Chapter 42 (SPECIAL DAY PART 1)

(Sam)

Madaling araw na ako nakatulog paano naman kasi tinapos ko ba yung lintik na volcano na iyon. Kaya eto ako ngayon parang lasing na pagewang gewang papunta sa school namin.

Sabi kasi niya na sa school na daw mag kita kita kaya pumunta ako eh ang usapan ay 10:30 am ng umaga eh anong oras na 11:28 am na. Kaya late na ako. Pero wala ako paki dahil sa inaantok pa ako eh.

Tumigil muna ako sa paglalakad at napatingin ako sa bar ni tita na saroda na.

Hay..........

Sana makita ko po ulit kayo tita ang laki ng tinulong po ninyo sa akin. Sana pagnagkita po ulit tayo ay mabayaran ko na ang lahat na tulong na ibinigay po ninyo sa akin.

Pagkapasok ko sa loob ng school namin ay kitang kita sa mga tao na  pagod na pagod sila sa pag aayos ng school namin para sa acquaintance party namin mamaya. Anong oras 5:00 pm hanggang mag umaga  na daw yun ang sabi sa amin. Ha??? eh kung meron nga naman mag uumaga na mag stay dito mukhang wala naman ata.

So walang pumapansin sa akin dahil nga abala sila kaya pumunta ako sa music room na pinag usapan namin na pagpapracticesan namin.

Hay nako ang haba pa ng lalakbayin ko huhuhu......Ayoko na....... gusto ko pa matulog pero.....Kaylangan ko huhuhuhu eto na.

After 1000000000000 year nakaakyat na din ako at pumunta na  ako sa may music room.

Pagkabukas ko ng pinruan ay lahat ng tao nasa loob ng music room ay napatingin sa akin kaya nagulat naman ako ng iba ang laman ng music room.

Kaya napatingin ako sa pintuan at maling room pala ang napuntahan ko kaya kumingi ako ng paumanhin sa kanila at saka ko sinarhan ang pintuan.

Ano bayan. Nawala tuloy antok ko.

Nakakahiya ka sam agang aga ay.

Tinignan ko muna yung name na nakalagay sa pintuan ng ma sure ko na music room ay binuksan ko na ito at tumingin naman sa akin ang mga tao laman ng music room.

"Ano naman ba yan ha bat ka late!" Sigaw sa akin ni hipon.

"Problema mo ha agang aga high blood kana agad ha!" Sabi ko sa kanya. Pumasok na ako sa loob at sinarhan ko na ang pintuan.

"Wew! Ang aga mo naman sam" Napatingin naman ako kay jaycob na nasa stage kaya ngumiti ako sa kanya.

"So-sorry naman!" Sabi ko sa kanila.

"Kompleto na tayo kaya mag umpisa na tayo" Sabi ni jaycob kaya lumapit kami sa kanya.

--------------------

(Sam)

Tapos na ang aming practice 2:15pm kami natapos. Tas sabi naman ni jaycob na 4 pm ay nandito na daw kami at wala daw dapat ma lalate eh paano kaya mamaya magkikita kami ni kuya do not know the name para sa trabaho ko.

Hay bahala na......

Bago ako umalis ay umupo muna ako sa lapag para mag pahinga ng bigla lumapit sa akin si eightan at niyaya niya ako kumain sa canteen.

Nagdalawang isip ako kung sasama ba ako sa kanya o hindi.

"Ah salamat nalang eightan busog pa kasi ako eh" Nakangiting sabi ko sa kanya at saka siya umalis.

Naiwan ako magisa sa loob ng music room at napatingin nalang ako sa may taas.

Ilang minuto ang lumipas at saka ako nag pasya na pumunta na sa school kung saan ang kitaan namin ni kuya do not know the name. Malapit na din naman mag 3:00 pm. Bakit 3pm dahil nakakahiya kung malalate ako sa usapan namin kaya mas magandang nanduon na ako ng maaga para hindi nakakahiya sa kanya.

Pagkalabas ko ng music room at tumingin ako sa may bintana na kitang kita dito ang desenyo ng aming school para mamaya. Nakakamangha naman sila dahil ang ganda ng pagkakadesenyo nila sa school namin.

Bumaba na ako at nasa may ground floor na ako ng school namin at wow nalang talaga dahil may booth pa sila nalalaman huhuhuhu parang gusto ko pumunta dito mamaya ah. Akala ko ba acquaintance to bat may both nehhh.....Malay ko hehehhehehe basta mamaya magiging masaya to.

pagkatapos ko tumingin ng mga booth ay lumabas na ako ng school

----------------

Nandito na ako sa tagpuan namin.

Kanina pa ako dito at nag mumukha na ako stalker nito dahil kanina pa ako nasa labas ng school nila.

Pag may lumalabas na estudyante ay napapatingin nalang sila sa akin. Mukha ba akong ano??? Ha!

Bat kasi ang bagal ng lalaking yun eh.....Hindi ba pwede agahan niya kahit 30minutes manlang diba.

Hay........

Napatingin ako sa langit na mukhang uulan ata. Pero wag naman sana dahil wala ako dalang payong ngayon.

huhuhuhu.....

"S-sam Kaw bayan?" Napatingin naman ako duon sa tao tumawag sa pangalan ko.

"RANZ?!" Nagulat ako dahil nandito si ranz ano ginagawa niya dito????

"Ano ginagawa mo dito?" Sabay naming tanong kaya napatawa naman kami.

"Ikaw muna" Sabi ko sa kanya.

"Hindi ikaw muna" Sabi naman niya sa akin ng bigla may nag salita at lumapit kay ranz.

"Hay baby!" Nagulat ako dahil bigla niyang hinalikan si ranz. Sino naman ang babaeng to.

"Uy baby!" Bati naman ni ranz sa  babae. Mukhang sila ata hehehehe.

Aalis na sana ako ng bigla naman ako tawagin ni ranz.

"Ha?" Tanong ko sa kanya.

"Sabi ko ano ginagawa mo dito"

"Ah ano kasi napadaan kasi ako may pupuntahan kasi ako. Kaya bye bye" Sabi ko sa kanya at mabilis ako nag lakad papaalis.

Hay......Muntikan na. Dayo pa talaga dito si ranz ng kalandian niya ay.

Ng wala na su ranz at yung gf ata niya ay bumalik na ako at sakto naman lumabas sa gate si kuya do not know the name.

"Uy!" Bati ko sa kanya. Kaya napatingin naman siya sa akin.

"Ang aga mo naman" Sabi naman niya sa akin.

"He.he.he ako pa"

"Ano tayo na umalis" Yaya ko sa kanya dahil baka malate ako nito sa practice namin mamaya. hay nako tudas nanaman ako kay jaycob pagnalate ako.

"Okay just wait" Sabi niya sa akin kaya nag hintay naman ako ng biglang may tumigil na magandang sasakyan sa harap namin at sumakay siya sa loob. Napanganga nalang ako.

What the mayaman siya....... Ang tang* mo naman sam ngayon mo lang nalaman hay nako, Eh bat nga  may shop yung ate niya edi ibigsabihin noong mayaman sila hay nako.

"Ano na pasok na sa loob" Natauhan naman ako ng sabihin niya yun at pumasok na ako sa loob ng sasakyan niya syempre sa back seat ako umupo.

-------------------------

Ilang minuto ang lumipas ng makarating kami sa pupuntahan namin.

Bumaba na ako dahil pinapababa na niya ako.

Na amazing naman ako sa coffee cake shop ng ate niya. ang kulay nito ay black and light brown. Kaya ang ganda at ang laki nito dahil may second floor ito.

Pumasok siya sa loob kaya pumasok na din ako.

"Welcome home master" Pagkapasok na pakapasok namin sa loob ay may sumalubong sa amin na waitress na  nakamaskara na color grey.

Naalala ko tuloy yung pagkanta ko sa bar ni tita nakamaskara din kami pero color black naman yung amin.

"Have a seat please" Sabi ng waitress sa amin ng makarating kami sa isang table na dadalawa lang yung upuan.

Iginala ko ang aking mga mata sa loob ng shop at nakakamangha dahil sa ganda at ang cute ng desenyo nito.

"Diyan ka muna pupuntahan ko lang si ate" Pagpapaalam naman niya sa akin kaya tumango naman ako sa kanya.

Tumingin ako sa may bintana at ang ganda ng view. Ng may makita ako isang bahay na familiar hindi ito gaano kalayo kaya kitang kita ko ang desenyo ng bahay na iyon.

At..........

At.........

At..........

Ano ginagawa ng bahay namin duon. Napatayo ako sa aking kinauupuan at lumapit ako sa may bintana para mas lalo ko makita. baka kasi nag kakamali ako tingin at oo nga bahay namin yun wag mong sabihin na malapit lang ang bahay ko dito wow naman bat hindi ko ito nakikita tuwing umaga sabagay nakalagay itong shop na ito sa kabilang karsada pati masyado ito malayo ng kaunti lang naman sa bahay namin.

Dito ako nakatayo, kaya ang bahay namin ay nasa gawing right side ko eh papunta duon ang school ko kaya hindi ko nga talaga ito mapapansin.

"Hey! Ano ginagawa mo diyan" Natauhan naman ako ng may kumulbit sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

Si kuya do not know the name pala.

"May tinignan lang ako" Sabi ko sa kanya at saka kami bumalik sa upuan namin kanina. May nakaupung isang babae na hindi ko naman kilala kaya nag taka naman ako ng umupo sa tabi ng babae si kdntn ( kuya do not know the name) Kaya umupo naman ako sa tapat niya.

"Hi!" Bati sa akin ng babae. Ang ganda niya at sobrang puti niya hindi katulad ko at ang tangos ng ilong niya omg...... Natotomboy na ata ako ah.

Ano ba sam gising!.

"Hi po!" Bati ko naman sa kanya at ngumiti ako ng napakalawak na ngiti.

"She's the girl i am talking about to you last time" Sabi ni KDNKTN sa babae.

"Ow so what the problem?" Tanong naman ng babae kay KDNKTN.

"She's searching for a job so maybe you need some worker"   

Hala mag dudugo na ata ilong ko.....Kanina pa sila english ng english hindi ba nila alam na sa pinas sila.

"Ah... Okay, what your name?" Tanong ng babae sa akin.

"My name is samantha lim for short sam po" Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ah okay so you need a job?"

Tumango ako sa tanong niya sa akin

"Okay. I can give you a job because you help my brother last time. So you can start working tomorrow 4:30 pm  it's that okay for you?" Ngumiti ako ng napakalawak at tumango ako ng tumango sa kanya. So siya yung ate ni KDNKTN

"Thank you very much miss?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Yuki mura san is may name and he is my brother his name is james liam san or for short liam and for me you can call me yuki okay?"

"Yes" Sabi ko sa kanya at ngumiti ulit ako.

"Hmmm...Your smile is like familiar for me. I do not know where did i see that smile of your's" Ano kaya sinasabi ni ate na familiar yung ngiti ko para sa kanya eh sa ngayon ko lang siya nakita eh.

Napatingin ako sa orasan nila na nasa may counter at ng makita ko na mag 4:00 pm na pala ay agad ako nag paalam sa kanila na aalis na ako syempre in english hehehehhe.

"Gusto mo bang ihatid ka pa ng driver ko?" Napatingin naman ako duon sa nag salita at si liam lang pala.

"No thank's" sabi ko sa kanya at nag umpisa na ako tumakbo.

Wahhhh........I am very late. Yan napapa english na ako hahahaha. Ano ba iyan late na nga ako nagagawa ko pang tumawa ay!

Buti nalang at hindi ko na kaylangan pa pumunta sa bahay para kunin yung dress ko dahil nasa bag ko na ito.

----------------------

Pag kadating ko sa loob ng school ay mag 4:10 pm na kaya mas binilisan ko ng biglang may humarang sa akin.

"Sorry pero hindi kami nag papapasok na hindi naka black" Sabi ng isang babae sa akin na naka dress siya ng black at naka maskara siya na color grey naman.

Hindi ko alam na kaylangan pala naka mask. Mask na yung mata lang ang taklob hindi yung bibig. walang nag sasabi sa akin noon ah.

Pero sabi naman niya naka black na damit lang naman diba. Agad ako nag hanap ng banyo at ng may nahanap ako ay agad ako pumasok sa loob at nag palit na ng damit ko oo damit lang naman tas nag buhag hag na ako ng buhok. kaso yung mask ko wala ako dalang mask.

Pag kasi hindi ako naka mask baka ako lang yung kakaiba at baka pagtignan ako ng mga estudyanteng na nasa loob. Kaya nag babakasakali ako na baka meron sa aking bag.

Kalkal dito kalkal diyan kinalkal ko ang bag ko baka kasi may mask at pag sinuswerte ka nga naman nakahanap ako kaso black lang ito. ito kasi yung hindi ko ginagamit na mask baga, paano naman kasi nag kamali ako noon ng bili ng mask kaya akala ko talaga naitapon ko na ito, Yun pala hindi ko pa pala ito naitapon.

Dalawang klaseng mask ang meron ako yung isa kasi ang talagang ginagamit ko, taklob na taklob ang half na mukha ko, yung isa naman yun yung mali na nabili ko noon na hindi gaano taklob ang half na mukha at kilala ka pa naman kung sino ka kaya buti nalang at nasa bag ko pa.

Tinignan ko kung nasa loob ba ng bag ko ang contact lenss ko at pagnga naman kay sinuswerte nandito nga sa bag ko kaya sinuot ko ito. Hindi na ako nag palit pa ng sapatos ko dahil bagay naman ito sa dress na ang style ay long sleeve na black yung left hand ko pero yung right hand ko ay hindi ito long sleeve at naka t-shirt style ito kaya sinuot ko ang gloves ko.

May kasama nga palang gloves itong dress na nabili ko, na kita yung mga daliri tas color black ito tas may kasamang bracelet na prang relo tas tusok tusok pero hindi naman ganon na tusok tusok katamtaman lang naman. tas may belt ito helera pababa na ang color ay silver grey at white tas hindi lagpas tuhod ang haba nito.

Ng ayos na ang lahat ay lumabas na ako dahil sobrang late na ako.

Syempre pinapasok naman nila ako kahit iba yung color ng mask ko.

Today is gonna be a wild day for me (^-^)

To be continue...........

------------------------------------

Vote and comment

April 28 18

PAALALA:

SORRY KUNG MAY MALING SPELLING O MALING TYPE AKO I EEDIT KO NALANG PAG NATAPOS KO NA ANG STORY.

NO TO COPY WRITING!

ENJOY READING MGA READERSSSS

(A/N: Wahahhahaha ako mismong writer na eexcited ako sa susunod  na chapter ano kaya ang mangyayari kay sam hmmm......???? ('^') *Nagiisip* )

(A/N: Parang ayoko na ituloy hmmm..... (-_-) )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top