Chapter 82 - Is this the ENDING?

(Jiro)

Padabog na pumasok sa classroom si miko at hinanap kaagad si alex na nakaupo lang at busy sa pagbabasa.

"Anong problema mo?" Tanong ni alex.

Agad na kami umaksyon ni eightan ng kinuweluhan ni miko si alex.

"Ano bang problema mo. Kumalma ka nga" pagawat ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin. Ngayon ko lang siya makita ganito magalit.

"Tama ba yung ginawa mo sa kanya ha! kapatid mo siya pero mas inuna mo ang galit hindi mo inalam ang totoo" Sigaw niya kay alex. Marami na ang mga estudyanteng nanunuod. gusto man naming pigilan siya ay ayaw niyang mag paawat.

"Anong totoo? ikaw nga tong hindi alam ang pinagsasabi eh. Bitawan mo nga ako" Parang mas lalo siyang nagalit sa sinabi ni alex.

"Gago, kasama ko si alexa noong nasaktan yang magaling mong girlfriend"napaisip saglit si alex, habang kami ni eightan ay biglang umiwas ng tingin kay miko. Bakit ganito ang isang ito, hindi maalam makiramdam.

"Huh? tignan niyo hindi kayo makatingin sa akin ngayon, kasi tama ako. Mag bago naman kayo, wag ninyo sanang ulitin ang nangyari kay sam. Pag ito lumala, hindi ko na alam kung anong mangyayari kay alexa" sambit niya at saka niya binitawan si alex.

Umalis na siya, at iniwan kaming naka tameme. Tama naman siya eh, pero kapag kinampihan ko alexa mawawala si nickol sa akin, at ayaw kong mangyari ulit iyo.

-------------

(MIKO)

Aga aga, ayon ang bubungad sa akin.

ano ba nalaman ko. Ang tungkol kay alexa wala naman siyang kasalanan sa pinag bibintang nila april, tutuusin naman pinalano niya iyon.

Halata ko na noon na para naiingit siya kay alexa, eh alam naman niya kapatid ni alex yung tao kaya ganon kalapit. Pero ngayon na alam ng lahat na isang ampon si alexa ay siguradong naguusok na ang ilong noon.

Hindi sa alam ko na ampon si alexa kaya hindi ako nagulat, halata naman sa kinikilos ni alex noong una palang na lumipat dito si alexa.

Nasan na kaya ngayon si alexa? Papasok kaya siya?

Mukhang mahina pa naman ang isang iyon, maganda kung hindi muna siya magpapakita.

Hindi muna ako aattend ng klase at makatulog na lang sa library.

-----------------

(ALEXA)

"Talaga ang kuya alex mo hindi man lang nagpapaalam sa akin ng maayos na duon natutulog kinda jiro at hindi yang pinagaalala niya ako ng maigi" ayan na naman si mommy.

"Sigurado ka bang okay ka na?" Tanong niya sa akin. Habang inaayos ko ang aking gamit.

"Opo mommy" Sagot ko naman sa kanya. Ngumiti ako para hindi na siya magaalala pa sa akin.

" Aalis na po ako" paalam ko kay mommy at kay kuya lex.

"Ihahatid na kita" Hindi ako tumangi dahil napag usapan na namin ang tungkol sa paghatid niya sa aking tuwing umaga. Gusto ko man tumanggi sa alok niya pero huwag daw ako makulit, kahit sa ganitong paraan ay makabawi daw siya sa akin.

--------

Nasa tapat na kami ng school ko.

"Are you sure you will be okay?" he asked again.

"Oo naman hindi pa ba ako masasanay? Noon palang nangyari na ito sa akin. Kaya magiging okay lang ako" I smiled at him at saka ako bumaba.

I'm not the old sam, i am a new person now. So i should not give up like before. I just walk straight, like nothing i should fear of.

This is the right thing to do. I will never run away again from my past.

The student really talk to much. Ngayon lang ako natuwa sakanila ng ganito, i think i'm having fun.

--------

(MIKO)

"Nabalitaan mo ba?"

"Ah oo bumalik daw si samantha lim"

"Akala ko ba patay na siya"

Anong pinaguusapan nila?

Samantha lim?

Hindi ba ako nagkakamali ng narinig ko. Agad ko silang nilapitan para itanong kung saan ba nila nahagilap ang tungkol duon.

Hindi pwede... wag mong sabihin. Kumaripas ako ng takbo papunta sa classroom namin.

Hindi ko inakala na dadagsaan kaagad ng mga estudyante. Nakipagsiksikan ako para tignan kung tama ba sila.

Pero....

Bakit ang kapatid ni alex ang nasa harap at nasa kanya ang lahat ng atensyon.

"Did you guys miss me?" She said with a freaking smile in her face. Kahit ang kasama niyang guro ay parang nalilito sa nangyayari.

"Ano ba iyan isang joke ha? Gusto mo lang naman atang mawala yung issue mo tungkol sa girlfriend ng kapatid mo eh" sigaw ng isa namin kaklase at sunod sunod  na ang mga binabato nilang masasamang salita sa kanya.

Pero ayon siya at nakatayo lang. Nakaramdam ako ng takod dahil sa pinapakita niya hindi siya si alexa na kilala ko. Para bang ibang tao na siya.

Master kiyotaka master" hmmm....

Sino ba iyon?

Napakunot ang aking noo dahil natutulog yung tao tas aabalahin ba naman ako.

"Ano iyon?!" Naiinis na tanong ko sa kanya.

"Pasensya na sa abala Master pero nasa baba po si mam elyne" agad ko naman iminulat ang aking mata dahil sa sinabi niya.

"Sige sabihin mo baba na ako" sambit ko sa kanya. Ano ba iyan dito na pala ako nakatulog sa library.

Ano ba ito libro na nasa dibdib ko?

"Story ni nerd?" Ha? Ah naalala ko na ang pangit pala ng story na ito bat ko ba binasa pa. Tsk!

Umpisa palang boring na.

Binalik ko nalang ito sa lagayan.

Tas ano iyon nagpakilala siya as sam so ano binalik niya yung dati niyang buhay edi ayon kaysa manahimik na lang siya with her new face and name hindi nagpaaawat.

Baliktad ata ang utak niya eh sa ibang story na kapag nagkaamnesia ang bida tas nagpalit ng mukha tas bigla niya naalala past niya na ganon pala kasama eh magrerevenge siya gamit yung bago niya katauhan pero ayon at maraming nagulat sa ginawa niya.

Napatunayan na din niya kung sino ang may gawa kung bakit nagkaamnesia siya at ganon ang kanyang natamong sugat sa mukha. Kung sino pa talaga malapit sayo siya pa talaga ang traydor.

Tas eto pa para ba namang tanga yung naging ending. Naging sila ba noong ano nga ulit yung pangalan hmmm.... ah alex like what the ilang taon niyang hindi nakita yung tao at isa pa ang raming tumulong sa kanya pero siya pa talaga.

At isa pa laging nasa tabi niya si lex yung masmatanda kay alex.

Ano bang problema noong bida na babae hindi maalam pumili.

Ah!! Bat ba ako nagagalit sa mga fiction characters dapat sa aithor wala siyang taste sa story.

Binasa ko lang naman iyon dahil nirecommend saakin ni elyse.

"Nandyan ka na din sa wakas. Ang tagal mo bago ka magising ng maid mo" ngayon lang kami ulit nagkita, hindi manlang ba niya ako kakamustahin at bakit nakabisangot siya.

"Ano bang kailangan mo saakin at pumunta ka pa dito sa bahay namin" wag nang magpaligoy ligoy pa kilala ko na siya pamula noong maliit pa kami. Pupunta lang siya dito kapag may kailangan siya sa akin.

"I need you to go back to our school"

"Para saan pa?" Sa pagkakaalala ko pinatalsik na ako sa eskwelahan na iyon dahil sa nagawa ko last year.

"Anong gusto mo hindi makagraduate tandaan mo malapit na tayo magcollege"

"Eh para saan pa nga uulit rin naman ako ng grade 10" hindi naman ako nakagraduate noon eh, kaya uulit ako.

"That's not a problem. Magiging kaklase ka namin, nagpaalam na ako sa kanya and she said okay basta sundin mo ang lahat ng ipapautos ko sayo" gusto ko nalang siya titigan.

"Ano pa ba magagawa ko. Ikaw ang boss. Kailan ako pwedeng pumasok?" Without thinking again pumayag kaagad ako. Heto at nagpapauto ulit sa kanya.

She will never see me as a man but an object that she can use. And i'm okay with that as long as i'm with her side.

My name is Kiyotaka dela cruz
17 years old male

And my new story with her will continue in "when she meet her match"

----------

PS: Comment down about the ending if i should continue it or it will just end here. I have no any motivation right now.

But i will do my bet to read my story and edit it so i can follow the flow.

-------------

AUTHOR'S NOTE

Huhuhuhuhuhu guys i'm so sorry but i need to end story ni nerd. Hanggang dito na lang po.

Hindi ko na po kasi gusto ang flow ng story and isa pa po parang boring na po yung story. But babawi po ako sa "When she meet her match" ipagpapatuloy po natin ang story ni kiyotaka ang elyse. Mga Chapter 25, sana suportahin parin ninyo ako.

THANK YOU😢💜 FAM

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top