Chapter 40 (Day-15)
(Sam)
So nagising naman ako ng napakaaga anong oras 2:30 am lang naman po ang aga po no hay nako.
Bumangon na ako at naligo na ako. Buti nalang may mainit na tubig pagkatapos ko maligo ay nag toothbrush na ako pag katapos naman ay inilabas ko na ang aking bag.
Pagkababa ko ay wala pa yung sasakyan sa labas kaya nag taka naman ako.
Iniwan ko sa may sofa ang bag ko at pumunta ako sa taas para tawagin sila. Ako lang ba ang unang nagising masyado ako exited kaya hindi ko sila napansin agad.
Pagkaakyat ko sa 2nd floor ay mga halatang bagong gising palang silang lahat ay hindi pala except kay ranz na wala dito at mukhang natutulog pa siya.
"HUY ANO NA MAG AYOS NA KAYO!!! NAPAKABAGAL NINYO AY!" Sigaw ko sa kanila kaya napatingin naman sila saakin.
"Ano ba agang aga ang ingay mo!" Pagrereklamo ni jiro saakin.
Sorry naman excited lang ako.
"Bilisan kasi ninyo. Kayo ang nag sabi na gumising ng madaling araw tas ganan kayo. Hay nako!" Pagrereklamo ko naman sa kanila.
Saka ko lang napansin na wala na pala sila at nag sipasok sa kanilang mga naka assign na kwarto. Ang galing naman ay kitang nag sasalita pa yung tao tas iiwanan nila ako.
Bumaba na ako dahil wala ako mapapala sa paghihintay sa kanila dito kaya sa sofa nalang ako maghihintay.
----------------------
Isang oras na ang lumipas at saka lang sila bumaba ano daig pa ang mga babae ay. Kinuha ko na ang aking bag at lumabas na ako. Buti nalang at nandiyan na yung sasakyan kaya pumunta ako sa likod at inilagay ko na ang aking bag at pumasok na ako sa loob, Na nasa may bintana ako.
Ng may tumawag naman sa pangalan ko kaya napatingin ako kung saan ba nanggaling ang boses na iyon.
Si jiro lang naman.
"Oh?" Tanong ko sa kanya.
"Aba tulungan mo naman kami dito!"
Abat paki ko ba sa inyo late kayo bumaba tas ako ang maglalagay ng gamit ninyo sa likod, Aba lumalaki na ang ulo mo hipon.
Hindi ko nalang siya pinansin. Ipapabuhat nanaman niya kasi yung bag niya na napakabigat akalamoy kung ano ang laman ay.
-------------------
(Ken)
Habang nasa byahe kami ay walang ni isa ang umiimik saamin. Hindi ko alam pero parang mag kakaaway kaming lahat.
si sam namam ayon sa dulo at bagsak katabi si eightan. Ewan ko ba kung ano ba nagustuhan ng lalaking yun kay sam.
9 day's nalang....Kaylangan na nilang malaman.
----------------------
(Eightan)
Ginising ko na si sam dahil nasa bahay na kami ni jaycob.
"Nasan na tayo?" Walang ganang tanong niya saakin.
"Nandito na tayo" sabi ko sa kanya kaya minulat pikit niya ang kanyang mata at saka niya kinuha saakin ang salamin niya.
"Ah ganon ba" Walang ganang sabi niya sa akin at saka siya bumaba ng sasakyan.
Napapikit nalang ako ng sandali at saka ako bumaba ng sasakyan.
----------------------
(Sam)
So uwian na sa kanya kanyang bahay.
Uuwi ako na mag isa sa amin.
Nag lakad na ako at hindi ko na binalak pa pumasok sa loob ng bahay ninda jaycob. Ang bahay na tinutukoy ko ay yung nasa tapat ng school namin. Kaya nag lakad nalang ako pauwi sa bahay ko ng madaanan ko ang bar ni tita.
Naisipan ko na baka sakali nasa loob si ian. kaya pumasok ako sa loob. At nakita ko kaagad si tita na nakatulala.
"Uy tita!" Bati ko sa kanya kaya nagulat naman siya.
"Sa-sam!"
"Ang aga naman po ninyo mag bukas" Sabi ko sa kanya. hindi naman kasi nag bubukas ng maaga si tita laging hapon siya nag bubukas kaya nakakapag taka.
"Ah ano kasi par-" Naputol ang sasabihin ni tita ng bigla may magsalita.
"Hindi mo ba alam sam na mag sasarado na ang bar ni tita" Nagulat ako sa sinabi ni mika.
"TOTOO BA YUN TITA?!" Gulat na tanong ko kay tita na nakatingin ng masama kay mika.
"Ay.... Oo nga pala may gagawin pa pala ako" Pag dadahilan ni mika at saka siya umalis.
"Hay........Kaylangan mo nang malaman. Sensya na sam kung hindi na kita mababantayan pa" Nakatungo sabi ni tita sa akin habang ako ay napatulala nalang at nabitawan ko na ang aking bag dahil sa pag kakagulat.
"Wa-wag naman po kayo mag biro" Nakangiting sabi ko kay tita. na parang bang may tubig sa mata ko at nagbabadya na papatak ito pero pinigilan ko.
Tumingin siya sa akin ng seryoso ang mukha niya.
"Hindi ako nag bibiro sam" at duon na pumatak ang mga luha ko at napaupo nalang ako sa lapag.
Mag isa nanaman ba ako......
Bat ba galit sa akin ang tadhana ha eto ba ang gusto niya na mag isa nalang ako ha!!!
"Pe-pero hindi naman po ninyo a-ako iiwanan di-diba?" Nakangiting tanong ko sa kanya. At nag babakasakala na hindi siya umalis.
"Pasensya na sam" Matipid na sagot niya sa akin at umalis na siya. Iniwan nalang niya ako dito na parang nag hahanap ng sagot kung bakit? Bigla nalang siya aalis???........
"Sam!" Hindi ko pinansin ang tumatawag sa pangalan ko.
"Ayos ka lang ba" Sabi niya ulit at nasa tabi ko napala siya kaya napatingin ako sa kanya. At si hanz lang pala.
"Oh? Bat naiyak ka?" Nag tatakang tanong niya sa akin. Kaya pinunasan ko kaagad ang mga luha ko sa aking mata.
"A-ah wa-wala ito no" Sabi ko sa kanya at tumayo na ako.
"Hindi halata na wala lang yun" Sabi niya sa akin.
"Hehehehe...." Napatawa nalang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. tawang napilitan lang.
"Kaylan pala ang alis ni tita?" Tanong ko sa kanya.
"Ang alam ko na mamayang gabi ang alis niya"
"Saan daw siya pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam wala siya sinasabi sa amin" Sabi niya sa akin.
"Ah ganon ba" Matipid na sabi ko sa kanya.
-----------------------
Umuwi na muna ako sa bahay na hindi man lang ko nakakausap si tita kung bakit siya aalis.
Pagkabukas ko ng pintuan ng bahay namin ay wala nag bago. hindi pala may nag bago pala mas madumi na ngayon.
Hay........
Mukhang balik tayo sa dating kung saan mag isa lang ako. Mag iisa nanaman ulit ako.
---------------
Pagkatapos ko mag imis ng bahay ay humiga nalangako sa aking higaan at napaisip nalang ako. Ano na gagawin ko ngayon.
Ano na gagawin ko sa buhay ko pagkaalis ni tita. Hay...........
Makatulog na nga muna.
Baka pagkagising ko ay bumalik ang lahat sa dating kung saan masaya pa ako na kasama ko pa sila.
-------------------
Pagkagising ko ay hindi ko namalayan na gabi na pala kaya napabangon ako at napaisip na parang may nakalimutan ako. Ng maalala ko ay agad ako tumakbo palabas ng bahay at pumunta sa bar ni tita.
Nasa tapat na ako ng bar ni tita at hapong hapo ako may mga track na nakapark dito sa labas kaya agad ako pumasok sa loob at hinanap ko si tita.
"Tita!" Tawag ko sa pangalan niya.
Pumunta ako sa kwarto niya at nanduon lang pala siya hindi na pigilan ang sarili ko na hindi ako maiyak at niyapos ko siya.
"Bat naman po ninyo ako iiwanan tita" Naiiyak na sabi ko kay tita.
"Pasensya na sam pero kay langan ko. Pati kaya mo na ang sarili mo malaki kana sam" Sabi niya sa akin at bumitaw na ako sa pagkakayapos sa kanya.
"Eto oh iyo na iyan" Nakangiting sabi ni tita sa akin kaya kinuha ko sa kanya ang isang kahon at lumabas na siya.
Binuksan ko ito at nagulat ako sa laman nito at napaiyak nanaman ako.
Agad ako lumabas ng marinig ko ang pag andar ng track kaya lang pag kalabas ko ay huli na ako dahil malayo ng ang track at hindi man lang ako nakapag paalam kay tita.
Malungkot ako naglalakad pauwi dala dala ang kahon na binigay sa akin ni tita. Mahigit sampong taon ko na kasama si tita hindi manlang niya hinintay ang kaarawan ko bago siya umalis.
To be continue...........
------------------------------------
Vote and comment
April 28 18
PAALALA:
SORRY KUNG MAY MALING SPELLING O MALING TYPE AKO I EEDIT KO NALANG PAG NATAPOS KO NA ANG STORY.
NO TO COPY WRITING!
ENJOY READING MGA READERSSSS
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top