Chapter 76

(Alexa)

Sa bahay na muna kami bumaba dahil sa mga gamit namin sabi kasi ni kuya kung sa ibang lugar daw kami baba ay magtataka sila.

Kaya nag paalam muna kami kay mommy. Hindi muna namin sinabi sa kanya ang binabalak namin.

----

"Kuya pagod na ako huhuhuhu" pagrereklamo ko kay kuya dahil sampong bahay na ang natanungan namin ngunit ni isa sakanila ay hindi si jayson.

Nasaan na ba yun.

"Uwi na ba tayo?" Tanong niya saakin.

"Yun kuya last na yun. Pag wala duon hinahanap natin umuwi na tayo, kasi gabi na rin" Sabi ko kay kuya. Kaya pumunta na kami sa bahay na tinuro ko.

Bakit ganon naman si miko? Hindi manlang niya sinabi saamin na magkakatulad ang bahay dine ay!

"Yes po ano po yun?" Tanong ng isang babae na lumabas ng kanilang bahay.

Hala baka wala dito yung taong hinahanap namin.

"Ahm ate kilala po ba ninyo siya?" Tanong ni kuya sa babae at ipinakita yung litrato ni jayson.

"Bakit po? May kaylangan po ba kay-" Naputol ang sasabihin ng babae dahil may biglang sumigaw galing sa loob ng bahay nila at lumabas din ito.

"Manang yung coffee ni mama!" Sigaw noong lalaki na kakalabas lang ng bahay nila.

"JAYSON!" Sigaw ko sa kanyang pangalan kaya nagulat naman siya.

"Ahm... kilala ba kita?" Nagtatakang tanong niya saakin.

"Pwede na rin. Heheheheh ako yung babae muntikan mo nang mabangga" kwento ko sa kanya kaya alam ko na nagulat si kuya duon sa sinabi ko. Hindi kasi niya alam ang tungkol sa part na muntikan na akong mabangga.

"Hindi talaga kita maalala eh" sabi niya saakin.

Papasok na sana siya sa loob ng isigaw ko ang pangalan ni sam kaya napalingon kaagad siya.

----

"Bakit gusto ninyong malaman kung sino si sam?" Nagtatakang tanong niya saamin.

So yup! Si jayson ang kausap naming ngayon heheheheh madali naman pala siyang kausapin eh isigaw lang ang pangalan ni sam tan tan nandito na kami sa loob ng bahay niya.

"Gusto lang namin tumulong sa paghahanap sa kanya" sabi ni kuya.

"Kanino naman ninyo nalaman na nawawala si sam?" Ano ba to question and answer?

"Ayaw mo ba yun matutulungan ka naman sa paghahanap sa kanya" sabi ni kuya.

"Paano ninyo nasabi? Na hinahanap ko siya?"

"Hello nag kita kaya tayo, remember. May binigay ka pa ngang card saakin eh" Bigla ako napaisip dahil sa sinabi kong card. Nakatingin tuloy ngayon ng masama si kuya.

"Hehehhehe sorry na nakalimutan ko ngayon ko lang naalala" Nakangiting sabi ko kay kuya. Eh sa ngayon ko lang naalala about duon sa card na binigay niya saakin kung saan nanduon ang number ni jayson.

"Sige na para matapos na yang mga pagtatanong mo sasabihin ko na yung totoo. Nagkaroon kasi ng gulo yung mga kaibigan ko about sa sam na yan eh hindi ko naman alam kung sino ba yan kaya gusto kong malaman para maintindihan ko naman at malaman kung bakit ba pinag kakaguluhan ng mga kaibigan ko si sam. Bago lang kasi kaming dalawa sa school na yun" pagpapaliwanag ni kuya kay jayson. Kahit hindi yun ang totoong dahilan.

"Bakit naman sila magkakagulo sa isang taong matagal nang nawawala?" Yan nanaman siya sa tanong niya.

"Hindi namin alam! Kaya nandito kami para mag tanong sayo. Kung ang itatanong mo naman saamin kung bakit ikaw eh dahil ka dahilanan na mukhang kilalang kilala mo siya. Okay na ba?" Sabi ko naman sa kanya. Nainis na ako eh hahhaha sorry na ayaw ko lang kasi ng tanong ng tanong yung tao, kahit kami yung kaylangan mag tanong ng magtanong sa kanya about kay sam.

"Sige na sasabihin ko na. Pero sana walang makakalabas na kinausap ninyo ako dahil kay sam" Kaya tumango nalang kami sa kanya.

------

Hindi ko aakalain na sobrang bigat pala ng dala dala niya. Ilang taon siya nag ka ganon isang babaeng laging na bubully sa school nila at ang isang sekreto ng kanyang nanay na may connection sa school nila.

Hindi ganon karaming detalye ang ibinigay saamin ni jayson dahil hindi na naman daw niya alam ang iba pang detalye tungkol kay sam.

Napagbintangan din siyang nag kidnap  ng isang artista? I mean what the heck lang papaano nangyari yun diba? Isang artista kikidnappin niya hindi naman siya yung taong walang wala na diba?

"Yan palang ang nalalaman natin tungkol sa kanya, gusto mo parin ba siyang lubusang makilala?" Biglang tanong saakin ni kuya na kakapasok lang sa kwarto ko.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya kaya tinulugan ko nalang siya sa may lamesa ko.

"Ano yang pinag uusapan ninyo ha?!" Biglang singit naman ni mommy na kakapasok lang ata sa kwarto ko. Tinulak nalang siya ni kuya palabas ng kwarto ko hindi ko alam kung bakit, baka dahil saakin na ganito ang sitwasyon ko ngayon. Na mukhang gulong gulo.

-----

"Alexa! Bakit ganan ang mata mo?" Agad na tanong ni kuya ng pagkababa ko ng hagdanan.

"Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi" sagot ko sa kanya.

Ano ba kalagayan ng mata ko ngayon? Namamaga lang dahil kulang ako sa tulog.

-----

(Liam)

"Ano may naghahanap nanaman kay sam? Akala ko ba patay na siya at talagang wala na-" Naputol ang sasabihin noong babae na nakasalubong ko dahil sa pagsiko sa kanyang tiyan ng kaibigan niya. Mukhang alam niya na ayaw kong mapaguusapan ni isang estudyante si sam dito sa school.

"Shhh.. wag kang maingay" Bulong niya sa kanyang kaibigan.

Parehas nila ako tinignan at saka lang siguro pumasok sa utak nila na umalis na dahil sa sinabi nong babae.

Agad ako pumuntang sa practice room. Kung nasan sinda sed. Nunduon silang lahat kopleto at ako lang pala ang kulang. Hindi naman kasi ako masyadong nag pupunta sa practice. May naalala lang kasi ako.

"Himala tignan ninyo kung sino ang pumasok" sabi kaagad ni nicko ng makita niya ako.

"Nabalitaan ba ninyo?" Tanong ko kaagad sa knaila. Hindi na ako nag abala pang bumati sa kanila.

Kaya napatjngin naman sila dahil sa sinabi ko.

"Ang alin?" Tanong si sed na nakaupo habang hawak hawaka ng gitara niya.

"May naghahanap nanaman kay sam" walang akong emosyon na ipinakita sa kanila. Bakit kasi may naghahanap sa kanya? Akala ko ba... hindi ko alam.

"Anong meron?" Tanong ni sed na hindi ko alam kung akong gusto niyang iparating sa sjnabi niya.

"Ha?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Anong meron kay sam? Kung may naghahanap nga sa kanya?" Pagpapaliwanag niya ng maayos sa akin.

"Eh bakit may maghahanap sa kanya? Hindi ba kayo nag tataka? Ba-baka buhay parin siya" heto nanaman ako. Inaatake nanaman ako ng katangahan ko.

"Boy tama na, alam nating wala na si sam. Oo walang nakitang katawan pero, ang tagal na kaya tanggapin nalang natin. Wala na tayong magagawa. Tignan mo nga yang sarili mo liam, hanggang kailan ka ba magkakaganan dahil lang sa kanya? Yang girlfriend mo nga hindi mo na napapansin dahil diyan sa pagiisip mo kay sam. Oo nagkaayos nga naman tayo pero ikaw naman yung nasira" bakit ba sinasabi niya sa akin yan? Ano bang masama kung isipin ko yung taong hindi pa bumabalik na alam kong buhay pa siya. Sila yung sumuko kaagad duon sa tao.

"Hindi kasi ninyo nararamdaman ang nararamdaman ko hanggang ngayon. Kung sunundo ko lang sana siya edi sana walang masamang nangyari sa kanya. Kasalanan ko!" Hindi ko napigilan pa ang sarili ko at nasigawan ko sila. Lumapit naman si liza sa akin at niyapos niya ako.

"Tama na, lahat tayo may nagawang kasalanan kay sam pero hindi naman ibig sabihin non ay patayin narin natin ang mga sarili natin dahil sa pagkawala niya. Alam mo bang nag aalala din sayo ang ate mo dahil sa ikinikilos mo. Kaya tama n liam, hindi mo kasalanan" parang nag mamakaawa siya sa akin ngayon. Ngunit ang kaya ko lang gawin ay ilabas ang galit, na ikinikimkim ko. Galit sa aking sarili.

--------------

(Eightan)

Hindi ko maiwasan hindi maisip ng itsura ni april nong pumunta ako sa bahay nila.

Pagakatapos kasi nong away sa hospital naging ganon na siya at paulit niyang sinasabi na wala siyang kasalanana hindi niya sinasadya iyon. Ano bang tinutukoy niya? May ginawa din ba siya kay sam? The heck eightan ulaga kaba syempre isa siya sa mga bumubully kay sam kaya yuna ng sinasbai niya sa sarili niya.

Bat pa kasi kung kailan napakatagal na saka nagkakabunyagan na. Hindi kaya... Nagpaparamdam si sam bat ganon? Hindi naman siguro.

Baka talagang gusto nilang malaman kung sino talaga pumatay kay sam.

Hindi ko nakakausap ang babaeng yun pamula ng ipautos niyang gawin ko ang lahat ng  iyon kay sam. Hindi ko talaga alam kung bakit at parasan ang mga pinapagawa niya. I don't know but i feel siya, siya ang nag pautos sa akin noon at siya rin ang tumawag sa aking ng araw na iyon. Hindi ko alam kung bakit ko ba iyon ginawa.

---------------------

(Alexa)

Hindi ako pumasok ngayon  dahil may sakit si kuya, eh wala namang magbabantay sa kanya.

"Okay ka lang ba kuya? May kailangan ka paba?" Tanong ko sa kanya. Kakatapos ko lang pakainin siya ng umagahan.

"Sorry alexa, yan tuloy dahil sa akin ay absent ka"

"Nako kuya kulang pa ito sa mga ginawa ninyo sa akin ni mommy. Alam kong epal lang ako sa inyo hahahha pero kahit ayaw mo sa akin non tinanggap mo parin ako" nakangiting sabi ko sa kanya. Eh sa totoo naman eh.

"Ano ba yan alexa kung ano ano pinagsasabi mo ang tagal na yun ah" pagrereklamo niya sa akin.

"Pero tanong lang kuya" serysosong sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung pwede ba itong itanong sa kanya o kaya nasa tamang oras ba pero wala eh gusto ko lang malaman.

"Ano yun?"

"Taga dito ba talaga kayo ni mommy? Dahil si kuya lex is nasa ibang bansa so???" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Gusto ko lang kasing malaman kung taga saan ba talaga sila dahil i'm part of their family kaya dapat malaman ko.

"Ahmm oo at hindi rin. Ang totoo niyan taga dito lang naman talaga kami ni kuya but when i was 10 or 12 years old lumipat kami ng ibang bansa. Tapos dinala ulit ako ni mommy dito dahil nahanap ka niya. Pinauwi niya talaga kasi niya ako dito dahil nag aalala siya sayo na baka walang magbabantay sayo. Wala akong magagawa dahil katulad mo din ako may utang na loob ako sa kanya" naramdaman ko ang biglang pagiba ng mood niya. Ano kaya tinutukoy niya na katulad ko?

"Ba-bakit may utang na loob ka sa kanya?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Gusto kasing malaman kung ano iyon, kung pwede ko lang malaman.

Tumingin siya sa akin ng seryoso. Ilang minuto ang lumipas saka siya nag salita.

"Wag mo sanang sasabihin kahit kanino, kahit sa mga kaibigan natin o kaya kay mommy na sinabi ko sayo ang totoo. Si lex at ako ay tunay na magkapatid but hindi namin tunay na magulang si mommy. Katulad mo kami inampon lang niya kami" hindi ko alam ang sasabihin ko pero syempre nagulat ako dahil sa nalaman ko. Hindi ko inakala na ampon lang siya.

"At ang isa pang dahilan kung bakit ako pumayag na umuwi dito ay dahil sa kaibigan ko na bigla ko nalang iniwanan" ha? Kaibigan? S-sino kaya tinutukoy niya?

Nakatingin parin siya sa akin ng seryoso na hindi ko alam kung bakit? At bigla nalang ngumiti. Ang werdo niya ngayon. Baka ganito lang siya kapag may sakit?

"Nakakatawa nga eh, hindi ko aakalain na kapangalan pa ni sam yung kaibigan na hinahanap ko. Bakit gusto kitang matulungan alexa baka, baka ang taong hinahanap ko at ang taong iyon ay iisa lang"  wala akong masabi dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Bakit may baka? Diba nakita mo naman ang mukha ni sam?" Sa pagkakaalam ko nakita na niya ang mukha nito at maaring sa ganong paraan ay masasabi niya kung ayun nga ba ang kaibigan niya o hindi.

"Ilang taon na ang lumipas kaya iba na ang mukha non kaya hindi ako nag babase sa picture lang gusto ko makita sa personal yung tao. Alam mo ba pagkarating ko dito sa philippinas agad kong pinuntahan ang bahay nila kaso wala na pala nakatira duon. Nawalan ako ng pagasang mahanap siya ng mga araw na iyon. Pero may pangako ako sa kanya na babalikan ko siya. Kahit...kahit hindi ko man lang siya nasabihan" naramdaman ko na parang may tumutulo sa aking mata. Umiiyak na pala ako, na hindi ko alam ang dahilan.

Kaya nagulat naman si kuya.

"Oh! Bat ka naman umiiyak?" Nagaalalang tanong niya sa akin. Umiling lang ako sa kanya bilang pagtugon.

"Wa-wala to" nakangiting sabi ko sa kanya habnag nag papatuloy parin ang pagbagsak ng mga luha ko.

-----------

To be continue.....

A/N: long time no zeeeee everyone! Muzta na pow kayo hahahhaha d joke lang pero seryoso musta na kayo. Ako naman eto sobrang tamad mag ud hahhahaha sensya na guyz kung ngayon nalang ulit ako nakapag ud. Powers guys happy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top