Chapter 78

(Alexa)

"Kuya ano na bilisan mo na!" Sigaw ko kay kuya habang natakbo kami. Dahil 20 minutes late na kami. Paano naman kasi si mommy, kung ano ano pang sinasabi niya sa amin.

"Ikaw nga yung mabagal eh" at nagawa pangngumiti ng kupal. Mas binilisan ko ang pagtakbo para maunahan ko siya ngunit sa pagtakbo ko ay nadapa ako kaya ayun si sunga nabalian. Char lang hindi pala, may sumalo sa akin.

"Salamat kuya!" Pagpapasalamat ko kay kuya alex, ngunit pagkamulat ko ng aking mga mata ay ibang tao pala ang naka salo sa akin.

"Uy ikaw nanaman" nakangiting sabi niya sa akin. Kaya agad akong umayos ng aking tayo, kahit masakit yung paa ko dahil natapilok ako, ang tanga ko kasi eh.

"A-ah sa-salamat" bakit ba kasi sa raming tao siya pa talaga. At bakit naka uniform siya katulad ng saamin? Wag mong sabihing dito siya papasok?

"Uy ano ba alexa! Malalate na tayo niyan" tinignan ko ng masama si kuya, at pinalapit ko siya sa akin. Lumapit naman siya kahit naiinis siya.

Agad akong umakbay kay kuya.

"Tayo na" nakangiting sabi ko sa kanya. Na kangyang ipinagtaka naman.

"Anong nangyari sa paa mo?" Nagaalalang tanong niya sa akin.

"Wa-wala to, tayo na. Tulungan mo nalang ako please" pagmamakaawa ko sa kanya. Kaya tinulungan nalang niya ako.

"Saglit lang" at ang mokong humirit pa. Si kuya naman si tanga tumigil. Ano ba yan! Ang akala ko ba malalate na kami bakit tumigil pa siya.

"Ano yun?" Tanong ni kuya sa lalaki.

"San ba dito ang office?" Magalang na tanong niya kay kuya. Wala parin nag bago sa kanya. Pero nakalimutan na nga ba niya ang mga kaibigan niya noon? Siguro oo? Hindi ko alam. Wala nanaman akong karapatan na malaman pa iyon. Hindi nga pala ako si sam.

"Uy ian! Ano ba, saglit lang" at ang hariparot kasama niya. Grabe anong nangyayari, pati siya dito papasok? Ano bayan!

"Sa may kabilang building. Magtanong nalang kayo duon. Malalate na kasi kami eh" yan good good kuya. At saka na kami umalis.

--------------

(Alexa)

"Bat kasi ang sunga sunga mo eh!" Pagsesermon sa akin ni kuya. Habang ginagamot niya yung paa ko, na nabalian ata.

"Eh! Ikaw kasi eh takbo ka ng takbo!" Pagrereklamo ko naman sa kanya. Ano siya, siya lang may karapatan na sigawan ako.

Parehas kaming napatingin duon sa kumatok. Nako ayan ang solesang gf ni kuya. Agad kong tinanggal ang kamay ni kuya sa aking paa, at baka kung anong gawin ng selosanv babaeng yan sa paa ko.

Hindi ko naman inaasahan na bubungangaan kaagad siya ni kuya dahil sa nangyari kahapon. Yan sige mag away kayo, kasalanan naman kasi talaga niyan ng syota mo kuya. Kung hindi naman kasi nagsinungaling edi sana hindi ka dragon khng magalit kagabi no. At ako pa talaga gung sinigawan mo.

Hindi ko nga alam kung papaanong naging sila ni kuya, ganan ba talaga ang trip niya?

Ewan pag minsan kasi ang weird din ni kuya eh.

Dahil sa ang ingay nong dalawa ay pinalabas sila ng nurse at hindi lang naman daw sila ang tao dito, may natutulog din.

Kung hindi lang naman kasi sumakit tong paa ko kanina pa ako nasa class room at nakikinig sa lesson.

Bakit! Ba kasi sobrang sakit nito eh. Kahit anong pilit kong maglakad ay hindi ko kaya. Hay! Mukhang maghapon nanaman ako dito sa clinic ah. Nakakamiss din naman ang pagpunta dito.

Makatulog nga muna, para makapagpahinga naman ang utak ko.

-----------

(IAN)

Hindi na ako magtataka pa, dahil sa mga masama nilang tingin sa amin. Hindi ko alam kung anong binabalak ni zoe, at dito pa niya napiling pumasok kami.

Wala akong magagawa dahil isa lang akong utusan niya. Hanggang ngayon ay aso parin niya ako, utos lang siya ng utos sa akin habang ako naman ay sunod ng sunod.

Kung hindi lang sana ako bantay sarado at kung sana ay mapansin naman ng tatay ko ang mga nangyayari sa akin. Ngunit wala, wala siyang pakialam.  Si tita naman bigla nalang nawala. Hindi ko alam kung san ba pumunta.

Papasok na ako sa class room ko ng may bumangga sa akin na isang estudyanteng lalaki.

"Ang kapal ng mukha mo!" Sabi niya sa akin at nagpakawala siya ng isang malakas na suntok na aking ikinagulat. Kaya pumutok naman ang labi ko. Dahil sa lakas ng suntok niya sa akin.

Sh*t ano bang problema niya?

Napahawak ako sa labi ko dahil sa sakit,  at dugong dugo na ito. Tinignan ko kung sino ba ang ulagang sumontok sa akin.

"Ano problema mo ha?!" Naiinis na sabi ko sa kanya. Akmang susuntukin na niya ako ng may umawat sa kanya. Si nicko... ang tagal ko na din hindi siya nakikita, at may iba pang lumapit. Ang mga kaibigan ko na iniwan ko noon.

"Ang kapal ng mukha mong bumalik pa dito matapos mong iwanan at hinayaang pagbintangan si sam na kumidnap sayo! Yun pala kasama mo ang haliparot na zoe, kung sino man ang babaeng yun!!!" Bakit ba siya galit na galit sa akin? Anong meron kay sam?

Ha? Napagbintangan siya? Bakit hindi ko alam yun? Bakit hindi sinabi ni zoe sa akin.

"Tama na yan liam, mahuhuli ka ni miss niyan eh" pagaawat ni jiro sa kanya. May nagbago sa kanya. Hindi na siya si jiro na cold, pero iba. Iba na sila ngayon, hindi lang si jiro ang nag iba lahat sila.

"Hindi ko alam yang pinagsasabi mo" pagpapaliwanag ko sa kanya. Hindi nalang nila ako pinansin at umalis nalang sila. Pero tinignan muna ako ng masama ni nicko at saka siya sumabay sa mga kaibigan niya.

Pambihira naman hindi pa ako nakakapasok sa loob ng class room may nangyari kaagad sa akin. Papunta ako ngayon sa clinic, dahil hindi pwede pabayaan ko itong labi kong pumutok. Si zoe naman bigla nalang nawala ng makapunta na kaming office kanina. Hindi naman nag paalam sa akin.

Pagkabukas ko ng pintuan ng clinic ay agad ko naman nakasalubong si miss pom, laking gulat naman niya ng makita niya ako.

"Oh?! Ian, kailan ka pa bumalik?" Tanong niya sa akin. Pero hindi manlang niya napansin ang labi kong nag dudugo na.

"Ngayon nga lang, may sumuntok nga sa akin eh" sabi ko sa kanya habang tinuturo sa kanya ang labi ko. Nagulat naman siya ng makita niya ito.

"Ano naman nangyari diyan?" Nagaalalang tanong niya sa akin.

"Paano naman kasi may isang estudyanteng nanuntok bigla dahil kay sam" pagkwekwento ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong meron para bigla nalang mag iba ang mood niya sa akin.

"Hindi ko alam kung anong konekt ni sam sa akin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Habang ginagamot niya ang labi ko.

"Alam mo bang pinagbintangan nila at ng papa mo na si sam ay kinidnap ka? Hindi ko alam kung bakit, pinalagpas yu na papa mo. Kung kilala niya ang taong kumidnap sa sarili niyang anak. Tapos nabalitaan ko na pinalayas siya sa kanilang bahay, kaya palaboy siya non pero may tumulong sa kanya. At ang taong yun, yun yung sumuntok sayo. Ayan okay na labi mo, wag ka muna kumain ng masyado para hindi yan magdugo" hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko sa kanya o mararamdaman ko dahil sa nalaman ko.

"Nurse pom, bumalik na po ba si kuya?" Napatingin ako sa aking tapat. Na may nakahiga pala. Parehas kaming nagulat ng makita namin ang isa't isa.

"Nako hindi pa" sagot ni miss pom sa kanya.

Bat ba lagi nalang kami nagkikita?

Una siyang umiwas ng tingin.

"Oh? Ikaw nanaman miss?" Kunwaring nagulat ako ng makita ko siya.

"Kilala ninyo ang isa't isa?" Biglang singit ni nurse pom.

"Hindi!" Sabay pa naming sabi sa kanya, kaya natawa naman siya.

"Anyway's ian, kung okay ka na pwede ka nang bumalik. May pupuntahan lang ako" nakangiting sabi niya sa akin. At saka nginitian si hindi kilala ang pangalan.

Ilang minuto pa ang tinagal ko dito, dahil baka madagdagan pa ang suntok na natamo ko kanina. Mainit init pa ako sa kanila.

Napansin ko na sinusubukan niyang tumayo pero mukhang may problema sa paa niya dahil hindi niya ito maitapak ng maayos sa lapag.

"Kailangan mo ng tulong?" Tanong ko sa kanya, pero parang wala siyang narinig. Grabe ang cold naman ng isang ito sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. At isa pa ngayon ko nga lang nakita yung mukha niya dito sa school.

Lamapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Tinignan lang niya ako ng masama.

"Ano bang problema mo?" Sawakas nag salita din siya.

"Ang akala ko tuloy pipi ka" nakangiting sabi ko sa kanya. Kasi pagkalabas ni nurse pom hindi na siya nag salita pa.

"Bingi ka ba ha? Para hindi mo ako marinig?" Maangas na sabi niya sa akin at saka siya tumayo kaso biglang nawalan siya ng balance kaya agad ko siyang nasalo. Pag nga naman minamalas ka.

"Uy ang sakit ha!" Pagrereklamo ko sa kanya. Papaano naman kasi hinigaan niya ba ako. Pagkamulat ko. Laking gulat ko na... na ang lapit ng mukha namin. Sinubukan nanaman niyang tumayo kaya ayun nanaman na out off balance nanaman siya at napahiga sa akin. Pero hindi na malapit ang mukha namin ngayon dahil as in magkadikit na ang mga mukha namin. Kaya laking gulat niya at tumayo nanaman siya. Kayo ako naman ay tinulungan kaagad siyang makatayo ng maayos at para hindi na ako mahigaan pa ng isang ito.

Pambihira naman oh! Alam ko gwapo ako pero bakit sa kanya pa napunta first kiss ko.

"Okay ka lang ba?" Hindi ko magawang mainis sa kanya dahil sa nangyari, dahil kasalanan ko naman eh. Sinubukan ko siya tulungan pero mukhang mas lalong napalala pa ang nangyari.

"Hindi pa ba halata?" Suplada, hindi naman maganda. Tinulungan ko siyang makaupo sa may higaan.

"Wag mo kasing subukan kung hindi mo naman kaya" sabi ko sa kanya. Tama naman ah, magsasalita pa sana siya ng maunahan ko.

"Sorry nga pala duon sa nangyari kanina ha" Nagdadalawang isip na sabi ko sa kanya.

"Ang alin? Yung ano? Don't worry nakalimutan ko na yun. Ako dapat yung mag sorry hindi ikaw" aba mabait pala ang isang ito.

"Ano bang nangyari sayo? At parang hindi ka makapaglakad ng maayos?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Natapilok kasi ako kaninang umaga, mukhang malala ang tama nong paa ko" hindi ko alam kung pinipilit niyang hindi tumawa. O ganan talaga siya.

------------

(Alexa)

Kanina pa kami nag kwekwentuhan. Mukhang wala pa atang balak siyang umalis. Napapasarap ah. Eh si miss pom wala parin hanggang ngayon. Sinasadya ba nong isang yun?

"Anyways kanina pa tayo nag kwekwentuhan pero may itatanong lang ako sayo" mabaet mood hahahhaah. Nag taka naman siya.

"Ano yun?" Nakangiting tanong niya sa akin.

"Kilala mo ba si sam? Kasi hindi ko naman sinasadyang marinig yung usapan ninyo ni miss pom kanina, eh pinaguusapan ninyo ata si sam?" Nagkukunwari akong wala akong alam o hindi ko siya kilala.

"Ahmm...oo bakit?" napansin kong nag iba ang expresyon ng kanyang mukha.

"Ah.. wala lagi ko kasi siyang naririnig nong lumipat ako dito. Nag tataka nga ako kung siya bang yung may ari ng school na ito. At lagi siyang pinaguusapan. Nasan ba siya?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Gusto ko lang naman malaman kung alam niya. Kung nasan na yung tao.

"Ay hindi ko alam, hindi ko pa nga siya nakikita eh. Baka mamaya makita ko siya" confident pa ang mokong.

"Ha?" Kunwaro nagulat ako, sa sinabi niya.

"Nakikita? Si sam? Ang pagkakaalam ko patay na siya, matagal na?" Nagtatakang sabi ko sa kanya. Kaya nagulat naman siya sa sinabi ko.

"A-ano?" Hindi siya makapaniwala. Na ang taong kilala niya ay matagal nang patay.

"Hindi mo ba alam? Wala bang nag sasabi sayo?" Gusto kong sigawan siya ngayon. At tanungin kung nasan siya ng mga araw na iyon. Kung bakit bigla nalang siyang nawala. Nagulat nalang ako ng bigla siyang kumaripas ng takbo palabas.

Magiging okay parin ba ako? Kung bumalik na ang dalawnag iyon dito. Pero hindi nanaman nila ako makikilala pa. Matagal nang patay si sam.

-----------

To be Continue....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top