Chapter 68

Habang nag lalakad ako pabalik sa class room ko ay nakasalubong ko si liza. Ang tagal na din hindi kami nag kita ah.

"Uy alexa!" Bati niya sa akin.

"Hi" Bati ko naman sa kanya.

"Sorry nga pala kung hindi ka nanaman nasasamahan busy kasi kami ni liam" Naalala ko tuloy yung ginawa ni liam sa akin.

"Ah.... Okay lang. Ano kasi galit ba sa akin si liam?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Napansin ko kasi mga nakalipas na araw pag nakakasalubong ko siya umiiwas siya ng tingin kaya naisip ko na parang nagalit aiya kaya nag tataka ako kung may nagawa ba  ako kasalanan.

"Ano? bakit naman yun magagalit sayo?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Hindi ko nga rin alam eh. Pamula kasi noong bigla niya ba ako niyapos duon hindi na siya namansin" Kwento ko sa kanya.

"Ano? Niyapos ka?!" Gulat na gulat na tanong niya sa akin.

"Hindi ko nga alam kung bat niya ako niyapos tinanong kasi niya yung nangyari sa akin kung bat ba daw ako nahihimatay kaya sinabi ko na bumabalik na yung alaala ko kaso may posibilidad na mamatay ako" Sabi ko sa kanya.

"Ah...... Ganon ba, ganon talaga yun. Mukhang naalala nanaman niya si sam!" Napansin ko ang mga lungkot sa kanyang mata.

Sam? diba yun din yung pinag uusapan ng mga kaybigan ni kuya noong nag practice sila sa amin.

"Ahmm.... pwede ba ako mag tanong?" Tanong ko sa kanya.

"Ano yun?"

"Sino si sam? kasi napapansin ko na parang nalulungkot kayo pag nababanggit yung pangalan na sam."

"Kami? tinutukoy mo ba kami ni liam?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Hindi yung mga kaybigan kasi ni kuya nabanggit din yung pangalan na sam tas bigla sila nalungkot hindi ko nga alam yung dahilan" Kwento ko naman sa kanya.

"Si-sino ba yung mga kaybigan ng kuya mo?" Tanong niya sa akin.

"hhmmmmm..... jiro, miko at si eightan" Yun ang pagkakatanda ko sa kanilang mga pangalan. 

Nagulat naman siya dahil sa sinabi ko. may nakakagulat ba duon?

"hay.... Si sam kasi masasabi ko na isa siyang matibay na babae ang akala ko noon masama siya at kung ano anong oang hindi magandang salita ang nasa isip ko na tungkol sa  kanya yun pala mali ako sa likod ng mga ngiti niya may puot at kalungkutan na ayaw niya ipakita sa iba. Siguro bat sila nalungkot dahil naalala nila yung mga tulong naginawa ni sam sa kanila o kaya ang hindi pag suko ni sam" Malungkot na sabi niya sa akin. pero nasaan na ba siya?

"Kaano ano ba ninyo siya at nasaan na ba siya?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi ko alam pero parang gusto ko malaman kung sino ba yung sam na tinutukoy nila.

"Isa rin siya mag aaral sa school na ito mahigit walong taon na siya dito nag aaral pero sa bawat hakbang niya may mga masasakit na salitang ang natatanggap niya sa mga estudyante dito wala ni sino man ang lumalapit sa kanya dahil sa nagawang kasamaan ng nanay niya. Nag bago ang buhay niya ng makilala niya sinda nicko, ken, ranz, sed, jaycob, jayson, miko, eightan, jiro at si ian silang 10 ayaw din nila kay sam at ayaw din nila sa isat isa plastikan kung baga pero si sam wala siyang ayaw kahit sa isa  sa kanila. Kung anong gawin ng masama sa kanya okay lang siya duon ang gusto lang niya ay makatulong. Nakilala ko ang tunay na sam ng humingi ako ng tulong sa kanya napagaalaman ko kasi na yung crush ko ay ka close niya kaya humingi ako ng tulong kung pwede bang ibigay niya yung letter kay liam pumayag naman siya tas duon unti unti ko nakikilala ang sam na hindi ko inakala na may pinag dadaanan pala siya" Ngiting may lungkot sa kanyang mukha.

"Ahmmm... Nasaan na ba siya?" tanong ko sa kanya.

"Isang taon na  siyang nawawala" at duon bigla nag laho ang ngiti sa kanyang mukha at mas lumalim ang lungkot.

"Ah..... Sorry" Bakit ko pa ba kasi tinanong pa eh. yan tuloy nalungkot lang siya.

"Okay lang yun, sige  maiwan na  kita diyan may gagawin pa kasi ako" Sabi niya sa akin at nag byebye  na  siya kaya ako namanay pumunta na sa class room ko.

pagkapasok ko ng class room ay napansin ko na abala  ang mga  kaklase ko anong meron para kanina naman hindi naman sila  abala ah.

Umupo na ako sa  upuan ko. Wala parin si kuya ang tagal naman noon kumain ng lunch niya pati na din mga kaybigan niya.

kahapon ko lang napansin na kaklase pala namin yung mga kaybigan ni kuya.

Biglang pumasok ang adviser namin. Hindi naman siya yung next subject namin ah.

"Okay class so bukas na ang labanan ng music band!" masayang sabi niya sa amin.

Ano yun? Hindi ko alam yun ah.

"So dahil bukas  ang music band ay wala tayong klase ngayon hapon" Pagkasabi na pagkasabi ni miss noon ay nag hiyawan ang mga kaklase ko.

"Kaya wala kayo pasok ang mga kasali naman sa  music band ay may practice sila ngayon para bukas. Yun lang at maaari na kayo umuwi" Halos lahat ng mga kaklase ko ay parang nanalo kung saan man dahil sa mga mukha nila.

Pagkalabas na pagkalabas ni miss ng class room ay ang pindi madali ng mga  kaklase ko akala  mo naman kung ano meron ay.

Hanggang ngayon ay hindi parin nabalik si kuya.

Nasaan na kaya yun.

Hindi ako pwede umuwi kapag hindi ko siya kasabay.

Nilapitan ko ang isa naming kaklasepara magtanong kung nakita ba niya si kuya.

"Tan! Nakita mo ba si kuya alex?" tanong ko sa kanya, kaya saglit siya napaisip dahil sa tinanong ko.

"Ah oo baka nasa practice room sila ngayon"

"Saan yung practice room?" nAGTATAKANG TANONG KO SA KANYA.

"Sa second floor yun tas makikita mo naman yung sign sa taas ng bawat room. Sige mauuna na ako may gagawin pa kasi ako" Paalam naman niya sa akin kaya bago siya umalis ay nagpasalamat ako sa kanya.

Kinuha ko na ang bag ko at pumunta na ako sa second floor katulad nang sinabi niya kanina.

Habang nag lalakad ako ay sa taas ng pintuan ako nakatingin para makita yung sign na practice room ng biglang may bumangga sa akin buti nalang at hindi ako nahulog o napaupo manlang sa lapag dahil nasalo agad ako noong bumangga sa akin. Agad ako tumindig ng maayos dahil nakakahiya naman duon sa sumalo sa akin baka nabibigatan na hahah.

"Hala sorry miss! nag mamadali kasi ako sorry talaga" Paulit ulit niyang sinabi sa akin ang salitang sorry kahit na sinabi ko sakanya na okay lang. Ako nga yung may kasalanan hindi kasi ako natingin sa diadaanan ko, sasabihin ko sana yun sa kanya ng bigla naman siya kumaripas ng takbo. Ano bang klase tao yun ang bilis naman niya tumakbo.

Mahanap na nga yung dapat kong hanapin. Ah eto yung room, Kumatok muna ako bago pumasok sa loob. Hindi ko alam pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko ng maranig ko may kumakanta, bakit iba ngayon ang nararamdman ko.

Hindi ko alam pero may bigla nagpakita sa aking isipan n isang babae, hindi ko alam kung sino siya dahil blanko ang kanyang mukha bigla nalang ako natauhan dahil kay kuya alex na nasa unahan ko na pala.

"Ano ginagawa mo dito?!" Galitba siya? mukha kasi siyang galit dahil sa pagkakasabi niya noon.

"Hinahanap kasi kita"

"Bakit ba? Maykalangan kaba sa akin? hindi ka pwede dito!" naiinis na sabi niya sa akin.

"Diba magkasabay tayo uuwi kaya hinanap kita, pati ano ginagawa mo dito kuya? Half day lang tayo sabi ni miss kanina" 

"Hindi ako sasabay ngayon kaya umuwi kana, Oo alam ko half day ngayon yung mga hindi kasali bukas" ah so kasali pala siya bakit pala noong isang araw nag prapractice sila yun pala yun ah okay.

"Pero kuya ano sasabihin ko kay mommy?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.

"Sabihin mo may practice ako alam na noon, Kaya umuwi kana baka kung ano pang mangyari sayo" Magrereklamo pa sana ako ng bigla nalang niya ako hinigit palabas ng practice room.

"Ano ba yan" Malungkot na sabi ko.

Paano ako uuwi ngayon. Hindi ba niya naalala na wala si manong driver ngayon at absent nga diba siya papaano na ito. Hindi ako maalam umuwi magisa.

Sinubukan ko buksan yung pintuan ng practice room kaso naka lock na ito. huhuhuhu paano na talaga ako nito. Kung maghintay nalang kaya ako dito sa labas. haysss..........

To be continue............

October 14 18





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top