Chapter 53
(A/N: Sa susunod ulit ^-^)
----------------
(SAM)
Nasa clinic ako ngayon. Bakit?
Pinag bugbog ako ng mga kasama ni april kanina pati siya nakisali kaya eto na pala ko. Punta clinic, hay.
Ang sakit ng tiyan ko at ng aking pisngi dahil eto ang kanilang dinali kanina.
"Okay na ba yung tiyan mo?" Tanong sa akin ni nurse pom.
"Hindi na po masyadong masakit hindi po katulad kanina" sabi ko sa kanya.
"Bat ayaw mo sabihin sa adviser mo ang nangyari sayo ngayon"
"Wala rin naman po siyang gagawin"
"Bakit naman?" tanong niya sa akin.
"Hindi po ba ninyo alam. Na parang na ka kulong na po ako sa school na ito. Dahil hindi po ako pwede lumipat ng school dahil isa lang naman po ako scholar sa school na ito" Sabi ko kay nurse pom.
"So ano kung scholar ka dito pwede ka naman maging scholar sa ibang school ah, hindi yan nagpapabugbig ka ay. Alam mo ikaw ata yung estudyante na marima ang punta dito sa clinic" Pag kukwento ni nurse pom sa akin.
"Hawak kasi nila ang katunayan na scholar akosa school na ito kaya hindi ako maari maka alis sa school na ito hanggat hindi nila sinasabi"
"Bat ayaw ka nila paalisin?"
"Yun lang ho ang hindi ko alam. Wala naman ako nagawang kalokohan sa school na ito"
"Bat ayaw mo mag palipat nalang sa magulang mo"
"Wala na po ako magulang. Si mama nabalitaan naman po ninyo diba, sino naman poang hindi makakaalam sa ginawa niya. Si papa naman po pinalayas na po ako ng bahay. Kaya wala na po ako malalapitan" Nakatungo sabi ko sa kanya.
"Eh paano ka na ngayon?"
"May tumulong naman po sa akin. Pansamantala po ako sa kanila natulog"
"Aba buti naman isa ba sa mga lalaki dinala ka dito?" Sino kaya ang tinutukoy niya.
"Sino pong mga lalaki?"
"Yung nag dala sayo dito dahil sinugod ka ata ng kaklase mo. Yung pinalitan na ang salamin mo" Saka ko naalala yung araw na sinugod ako ni zoe.
"Ah wala po ni isa sa kanila"
"Oh?! sino tumulong sayo. May kamag anak ka paba?"
"Wala na po. Taga ibang school na lalaki ang tumulong po sa akin"
"Ah.... Ang bait naman niya"
"Oo nga po eh"
"Nabalitaan ko nga pala yung nangyari sayo noong acquaintance party. Hindi ako naniniwala sa sinabi ng kung sino man yung bigla nag pakita sa may projector"
"Bakit naman po?" Hindi ko alam kung bakit ko iyon tinanong sa kanya.
"Dahil parang kilala na kita. Hindi mo kayang manakit ng ibang tao. Kahit kaylan wala pa nadadala dito na kasalanan mo. Kaya impossible naman ng sinasabi na iyon sayo"
"Ah ganon po ba. Maraming salamat po sa tiwala" Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Wag ka mawalan ng pagasa sam. Malay mo meron pang tutulong sayo maliban yung tumulong sayo na lalaki. At maaaring mag bago rin ang takbo ng buhay mo diba" Nakangiting sabi niya sa akin.
"Sige aalis muna ako may bibilhin lang ako sa labas. Kung gusto mo diyan ka muna pero kung okay kana bumalik kana sa class room mo. Wag mo muna tanggalin yung bandage na nilagay ko sa mukha mo" Sabi niya sa akin at bago pa siya makalabas ay nag pasalamat ulit ako sa kanya.
Baka mamayang lunch nalang ako papasok. Kaya half day. Wala ako sa mood na makinig ulit sa klase.
Humiga nalang ako at napatingin sa may ilaw.
-------------------
Lumabas na ako ng clinic, kasi lunch na nila kaya wala nang tao sa class room.
May ilang mga eatudyante ako nakakasalubong na nag bubulungan ngayon naman ang bagong balita ay ang nasa mukha ko kaya nag tataka naman sila kung ano ito.
Pagpasok ko sa class room, ay tama nga ako dahil wala nga tao, kaya agad ko inilagay ang aking bag sa aking upuan.
lalabas na sana ako ng bigla pumasok sa loob si nicko na mag isa lang kaya nagulat ako, hindi lang ako pati din siya nagulat din siya ng makita niya ako. Hindi ko alam kung bakit.
"Ni-" Magsasalita sana ako ng bigla siya nag lakad at hindi man lang niya ako pinansin. Saka ko lang naalala yung mga sinabi niya sa akin kahapon kaya hindi ko na sinubukan pa na lumapit sa kanya para mag tanong ulit at tuluyan nalang ako lumabas ng class room.
As alway's sa rooftop nanaman ako. Eh sa eto na ang nagiging tambayan ko tuwing lunch eh.
Nasa taas na ako ng bigla may humigit sa akin. Kaya nagulat naman ako.
"si-sino ka?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Mukhang taga dito naman siya dahil mag kaparehas kami ng uniform.
"Ah sorry nga pala kung hinigit kita. Baka kasi may makakita sa atin. Ako nga pala si liza" Nakangiting sabi niya sa akin at inabot niya sa akin ang kanyang kamay kaya kinamayan ko siya.
"Kilala mo naman ata ako?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman sino ba taga dito sa school natin ang hindi ka kilala. Know as a nerd na school na ito pero ang tunay na pangalan ay samantha lim right" Nakangiting sabi niya sa akin.
"Nice to meet you samantha lim"
"Kahit sam lang" Sabi ko sa kanya.
"So ano kaylangan mo sa akin?" Tanong ko sa kanya. sino ba ang tanga estudyante ang taga dito na lalapit sa akin diba. Halos lahat nga sila takot sa akin katuladna din si nicko.
"Nabalitaan ko kasi ang nangyari kanina na kakilala mo si liam, tas nagkikita pa kayo. Kaano ano mo siya?" Nakangiting tanong niya sa akin. wow ang bilis kumalat ng balita ah.
"Isang tao handang tumulong sa akin" Yan lang ang sinabi ko sa kanya.
"Ano ba meron sa kanya?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Crush ko kasi siya. Ahm pwede bang pabigay nito sa kanya" sabi niya sa akin at may kinuha siya sa kanyang bulsa isang maliit na papel.
"Pabigay namba nito sa kanya. Pwede ba?" Sa tingin ba niya makakatanggi ako edi madadagdagan nanaman ang sapak ko sa aking mukha hay nako ayoko na.
Kinuha ko na yung papel sa kamay niya at inilagay sa bulsa.
"Mamaya ibibigay ko sa kanya" Sabi ko sa kanya.
"Maraming salamat sam" Nakangiting sabi niya sa akin.
Ilang minuto ang katahimikan. Hindi ba siya bababa?
"May kaylangan ka paba sa akin?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Wala na"
"Eh wala nanaman pala. eh ano pa ginagawa mo dito?" Nag tatakang tanong ko sa kanya.
"Hindi ba pwedeng dito muna ako"
Hindi nalang ako umimik at umupo nalang ako sa lagi kong pwesto.
Sumunod naman siya sa akin at umupo siya sa tabi ko.
"Dito kaba pumupunta tuwing lunch?" Tumango nalang ako sa tanong niya.
"Si april ang gumawa niyan na nasa pisngi mo no?!"
"Bakit mo alam?" Nakita ba niya ang nangyari kanina?
"Ako pa hehehehe marami ako mata at tenga sa school na ito" Nakangiting sabi niya sa akin.
"Sorry nga pala"
"Para saan?"
"Ako ang may kasalanan kung bakit ka nila sinaktan. Nakita ko kasi kayo mag kasama ni liam kanina kaya dahil sa galit ko nasabi ko kay april hindi ko naman alam na ganon pala ang gagawin niya sayo. Sorry talaga"
"Wala yun sanay na ako"
"Paanong sanay kana?" Nag tatakang tanong niya sa akin. Akala ko ba may mata at tenga siya sa school na ito bat hindi niya alam na minsan ay nag kakapasa o sugat ako dahil sa kanila. Si zoe o kaya si april pag hindi naman yung dalwa eh si nickol naman o pag hindi sila iba naman ang gugulpi sa akin. hay......
"Sanay na may pasa sugat o kahit ano man na galing sa mga estudyante sa school na ito!" Naiinis na sabi ko sa kanya.
"Alam mo. Maganda ka kung mag aayos ka lang. Katulad noong acquaintance party, ni isa wala kaalam alam na ikaw yun tas ang ganda ng boses mo. Parang hindi kaw yun" Namamanghang sabi niya sa akin.
"Tss.." yan lang ang nasabi ko sa kanya.
"Sige maiwan na kita diyan" Sabi niya sa akin kaya tumango nalang ako sa kanya at bumaba na siya.
Hindi naman lalapit sayo ang tao pag wala naman sila kaylangan sayo pero pag meron saka sila lalapit.
pero hindi naman lahat.bpero yung babae yun isa na yun sa mga lumapit dahil may kaylangan.
Kaylangan ko lang naman ibigay yung papel na binigay niya sa akin eh. Ano kaya nakasulat sa papel.
Ilang minuto pa ang tinagal ko dito at saka ako bumaba.
---------------
Pagka awas ko ay pumunta kaagad ako sa shop ni ate yuki baka kasi may mangyari nanaman sa akin. Huhuhu ayoko na madagdagan etong nasa mukha ko pati yung nasa tiyan ko.
-------------
(LIAM)
Pupunta na sana ako sa shop ni ate ng bigla may tumawag sa pangalan ko.
"Oh bakit?" Tanong ko kay prex yung lalaki kasama ko kanina siya nga pala yun.
"Gala naman tayo, wala kasi si Bry. Kaya tayo muna sa sm. Bili na ngayon lang naman" Pangungulit niya sa akin. Kaya umoo nalang ako tutuusin wala naman ako gagawin sa shop ni ate. May sasakyan naman si ate kaya pwede hindi na ako pumunta duon.
-----------
Nasa sm kami ngayon sa may world of fun. Nag lalaro ng basketball
Eto kasi yung lugar na pampabawas sakit ng ulo.
"Pataasan tayo kung sino mataas manlilibre ng mcdo?" hmm..... Sa tingin ba niya siya mananalo he?! ako pa.
Syempre pumayag ako sa gusto niya, sayang naman yung libre diba.
Magkasamaby kami nag hulog ng token.
Stage 2 na ako ng bigla may bumangga sa akin kaya napatingin naman ako sa likod ko. Nagulat ako ng makita ko sila. Ang liit naman talaga ng mundo.
Akalain mo sa dami ng pwede puntahan ay dito pa talaga nila naisipang pumunta.
"Li-liam, long time no see " Sabi sa akin ni nicko.
"Ah oo nga long time no see" Pinilit ko na ngumiti sa kanila.
"Liam kilala mo sila" biglang epal ni prex.
"Ah oo, mga dati ko nang kaybigan" sabi ko sa kanya syempre diniinan ko yung dati.
"Ah..." Yun lang ang sinabi niya sa akin.
"Mukhang mainit na dito tayo nalang sa ibang palaruan" Sabi ulit niya kaya sumangayon naman ako sa kanya at umalis na kami. Hindi ka na sila pinansin pa pero bago kami tuluyan makaalis ay tinignan ko muna si sed at saka tuluyang umalis.
Ang tagal din naman hindi nag kita. Naalala ko tuloy ang mga nangyari noon. Natawa nalang ako, ng maalala ko iyon.
--------------------------
(SAM)
Paguwing pag uwi namin ni ate yuki ay agad ako pumunta sa kwarto para ayusin yung volcano. Oo aayusin ko dahil sa nangyari kaninang umaga. Hindi lang ako na apektuhan pati yung gawa ko sinira nila yung volcano ko huhuhuhu. Hindi ko nga alam kung nag pasahan na kanina. O Pumasok na sa school si miss.
---------
Halos apat na oras din saka ako nakatapos sa pag gagawa ng volcano.
Kanina pa nga ako kinukulit ni yaya lala na bumaba na daw ako para kumain pero tinatanggihan ko lang siya.
Agad ako bumaba ng matapos na ako sa pagaayos ng volcano.
Nakasalubong ko si liam na mukhang bad mood. Hindi nga pala namin siya kasabay dahil may pinuntahan daw siya.
Bumaba nalang ako at hindi ko nalang siya pinansin at baka paginitan lang niya ako.
Pagpunta ko sa kusina ay sumalubong sa akin si ate yuki.
"Ayos na ba yang mukha mo?" Tanong niya.
Kaya tumango ako sa kanya.
Hindi niya alam ang tunay na dahilan kung bat may sugat ako sa mukha ayoko sabihin sa kanya.
"O sige maiwan na kita diyan. Kumaun kana" Sabi niya sa akin at saka siya umalis kaya ako naman kumuha na ng pagkain ko.
To be continue.........
------------------------------------
Vote and comment
May 21 18
PAALALA:
SORRY KUNG MAY MALING SPELLING O MALING TYPE AKO I EEDIT KO NALANG PAG NATAPOS KO NA ANG STORY.
NO TO COPY WRITING!
ENJOY READING MGA READERSSSS
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top