Chapter 67 (GF ANO YUN?)
(Alexa)
Hindi ko alam pero parang nagulat si eightan sa bitbit kong meryenda. May problema ba?
"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.
"A-ah o-oo" Nauutal na sabi niya sa akin.
"Tayo na sa taas" Yaya ko sa kanya kaya tumaas na kami. Si eightan ang nag bukas ng pintuan ng kwarto ni kuya para sa akin dahil nga sa may ibitbit ako.
"Salamat" Pagpapasalamat ko sa kanya. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Napansin ko ang isang babae na katabi ni kuya alex. hmmmm............
"Eto na yung meryenda ninyo" Sabi ko sa kanila. Katulad ng mukha na ipinakita ni eightan kanina ay ganon din ang mga mukha nila ngayon, ano ba problema nila?
"Whats that" Tanong noong babae
"Meryenda ninyo" Sabi ko sa kanya. bulag ba siya para hindi niya makita tong dala dala ko ha?
"Ano april iimik kapaba ha?!" Sabi sa kanya noong lalake na nasa harapan ko na pala ang bilis niya.
"Shut up miko, porket matakaw ka!" Sabi noong babae sa kanya.
"Uy kukuha na ako ha! gutom na kasi ako" Sabi niya sa akin.
"Okay lang" nakangitig sabi ko sa kanya, pagkakuha niya ng kape at ng pandisal ay umupo na siya. Inilapag ko na sa may table ni kuya yung mga meryenda nila.
"Wow miko kaylan kapa natuto kumain niyan?" tanong sa kanya ni eightan.
"Nako kita mo naman na kahit anong pagkain kakainin niya dahil sa katakawan, hahahaahahahah" Ang sama naman ni kuya.
"Ano sabi mo alex, pasalamat ka at nandiyan kapatid mo kung hindi...." sabi naman sa kanya ni miko.
"Ano sabi mo!" paghahamon naman ni kuya.
"Yung seryoso miko!" sabi sa kanya ni eightan.
"Tsk.... May nag turo lang sa akin no" Sabi naman niya.
"Ano nag turo?, sino naman?" tanong sa kanya ni noong lalake na may hawak na guitar. Paano ko nalaman na guitar yung hawak niya nakita ko kasi noong sang araw na may hawak na ganon si kuya kaya tinanong ko kung ano yun tas sabi nya guitar.
Umupo muna ako bago ako lumabas ng kwarto i kuya pati hihintayin ko na din yung mga pinag kainan nila.
"Si sam" hindi ko alam pero bigla ako napatingi sa kanya dahil sa sinabi niyang pangalan.
"Sa-sam?!!" nauutal na sabi ni eightan.
"Bakit ganan ang mga mukhaninyo?" nagtatakang tanong ni kuya sa kanila, napansin ko din ang pagkalungkot nila. Mahalaga ba sakanila yung taong yun o ano?????????
"Nakakamiss" Sabi ni miko. hmmm..............
"kung pwede sanang bumalik sa nakaraan edi sana naitama ko yung pagkakamali na nagawa ko" Nakangiting sabi ni miko pero ngiting lungkot na kita sa kanyang mukha. Ano kaya ibigsabihin ng kanyang sinabi.
"Ano ba kayo nakaraan na yan kaya kaylangan natin kalimutan" Biglang sabi ni eightan.
"Ano ba kasi yan? hindi ko alam yang mga pinag sasabi niyo?" Nalilitong sabi ni kuya alex sa kanila.
hindi ko alam tong nararamdaman ko............
-----------------------------------
Ng matapos sila sa kanilang kinain ay bumalik na sila kung ano man yung pina practice nila habang ako naman ay inaayos ko ang mga pinag kainana nila.
Hindi nila manlang sinabi kung sino ba yung tinutukoy nilang sam kahit si kuya gusto alamin kung sino ba yung pinaguusapan nila pero ayaw nilang sabihin, kaya hidi na pinag pilitan pa ni kuya.
"Kamukha mo si paraluma......" Bigla ako napatingin duon sa kumanta at para....... may naalala ako.
Bigla ko nalang nabitawan ang hawak hawak kong baso dahil sumakit nanaman ang aking ulo. Lahat sila ay napatingin sa akin si kuya naman ay agad lumapit sa akin.
"Hey alexa, anong nangyayari hey!?" nagaalalang sabi niya sa akin.
"wa-wala lang to" Sabi ko kay kuya dadamputin ko na sana yung basag na baso na nasa sahig ng bigla naman dumilim ang paligid ko.
"Hey alexa" Ang huling sigaw na narinig ko mula kay kuya bago tuluyang nawalan ako ng malay.
---------
Nagising ako dahil sa isang sigaw
"Yan na nga sinasabi ko eh dapat hindi ko nalang pinayagan na dito kayo mag prapractice alex tignan mo nangyari sa kapatid mo!" Boses ni mommy yun ah.
Minulat ko ang aking dalawang mata para makita silang dalawa.
wala naman kasalanan si kuya dito eh ako yung may kasalanan lagi nalang sinisisi si kuya.
"Mom" mahina ngunit rinig niya ang pagtawag ko sa kanya dahilan upang lumingon siya sa akin.
"Alexa buti naman at nagising kana" Nagaalalang sabi ni mommy sa akin.
"Okay na po ako. Wag na po sana ninyo pagalitan si kuya kasalanan ko naman po, kaya naulit nanaman po ito" Sabi ko kay mommy.
"Pero alexa siya yung mas nakakatanda kaya responsibilidad niya kung may mangyaring masama sayo"
"kahit ano po gawin natin talagang mangyayari to sa akin kahit wala ako gawin mangyayari parin ang ganitong pangyayari sa akin hanggang sa maalala ko na ang lahat kung sino ba talaga ako" Nakangiting sabi ko kay mommy. Napatingin naman ako kay kuya na nakatingin din sa akin. Mukhang nag aalala rin siya sa akin dahil sa mukha na ipanapakita niya ngayon.
"Mag ingat ka nalang sa susunod alexa ha!" Nakangiting sabi ni mommy sa akin kaya nginitian ko din siya.
-----------
Habang nag aayos ako ng aking gamit para bukas ay may biglang kumatok sa pintuan kaya pinapasok ko kung sino man yun. Si kuya lang pala.
"Bakit kuya?" Tanong ko sa kanya habang nag aayos parin ako ng gamit ko.
"Gusto ka daw kausapin ni jiro" Sabi niya sa akin. Hmmmm... Sinong jiro? May kakilala ba akong ang pangalan ay jiro. Nakita ni kuya ang pagtataka ko kung sinoba yung si jiro.
"Kaybigan ko na nandito rin kahapon" Sabi niya sa akin. Kaya lumabas naman ako para harapin yung jiro na sinasabi ni kuya.
"Siya si jiro" Sabi sa akin ni kuya.
Ahhh.... Naalala ko na siya yung lalaki kahapon na may hawak na guitar. Ano kaya sasabihin niya sa akin.
"Sige maiwan ko muna kayo diyan" Sabi ni kuya at bumaba na siya.
"Ano kasi..... Sorry nga pala" Bakit siya nag sosorry?
"Sorry saan?" Tanong ko sa kanya.
"Duon sa babae muntik kana masampal. Naikwento kasi saakin ng kuya mo ang nangyari sayo kaya ako na yung humihingi ng sorry" Nalilito ako sa sinasabi niya pati papaano niya na laman.
"Nanduon kaba? pati bat ikaw yung nag sosorry?" Tanong ko sa kanya.
"Ako yung umawat sa kanya. Nag kaaway kasi kami noon kaya uminit yung ulo niya kaya kung sino sino nalang ang sinasaktan niya" Ah ganon pala.
"Kaano ano kaba niya?" Tanong ko ulit sa kanya. Hindi naman kasi siya mag sosorry kung hindi malapit sa kanya yung isang tao diba.
"Gf ko siya" Nag taka naman ako sa sinabi niya anong gf??????
"A-ano?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Girl friend ko siya" Nahihiyang sabi niya sa akin pero hindi ko parin alam kung ano yun.
"ah..Okay lang yun" Nakangiting sabi ko sa kanya kahit hindi ko alam yung salitang girl friend mapapahaba lang kasi ang kwentuhan namin pati baka pagtawanan nito.
"Oo nga pala yan lang ba ang sasabihin mo sa akin kaya pumunta ka dito?"
"Hindi Dito kasi ako natulog" Ah bat pala.
"Ah okay. Sige babalik na ako sa kwarto ko" Pagpapaalam ko sa kanya kaya tumango naman siya.
----------------
Pagkaalis ni jiro ay agad ko pinuntahan si kuya alex, gusto ko kasi malaman kung ano ba yung salitang gf eh hahahhahahga.....
Kumatok muna ako bago ako pumasok sa loob ng kwarto ni kuya.
"Maykaylangan ka?" Agad na tanong ni kuya na abala sa hawak niyang papel.
"Ah ano kasi sige bukas nalang busy ka ata eh hahahha" Sabi ko sa kanya lalabas na sana ako ng pigilan niya ako.
"Ano yun sabihin mo na"
"Ano kasi itatanong ko sana kung ano yung ibigsabihin ng gf?" Nahihiyang tanong ko kay kuya hindi ko alam kung bat nahihiya ako itanong baka kasi simpleng meaning yun na hindi ko manlang alam diba kaya nakakahiya.
Napatigil siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin.
"Bakit mo naman tinatanong?"
"Ah wala wala sige na aalis na ako" Nauutal na sabi ko sa kanya ng bigla naman siya mag salita.
"Ang ibigsabihin noon ay mahal mo yung tao kaya tawag mo sa kanya gf para sa babae pag naman sa lalaki bf yun yon" Maikling paliwanag na sabi ni kuya sa akin. Ah ganon pala.
"Ah........" Yan lang ang nasabi ko kay kuya at lumabas na ako ng kwarto niya. hmmmmm...... Nakakapagtaka.
To be continue......
September 30 18
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top