Chapter 49 (FLASHBACK)

(SAM)

Tahimik lang kami nakain ng umagahan.

Ako, si liam si ate yuki. Si yaya lala naman ay tapos na daw siya kumain kaya mag lalaba nalang daw siya. Sabi ko naman sa kanya na tutulungan ko siya pagkatapos ko kumain ng tumanggi naman siya dahil papasok pa daw ako.

Hindi ko alam ang aking gagawin mamaya pag pasok ko sa school. Natatakot ako na.......

"Ayos ka lang ba sam?" Bigla naman ako natauhan dahil duon sa nag salita, at si liam lang pala.

"Ah....Oo okay lang ako" Sagot ko sa tanong niya at saka ulit siya bumalik sa pagkain niya.

Hmmmm..........

Nawa kaya siya sa akin kaya ganan na ang pinapakita niyang ugali sa akin.

Naalala ko tuloy yung nangyari kaninang madaling araw....

Flashback

Pagkatapos ko umiyak sa kanya ay pinatayo na niya ako at pumasok nalang daw ako sa sasakyan niya.

"Pero yung gamit ko" sabi ko sa kanya.

"Ako na ang bahala, basta pumasok kana sa loob. Sa front seat ka umupo" Sabi niya sa akin kaya sinunod ko naman ang gusto niya.

ilang minuto ang lumipas ay pumasok na din siya sa loob.

"Saan mo inilagay ang gamit ko?" Nagtatakaang, Ngunit walang kasiglasiglang tanong ko sa kanya.

"Sa likod ng sasakyan ko inilagay" Sabi niya sa akin.

At pinatakbo na niya ang sasakyan

Hindi ko alam kung saan ba niya ako dadalhin.

Wala ako maramdaman na kahit ano at wala rin napasok sa utak ko ang alam ko lang ay hanggang dito nalang ako.

"ahm........Ayos ka na ba? Hindi ba sumasakit ulo mo?" Tanong niya sa akin. HIndi ako tumingin sa kanya at sa labas lang ako nakatingin. Nakita pala niya ang ginawa ng babaeng yun sa akin.

"Ayos lang ako" Matipid na sabi ko sa kanya.

"Sino ba yung babaeng yun?" Tanong nanaman niya.

Iimik na sana ako ng bigla siya mag salita.

"Sorry kung tinatanong ko ang mga ganong bagay ngayon, Gusto ko lang kasi malaman kung bakit niya ginawa iyon sayo"

"Bagong babae ni papa yun. Sabi kasi niya sa akin kanina na ibebenta na daw yung bahay para daw sa kasal nila, Kaya papasok na sana ako sa loob ng bahay para malaman kay papa ang totoo pero itinuklakk niya ako tas ayon na inihagis na niya ang mga gamit ko" Nasa labas parin ang tingin ko, ayoko tumingin sa kanya.

"Eh nasaan naman ang mama mo?Bat ayaw mo sa kanya humingi ng tulong?" Bigla ako napatahimik at napaisip......

"Iniwan na kami ni mama" Matipid ngunit masakit sa loob ang maalala ko ang mga ginawa sa amin ni mama.

"Ah.... Sorry kung naitanong ko pa iyon" Paghingi niya ng paumanhin sa akin.

"Meron kabang kilalang kamaganak na pwede mong puntahan?" Umilig ako sa tanong niya.

"Ah ganon ba"

"Si mama sumama siya sa iba, at iniwan kami ni papa. Mga 6 year's old lang ako noon. Pero hindi ko pa alam sa ganong idad na sumama na sa iba si mama ang alam ko noon na hindi na daw babalik si mama ayon ang sabi sa akin ni papa, kaya iyak ako ng iyak. Ng mag grade 6 ako saka ko lang nalaman na iniwan kami ni mama dahil sumama siya sa iba. Sobrang sakit ng malaman ko iyon, Ako mismo ang nakalaman na may kasama na siyang iba dahil ang pinalit niya sa papa o ay ang may ari ng school na pinapasukan ko, yung school ko. Kaya ng malaman ng mga kaklase ko na mama ko pala iyon ay pinag usapan ako na isang mangaagaw si mama, dahil yung lalaki na pinalit ni mama ay may pamilya na, pero hindi ko alam kung sino ba ang pamilya ng lalaki. At duon na gumulo ang buhay ko, nalaman din ni papa yun kaya nag wala siya sa bahay at duon na siya nag umpisa mangbabae" Nakatungo ako habang sinasabi ko iyan sa kanya.

"Hindi ko iyan sinabi sayo para maawa ka sa akin, gusto ko lang ilabas ang sama ng loob ko" Pinilit ko na hindi umiyak, dahil nakakahiya na sa kanya. kanina pa ako iyak ng iyak sa kanya.

Bigla tumahimik ang paligid.............

Hindi ko alam ang nangyari sa kanya bat siya tumahimik, dahil hindi parin kasi ako natingin sa kanya.

"Oh nandito na tayo baba kana" bigla naman siya nag salita kaya inangat ko ang aking ulo, bahay nila to ah.

"Bat mo ako dinala dito?"

"May kakilala kabang makakatulong sayo? Diba wala kaya dito ka muna sa amin pansamantala. Wagkangmag alala mabait si ate" Sabi niya sa akin at saka siya bumaba ng sasakyan.

Bumaba na din ako. Pumunta ako sa likod ng sasakyan niya para kunin sana ang gamit ko ng bigla may sumigaw.

"Sr liam saan po kayo galing kanina pa po nag aalala ang ate ninyo!"

"Yaya naman ilang beses ko na bang sinasabi sa inyo na wag ninyo ako i opo, nag mumukha ako matanda niyan a-" Naputol ang sasabihin ni liam sa babae dahil may biglang sumigaw.

"HOW DEAR YOU, WHY ARE YOU SO LATE SABI KO SAYO IHATID MO SI-" Bigla naman siya napatigil sasabihin niya ng makita niya ako.

"Why are you here?" Tanong niya sa akin.

"Yaya kaw na po ang bahaala sa gamit ni sam nasa likod ng sasakyan"

" Ipapaliwanag ko lang kay ate yung nangyari sam" Sabi niya sa akin at pumasok na silang dalawa sa loob ng bahay.

tinulungan ko nalang si yaya nila sa pag bibit ng gamit ko. Hindi ko naman kasi alam ang pangalan niya kaya yaya nalang nila ang pangalan muna niya ngayon.

End of the flashback

So pagka akyat ko ng ilang mga gamit ko ay duon na nag pakilala si yaya lala. Tas hindi ko lang alam kung sinabi ba ni liam yung mga pinagsasabi ko sa kanya noong nasa sasakyan sa ate niya. Hmmmm..... bat ko nga ba sinabi yun sa kanya.

"Uy! Sam" Bigla naman ako nagtauhan dahil duon sa tumawag sa pangalan ko.

"Ha ano yun bakit?" Natatarantang tanong ko.

"Abay iha kanina kapa nila hinihintay sa labas" Si yaya lala pala. Hala tapos na pala sila kumain. binilisan ko na ang pagkain ko tas pagkatapos ay kinuha ko na ang aking bag na nasa may sofa nila at saka tumakbo palabas bago ako tuluyan makalabas ay nag pasalamat ako kay yaya lala para sa umagahan at saka ako lumabas.

Nakita ko ang isang itim na sasakyan na nasa tapat ko, Na agad nag bukas ang back seat nito.

"UY! sam pasok na malalate na ako nito" Si liam lang pala, Agad naman ako pumasok sa loob ng matauhan ako sa pagkakkatulala.

Agad ito umandar. Iba ang driver hindi ko kilala kung sino akala ko si liam ang mag dridrive.

Napansin ko nasa unahan si ate yuki. Ano ginagawa niya dito??? Papasok din siya..... Ah oo nga makakalimutan ko pa hay nako napaka ko talaga.

Ah oo nga pala sabi kasi niya na sumabay nalang daw ako sa kanya sino si liam, pagpasok niya dahil dadaan naman daw sa school ko kaya umoo naman ako sa alok niya.

"So tanong ko lang sino nag babayad ng tuition fee mo, kung iniwan kaa nhg mama mo? Tas pinalayas kana sa inyo, sino na nag babayad ng tuition mo?" Napationgin naman ako sa kanya dahil sa tanong niya sa akin.

"Scholar kasi ako sa school na iyan pamula grade 1 hanggang ngayon. Kaya hindi ako makaalis sa school na iyan dahil pag lumipat ako tatanggalin daw nila ang scholar ko" Sabi ko sa kanya.

"Ha? Bat naman daw?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam" Matipid na sagot ko sa kanya at tumingin nalang ako sa labas. Ng makita ko na malapit na kami sa school ko ay nagpaalam na ako nabababa na ako.

"Dito nalang po ako!" Sabi ko sa driver kaya itinabi niya ang sasakyan. Bigla naman nagsalita si ate yuki.

"Duon pa ang school mo ah?" Nag tatakang tanong niya.

"Hindi naman po gaano kalayo kaya kaya ko na po lakarin"

iimik pa sana siya ng bigla mag salita si liam.

"Hayaan mo nalang siya ate" Sabi ni liam.

"Maraming salamat po" Pagpapasalamat ko at bumaba na ako. Pagkababa ko ay agad na umandar ang sasakyan paalis.

Huminga muna ako ng malalim at saka ako nag lakad.

To be continue.........

------------------------------------

Vote and comment

May 13 18

PAALALA:

SORRY KUNG MAY MALING SPELLING O MALING TYPE AKO I EEDIT KO NALANG PAG NATAPOS KO NA ANG STORY.

NO TO COPY WRITING!

ENJOY READING MGA READERSSSS

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top