Chapter 46 (NOT A SPECIAL DAY)

(Liam)

Mabubusog talaga ako sa lugar na ito paano naman kasi kanina pa ako nakain dito ay wala parin na punta ni isang estudyante meron naman pero nag tatago naman ako pati pag may nakakakita naman sa akin ay hindi naman nag rereact.

Hangang sa iannounce na kung sino ang nanalo ay nandito parin ako hehehe.....Balak ko nga mag takeout ng pagkain eh. Oo mayaman kami pero hindi ako maarti, na katulad ng ibang mga mayayaman na ka age ko lang na lalaki na mapili sa pagkain na marami ang dahil kung bakit ayaw nilang kanin yun na blah blah blah. Eh basta pagkain yan bira lang ako ng bira hehehehe.....

So inaasahan ko nama na mananalo ang banda na iyon. Anong banda ang tinutukoy ko edi yung last na band na nag perform sa unahan. Malakas ang aura ng babae vocalist nila atang ganda ng boses niya kaya inasahan ko na siya na ang mananalo kahit na hindi ko pa naririnig yung canta ng ibang vocalist ng mga banda.

So balik na ako sa pagkain ko......
Hindi pa ako aalis hanggat hindi pa ako busog hehehehe...

-------------

(Eightan)

Nandito ako ngayon sa room kung saan nakalagay ang mga computer na nacaconnect sa speaker at sa projector at iba pa, na nakalagay sa may stage.

Dapat kanina ko pa dapat ilalagay ang usb na ito sa computer. kaso kanina may nag babantay kaya, ngayon ko palang ito mailalagay buti nga at umalis yung nag babantay dito kung hindi, hindi ko magagawa ang plano. buti nalang at kausap pa ng mc ang mga groupo na nanalo sa banda.

Isusuksok ko na sana ang usb sa computer ng may bigla nag salita sa may pintuan.

"Talaga bang gagawin mo iyan"

"Sino yan ha!?" Sigaw ko sa tao na nasa may labas.

Papaano niya nalaman na......Saglit nga lang sino ba siya agad ako lumapit sa pintuan para buksan ito at para tignan kung sino ba yung nasa labas. Ng hindi ko naman ito mabuksan kaya ibig sabihin lang nito ay inilock niya ito sa labas. Tsss...Sino ba siya.

"Kung ako sayo wag mo na ituloy yan"

"Ano bang pinag sasabi mo ha!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Alam mo ang tinutukoy ko eightan!" Nagulat naman ako ng banggitin niya ang pangalan ko. Papaano niya nalaman ang pangalan ko.

"Just what the heck are you?" Sigaw ko sa kanya.

"Hey!!" Sigaw ko pero hindi na siya na sagot kaya sinubukan ko ulit buksan ang pintuan at nag bukas na ito kaya nag madali ako lumabas para tignan kung sino ba iyon pero nawala na siya. Bumalik na ako sa loob dahil malapit nang matapos interviewhin sila kaya agad ko nang sinuksok ang usb at binuksan ang projector at pinatay ang mga spotlight na nasa may stage kaya dumili ang paligid at nag si hiyawan naman ang ibang mga babaeng estudyante dahil sa gulat.

Agad ko na inopen ang projector at halos lahat ng estudyante ay nanduon na ang kanilang mga attention. Ang iba naman ay nag tataka kung ano iyon yung iba naman ay nagulat.

Agad akong lumabas ng room dahil nagawa ko na naman ang pinapautos niya sa akin. Siya na ang bahala duon sa isang plano na gagawin niya.

I am very sorry sam........

-----------

(LIAM)

Nagulat naman ako ng bigla namatay yung ilaw kaya wala ako makita.

Hala brown out paano yan hindi ko na tuloy makita yung pagkain. kukuha pa naman sana ako.

Ng bigla may narinig ako nag kakagulo kaya baka mga estudyante lang iyon at nagulat na bigla nawala ang ilaw. hay nako pag naman ikay tagabundok ikay mag wawala nalang talaga.

At saka naman sila tumahimik dahil bigla nag bukas yung projector ata nila eh ayon yung tumama sa may stage at nakakapagtaka dahil mag isa nalang siya. Sino tinutukoy ko edi yung mga nanalo na banda nawala yung kasama noong babae na vocalist noong banda niya, pati lahat ng member noong isa pang banda pati na din yung mc nawala na din. Anong nangyari naman?

Nag taka naman ako ng makita ko yung familiar na mukha na lumabas sa projector parang kilala ko siya hmmm....

Saan nga ba

Ah Oo naalala ko na.......

------------------

(SAM)

Tatanggalin ko na sana ang mask ko ng magulat naman ako ng biglang namatay ang ilaw na nandito sa stage kaya ang dilim. Hindi lang pala ako ang nagulat pati na din ang mga estudyante na mas malalapa kaysa sa akin kung magulat. dahil mga may nagsisigaw na parang nakawala sa zoo. Ang lala naman ay.

"Jayson?" Tawag ko sa pangalan niya pero walang nasagot ng biglang may narinig ako sa likod na may umirit kasi nawala din pati na din sa harapan ko na may umimik kaso nawala din. Ano ba ang nangyayari.

Bigla naman ako na silaw dahil duon sa ilaw na nanggagaling sa may taas yung projector pala na nag bukas kaya lahat ng attention ng mga estudyante ay nasa akin na dahil sa projector.

Anong nangyayari na-nasaan ang mga kasama ko bat-bat nawala sila.

Patingin tingin ako sa paligid ko kung saan ba sila pumunta at bat nila ako iniwan dito na magisa pati pinagtitinginan na ako ng mga estudyante.

Ano ba at binuksan nila yung projector hindi ko naman alam na meron pala silang ganitong pasabog.

Napatingin nalang ako sa may stage kung saan tumama ang ilaw ng projector. Umatras ako para makita ko kung ano ba ang meron.

At nagulat nalang ako ng makita ko ang litrato ko duon at biglang may nag salita mula duon.

"Tss....Tss.... Do you know who is this girl? Syemre alam naman ninyo kung sino siya a.k.a Nerdy or nerd ang tawag sa kanya. nerd ang tawag sa kanya dahil lahat sa kanya ay pangit okay pero hindi lang yun dahil may sekreto pa siya na hindi pa ninyo nalalaman hahahhahahaha. Hindi ito tungkol sa nanay niyang mangaagaw"

Hindi ko alam ang gagawin ko kung iiyak ba ako o tatakbo dahil gulat na gulat ako sa mga nakikita ko. Sino ba  siya at talagang hindi niya pinakita ang mukha niya. Ano pinag sasabi niya na sekreto ko ano yun? ano pinag sasabi niya?

Narinig ko ang mga bulong bulungan ng mga estudyante.

"Ang sekreto na makakagulat sa inyong lahat" Natatawang sabi niya. Kahit hindi niya ipakita ang mukha niya alam ko na isa siyang demonyo.

Bigla may pinakitang picture at wala na yung litrato ko.

Isang batang babae na mukhang mga 12 lang ata siya.

"So nag tataka kayo kung sino siya..Hmmmm....Siya lang naman yung kapatid ko na namatay three year's ago. Alam ba ninyo kung SINO ANG MAY DAHILAN KUNG BAKIT SIYA NAMATAY AT KUNG SINO ANG PUMATAY SA KANYA Ha?! SINO PABA  EDI ANG LINTIK NA SI SAMANTHA LIM A.K.A NERDY" Nagulat ako sa sinabi niya. papaano nangyari yun ni hindi ko nga kilala ang batang babae na nasa litrato.

Hindi naman ganon kadali sila maniniwala diba? DIBA?

Napatingin ako sa aking paligid at nakita ko ang mga estudyanteng nag bubulungan.

"Tss....Hindi manlang siya naawa"

"Hay kawawa naman yung bata"

"Like mother like daughter nga naman"

Yan ang mga naririnig ko sa mga estudyante.

"So ipapaliwanag ko muna ng maayos. Hindi ang principal ang pumatay sa kanya. Ah oo nga pala siya nga pala yung estudyante na balita na pinatay daw ng principal for your info hindi ang principal ang pumatay sa kanya pinalabas lang na ang principal ang pumatay sa kanya dahil si nerd ang pumatay sa kanya"

Gulong gulo na ako sa aking sarili hindi ko alam ang tinutukoy niya kahit kaylan wala pa ako napapatay. Napaupo nalang ako sa lapag at napatulala.

"ALAM MO BA YUNG PAKIRAMDAM NA NAMATAY KA NG KAPATID. HINDI KO ALAM KUNG BAKIT AT ANO ANG KASALANAN NG KAPATID KO PARA PATAYIN MO SIYA" Napatingin ako sa may stage.

At nanduon parin ang litrato ng batang babae.

Mas lalong lumakas ang bulungan ng mga estudyante na nasa paligid ko.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.Bigla ulit siya nag salita kaya napatingin nanamna ako sa may stage.

"WHOEVER FRIEND OF SAMANTHA LIM A.K.A NERDY PLEASE WAG KAYO MAGING MABAIT SA KANYA AT MAGING KAYBIGAN NIYA SIGE KA BAKA HINDI KA NA MAGISING. THAT ALL THANK YOU. OW BEFORE I FORGET NERDY IS HERE. WANT TO KNOW WHERE SHE IS RIGHT NOW?" Bigla lumaki ang mata. Hindi ito record kung hindi live ang napapanuod ko ngayon.

--------------------

(Jaycob)

Ang saya saya namin ng malaman namin na kami ang nanalo at parehas pa na banda o grade ang nanalo at kami yun dahil sa tuwa ay nag yapusan kami. lahat except kay jiro tas duon sa dalawang nawawala at hindi ko alam kung saan sila pumunta.

Ng bigla lumapit ang mc saamin wala ni isa ang pumapansin sa kanya kahit si jiro na nakatingin lang sa amin ng bigla naman kumawala sa yapos si sam sa amin.

Pero heto parin kami at nag paikot pang nalalaman habang magkayapos sa isat isa.

Ilang minuto ang lumipas ay
Umayos na kami at kumawala na  kami sa yapos ng bawat isa dahil na awkward na ako, ng bigla namatay naman ang  ilaw na nandito sa stage kaya dumilim ang paligid at halos wala na akong makita. Kumapa nalang ako tatawagan ko na sana ang pangalan ni jayson ng biglang may humawak sa bibigko kaya napasigaw ako at nawalan na ako ng malay.

----------------

Dahan dahan ko minulat ang aking mga mata at iginala ito nakita ko naman sinda ranz, jayson, jiro, miko, nicko at si ken nasaan yung dalawa nasaan si eightan at si sed. Saglit nga muna nasaan ba kami at bat nakatali ang paa at kamay namin. NAMIN oo dahil lahat kami ay nakatali ang mga paa at kamay sa may bakal na hindi ko alam kung ano bang bakal ito basta bakal yun na yun.

Nasa school parin ba kami?

Bigla bumukas ang pintuan kaya napatingin ako kung sino yun at hindi ko makita ang mukha niya dahil taklob ito ng mask sa bibig at sun glasses na color black na nasa mata. May inilagay siya projector sa unahan namin at binuksan niya ito. Iimik sana ako ng may panyo pala sa aking bibig kaya hindi ako makakaimik. Ngayon ko lang napansin na lahat pala kami ay may panyo sa bibig.

Tss......

Oo nga pala si sam nasaan siya tinignan ko ang paligid ko kung nandito ba si sam at wala siya dito. Na-nasaan siya....

Ano kaya nangyari sa kanya.

Biglang umilaw ang projector at tumama  ito sa may pader agad nito pinakita ang litrato ni sam??!

Si sam ba iyon? Pero bakit? At anong meron?

-----------------

(SAM)

Tinignan ko ang aking paligid baka nandito lang siya at pinapanoud ako. Pero sino ba siya at bakit niya ito ginagawa sa akin. Umimik ulit siya.

"WHAT TO KNOW?" Tanong niya kaya nag bulungan nanaman ang mga estudyanteng nasa paligud ko at may sumigaw na oo nasaan ba siya.

Ng biglang may lumapit sa akin na nakakulay black na lalaki at may mask siya sa kanyang bibig at nakasuot siya ng sun glasses na color black. Dalawa sila at parehas nilang hinawakan ang magkabilang braso ko

"Ano ba ha si-sino ba kayo ha!" Naiinis na sabi ko sa kanila at sinubukan ko makawala sa kanila kaso hindi ko magawa dahil ang higpit ng hawak nila sa aking braso kahit anong gawin ko ay ang lakas nila.

Dinala nila ako sa may unahan ng stage at may bigla tumama sa mukha ko kaya na silaw ako sa ilaw na iyon.

Narinig ko ang mga bulungan nila.

"Ano ginagawa niya diyan?"

"Diba siya yung vocalist ng isang banda"

Yan ang mga narinig ko sa kanila.

"NAG KAKAMALI KAYO HINDI SIYA ISANG VOCALIST LANG NG BANDA NILA DAHIL SIYA SI NERD" Sabi nanaman ng misteryosong na nasa may projector na tumatama sa aming mukha at katawan ang ibang ilaw. Amin? dahil hawak hawak parin ng dalawang lalaking ito ang aking braso kaya amin.

Bigla naman hinawakan ng isang lalaki na kasama ko dito ang mask ko at hinigit niya ito. Wala ako lakas para pigilan ang gagawin niya pag tanggal ng mask ko dahil sa mga nangyayari.

Marami ang nagulat na mga estudyante ng matanggal na ang mask ko.

"What the heck?"

"Omg Akalain mo yun siya si nerd"

"Nako ipalit na ang winner"

"Hindi bagay na manalo sila!"

"Oo nga!"

Sigaw ng estudyante sa akin.

"Mamatay tao!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi maluha dahil sa nangyayari ngayon sa akin.

"KULANG PA YAN, SA LAHAT NA GINAWA MO SA AKIN AY PAGBABAYARAN MO PA!" Anong pinag sasabi niya na ginawa ko sa  kanya sino ba siya. Wala naman ako maalala na may ginawa ako masama sa kapwa ko diba?

May biglang tumama sa ulo ko na itlog at nag sunod sunod na ang paghahagis nila sa akin na itlog. Kaya binitawan na ako ng dalawang lalaki dahil na tatamaan na din sila. Na statwa nalang ako sa aking kinatatayuan at napatungo nalang ako.

Biglang nawala ang ilaw ng projector at bumalik na ang ilaw na nandito saa may stage.

"Bagay lang yan sayo!"

"Kulang pa yan kaylangan niya umalis na sa school na ito!"

"I expel na yan sa school na ito!"

Yan ang naririnig ko ngayon sa mga estudyanteng.

"Ano bang kaguluhan ito ha!" Ng may sumigaw kaya nag si tahimikan ang mga estudyante at tumigil na sila sa pagbabato ng itlog saakin. hindi ko alam kung sino yun dahil wala na ako lakas ng loob na humarap pa sa  kanila na ganito ang itsura ko.

"Miss lim Ano ang ginagawa mo diyan?!" Mukhang isa siyang teacher dahil sa pagtawag niya sa  pangalan ko. pero hindi ko parin siya tinitignan at nakatungo parin ako.

---------------------

(Jaycob)

 Ng matapos na ang pinapanuod namin ay parang biglang tumahimik ang paligid namin.

Napaisip nalang ako at natahimik ng malaman ko ang tungkol kay sam. Nandito parin kami at nakatali parin ang paa at kamay namin pati nadin ang bibig namin na may panyo.

Hindi ko alam ang gagawin ko ng malaman kko iyon.

Ng mag bukas ang pintuan, pero hindi ko tinignan kung sino ba ang pumasok o lumabas ng kwartong ito.

May lumapit sa akin na isang lalaki at tinanggal ang panyo na nasa bibig ko.

"Hay nako sa wakas nakahinga din ako" sabi ni jiro, kahit hindi ko tignan kung sino ang nag salitang iyon ay kilala ko na ang mga boses nila.

"Maniniwala ba kayo sa sinasabi ng taong nasa likod ng litratong ng babae pinatay daw ni sam?" tanong ni nicko sa amin ni isa sa amin ay walang nag sumagot sa tanong niya.

Parang loading pa sa akin ang mga napanuod ko. Hindi ko lang alam sa iba kung ano ba ang naging reaction nila.

Ang sunod naman tinanggal sa akin ay ang tali na nasa paa at sunod naman tinanggal yung tali nasa kamay.

Ang sunod na aking ginawa ay lumabas nalang ng kwartong ito ni hindi manlang sila kinakausap. Kaylangan ko muna magpahinga sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari.

------------------------

(ANOTHER PERSON)

Hindi ko aakalain na tinotoo nga niya. Gusto ko man lumapit sa kanya at tulongan siya ay hindi ko magawa dahil may nakabantay sa akin.

-----------------------

(SAM)

Ilang minuto ang katahimikan ng biglang may nag salita.

"Pa expel na iyan miss" Sabi ng isang estudyante.

"OO NGA IEXPEL NA YAN SA SCHOOL NA ITO!" Sang ayon naman ng ibang estudyante.

"Ano ba ang pinag sasabi ninyo ha?! shot up your stupid mouth or else kayo ang ieexpel ko!" Sigaw ng guro sa mga estudyante kaya nag si tahimikan ulit sila.

Pinunasan ko na ang mga luhang kanina pang nag sisipatakan sa aking mata na ngayon ko lang napansin.

Ng hindi ko inaasahan na nasa tapat ko na pala ang guro at maslalo ko hindi inasahan ang sunod niyang ginawa sa akin.

Isang malakas na sampal ang aking natanggap mula sa kanya at pagkatapos noon ay niyapos niya ako. Gulat na gulat parin ako sa ginawa niya sa akin. 

Ng bigla siyang bumulong sa akin 

"Wag mong isipin na kakampi mo ako. Do not be so bull sh*t, i know your secret" bumitaw na siya sa pag kakayapos sa akin. Habang ako naman ay napalaki ang mga mata.

At ang sunod na aking ginawa ay ang tumakbo nalang palabas ng school habang isa isa pumapatak ang mga luha ko sa aking mga mata.

Akala ko magiging especial ang araw na ito para sa akin. 

Pero mali pala ako.....

Dahil isa itong malaking bangungot para sa akin........

To be continue.........

------------------------------------

Vote and comment

May 9 18

PAALALA:

SORRY KUNG MAY MALING SPELLING O MALING TYPE AKO I EEDIT KO NALANG PAG NATAPOS KO NA ANG STORY.

NO TO COPY WRITING!

ENJOY READING MGA READERSSSS

(Wew sorry kung natagalan (>-<))




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top