Chapter 51
👓PAALALA👓
(A/N: Sorry sa late update nag karon kasi ng problema nawalan kami ng wf bat ganon huhuhu. So makikikapit bahay wf muna ako kaya sorry guys eh malayo pa naman ang wf na kinakapit bahay ko kaya maaring matagalan yung ibang pa chapter na iuupdate. Sa mga nag comment at nag message sa akin sorry din pero hindi muna ako makakapag reply sa ngayon. Baka sa mga august pa kami mag kakaron ng wf so sad. Enjoy the story nalang ^-^)
---------------
(SAM)
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nag kaklase si sr ang last subject namin at mag lulunch na kami. Parang wala naman pumapasok ngayon sa utak ko hindi ko alam kung bakit.
Buti nalang at absent si miss ngayon ang teacher namin sa science paano naman kasi yung volcano na ginawa ko naiwan ko sa bahay namin. Hindi ko tuloy alam kung buhay paba yun ngayon. Sana makuha ko siya mamaya na buhay pa at buobuo. Bukas nalang daw kasi yung pasahan noon.
Hindi ko sinasadyang mapatingin sa kinauupuan nila. Sino tinutukoy ko ang barkada ninda nicko.
Nilapitan ko kasi sila kaninang recess ngunit hindi nila ako pinapansin. Except kay sed na ganon na talaga ang ugali niya tanggap ko na talaga siya hehehe.
Mag tatanong sana ako sa kanila kung anong nangyari sa kanila kahapon bat sila nawala, at iniwan nalang nila ako. Alam kaya nila ang nangyari kahapon.
Hay......
Nag halumbaba nalang ako at nagpakawala ako ng isang HAY...... Sa aking bunganga.
Napatingin naman ako ngayon sa katabi kong upuan na walang nakaupo. Hanggang ngayon hindi parin nag paparamdam si ian.
"MISS LIM!" Bigla ako natauhan dahil duon sa sumigaw ng pangalan ko kaya napatingin agad ako sa unahan kung saan nanggaling ang pangalan na iyon.
"Nakikinig kaba?!" Tanong sa akin ni sr. si sr pala ang tumatawag sa panggalan ko.
Kahit hindi ko kita ay alam ko na nasa akin ang lahat ng attention ng mga kaklase ko, As always masasama nanaman ang kanilang tinggin sa akin.
"Opo" Walang ganang sabi ko sa kanya. At saka siya nag patuloy sa sinasabi niya.
Tumingin nalang ako sa may bintana na nakahalumbaba parin ako.
Iniisip ko kung ano na ba ang mangyayari sa akin.
Ilang oras na ang lumipas ay nag lunch na din. Pero kaysa sa canteen ako pumunta ay sa rooftop nalang.
Malapit na ako sa may pintuan ng rooftop ng may marinig ako.
"Nickol naman please bigyan mo pa ako ng pagkakataon"
Hindi ko alam kung kaninong boses iyon pero parang familiar iyon sa akin.
"Ayan lang ba ang sasabihin mo sa akin bat mo ako pinapunta dito" Mukhabg si nickol ang nag sabi noon.
"Please nickol just give me a chance"
Nakakaawa naman kung sino man yun ay parang nakakaawa siya.
"You wasting my time, get out of my way!" Wow ang taray naman ni nickol.
Nakaramdam ako na parang mag bubukas yung pintuan kaya dalidali ako bumaba at nag tago sa isang room na malapit lang.
Buti nalang at nakatago agad ako kung hindi.
Nag tagal muna ako ng mga 5 minutes at saka ako lumabas baka kasi mamaya nasa labas pa sila at nag babangayan kung sino man yung kausap ni nickol.
"Give me a chance pa nalalaman ay" Bulong ko sa aking sarili habang naakyat ng hagdanan. Dahan dahan ko binuksan ang pintuan ng rooftop at sumalubong sa akin ang isang malakas na hangin.
"Wah..... Sarap sa pakiramdam, Bawas sakit ng ulo" Sabi ko sa aking sarili.
Sinarado ko na ang pintuan at sumilip ako sa mga bahay na kitang kita dito.
Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita sinda jayson pati na din barkada ninda jiro.
Ano kaya nangyari kinda nicko at hindi nila ako pinapansin.
Hay.....
Pumunta nalang ako sa may sulok kung saan ako nag papahinga o kaya natutulog ng magulat ako may nakahiga na pala sa pwesto ko nakatalikod siya kaya hindi ko kita ang kanyang mukha.
Nagulat naman ako ng bigla siya humarap sa akin.
"SED?!" Nag tatakang sabi ko sa aking sarili.
Mas lalo ako nagulat ng minulat niya ang kanyang mga mata.
Tumingin siya sa akin, hindi ko alam ang gagawin ko. kung aalis ba ako o kung ano. Dahan dahan siya tumayo kaya parang na statwa ako sa kinatatayuan ko ng lumapit siya sa akin.
Siya kaya ang kausap ni nickol kanina? Imposible ata si sed mag mamakaawa sa isang babae hay nako isang malaking himala pag nangyari iyon.
"Kanina ka pa ba nandiyan?"
"Ah......EH....Ba-bago lang" Nauutal na sabi ko sa kanya. pero hindi nalang niya ako pinansin at nag lakad nalang siya papalayo.
Bago siya tuluyan makaalis ay tinawag ko siya.
"Bakit?" tanong niya sa akin.
"A-anong nangyari pala sa inyo kahapon bat bigla nalang kayo nawala sa stage?" Nakatalikod siya sa akin kaya humarap naman siya ng marinig niya ang tanong ko sa kanya.
"Anong pinag sasabi mo, remember hindi ako umakyat ng stage at may pinuntahan ako ah" Walang emotion na sabi niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ba ako kinakabahan pag kaharap ko siya. Parang nasa isip ko ay kakainin niya ako na ewan, Ano ba yang iniisip ko.
"A-ah ganon ba" Yan nalang ang nasabi ko sa kanya at saka siya bumaba.
Nanatili lang ako nakatayo ng ilang minuto at saka ako umupo.
Napaisip ako ng ilang oras....
--------------------------
(ANOTHER PERSON)
"Sabi ko sayo gagawin ko yun eh, kita mo naman kung paano ko iyon ginawa sa kanya diba. Kung ayaw mong meron pang madamay, ay pumayag kana sa gusto ko. madali lang naman yun ah" Tumigil siya ng saglit sa pagsasalita para inumin ang hawak hawak niyang juice
"Ano masgusto mo meron pang mapahamak, Gusto mo bang masmalala pa ang mangyari sa kanya?" Natatawang sabi niya sa akin. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makapagsalita o makawala manlang dito sa tali.
Nakatali kasi ang aking kamay at ang aking paa. Tas ang aking bibig naman ay may panyo.
"Bukas mo ibigay sa akin ang sagot mo" Nakangiting sabi niya sa akin at umalis na siya, na nakangiti at mukhang waging wagi siya.
Hindi ko talaga aakalain na gagawin niya yun, Napakasama niya.
------------------------
(Sam)
Awasan na kaya nag ayos na ako ng aking gamit hanggang ngayon ay hindi ko parin nakikita sinada jayson pati nadin ang barkada ni jiro.
Ng makita ko na papalabas na sinda nicko ay agad ako nag madaling mag ayos ng gamit ko at ng ayos na ay saka ko silang sinundan.
"Nicko!" Tawag ko sa panggalan niya pero hindi naman siya tumingin sa akin. Marami namang mga estudyante ang napatingin sa akin, Lagi naman na mariming talagang estudyante ang nakatingin sa akin ng masama.
Sinundan ko sila ng maabutan ko sila ay agad ko hinawakan ang uniform ni nicko kaya napatigil siya sa paglalakad, Ni hindi manlang siya lumingon para alamin kung sino ba ang humigit ng uniform niya.
Huminga muna ako ng malalim at saka ako nag salita.
"Nicko ano ba problema mo ni hindi mo manlang ako kinakausap" Sabi ko sa kanya. Ang mga kasama naman niya ay wala lang nakatalikod din sila sa akin, Na parang iniiwasan ata nila ako na ewan. Pero si sed ayon patuloy parin sa paglalakad, Na parang walang nakita.
Hindi parin siya nag sasalita kaya nag salita ulit ako.
"I-iniiwasan ba ninyo ako?" Hindi lang sa kanya ang tanong na iyon kundi sa kasama rin niya.
Ngingiti na sana ako ng bigla siya lumingon ngunit agad ko iyon binawi ng may sabihin siya sa akin.
"ALAM MO NAMAN PALA ANG DAHILAN EH BAT TINATANONG MO PA!! KAYA PWEDE BA WAG KA NANG LALAPIT SA AMIN. KAHIT WAG KANALANG MAG PAKITA SA AMIN" Nagulat ako sa kanyang sinabi at dahan dahan ko tinanggal ang aking kamay na naka hawak sa kanyang uniform. kaya umalis na sila at iniwan nila ako dito na parang isang tanga.
Alam ko na marami na ang nanunood at marami na ang mga tumatawa dahil sa nakita nila.
Ilang minuto na ang lumipas ay nakatayo parin ako dito ng biglang ako magulat ng may nagbuhos sa aking ulo na napakalamig na tubig ata, kaya napalaki ang aking mata at napahawak ako sa aking mga braso na ngayon ay nanginginig na sa lamig.
"HAHAAHAHHAHAHHA That's perfect" Napatingin ako sa aking likod kung saan nanggaling ang napakalakas na halakhak. Si april lang pala. Mukhang nag hihiganti dahil ata kanina.
At nag sitawanan nanaman ang mga estudyanteng nakapalibot na sa akin, tawanan na parang demonyo at demonyita. Hindi ko nalang pinansin si april at tinalikuran ko nalang siya. Pinunasan ko muna ang aking salamin na nabasa ng kaunti at saka nag lakad na para isang robot. Sobrang lamig kasi kaya ganito ako maglakad.
Kahit basa ako at nilalamig ako ay pupunta parin ako sa shop ni ate yuki, wala rin naman ako ibang mapupuntahan diba.
---------------
(Nicko)
"Bakit mo naman yun ginawa sa kanya?" Tanong sa akin ni ranz, na hindi abala sa kanyang cell phone.
"Oo nga bat mo nga yun ginawa sa kanya, akala ko ba crush mo siya bat ginawa mo yun sa kanya?" Nagulat naman ako sa sinabi ni ken sa akin.
"Ano sino nag sabi sayo na crush ko yun?" nag tatakang tanong ko sa kanya.
"Ikaw kaya nag sabi noon sa amin ah. Gusto mo paba namin ipaalala sayo kung kaylan" Sabi namn ni ranz sa akin.
"Wag na naalala ko na" Yan nalang ang sinabi ko sa kanila para manahimik na sila.
Nandito kami ngayon sa sm at nagpapalamig. Pagkatapos kasi ng nangyari kanina ay napagisipan ko na pumunta muna kami sa sm, para matanggal ko a isip ko yung ginawa ko sa kanya kanina, pero eto at nasa utak ko parin.
"Kaylangan natin sundin ang gusto niya dahil kung hindi natin gagawin ay maaring isa sa atin ang mapahamak" Sabi ko sa kanila.
"Hindi ba parang nakakapagtaka naman"
''Ha ang alin naman?" Tanong ni ranz sa tanong ni ken sa amin.
"Bakit pa ba niya tayo dinadamay diyan sa kagustuhan niya. eh wala naman tayong ginawang masama sakanya diba. Pati hindi naman natin kaano ano yan crush mo. Ni hindi natin kilala yung babae" Sabi ni ken sa amin at itinuro niya ako ng banggitin niya ang salitang crush.
Oo nga bat nga kami nadamay dito.
"Ikaw sed baka may nalalaman ka diyan oh!?" Tanong ni ranz kay sed na nakatulala lang.
"Kung may alam ako sasabihin ko nalang sa inyo" Yan lang ang nasabi niya sa amin.
Hindi namin kilala yung babaeng yun, pero bat ganon nalang ang kagustuhan niya na-
----------------------------------
(SAM)
Pagpasok na pagpasok ko sa shop ay sumalubong sa akin ang mga waitress, Mag sasalita na sana sila ng mapansin ata nila na basa ako. Agad nila ako inalalayan pumunta duon sa upuan na walang customer. Hindi ko alam kung bakit sila ganan. Hindi naman ako ang may ari ng shop na ito para ganan sila sa akin diba.
Biglang sila umalis at iniwan nila ako dito, na nanginginig sa lamig. Pakiramdam ko lalagnatin ako.
Ilang minuto ang lumipas ay may dumating na isang waitress na may daladalang tiwalya at ibinigay niya ito sa akin. Hindi ako nag dalawang isip pa na kukunin ko ba o hindi ang tiwalya. Ng makuha ko ay nag pasalamat ako sa kanya.
Ibinalot ko ito sa aking katawan na nanginginig na sa lamig.
"Master do you want some coffee?" Napatingin ako duon sa nag salita, siya ulit. yung nag bigay ba ng tiwalya sa akin.
"No thank's i do not have some money to pay you" Aba nag sasabi lang naman ako ng totoo eh.
"I am sorry master, iba po ata ang pagkakaintindi po ninyo. The coffee is free for you" Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Pa-paulit nga ng sinabi mo" Sabi ko sa kanya.
"I am sorry master, iba po ata ang pagkakaintindi po ninyo. The coffee is free for you" Inulit nga niya ang sinabi niya kanina.
"Yan po ba ang gusto po ninyo marinig?" Tanong niya sa akin, kaya tumango nalang ako sa kanya tanong.
"So master do you want some coffee?" Tanong ulit niya sa akin kaya tumango nalang ako sa kanya.
"Okay master" Sabi niya sa akin at saka siya umalis para kumuha ng coffee.
Ilang minuto na ang lumipas ng may lumapit sa akin na isang waitress pero hindi yung kanina. Iba naman. Nagtaka naman ako ng kasama niya si ate yuki.
"Sam!?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Bat basang basa ka?"
"Ano kasi, U-umulan kasi" pagsisinungaling ko sa kanya.
"Bakit ka naman nag paulan?" Tanong ulit niya sa akin.
"Wala kasi ako payong" Sagot ko naman sa tanong niya.
"Bakit-" Naputol ang sasabihin niya dahil may biglang nag slita.
"Excuse me madam" Sabi ng waitress na may dala dalang coffee at ipinatong niya sa lamesa.
Kinuha ko naman ito at hinipan at saka ko ininom.
Tumingin naman si ate yuki sa mga waitress
"You can go back to your work's" sabi niya, kaya sinunod naman siya ng mga waitress.
"Are you okay?" Tanong niya sa akin. Kaya tumango nalang ako sa kanya.
"Gusto mo pa ba ng coffee?" Tanong ulit niya sa akin. Pero umiling nalang ako sa kanya.
"Gusto-" Magtatanong ulit sana siya ng bigla naman ako mag salita.
"Okay na po ako ate yuki. Kaya ate bumalik na po kayo duon, Kung ano man po ang ginagawa po ninyo. Wag na po kayo mag alala sa akin" Nakangiting sabi ko kay ate yuki
"Sure ka ha"
"Oo naman po" Sabi ko sa kanya at saka siya umalis.
Ay nakalimutan ko tanungin kung pwede na ba ako mag simula.
Humigop ulit ako ng coffee at napaisip ako.
Akalain mo yun may nagaalala pa pala sa akin.
"Ano nginingiti mo diyan" Napatingin naman ako duon sa nag salita.
"Ow awas kana pala" sabi ko kay liam.
"Yeh! Ano pala nginingiti mo?!" Hindi ko napansin na nakangiti pala ako kanina.
"Wa-wala" Sabi ko sa kanya.
"Ah..... Bat ka nakaganan?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Anong? Nakaganan?" Hindi ko kasi maintindihan yung tinatanong niya sa akin.
"Ang sabi ko bat ganan ang itsura mo basang basa ka ata?" Ah saka ko lang naintindihan.
"Ah na-naulan kasi eh wala ako payong kaya nag paulan na ako" Natatawang sabi ko sa kanya. Sana maniwala siya katulad ni ate yuki.
"Ha ano? Umulan? Eh ang initinit nga sa labas" Nagtatakang sabi niya sa akin.
"A-ano ka-kasi eh baka sa may school namin" Pilit na tawang sabi ko sa kanya. Ano ba yung sinabi ko para naman ako tanga ay.
"Sabihin mo na yung totoo" Bigla naman siya nag seryoso ng mukha at umupo siya sa tapat ko.
Sasabihin ko ba sa kanya.
To be continue.........
------------------------------------
Vote and comment
May 20 18
PAALALA:
SORRY KUNG MAY MALING SPELLING O MALING TYPE AKO I EEDIT KO NALANG PAG NATAPOS KO NA ANG STORY.
NO TO COPY WRITING!
ENJOY READING MGA RREADERSSSS
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top