Chapter 50 (THAT TEACHER)

(Sam)

Habang nag lalakad ako ay marami na ako nakakasalubong na mga estudyante.

Walang pinag bago masama parin ang tingin nila sa akin.

Naglakad nalang ako at hindi ko nalang pinansin ang mga masasamang tingin nila sa akin.

Ng biglang may bumangga sa akin kaya napaupo ako sa lapag.

tss...

Hindi manlang nag sorry. aasa pa ako na magsosorry ang bumangga sa akin kung isa pala sa mga estudyante ng school namin.

Tumayo na ako sa aking pagkakaupo sa lapag.

At pinagpagan ko ang aking pwetan na nadumihan, Ng wala na dumi ang aking pwetan ay nag umpisa na ulit akong mag lakad papasok sa loob ng school.

Nagulat naman ako na pagpasok na pagpasok ko ay may nahulog sa aking ulo. Na mukhang itlog ito. Hinawakan ko ang aking ulo at oo nga tama ako, Itlog nga ito.

Ang ganda ng bungad sa akin ng umaga ngayon ah. Nag lakad nalang ako at hindi ko nalang inalam kung sino ba ang gumawa nito sa akin, Bakit? pag ba nalaman ko may magagawa ako diba wala at baka madagdaganpa ito.

May tumawa? Oo may tumawa lahat ng nakakita sa nangyari ay pandi tawa. Hindi ko nalang ito pinansin at nag patuloy nalang ako sa paglalakad.

Dumeretso ako sa isa sa mga banyong malapit lang para mag hugas.

Tss...

Pag pasok ko sa banyo ay nakita ko ang mga babaeng nakaharap sa salamin at hawak hawak ang kanya kanyang mga make up para sa kanilang mukha. Ng makita nila ako ay nag madali silang nag ayos ng pang make up nila at saka sila tumakbo palabas. Tss parang nakakita ng multo ah.

Lumapit ako sa isa sa mga hugasan ng kamay. Binuksan ko ito at inilagay ko ang aking ulo dito, mas mabilis kasi kung ganito ang gagawin ko.

Ng wala na ang itlog sa aking ulo ay kinuha ko sa aking bag ang panyo ko at pinunasan ko na ang aking ulo.

Pinunasan ko na din ang salamin ko dahil natapunan din ng kaunting itlog ito.

Ng ayos na ang salamin ko ay sinuot ko na ito. Hindi pa gaano tuyo ang aking buhok kaya pinunasan ko lang ito ng pinunasan hanggang sa basang basa na ang panyo ko. napag isipan ko na lumabas na dahil basang basa na naman ang panyo ko, Basa parin ang buhok ko pero hinayaan ko nalang.

Pag kalabas ko ng banyo ay ang rami na ng mga estudyante at nagulat naman sila sa akin. Nag umpisa na ako mag lakad at hindi ko nalang sila pinansin. Mga salitang hindi mo gugustuhing marinig. Mga salitang masakit sa puso ngunit kakayanin ko. tumungo nalang ako at nag patuloy nalang sa paglalakad.

Pumasok na ako sa aking class room, At inangat ko ang aking ulo para tignan kung sino ang mga estudyanteng na nasa loob ng class room.

Agad ko nakita ang mga barkada ni nicko na nasa may sulok. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung lalapitan ko ba sila o hindi.

Hay bahala na. Nag lakad na ako papunta sa kanilang kinauupuan ng may humarang sa unahan ko.

"How stupid of you, Bat pumasok ka pa. Ang lakas ng loob mo no" sabi sa akin ni april. Hay yan nanaman siya.

Hindi ko nalang siya pinansin at tumalikod nalang ako ng bigla niyang hinigit ang aking buhok, Kaya napatigil ako sa paglalakad at napahawak ako sa aking buhok.

"Ano ba?! Masakit" Pagrereklamo ko sa kanya.

"Masakit ba?" Natatawang sabi niya sa akin.

Kakasabi ko lang na masakit eh. Ano ba siya tanga o nag tatangahan. tss....

"Hindi pa yan sapat kulang pa iyan!" Nanggagalaiting sabi niya sa akin na maslalong sinasabunutan niya ang buhok ko.

"Ano ba tama na!" sigaw ko sa kanya. marami nang estudyante ang nakatingin sa amin. walang ni isa ang tumulong man lang sa akin.

"Anong tama na ha! Hay hay hay nako" Mas lalong hinigpitan niya ang hawak sa aking buhok na parang kahit anong oras ay maglalagas na ang aking mga buhok.

"SABI TAMA NAYAN!" May biglang sumigaw kaya napatingin naman ako duon sa sumigaw at si nicko pala.

"Sabing tama na iyan. APRIL BITAWAN MO NA SIYA!" Sigaw niya kay april.

"Bat kumakampi ka sa kanya?!" Mukhang naiinis siya kay nicko dahil sa boses niya.

"Wala ako kinakampihan, itinatama ko lang ang mali" Sabi ni nicko kay april.

"Tss..." Yan lang ang nasabi niya kay nicko at bago niya binitawan ang aking buhok ay hinigit muna niya ito pababa at saka binitawan.

Agad ko hinawakan ang aking ulo dahil bigla nalang ito sumakit, hindi dahil sa ginawa ni april dahil iba ang sakit na nararamdaman ko.

Mag papasalamat sana ako kay nicko ng bigla nalang niya akong nilagpasan. Tinawag ko siya ngunit hindi siya lumilingon sa akin. Hanggang sa makalabas na siya ng class room. Hindi ko na siya sinundan pa. Pwede naman ako mag pasalamat sa kanya mamaya pagbumalik na siya, ngayon ang kaylangan kong intindihin ay ang pananakit ng ulo ko.

Pumunta ako sa aking upuan. Nagulat naman ako ng may sulat ito ng kung ano ano. Ang mga nakasulat dito ay

Mamatay tao ang nakaupo dito tas kung ano ano pang mga masasamang salita ang nakalagay dito.

Hindi ko nalang ito pinansin at umupo nalang ako.

Hinawakan ko ulit ang aking ulo para tignan kung may sugat ba o kung ano man ang dahilan kung bakit ito sumakit.

"HOY PANGET TAWAG KA NI MISS A!!!" Napatingin naman ako duon sa sumigaw, at saktong sa akin siya nakatingin. Mukhang ako yung tinatawag niya tumayo na ako at pumunta sa faculty. Mukhang nalaman na ni miss ang nangyari kahapon. Baka magpapaalam na ako ngayon sa school na ito. Wala rin naman ako magagawa kung mag papaliwanag pa ako diba.

Dahal sa nakatungo ako ay hindi ko napansin na may tao pala sa unahan ko kaya nabangga ko ito.

"So-sorry" Sabi ko duon sa nabangga ko at umalis na ako. hindi ko na tinignan kung sino ba yung nabangga ko.

---------------------

(JIRO)

"Hahahhaha oo nga eh" Natatawang sabi ko kay eightan.

"Hay nako" Sabi naman niya sa akin. Papunta kami sa class room namin ng may biglang bumangga sa akin.

"So--sorry" Sabi ng bumangga sa akin.

"Si sam yun ah" Sabi ni eightan sa akin.

Pagkatapos ng nangyari kahapon, hindi na kami nag usap usap pa. At hindi na namin nakita pa si sam, sa loob ng school.

Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko.

Ano ba iyan jiro!!! tapos na jiro! balik ka na sa dati na parang hindi mo siya kilala at yung iba pa. hay nako.

"Uy jiro!" Natauhan naman ako dahil sa pagtawag ni eightan sa pangalan ko.

"Oh?! Ano yun?" Tanong ko sa kanya.

"Sabi ko mag titime na. tayo na sa class room" Sabi ni eightan sa akin at tumakbo na siya papunta sa class room namin kaya tumakbo na din ako.

-----------------------

(SAM)

Nasa loob na ako ng faculty at hinihintay ko nalang na dumating si miss a. may pinuntahan daw.

Kinakabahan ako na hindi ko alam. Parang wala ako maramdaman ngayon. Nakatungo lang ako.

Ilang minuto ay dumating na siya.

"Bakit ninyo po ako pinatawag?" Tanong ko sa kanya.

"Oh miss lim nandiyan kana pala. Pinatawag kita dahil may ipapautos ako sayo" Sabi niya sa akin. Hindi pa ba niya kaya alam ang nangyari kahapon?

"Ano po iyon?" Magalang na tanong ko sa kanya.

"Sr T patawag naman si miss lara sa labas" Tawag ni miss kay sr.

Sino si miss lara?

"Yes miss a?" Napatingin ako duon sa babae tumawag sa pangalan ni miss a.

Nagulat ako ng makita ko ang kanyang mukha.

"Hi miss lara eto nga pala si" Naputol ang sasabihin niya dahil bigla nag salita si miss lara daw.

"Samantha lim right?!" Nakangiting sabi niya sa akin.

Nakaramdam ako ng kaba dahil sa pagkakabanggit niya sa pangalan ko.

"Ow kilala mo na siya. So magkakaayos naman ata kayo no. Sam ikaw na ang bahala kay miss lara na ipasyal dito sa school natin. Siya ang new teacher ninyo sa tle dahil mawawala si miss. So ayon lang" Nakangiting sabi sa akin ni miss a.

Lumabas na si miss a at iniwan niya kami dito.

"So nice to meet you miss lim" Nakangiting sabi niya sa akin at lumabas na siya.

"Miss lara paano yung-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla siya nagsalita.

"Do not worry. Hindi naman ako mailigaw sa school na ito kaya wag mo nalang gawin yung pinapautos sayo ni miss A" Bago siya tuluyan makalabas ay binigyan nanaman ulit niya ako ng isang malaking ngiti.

Hindi ako nag kakamali siya yung teacher na sumampal sa akin.

Pero papaano nakilala ng mga estudyante siya kung bago lang siya. Ang sinasabi ko ay yung nangyari kahapon bakit nag sitahimikan kaagad sila kung hindi naman teacher ang nag patahimik sa kanila. Hindi kaya kilala na nila siya. Bat akala ko ay teacher dahil nag sitahimikan sila kahapon.

Hala! Nakalimutan ko late na ako sa first subject agad ako lumabas at tumakbo papunta sa class room namin.

At oo nga late na ako nanduon na si miss lara ang subject kasi niya ang first subject namin.

Kumatok muna ako at saka pumasok pagkapasok ko ay nasa akin ang lahat ng attention nila.

Mga masasama ang tingin, ang iba naman ay walang ka emoemotion.

"Way are you late?" Mataray na sabi niya sa akin.

"Sorry po" Sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa loob at dumeretsyo na ako sa aking upuan.

"May sinabi ba ako na pumasok ka" Napatigil ako sa paglalakad at napatingin ako sa kanya.

Magsasalita sana ako ng bigla naman siya mag salita.

"Last na ito sa susunod pag na late ka ay sa labas kana mag kaklase. Okay umupo kana" Sabi niya sa akin kaya umupo na ako.

Alam naman niya na bat ako na late. dahil tinawag ako ni miss a ah, Gawa niya.

Naalala ko tuloy ang nangyari sa akin kahapon yung sampal niya sa akin, at yung sinabi niya sa akin na... wag daw ako bull sh*t tas....Hindi ko na maalala yung iba pa niyang sinabi sa akin.

Na weirduhan ako sa kanya. hindi ko alam kung bakit niya yun ginawa sa akin yung sampal. Bakit? May ginawa ba akong masama sa kanya wala diba.

------------------------

(ANOTHER PERSON)

Let the real game begin

----------------------

To be continue.........

------------------------------------

Vote and comment

May 13 18

PAALALA:

SORRY KUNG MAY MALING SPELLING O MALING TYPE AKO I EEDIT KO NALANG PAG NATAPOS KO NA ANG STORY.

NO TO COPY WRITING!

ENJOY READING MGA READERSSSS

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top