Chapter 61

A/N: Sorry for the late update ^-^

-------

Pagkatapos kausapin ni mommy ang guidance ay dumeretsyo kami sa hospital para ipa check up daw ako dahil sa paminsan minsan na pananakit ng ulo ko.

Nag aalala si mommy baka kung ano daw ang nangyayari sa akin.

------

"Doc ano na po ba  ang nangyayari sa kanya?" Nag aalalang tanong ni mommy kay doc.

"Ang ibig sabihin lang po noon ay maari na po bumalik ang mga alaala niya" Sabi ni doc kay mommy.

"Edi maaring sumakit nanaman ang ulo niya?" tanong ulit ni mommy kay doc.

"Oo, at maaring mas malala pa ang mararamdaman niyan pananakit ng kanyang ulo. Kaya ang mas maganda miss maghirag sana po mas mabantayan po ninyo siya. Dahil mukhang maaga babalik ang mga alaala niya dahil sa mga nakikita niya na parang nakita na niya noon." Pag papaliwanag ni doc kay mommy.

"Ah... Okay po doc. Pero pwede naman siyang pumasok diba po?" Tanong ni mommy kay doc.

"Pwede naman hanggat may nag babantay sa kanya. Baka kasi d oras ay mawalan siya ng malay dahil hindi na niya kaya ang pananakit ng kanyang ulo" Sabi ulit ni doc. Bigla naman nalungkot si mommy dahil sa  mga nalaman niya kay doc. Hinawakan ko ang kanyang kamay kaya napatingin naman siya sa akin kaya ngumiti naman ako sa kanya.

"Wag po kayo mag aalala magiging okay lang po ako" Sabi ko para naman lumakas ang loob ni mommy.

--------

"Sigurado kaba alexa na kaya mo na?" Nag aalalang tanong ni mommy sa akin. Noong isang araw pa siyag ganito at dumating na nga ang araw na dapat papasok na ako at ngayon yun parang ayaw kasi ako palabasin ng bahay ni mommy.

Noong nag pa check up ako kay doc ay wala naman gaano nangyayari saakin hindi naman sumasakit ang ulo ko hanggang ngayon kaya masasabi ko na okay na ako.

"Oo mommy okay na okay ako o tignan mo nga poako ang saya saya ko o kaya papasok na po ako baka mahuli pa po kami sa klase ni kuya alex" Sabi ko kay mommy.

"Oo nga okay naman siya eh kaya aalis na kami" Nakabisangot na sabi ni kuya alex kay mommy. Kuya ang tawag ko sa kanya bilang pag galang at mukha naman mas matanda pa siya kaysa sa akin kaya kuya ang tawag ko sa kanya.

Hinila na ako ni kuya palabas ng bahay.

"Alex bantayin mo yang kapatid mo ha. Malalagot ka sa akin pag may nangyari sa kanya" Sigaw ni mommy. Tumango nalang si kuya kahit nakatalikod siya.

"Nakakainis" Narinig ko bulong ni alex.

"Alam mo hindi bagay sayo sumimangot ang gwapo mo kaya kuya pag nakangiti ka" Sabi ko sa kanya at saka ako sumakay sa back seat pati din siya.

Tinignan lang niya ako mula ulo hanggang paa.

"Maganda ba yung uniform sa akin?" Tanong ko sa kanya. Oo naka uniform na ako noong isang araw pa ito binili ni mommy sa akin.

"Ang pangit mo" Masungit na sabi niya sa akin at saka umandar ang sasakyan.

Tumingin nalang ako sa labas dahil naka baba naman ang bintana ng sasakyan.

Nakarating din kami sa school ni kuya hindi pala school namin dahil ngayon ay dito na ako papasok. Pag ka baba ni kuya ay bumaba na din ako at sinundan ko lang siya.

Lumingon naman siya sa akin at tumigil sa paglakad at lumapit sa akin.

"Pwede ba wag mo nga ako sundan" Yan nanaman ang kasungitan niya saakin.

"Pero sabi ni mommy na lagi daw ako sumunod sayo baka daw kasi ako mawala" Sabi ko naman sa kanya.

"Hindi kana bata kaya hindi ka na mawawala kaya pwede wag kana sumunod sa akin ha" Sabi niya sa akin aalis na dapat siya ng magsalita ulit ako.

"Saan ba ang class room ko?" tanong ko sa kanya.

"Mag tanong kanalang sa guidance" Sabi niya at saka siya tuluyang umalis.

Pumunta nalang ako sa Guudance katulad ng sinabi ni kuya.

"Good morning po itatanong ko lang po sana  kung nasaan po class room ko po?" Tanong ko sa isang babae na  naka upo sa upuan. Siya ata yung kausap ni mommy ng pumunta kami dito.

"Ah ikaw ba si alexandra maghirang?" Tanong niya sa akin.

"Opo miss"

"Hindi ba sinabi sayo ng kapatid mo kung saan ang class room mo?" Tanong niya sa akin.

"Hindi po, ang sabi lang po niya ay dito daw po ako magtanong"

"Ah... Sige umupo ka muna" Sabi niya sa akin kaya umupo naman ako sa may sofa.

Ilang minuto ang lumipas ay may biglang pumasok.

"Tawag daw po ninyo ako miss" Sabi noong lalaki na pumasok sa babaeng kausap ko kanina.

"Oh! Rey, Si alexandra nga pala new student. Ipapautos ko sana na dalhin mo siya sa class room niya" Sabi noong babae, Kaya tumingin naman yung lalaki sa akin at ngumiti kaya ngumiti din ako sa kanya.

"Alexandra sumunod ka nalang sa kanya ha!" Sabi ng babae sa akin.

"Okay po" Sabi ko sa kanya at saka  kami lumabas ng Guidance.

-----------

"Dito nga pala ang class room mo" Nakangiting sabi niya sa akin.

"Ah okay. Sige salamat sa tulong" Sabi ko sa kanya at saka ako pumasok sa loob inilibot ko ang aking mga mata at nakita ko ang mga ibang estudyante na  nakatingin sa akin at nakita ko din si kuya alex na may kausap na lalaki.

Ng tumingin sa akin si kuya alex ay ngumiti ako sa kanya at kumaway namanako sa kanya pero hindi niya ako pinansin at naka simangot lang siya at bumalik na siya sa pakikipag usap duon sa lalaki.

-------------

(Alex)

Nakakainis agang aga nababarino agad ako.

Pumasok na ako sa loob ng class room ko alam ko na dito ang class room ni alexa pero hindi ko sinabi sa kanya dahil naiinis ako sa kanya.

Umupo na ako sa aking upuan at bigla naman umupo si eightan sa tabi ko.

"So ano nasaan yung kapatid mo akala ko ba kasama mo ngayon?" Tinignan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya.

"Okay easy nag tatanong lang naman ako eh"

"Nasaan yung dalawa?" Tanong ko sa kanya.

"Si jiro nasa garden mukhang problemado nanaman kay nickol"

"Wala nang bago duon sa taong yun. Si miko nasaan?" Tanong ko sa kanya.

"Ewan ko baka late"

"Ah..... Ano nga pala ang balak natin duon sa play natin?" Tanong ko sa kanya.

"I don't know. Tanong mo kaya kay liza siya yung leader natin diyan sa play" Walang ganang sabi niya sa akin ng mapatingin ako sa may pintuan at si alexa pala na ngumuti sa akin at kumaway pero hindi siya pinansin at pinikit ko nalang ang mata ko.

"Ikaw na ang mag tanong sa kanya" Sabi ko kay eightan.

--------

(Alexa)

Nag hanap na ako na vacant na upuan baka kasi biglang may pumasok na  teacher, nakakahiya naman kung maabutan ako naka tayo parin hanggang ngayon.

May nakita ako bakanteng upuan sa may dulo kung saan wala naman ata naka upo kaya agad ako pumunta duon at saka umupo.

Maganda dito sa napili kong upuan dahil kita mo ang labas. Katabi ko kasi ang bintana kaya mahangin at ang ganda pa ng view.

Bigla naman sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa aking ulo. Hindi kaya nakita ko na rin dati ang view na  ito, impossible naman diba.

Wag naman ngayon please lang wag kana sumakit. First day ko ngayon sa school ni kuya please lang.

Hanggang ngayon ay hawak ko parin ang ulo ko at nakapikit na ako dahil sa sakit hindi ko namalayan na  may teacher na pala sa tabi ko at mukhang may kaylangan siya sa akin.

"Ba-bakit po?" Nangangatal na tanong ko sa kanya.

"Okay ka lang ba miss alexandra?" Tanong niya sa akin.

"Opo okay lang po ako" Sabi ko sa kanya pero hawak parin ng isa kong kamay ang aking ulo.

"Den go to the front tas mag pakilala ka sa kanila" Sabi niya sa akin kaya tumayo naman ako at pumunta sa unahan. Tinanggal ko na ang aking kamay sa aking ulo, kahit na masakit parin ang ulo ko.

"Hi.... My name is Alexandra Maghirang, But you can call me alexa for short" Nakangiting sabi ko sa kanila. Kahit masakit ang ulo ko ay tiniis ko na ngumiti sa kanilang harapanat bumalik na ako sa aking upuan.

Kaya naman yung teacher ay nag umpisa na mag turo pero heto ako at hawak hawak ang aking ulo na  hanggang ngayon ay sumasakit parin.

To be continue.........

------------------------------------

Vote and comment

June 24 18

PAALALA:

SORRY KUNG MAY MALING SPELLING O MALING TYPE AKO I EEDIT KO NALANG PAG NATAPOS KO NA ANG STORY.

NO TO COPY WRITING!

ENJOY READING MGA READERSSSS

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top