Chapter-9 (NEW CLUB)

Nasa music room parin ako dahil hindi pa tapos ang palabas nila.

Ewan ko ba kung para saan ito.

"Okay class nagkaroon lang tayo ng konting programa para isalubong o iwelcome ang new club ang music club!!!!"

sabi ng mc at isa isa pumunta sa stage ang mga member ng club na ito.

Nakakabasa ba ito ng utak ha?!

Syempre hindi mawawala yung mga sigawan ng mga fan ni prince5 at 6 sandali lang ang kanilang pagsigaw at tumahimik na sila.

"Okay guys sila po yung mga bumubuo ng club na ito. Bigyan naman po natin sila ng masigabong palakpakan" sabi ulit ng mc, kaya nag palak pakan na sila.

Ah bakit pala may program na ganito.
Ganito kasi talaga yung school namin pag mag gagawa ka o bubuo ng isang club kaylangan mo muna ito ipakilala o mag program para mas maganda.

"Mga kuya may sasabihin po ba kayo sa mga kaklase ninyo?" tanong ng mc sa mga member ng music club.

Kaya kinuha ni jaycob ang microphone.

"Hi." sabi ni jaycob na siya namang kinilig ng mga babaeng estudyante at hindi pa kontento at sumigaw pa ng napakalakas ang mga estudyanteng babae.

Sino naman kasi hindi kikiligin sa isang tulad niya gwapo na talented pa.

Pero hindi ko siya type.

Tas tumahimik nadin ang mga babae kanina ay kung makasigaw ay wagas. Hinintay ni jaycod na manahimik ang mga estudyante at saka siya nag salita.

"Sana po suportahan po natin ang club namin, At mag aannounce nalang kami kung kaylan pwede mag dagdag ng member.Thank you!" sabi ni jaycob at nag sigawan nanaman ang fans niya. 

Ng matapos na mag salita siya ay binigay niya yung microphone sa kanyang ka member.

Ng matapos na ang ibang member ni jaycob na mag speech ay si jayson na ang sumunod na mag sespeech.

Kaya yan nanaman ang mga fan ni jayson.

"Hi!" panimula ni jayson kaya nag sigawan nanaman ang mga fans niya.

Saka siya umimik ng manahimik na ang mga fans niya.

"AHM Sana maging isang masaya club ito, And thank you sa mag susuport sa club namin yun lang thank you" sabi niya kaya nag sigawan ang mga fans niya.

Ng matapos siya sa speech niya ay ibinigay na niya ito sa mc.

"Okay class pwede na po tayo bumalik sa ating mga room" sabi ng mc kaya napa lunkot ang ibang mga babae.

isa isa sila lumabas nag paiwan na ako dahil tawag nanaman ako ni madam A hahahha. Ang tawag ko na kasi kay miss A ay madam dahil utos ng utos na parang yaya lang ako tas siya yung boss.

Ng maubos na ang mga estudyante sa loob ng music room ay lumapit sa akin si miss A.

"Oh Sam alam mo na, ikaw na bahala mag linis dito" sabi ni miss na hindi na ako tumanggi sa pinapautos niya.

Kaya tumango nalang ako, At nang umalis na siya ay nag madali ako kumuha ng walis at nag walis na ng may marinig ako sa may sulok ng stage. kasi duon sa sulok ng stage ay may room pa siya kung saan pwede mag pahinga at matulog.

"Jayson hindi naman pwede habang buhay kanalang mag sisinuwaling sa kanila" narinig ko sabi ng isang lalaki na hindi masyado familiar yung boses.

Ayon lang ang narinig ko sinabi niya dahil may bigla lumabas sa pintuang iyon at si jayson lang pala.

Masama ang tingin niya saakin noong lumabas siya at saka lumabas na ng tuluyan papunta sa kanilang mga class room.

Aba ano nanaman ba ang nagawa kong kasalanan sa kanya dapat nga ako yung magalit sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin kahapon.

Sunod naman lumabas sa may gilid ng stage kung saan may pintuan ay si jaycob.

Kaya pinunta ko nalang ang attention ko sa pag lilinis baka nanaman sabihin na nakikinig nanaman ako. Kahit oo naman hehehhee.

"Sam" sabi ni jaycob sa akin na aking ikanagulat. Ha? Alam niya yung pangalan ko.

Para sigurado ay tunuro ko muna yung sarili ko kung ako nga yung tinatawagan niya.

"Oo ikaw. Bakit may nakikita ka ba na ibing tao na hindi ko nakikita?" tanong niya sa akin. Kaya napailing nalang ako.

"Bakit mo pala ako tinatawag?" tanong ko sa kanya.

"Ah hihingi sana ako ng sorry duon sa nangyari kahapon. Mainitin kasi yung ulo noong kapatid ko" sabi niya sa akin.

Kaya napangiti ako at sinabing.

"Wala yun" sabi ko sa kanya at nag patuloy na ako sa pag wawalis.

--------------------------

Tapos ko na ang pag lilinis sa music room kaya bumalik na ako sa class room ko na nag rerecess na pala ang ibang estudyante ang nadatnan ko lang sa room ay yung 4 na mokong sino paba edi yung bagong transfer ba.

Umupo ako sa aking upuan at inilagay sa bag ang aking salamin at natulog.

kakaubob ko lang ay narinig ko na ang mga sigawan nila takte naman oh sigaw ng sigaw.

Ilang minuto ay tumahimik na sila kaya bumalik ako sa pag kakaubob ko.

"Miss suplada!" sigaw ng familiar na boses hindi ko ito pinansin at nag patuloy nalang ako sa pagtulog.

ilang minuto na ang lumipas ng may nang gising sa akin kaya napatingin ako duon sa tao kanina pa ako inuugauga.

"Ano ba problema mo!?" Naiinis na sabi ko sa kanya.

Hindi ko masyado kita yung mukha niya wala kasi ako suot na salamin kaya kinuha ko ang salamin ko sa bag ko at sinuot ito.

Si nicko lang pala ano bayan istorbo naman oh.

"Oh problema mo?!" inulit ko ang tanong ko sa kanya.

"Itatanong ko lang . Bakit araw araw ikaw nalang ang pinag uusapan ng school na ito?" nagulat ako sa kanyang tanong.

"Hahaha artista kasi ako" pagbibiro sabi ko sa kanya at lumabas nalang ako ng room para umiwas sa mga tanong niya sa akin.

---

(MIKO)

Nakita ko si miss nerdy na papuntang cr kaya tinawagan ko siya pero hindi niya ako narinig kaya na pag isipan ko hintayin siya sa labas ng cr.

Kahapon kasi nakita ko siya papuntang cr may sasabihin sana ako sa kanya ng makita ko naiyak siya ay hindi ko nalang siya tinawag pa.

Matagal ko na kasi hindi siya nakikita pamula noong dinala ko siya sa clinic ay wala na ako balita sa kanya, Binalikan ko siya noon sa clinic pero ang sabi ng nurse umalis na daw siya. Itatanong ko sana kung maayos na ba siya.

"Uy miko" Napatingin ako duon sa tumawag sa pangalan ko.

"Uy Jiro late kananaman." sabi ko sa kanya.

"Kaylan ba ako hindi nalalate" pabiro sabi niya sa akin.

si jiro ay isa sa mga barkada namin ni eightan.

"Oh nasaan pala si eightan?"

"Absent may sakit daw eh. Pupunta nga ako sa bahay nila mamaya sama ka?" tanong ko sa kanya.

"Ay hindi ako makakapunta busy kasi ako eh"
tsk ......
tsk ......
tsk ......

busy nanaman sa mga babae niya.

"Wag ako jiro alam ko kung saan ka busy"

"Shhhh. wag ka maingay baka may makarinig eh" bulong niya sa akin. Eto talagang lalaking to hindi na nag bago.

"Sige bro una na ako sa iyo" sabi niya at aalis na sana siya ng may bumanga sa kanyang likod kaya natumba siya.

Agad ako lumapit sa kanya.

"Bro ayos kalang?" tanong ko sa kanya.

"Mukha ba ako ayos pre!" barinong sabi niya.

Agad siya tumayo at hinarap ang tao bumangga sa kanya.

Nagulat ako ng makita ko kung sino ang bumanga kay jiro.

To be continue......

----------

Vite and Comment.😊

October 25 17.

Hi i am your jayson

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top