Chapter 73
Kahit na nangyari yung gulo kanina ay nag pasalamat ako sa tumulong kay alexa.
Hanggang ngayon ay tulala parin siya. Sabi niya sa akin kanina may naalala na siya pero hindi daw ito masyadong malinaw. Pero hindi ko alam kung bakit ba siya nagkakaganan. Ano naman kung may maalala siya, hindi ba siya masaya duon na may naalala na siya tungkol sa sarili niya.
Pag ka park ko ng sasakyan ay agad ko binuksan yung backseat at pinalabas na si alexa pero inalalayan ko siya dahil hindi niya masyadong kayang maglakad dahil sa nangyari kanina.
Nakasalubong namin si mommy pero hindi siya pinansin ni alexa, kaya nagulat naman si mommy sa ginawa ni alexa.
"Ano nangyari sa kanya?" Tanong niya sa akin.
"Wag muna ngayon ma" Sabi ko sa kanya at saka ko inakyat si alexa sa taas at pinasok ko siya sa kanyang kwarto.
Ng maiupo ko siya sa kanyang kama ay kinausap ko muna siya.
"Alexa sabihin mo nga sa akin kung ano ba ang talagang nangyari" Seryosong sabi ko sa kanya.
Kaya napatingin naman siya sa akin.
"Okay lang ako kuya, iwan mo muna ako" Sabi niya sa akin kaya sinunod ko naman ang kanyang sinabi.
Bago ako lumabas ng kanyang kwarto ay may sinabi ako sa kanya.
"Kung may problema ka alexa wagkang magdalawang isip na kausapin ako" Sabi ko sa kanya at saka ako lumabas ng kanyang kwarto.
--------------
(Alexa)
Hindi ko alam pero nakita ko yung sarili ko na nasa tulay pero hindi ko alam kung bakit iba yung mukha ko at hindi ko rin maintindihan kung bakit ako tumitingin pag tinatawagan akong sam. Hindi naman ako si sam diba pero bat yun ang katauhan ko at ano bang ginagawa ko sa tulay?
Nakaraan ko ba yun? Pero hindi ko maintindihan.
Yan nanaman ako naiiyak nanaman ako
Bakit ba ako naiyak? Ng wala namang dahilan.
---------------------
(Alex)
Pagkababa ko ay agad ako tinanong ni mommy ng kung ano ano na tungkol kay alexa.
"Sabihin mo na kasi!" Pangungulit niya sa akin.
Tama bang sabihin ko sa kanya na may naalala na si alexa? pero.
"Masakit yung ulo niya" Sabi ko sa kanya.
"Ano bakit? May naalala na ba siya??" Natatarantang tanong niya sa akin. Mali pala nasabi ko.
"Hindi gawa kasi ng may pinasagutan sa kanya yung kaybigan niya kanina eh pinilit niyang sagutan kahit hindi niya kaya" Pagdadahilan ko, Imposible yun kay alexa dahil matalino siya. Hindi ko sinasabi na hindi rin ako matalino iba lang kasi yung kanya.
"Ah ganon ba, sige titignan ko muna siya" Sabi niya sa akin aakyat na sana siya sa taas ng pigilan ko siya.
"Natutulog na siya" Sabi ko sa kanya.
"Ah ganon ba, ang aga pa naman ah"
"Pagod sa byahe" Pagdadahilan ko ulit. hindi ba siya mawawalan ng tanong sa akin. Mag tatanong pa sana siya ng unahan ko siya.
"Sige kakain muna ako at gutom na ako. Magigising naman yun si alexa pagnagugutom na siya" Pagkasabi ko noon ay pumunta na ako sa kusina para kumain.
-------------------
(Yuri)
"Sabihin mo sa akin ang totoo liam. Pinauwi mo lang ba ako dito dahil kay sam?" Tanong ko sa kanya ng magising siya. Umaga na pala. Pasalamat siya at hindi ako gaano napagod kagahapon sa byahe kung hindi iiwanan ko sya sa hospital pati na din yung sasakyan niya eh sa naawa ako kaya ako na ang nag drive.
"Hindi no pati ano sinasabi mong pinauwi kita diba kusa kang umuwi dahil sa may business ka dapat tapusin dito ah" Galit na sabi niya sa akin. Ano bang problema niya nag tatanong lang naman ako ah.
"Ano ba kasi alam mo kay sam?"
"Bakit gusto mo pang malaman ha!" Abat sinisigawan niya ba ako.
"Ano bang problema mo ha?!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil naiinis ako sa kanya.
"Just go back to that stupid place of your!" Sigaw niya saakin at saka siya umalis.
Ano bang problema niya.
-----------------------------------------
(Alexa)
Tatlong araw na ang lumipas ng mangyari yun sa akin, at dahil duon ay maraming na nag bago sa akin.
"Punta na po ako sa aking kwarto" Sabi ko sa kanila pagkatapos ko maligo ng bigla naman ako tawagin ni kuya alex.
"Magkukulong kananaman sa kwarto mo? sumama ka kaya saamin" Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Ayoko, sa susunod nalang" Sabi ko sa kanya.
"Tama ang kuya mo alexa sumama ka nalang sa kanila. Minsan na nga lang nahingi ng pabor ang kapatid mo tatanggi kapa" Singit ni mommy saamin. Dahil sa sinabi niya ay napa oo ako hindi ako pwedeng tumangi kay mommy.
"Yan good pumayag ka din" sabi ni kuya sa akin. Lagi kasi niya ako kinukulit na sumama ako sa kanilang gala, eh lagi naman ako tumatanggi. Nagtataka nga ako hindi ba sila napapagod sa kanilang ginagawa. I mean gala lang sila ng gala nakakasawa kaya yun.
"Puntahan mo nalang ako sa aking kwarto kung aalis na" Sabi ko sa kanya at umakyat na ako.
Napahiga ako sa aking kama habang nag iisip, sino ba talaga ako? Ako ba talaga ang ako?
Hay...Kainis tatlong araw na ang lumipas at may mga bagay na umiikot parin sa aking isipan na tungkol kay sam. Parang gusto ko malaman kung sino ba siya talaga at bakit siya bigla nalang nawala? Namatay ba siya?
ilang oras na pala ang lumipas at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ng hindi pa sana ako ginising ni kuya alex para kami ay umalis na.
"Ay sorry kuya nakatulog ako. Magbibihis lang ako" Sabi ko sa kanya.
"Sige sige hintayin nalang kita sa baba" Sabi niya sa akin at saka siya lumabas ng kwarto ko.
------------------
"Saan ba tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko sa kanila, kanina pa nila hindi pinapansin ang tanong ko sa kanila.
"Uy ano ba, nag tatanong ako eh" Pero wala talaga parang wala sila naririnig kaya sumuko na ako at hindi na pa ako nag tanong sa kanila.
Ah oo sa kanila katulad ng sinabi ni kuya kanina na gagala sila, kaya kasama ang mga kaybigan ni kuya pati na din yung dalawang babae. So paano kami nag kasya sa sasakyan ni kuya, syempre hindi sasakyan ni kuya ito at sasakyan ni eightan van kasi yung sinakyan namin para kasya kaming lahat. So seven kaming lahat ngayon sa sakyan, sino ang nag dridrive edi yung driver ni eightan.
Nasa dulo kami at ang katabi ko ay si kuya alex at si eightan. Halos mag iisang oras na ang byahe at hindi ko alam kung saan ba kami pupunta at napakalayo ata.
Nagiinit na yung pwetan ko dahil kanina pa ako nakaupo, gusto ko nang bumaba at naiinis na ako hindi ko alam kung bakit.
"Matulog ka kaya muna kung hindi ka makapali diyan ka sa kinauupuan mo" Bigla namang nag salita si eightan kaya agad ako napatingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
Ayos lang ba siya paano ako makakatulog kung hindi ako mapakali dito sa kinauupuan ko.
"Hindi naman ako inaantok eh, pati nakatulog na ako kanina" sabi ko sa kanya, napaisip ako dahil sa nangyari noon parang walang nangyari sa kanila at parang hindi nangyari ang araw na iyon.
Hindi naman masamang mag tanong sa kanya tungkol kay sam diba?
"Ano bang klaseng babae si sam?" Nagtatakang tanong ko sa kanya kaya nagulat naman siya dahil sa tanong ko, hindi narinig ni kuya ang sinabi ko dahil naka head seat siya at ang mga iba niyang kaybigan ay nag kukulitan na parang isang bata.
"Ano ba-bang tanong yan alexa?" Nauutal na sabi niya sa akin.
"Masama bang magtanong? Gusto ko lang malaman kung sino ba talaga si sam. Sayo ako nagtanong dahil mukha naman kilala mo yung tao, mukha kasing hindi kilala ni kuya yung tao kaya sayo na ako nagtanong" Hindi ko alam kung bakit ba ang seryoso ng mukha ko sa kanya ngayon.
"A-ano kasi hindi ko talaga siya masyadong kilala, kaya wala ako masasabi tungkol sa kanya" napakamot siya sa kanyang ulo na parang wala talaga siyang alam kay sam. hmmm.....Makasabi ako na parang wala siyang alam bakit ako ba may alam ba ako tungkol kay sam...... HIndi ko alam.
------------------
At sa wakas nakarating na din kami. Hindi na ako nag tanong pa kay eightan tungkol kay sam mukhang wala siyang masasabi eh.
Ano bang klaseng lugar to?
"Nasaan tayo kuya?" tanong ko kay kuya alex na katabi ko lang.
"Secret" Nakangiting sabi niya sa akin at saka niya ako iniwan.
Bakit may malaking bahay sa harapan ko? Akala ko ba gagala kami eh bat sa isang bahay rin kami gagala hindi nalang sa malapit na bahay nalang kinda mommy at dumayo pa talaga kami dito.
Halos tatlong oras yung binyahe namin kaya napagod ang mga kaybigan ni kuya.
"Kumain muna tayo bago mamasyal" Sabi ni nickol saamin.
"Anong kakain mag aayos muna tayo ng mga gamit natin no" biglang singit ni kuya. Anong gamit ang kanyang pinagsasabi. Napatingin ako sa kanya at pumunta siya sa likod ng sasakyan nagulat ako ng buksan niya ito na may laman na bag? Bakit may bag?
Wag mong sabihing...........
"Ay nako hays..................katamad" Walang ganang sabi ni nickol.
Saglit nga lang bakit ako lang ata yung nagulat? Bakit parang may hindi sila sinasabi sa akin.
"Uy ano ginagawa mo diyan alexa tumulong ka nga mag dala ng mga gamit sa loob" Utos sa akin ni kuya. Napanganga nalang ako, at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan.
"Oo nga pala ilang araw pala tayo dito?" Biglang tanong ni april habang nag hahakot siya ng mga gamit.
"Limang araw daw" Sagot sa kanya ni miko. Ano di-dito kami matutulog bakit hindi sinabi ni kuya sa akin ito.
Pero wala naman akong dalang gamit ah? ano gagamitin kong damit nito? Pati bakit hindi ko manlang nakita na may dala dala silang mga gamit, ay oo nga pala sinundo nga pala kami kanina kaya hindi ko makikita. Nagulat nga ako kanina dahil nasa labas na sila ng bahay at ako nalang ang hinihintay nila so ganon pala.... Habang nag bibihis ako ay hindi sinayang ni kuya ang pagkakataon na ilagay niya ang gamit salikod pero wala ako gamit na dala. At bakit pala ganon nalang ang ngiti ni mommy ng makaalis kami.
Plano nila tong lahat?
"Uy ALEXA! Ano ba kumilos kilos ka nga diyan aber hindi ka boss" Sigaw sa akin ni kuya alex kaya agad ko siya nilapitan.
"BAKIT HINDI MO SINABI SA AKIN?" Sigaw ko sa kanya. Kaya napatingin naman yung ibang kaybigan ni kuya na nandito sa labas.
"Bakit kaba na sigaw ang lapit lapit mo sa akin. Ano bang problema mo?" Naiinis na tanong niya sa akin.
"Bakit hindi mo sinabi na eto pala yung gala na pinagsasabi mo at ano dito tayo matutulog?" Naiinis ko namang sabi sa kanya. HIndi lang siya ang may karapatang mainis.
"Sa tingin mo papayag ka kung sabihin ko iyon sayo?"
"Pero kuya naman dapat tananong mo muna kung gusto ko ba!" Sigaw ko kay kuya.
"Alam mo ba hindi na kita maintindihan. Ikaw na nga yung tinutulungan ikaw pa yung may ganang magalit, kung gusto mong umuwi, umuwi ka. Pamula ngayon bahala kana sa buhay mo. Pagod na pagod na ako gumawa ng mga paraan para maging masaya ka!" Bigla ako natauhan dahil sa sinabi ni kuya sa akin at saka siya umalis. Pinagtinginan lang kami ng mga kaybigan ni kuya pero may isa ako talagang napansin ang pagngisi ng isa niyang kaybigan. Hindi ko alam kung bakit ba siya ngumisi.
Ano bang nangyayari sa akin?
--------------------------
November 20 2018
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top