Chapter 52
(Liam)
"Sabihin mo yung totoo" Sabi ko sa kanya. Dahil impossible naman yung sina sabi niya na umulan kaya nag paulan nalang siya dahil wala siyang payong. eh ang init init sa labas.
Umupo muna ako sa tapat niya, Dahil ngalay na ako.
Hindi pa siya na imik. Mukhang nag iisip kung sasabihin ba niya yung totoo o hindi sa akin.
Dahil sa naiinip na ako ay nag salita ulit ako.
"Ano na!" Sigaw ko naman sa kanya kaya bigla naman siya nagulat.
"Oo na eto na. Wag ka naman sumigaw. May mga customer oh" pagrereklamo niya sa akin.
"Okay hindi na ulan. Kagagawan ito ng kaklase ko. Okay na alam mo na ang yung dahilan"
"Bakit ginawa yan sayo!?" Naiinis na tanong ko sa kanya.
"Pwede bang hindi ko na sabihin yung dahilan"
"At bakit!"
-------------
(Sam)
Pambihira naman pati ba yung dahilan gusto niya malaman ano siya ha.....
"Pwede bang hindi ko na sabihin yung dahilan" Nakangiting sabi ko sa kanya at humigop ulit ako ng coffee
"At bakit!" Abat may bakit pa siya nalalaman ah. Pambihira naman.
"Bakit ba gusto mo malaman?!" naiinis na sabi ko sa kanya.
"Just say it!" Nagulat naman ako ng bigla nanaman siya sumigaw sa akin.
"Oo na eto na pwede bang wag kanaman sumigaw. Basta ka nalang na sigaw ay, Ang raming customer oh! Kanina pa nakatingin sa atin" Sabi ko sa kanya.
"I don't care just say it!"
"Oo na. Hindi ko alam kung bat niya ako binuhusan ng malamig na tubig. Sanay naman ako sa kanya na lagi niya ako pinapahiya o kaya sinasaktan sa loob ng school" Ngumiti ako sa kanya na pilit na ngiti lang.
Bigla naman siya tumahimik.
Mukhang na konsensya ata siya kung bat pa niya yun tinanong.
"Ah ganon ba" Yun lang ang sinabi niya sa akin at umalis na siya, Dala ang bag niya.
Tignan mo yun. Iniwanan nalang niya ako dito. Ubos na yung coffee kaya ipinatong ko na sa lamesa yung lagayan.
-----------------
(Sam)
Nakapagtrabaho naman ako ngayong araw pauwi na nga kami. Oo kami kinda ate yuki na ako natutulog diba kaya sumasabay na ako sa kanila.
Ayaw nga ako pagtrabahuhin ni ate yuki dahil baka mag kasakit daw ako pagmagtratrabaho pa daw ako.
Nag aayos ako ngayon ng upuan. Alam ko na ang mga patakaran dito, At iba pa kaylangan ko pang malaman bilang isang waitress. Nabigyan na rin ako ng uniform ni ate yuki., kaya yun ang pinalit ko sa basang uniform ko. May nakilala rin ako ibang waitress na mababait.
Pagkatapos mag ayos ng upuan ay lumabas na kami at sinarhan na ni ate yuki ang shop niya. si liam naman ay sumakay na sa sasakyan. Hinintay ko na si ate yuki masarhan ang shop niya, at saka kami sumakay sa sasakyan. Sa backseat ulit ako umupo pati din si liam si ate yuki naman ay sa unahan.
Bago pa paandarin ni kuya driver ang sasakyan ay sinabi ko kay ate yuki na kung pwede bumaba saglit sa bahay namin at may kukunin lang ako. Pumayag naman si ate yuki si liam naman ang hindi pumayag kaya nag taka naman ako.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.
"Just don't go to your house" May english pang nalalaman ay.
"May kaylangan ako kunin. Saglit lang naman yun eh" Sabi ko sa kanya.
Tumingin naman siya sa akin ng seryoso.
"Paano kung may gawing masama sayo yung babae?!"
"Wow. Nagaalala ka sa akin?" Nag tatakang sabi ko sa kanya bigla naman siya tumanggi.
"No way!"
"Samahan mo ako kung gusto mo" Sabi ko sa kanya agad naman siya sumagot na okay. kaya pinaandar na ni kuya driver ang sasakyan.
------------
Agad kami bumaba pagkapark ng sasakyan sa may gilid, at saka kami tumawid ni liam.
Bukas ang ilaw ng loob ng bahay dahil kitang kita dito sa labas. Bukas kasi ang gate kaya pumasok na ako pati din si liam. Noong una nga nahihiya pa siyang pumasok kung hindi ko pa kinulit ay hindi pa siya papasok.
Pagpasok namin sa loob ng bahay ay walang tao. Kaya baka nasa kwarto sila ni papa.
Pumasok na ako sa kwarto ko sumama parin si liam sa loob ng kwarto ko.
Wala parin nag bago sa loob ng kwarto ko. Agad ko naman nakita yung volcano kaya agad ko ito kinuha. Ayoko pang mag tagal sa lugar na ito. Maiiyak lang ako.
"Tayo na sa labas" yaya ko kay liam kaya sumunod naman siya sa akin paglabas ng kwarto ko ng bigla mag bukas ang katapat na kwarto. ang kwarto ni papa, at lumabas duon ang isang babae ngunit iba na ngayon ang babae, hindi yung kahapon. Naka bra lang siya tas ang pang ibaba niya ay maikling short.
"SINO KAYO?!" Mataray na tanong niya sa amin.
"Anak lang naman ako ng may ari ng bahay na ito. Ikaw dapat ang tanungin ka kung sino ka!" Kala mo mag papatalo ako sa katarayan mo hindi no.
"WOW. Akala ko ba patay na ang anak niya. kakasabi lang niya sa akin kaninang umaga. Kaya siguro mga mag nanakaw kayo no" Napatawa nalangako sa sinabi niya.
"Tayo na nga sa labas liam" Sabi ko sa kanya at nag patuloy na ako sa paglalakad palabas. May sinasabi pa yung babae pero hindi ko na siya pinapansin at nag lakad nalang kami palabas ng bahay.
Paglabas namin ay agad kami tumawid at pumasok sa sasakyan.
"Oh?! Bat ka umiiyak?" Napatingin naman ako kay liam. dahil sa sinabi niya. Napahawak ako sa aking pisngi at tama nga siya umiiyak na pala ako. May tulo na ng luha ko sa aking pisngi. Agad ko ito pinunasan, para hindi makita ni ate yuki.
------------------
Pagkagising ko ay agad ako bumaba dahil late nanaman ako nagising. Ni hindi manlang ako ginising ni yaya, nakakahiya naman kasi sa kanila na dagil sa akin bat sila malalate dapat iniiwan nalang nila ako.
pagkababa ko ay hindi na ako tumuloy sa kusina para kumain at lumabas na agad ako. Pagkalabas ko ay wala pa yung sasakyan kaya nag taka naman ako. Dahil laging nasa tapat ng bahay nila yung sasakyan pag papasok na. Pumasok ako sa loob para tignan kung nanduon pa ba sila at baka iniwan na nga nila ako dahil late nanaman ako gumising.
Pagkapunta ko sa kusinan ay nanduon pala sila at nakain.
"Oh sam. Sabay ka na dito" Pagaalok ni ate yuki sa akin kaya lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni liam ayun lang kasi yung vacant seat, at sa may baba ko inilagay yung volcano.
"Sinabi sa akin ni yaya lala na umiyak ka daw kagabi, ano ang dahilan bat ka umiyak?" Bigla ako napatingin kay ate yuki dahil sa sinabi niya sa akin. Susubo sana ako ngunit hindi na tuloy, dahil sa kanyang sinabi.
Narinig pala ni yaya lala ang pagiyak ko. Ganon ba kalakas ang pagiyak ko kagabi? Hindi naman ata ah.
Tumungo ako at saka nag salita.
"Wa-wala po yun" Yan nalang ang nasabi ko sa kanya.
"Wag ka nang mahiya sa amin mag sabi ng problema sam. Pamilya mo na kami sam, kaya mag sabi ka saamin kung ano ba ang iyong problema"
"Hindi ka namin pinipilit na sabihin yung dahilan kung bakit ka umiyak. Ang saamin lang pag may problema ka sabihin mo lang sa amin. Kahit isa sa amin diba, Wag kang mahihiya"
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi.
Inangat ko na ang aking ulo at isang malaking ngiti ang pinakalwan ko.
"Maraming salamat po" Sabi ko sa kanila, na may malaking ngiti sa labi.
Hindi ko alam ang aking mararamdaman ng marinig ko ang lahat ng sinabi ni ate yuki sa akin. Nag patuloy na ako sa pagkain. Hindi pa ngayon ang tamang oras para sabihin ko sa kanila.
-----------
Pagpasok ko ng school ay may humarang sa akin na isang babae. Hindi ko kilala kung sino siya mukhang hindi ko kasi siya kaklase.
"Tawag ka daw ni miss a sa computer room" Sabi niya sa akin at saka siya umalis.
Ano kaya kaylangan sa akin ni miss a ng ganito kaaga?
-----------
(LIAM)
"Pre huy! Nakikinig kaba sa amin ha?" Bigla ako natauhan dahil sa katabi ko na bigla naman niya ako kalugin.
"Ano yun!" Naiinis na sabi ko sa kanya.
"Ang sabi ko yung project natin ayos na ba?"
"Ah oo" Matipid na sagot ko sa kanya.
"Alam mo kahapon pa lutang yang utak mo, ano ba nangyayari sayo?"
"Wala to" Matipid ulit na sagit ko sa kanya.
Bigla may nag text sa cell phone ko kaya agad ko ito kinuha.
-yow! hindi mo na ako pinapansin. text ka naman diyan oh!
Hay nako yun nanaman yung makulit na babae na kinda sam na school.
"Uy pre gf mo? Himala may nililigawan kana ulit?!" tinugnan ko siya ng masama kaya napatahimik naman siya.
"Sabi ko nga hindi eh" Sabi niya sa akin. Na mukhang natakot sa akin.
Ng tumunog na yung bell ay agad ko nilagay sa aking bulsa ang cp ko at saka pumasok sa class room ko.
------------------
(ANOTHER PERSON)
Lumapit siya sa akin at tinanggal niya ang panyo na nasa bunganga ko.
"Maguumaga na kaya kaylangan ko na malaman ang sagot mo" Nakangiting sabi niya sa akin.
Huminga muna ako ng malalim at saka ako nag salita.
"Bukas, bukas ko sasabihin"
"Tss.... Wag ako ian, alam ko yang mga ganon mo. Kaya ako sayo ngayon kana sumagit kung ayaw mo siya masaktan ulit o kaya may gawin ako kakaiba sa kanya"
"P*ta *na mo ano ba ginawa sayo noong tao ha! Impossible naman na pinatay niya yung kapatid mo!" Sigaw ko sa kanya.
"You do not know the story. Kaya manahimik ka. Kung ayan ang gusto mo sige pagbibigyan kita papahirapin ko ngayon ang kaybigan mo hahahha" Natatawang sabi niya sa akin.
"Okay, okay basta wala ka gagawing masama sa kanila ihigit sa lahat sa kanya rin wala ka gagawin katangan o kalokohan sa kanya" Wala na ako maisip pa paraan kundi ang pumayag sa kagustuhan niya.
Agad siya tumingin sa akin na may ngiti sa labi.
"Good decision. bukas papasok kana, at bukas mo rin malalaman ang mga rules" pagkasabi niya noon ay nilagyan na niya ng panyo ang bunganga ko.
(SAM)
Pambihira naman si miss A ma lalate ako nito sa first subject eh. Nasaan na ba yun. Kanina pa kasi ako nandito sa loob ng computer room eh wala naman si miss A eh.
Hi-hindi kaya isang patibong ito.
Agad ako tumingin sa pintuan at bukas naman ito kaya agad ako tumakbo duon para makalabas ng bigla ito mag sarado kaya napahinto ako sa pagtakbo.
Mahigpit kong niyapos ang dala dala kong volcano dahil sa takot. Takot kasi ako sa ganito na madilim tas walang katao tao.
May narinig ako kaluskos kaya kinabahan naman ako.
"Ma-may tao ba diyan?" Nauutal na tanong ko. Nangangatal na ang aking paa dahil sa takot at napasandal nalang ako sa pintuan.
huhuhuhu dito na ba ang katapusan ko.
Bigla mag bukas yung ilaw kaya nagulat naman ako.
Napatingin ako sa aking harapan kung saan nakatayo si april at tatlo pang babae, na hindi ko naman kilala.
"Ang tanga mo naman, naniwala ka naman na pinatawag ka ni miss a dito hay nako ang bobo mo. Akala ko ba scholar ka school na ito eh bat ang tanga mo ha!" sabi ni april sa akin.
"Baka sip sip lang yan" Sabi naman ng katabi ni april na babae.
Paano ako magiging sip sip. Ni hindi nga makausap ng maayos ang mga teacher na nan dito.
"Yeh! right!" Sabi naman ng katabi niapril sa right side niya.
"A-ano bang ka-kaylangan ninyo sa akin" nauutal na tanong ko sa kanila.
"May nakakita lang naman na kasama mo si king liam!" Mataray na sabi ng pangalawang katabi ni april sa right aide niya.
Ano daw king liam sino yun.
"Sorry ha pero hindi ko naman kakilala yung king liam na sinasabi ninyo eh. kaya pwede ba palabasin na ninyo ako dito" Sabi ko sa kanila.
"WAG KAMI NERDY. KALA MO HINDI NAMIN KITA HA SUMAKAY KA PA TALAGA SA SASAKYAN NIYA ANG KAPAL MO DIN NO. NAKITA KA NAMIN KANINA NA INIHATID KA NIYA" Nangagalaiting sabi sa akin ni april.
S-si liam ba tinutukoy nila pero bat nila kilala si liam at bakit king liam?
"Ha ano wa-wala ako alam diyan" Nagmamaangan na sabi ko sa kanila.
"Girls alam na ninyo ang gagawin" Bigla ako kinabahan dahil sa sinabi ni april sa mga kasamahan niya.
At lumapit ang dalawang babae sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko. Inagaw ko sa kanila ang kamay ko ngunit mas malakas sila kaysa sa akin.
Dito na ba ang katapusan ko?.......
To be continue.........
------------------------------------
Vote and comment
May 13 18
PAALALA:
SORRY KUNG MAY MALING SPELLING O MALING TYPE AKO I EEDIT KO NALANG PAG NATAPOS KO NA ANG STORY.
NO TO COPY WRITING!
ENJOY READING MGA READERSSSS
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top