay may mga kubong yari sa kawayan ang nakatayo rito." Desperadang usisa pa rin niya sa caretaker na siyang sumama sa kanyang puntahan ang lugar na iyon. "Naku iha, hindi ko na sila inabot dito, basta ang alam ko ay sila Mr. Fumiya na isang hapon ang may-ari at malamang ay nakabili sa loteng ito." Sagot ng ale. Napatampal na lamang tuloy siya sa kanyang noo. She felt so disappointed and hopeless at the same time. 'So wala na ngang pag-asang maipakilaka ko pa si Gavin sa tunay niyang ama.' Mangiyak-ngiyak na turan niya sa isip dahil sa kabiguang matagpuan ang lalaking siyang dahilan kung bakit siya naroon sa islang iyon at muntik pang maging abo kung nagkataong hindi sila nakaligtas sa pagsabog ng eroplano. Bigla ay sumagi sa balintataw niya ang mukha ni Dylan at naalala ang pangako nitong kokontakin siya para makasamang mag-dinner subalit hindi na rin naman ito nakatawag pa. Inisip na lang niyang naging abala ito sa pagpapaliwanag sa mga imbestigador at mga reporters.
Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya ng tumikhim ang aleng kausap niya. "S-sige ho ate maraming salamat po sa pagsama sa akin dito." Tugon na lamang niya saka dumukot ng ilang pirasong tig-isang daan para ibigay dito bilang kapalit ng pagsama sa kanya. "Naku mam, 'wag na ho hindi po kami nagpapabayad." Kiming tanggi ng ale but she insisted it at sa huli ay tinanggap na rin naman nito iyon.

Nagbalik siya sa hotel kung saan siya nakacheck-in na bigo. Naisip niyang kontakin si Naomi para kahit paano ay may mapagsabihan sa kanyang nararamdamang pagkadismaya.

"Hello bestie," She started.

I failed hindi ko siya nahanap." Segundang tugon niyang sambit sa kaibigan in a sad voice. "Cass, are you okay? Do you want me to come over?" Tanong nito with sympathy. "No, its okay I know it will happen but atleast I tried. I just don't know how I'm gonna explain to Gav." She said sa tinig na dismayado pa rin. "Well just tell him na this is not yet the time for them to meet, maybe someday. Oh Christ ang hirap nga naman talagang ipaliwanag but what can you do." Wika ng kaibigan niya trying to give her a piece of advice. She took a deep breath and calm herself down. "Yes maybe I will just tell him another lie. Sana man lang kasi nagsabi ng totoong pangalan noon ang unggoy na 'yon." Nakaingos niyang sambit na mistulang naiinis pa rin sa sarili everytime maalala niya ang katangahang nagawa niya noon. "Hahaha nakakatawa pa rin hanggang ngayon pag iniisip kong na-scam ka ng Shrek na iyon." Natatawang saad ni Naomi. Nagawa pa siyang alaskahin sa kabila ng pagkabigo niya sa kanyang misyon. "Hindi bale na, nakilala ko naman si Capatin America." Sagot niyang napahagikgik nang maalala ang eksena nila ni Dylan habang nasa himpapawid with the parachute. Hanggang ngayon kasi ay kinikilig pa rin siya by the thought na naranasan niyang ma-stranded ng isang buong araw sa isang isla kasama ang napaka-gwapong pilotong si Dylan Cordova. "Sinong Captain America naman 'yan aber? Teka nabalitaan kong bumagsak ang eroplanong sinakyan mo ha, mabuti at nakaligtas kayo." Biglang usisa ni Naomi na ngayon lang naalala ang insidenteng kinasangkutan niya. "Okay naman ako Nami, kausap mo na nga ako ngayon 'di ba?" She said na may himig pamimilosopo. "Ay oo nga naman, bakit ko ba tinatanong-- Anyway tell me what happen sa plane bakit sumabog at sino si Captain America?" Sunod-sunod na usisa ng kaibigan niya. She gasp and prepared to tell her everything. "His name is Dylan Cardova and he's a pilot. Siya si Captain America because he just saved me from death. And literally he's a real hunk." She briefly said na kinikilig pa. "Ay talandi! So ibig sabihin siya ang kasama mo ng buong araw, sabi kasi ni tita ay halos 24 hours kayong nawala but all the passengers were safe. " Anito na alam naman pala ang buong kwento at nagtanong pa sa kanya. "Si mommy talaga ang bilis maka-relay ng tsismis." Ang nasambit niyang habang napapailing-iling pa. "Ano nga, tell me nakipag-sex ka ba sa Pilot na 'yon?" Diretso at walang pasintabing muling pang-uusisa ni Naomi that causes her to blush kahit na nasa kabilang linya naman ang kausap niya. 'Paano naman naisip ng bruhang ito na nakipag-sex siya?' Her subconscious mind wonder. "Baliw ka ba Naomi! Bakit naman ako makikipag-sex dun." Nanlalaki ang butas ng ilong na tanong at litanya niya sa kausap. And then she remembered what she did before kaya nga siya naging single mom ng wala sa plano. Napatampal tuloy siya sa noo. "Well nagawa mo na noon kaya naisip ko lang at saka wala namang masama if ever basta ba binata at talagang makalaglag panty eh keri na girl." Nakangising turan muli nito. "No way highway Naomi, and take note taken na siya at planning na to propose sa super model na girlfriend niya." She mutter in disgust and decided na magpaalam na rito dahil mas lalo siyang na-stress sa takbo ng usapan nila. "Oh siya sige na gusto ko ng magpahinga, maybe bukas ay luluwas na rin ako pabalik."Muli niyang saad na hindi na hinintay na makahirit ito ng pang-aalaska. "Okay, basta balitaan mo ako kapag nagka-sex life ka na ulit ha bestie--hahaha..." Huling hirit ni Naomi saka mabilis na nitong pinatay ang tawag. Napapabuga tuloy siya ng hangin sa kapilyahan nito. Naisip niya tuloy na ganoon na ba siya ka desperada para magkaroon ng lalaki sa buhay? Well kung hindi man siya papalarin in that aspect ay okay lang naman because Gavin is enough to make her happy. She just decided to went out that night para i-enjoy na rin kahit paano ang stay niya sa Batanes since kinabukasan pa naman siya babalik ng Manila. She choose to wear a above the knee dress na may floral pink design. She also put a light make-up and wore a flat sandal saka na siya gumayak para maglakad-lakad at maghanap ng masarap na local food. The hotel where she check-in ay malapit sa dagat kaya medyo malamig ang panahon doon kaya nagdala siya ng cardigan para hindi siya masyadong ginawin while outside. Palinga-linga siya sa paligid at naghahanap ng p'wede niyang kainan nang biglang tumunog ang cellphone na nasa loob ng bag na dala niya. Kinuha niya iyon at tinignan kung ang mommy niya ang tumatawag but the number is not registered kaya napapakunot-noo siya. She decided to take the call to know who was calling her.

"Yes hello?" She utter.

"Hi Cassy, how you doin'?" Tanong ng isang baritonong tinig ng lalaki mula sa kabilang linya. Her heart almost jump when she recognize his voice. "D-Dylan?" Pagkokompirma niya. "Yes it's me. Where are you? Can we meet?" He asked her na dahilan para makaramdam siya ng ibayong excitement na hindi niya inaasahan. "Uhmm-- narito na kasi ako sa labas a-and I'm planning to dine alone, okay lang na hindi mo ako i-treat."Pagpapakipot niya but the truth ay gustong-gusto niyang sabihing puntahan na siya nito agad now na. "Oh yeah, I already saw you--wait there." He said instead na nakikita naman pala siya. 'Jusme papunta na ata rito.' Sambit niya sa isip kasabay na nagpalinga-linga sa paligid, and there he is at papalapit na sa kinatatayuan niya. Dylan is wearing a khaki short at naka todds top sider shoes at black polo t-shirt na may kwelyo. Nakasuot ito ng sumbrero at talaga nga namang walang itulak-kabigin sa lakas ng dating nito. Halos lahat ata ng kababaihan sa paligid ay nakatanaw rin sa binata and no wonder why. "So here you are-- How's your stay in this resort so far?" Nakangiting bungad na tanong nito nang ganap na makalapit sa kanya. Pasimple siyang nagtanggal ng bara sa lalamunan at kinalma ang sarili. "Okay naman, I mean maganda ang serbisyo nila rito. I-ikaw how's everything?" She answered na para pa ring sinisilihan sa p'wet and asked him at the same time. She really felt so awkward by him near her. "Well it was tiring but everything is already settled at lahat ng mga gamit ninyo na nakasama sa pagsabog ay sasagutin lahat ng Airline company kaya no worries. What matter is walang casualties." Ang pahayag nito regarding sa kinahaharap na investigation ng mga kinauukulan sa kung ano ang naging cause ng technical error kaya sumabog ang eroplano. "Magaling ka naman kasi talaga at hindi mo hinayaang may mapahamak sa amin." Aniya na labis pa rin ang pagkamangha sa galing nito bilang isang piloto. "Thanks, come let's have a seafood spree-- My treat." Anyaya ni Dylan kay Cassandra na hindi na rin nakatanggi lalo nang marinig ang seafoods na paborito niyang kainin. "Sige na nga halika na." Natatawang pagpayag na niya at hindi na nga nagpakipot pa.

Humantong silang dalawa sa isang authentic na seafood restaurant sa mismong malapit sa hotel at very native naman ang theme niyon with matching band na tumutugtog that add up a relaxing vibe sa lugar. Dylan ordered all kinds of their bestseller na mga seafoods. Katulad ng garlic shrimp with butter, grilled squid, crab curry at ang pinakamahal na lobster. "Do you wanna drink?" He even asked her nang makuha na lahat ng waiter ang mga inorder nito. Kimi naman siyang napangiti at tumango. "Beer or wine?" Muli nitong tanong. "Beer is okay." Cassy answered him and they waited after they ordered everything.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top