Chapter-38 (Day-13)
(SAM)
"Pangako walang iwanan ha" Yan yung sabi niya saakin habang nag lalaro kami ng kasal kasalan.
"Oo naman pangako yan" Nakangiting sabi ko sa kanya.
Akala ko ba walang iwanan bat mo ako iniwan.
-----------------------------
(Ken)
"Ano na guys practice na tayo" Sabi ni jaycob na kakadating lang kanina.
Ibang klase din ang isang ito kakadating lang niya galing sa kung ano man ang pinuntahan niya mukha naman nakakapagod iyon ay magyaya agad siya mag practice.
"Wala pa si sam" Sabi ni miko sa kanya.
"Oh nasaan siya tawagan mo na siya" Utos niya kay miko.
"Mukhang puyat"
"Bakit naman?" Tanong ni jaycob kay miko.
"Paano naman kasi magdamag siya umiyak" Ano magdamag umiyak? Napaano naman siya.
"Ha? Bakit anong nangyari?" Tanong ni nicko kay miko.
"Hindi ko alam sa kanya"
"Hindi kaya gawa ni eightan?" Tanong ni jayson kay miko.
"Hindi ko alam" Sabi niya kay jayson.
"Ano bang nangyari?" Tanong ni jaycob saamin. Walang sino man ang nag salita saamin ng bigla nanaman siya magsalita.
"Okay. Tawagan mo na nga lang duon si sam ken" Abat ako pa talaga ang inutusan.
Tumayo na ako sa aking kinauupuan at nag umpisa na akong mag lakad papunta sa kwarto ni sam kung mag rereklamo pa ako ay wala rin naman mapupuntahan ang pagrereklamo ko kaya sumunod nalang ako sa kanya.
Ilang beses ko na kinatok ang pintuan ng kwarto ninda sam ay ayaw parin niya ito buksan kaya dahil sa inis ko ay binuksan ko na ito at pumasok ako sa loob.
Lumapit ako kay sam na nakahiga parin hanggang ngayon eh paano naman pala hindi ako pagbubuksan ng isang ito ay ang himbing ng tulog ay.
Agaw pansin sa kanya ang bandage niya sa kanyang kamay. Mukhang malaki yung hiwa. Tinignan ko ang kanyang mukha na parang may kakaiba sa kanya.
----------------------------
(IAN)
"Sabihin mo nalang kasi saakin kung ano ang gusto mo!" Naiinis na sabi ko sa kanya. Kung hindi lang nakatali ang aking mga hamay at paa baka kanina pa ako nakaalis dito at kanina ko pa siya nasuntok.
"Isa lang naman ang kaylangan ko sayo" Nakangiting sabi niya saakin
"Sabihin mo nalang kung ano iyon!" Sigaw ko sa kanya.
"Ikaw" Nakangiting sabi niya saakin.
"Ha? Ano ako?"
"Oo ikaw gusto kita"
"Ano pero wala yan sa usapan diba?!" Naiinis na sabi ko sa kanya.
"Remember Ian kapag hindi mo ginawa ang mga gusto ko ay baka mag bye bye na kayo ng papa mo sa inyong kasikatan"
"Hindi ako natatakot do it what you want!" Malakas na loob na sabi ko sa kanya.
"Okay fine nilalabanan mo talaga ako ian. Hahahhaha that is what you want ha! okay. Una muna pahirapin muna natin ang mga friends mo" Para siyang isang demenyo na sayang saya na makakita ng taong nahihirapan dahil sa mga ginagawa niya.
"Demonyo ka!"
"Ha? ako demonyo no....no....way. she demon's me" Natatawang sabi niya saakin.
Sino ang tinutukoy niya?
--------------------
(Miko)
Para ako sira na sinusubaybayan ko ang bawat galaw ni eightan may kakaiba sa kanya at alam ko iyon, dahil napakatagal ko na siya nakasama kaya kilalang kilala ko siya.
"Sam ako na diyan" Sabi niya kay sam kaya agad binitawan ni sam ang hawak hawak niyang pinggan na parang gulat na gulat at tumaas na siya.
Hindi ko alam na maalam mag himpil si eightan ah.
"Uy kaylan ka pa natuto mag himpil?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Oh ikaw na bahala diyan" Sabi niya saakin at ibinigay niya saakin ang mga pinggan.
"Ha ano?! Akala ko ba ikaw-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang siya umalis.
Bwisit yung isang yun akala ko pa naman mag hihimpil na siya. Yun pala ipapautos lang niya sa iba. Bakit niya inagaw ito kay sam kung hindi naman pala siya yung mag hihimpil.
Tsk......
----------------------
(Sam)
Nakakainis itong isang ito. Sino ang tinutukoy ko edi si eightan.
Paano naman kasi kung nasaan ako nanduon siya ano aso lang ang peg.
Hindi siya cute para maging aso dahil isa siyang unggoy.
Tumigil ako sa paglalakad dahil nasa likod ko nanaman siya.
Hinarap ko siya.
"Ano ba problema mo ha akala ko ba ikaw yung maghihimpil eh bat ang bilis mo!" Naiinis na sabi ko sa kanya.
"Eh sa mabilis ako maghimpil eh"pagpapahanga niya saakin.
Nag umpisa na ulit ako maglakad papunta sa 4rth floor. Nag hagdan nalang ako. para mag practice alam ko na pahinga namin ngayon eh saayaw ko mag pahinga eh. Kaya yun si sunod nanaman siya.
"Alam mo isang sunod mo pa sa akin matatamaan kana sa akin!" Pagbabanta ko sakanya.
"Eh paano ba iyan natamaan na agad ako sayo" Ha ano pinag sasabi niya hindi ko pa naman ata siya nasasapak ah.
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad.
"Totoo yung sinabi ko sayo. Liligawan kita!" Bigla naman ako napatigil sa paglalakad at napailing nalang sa hangin at nag lakad na ulit ako.
Ayoko na magtiwala pa sa iba tamana yung pag titiwala ko sa kanilang dalawa na sinira rin nila.
Ayoko nang masaktan dahil diyan sa tiwalang iyan.
---------------------
(Sam)
Tapos na kami sa pag prapractice buti na nga lang tapos na lahat lahat pero mag prapractice parin daw kami bukas kahit na okay na. Eh ayon ang gusto ni jaycob.
Maaga kami natapos sabi kasi ni jaycob ay mag pahinga na daw muna kami o kaya mamasyal dahil ilang araw nalang daw ang itatagal namin dito kaya ienjoy daw namin hangat nandito padaw kami.
Paano naman ako makakapasyal eh ni hindi ko nga alam kung saan ba ang pasyalan dito baka maligaw naman ako diba.
------------------------
(Nicko)
sabi ni jaycob na pwede mamasyal kaya eto ako ngayon nag mamadali mag bihis para maka gala. Gusto ko kasi gumala ngayon mukhang maganda ang panahon pati hapon na din kaya magandang mag lakad.
Niyaya ko si sed kung gusto niya sumama at si ranz pati si ken. Pero ayaw naman nila kaya wala ako kasama ako lang mag isa ng makasalubong ko si suplada sa may hagdanan kaya naisipan ko na yayain siya.
"Suplada!" Tawag ko sa kanya kaya tumingin naman siya.
"Oh?!"
"Gusto mo sumama?"Tanong ko sa kanya.
"Saan naman?"
"Sa labas mag lalakad lang. Pati para makapasyal ka din. ano sama ka?" Bago siya sumagot ay tumahimik muna siya at saka siya tumango.
Kaya sinabi ko sa kanya na hihintayin ko siya sa labas. Kaya lumabas na ako.
Ilang minuto na ang lumipas ay saka siya lumabas.
Simple lang ang suot niya para sapanahon na ganito kalamig.
"Ano tayo na. Ano pa tinatayo tayo mo diyan" pagyaya niya saakin kaya natauhan naman ako sa pagkakatulala ko.
---------------------------
(SAM)
Marami kami pinuntahan kaya natuwa naman ako. Buti nalang at sumama ako sa kanya, first time ko na nan dito ako.
Gabi na pero hindi parin kami nauwi at nakaupo kami sa isang bench.
Sabi kasi niya na mamaya na daw kami umuwi at may maganda daw mangyayari mamaya. kaya sumunod naman ako sa kanya.
No chose ako eh.....
"Baka naman pwede ko malaman kung bakit ka pala umiyak kagabi?" Nagulat naman ako sa kanyang tanong.
"Sorry hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko na itanong iyon" Tumahimik muna ako at hindi ako nag salita.
Inisip ko muna kung sasabihin ko ba sa kanya oh hindi.
"Ahmm.....Paano ko ba sasabihin sayo" Tumingin ako sa langit at saka ako nagsalita.
"Ahm ganito yan may nag pangako saakin na walang iwanan hanggang dulo kaso siya yung mismong sumira ng pangakong iyon....tas yun lang" Tumingin ako sa kanya at nginitian ko siya.
"Ang simple no hahaha" Natatawang sabi ko sa kanya.
"So ano pala hinihintay natin dito" Iniba ko na ang usapan. Baka kasi maiyak nanaman ako. Eh ayaw ko pa naman makita niya ako na naiyak.
"Sino ba yun?!" Nagtaka naman ako sa tanong niya.
"Ano?"
"Yung nang iwan sayo sino yun. Gusto mo upakan ko" Seryosong sabi niya saakin.
"Hahhahahha hindi nakakatawa" Sabi ko naman sa kanya.
"Seryoso nga dahil ba talaga sa kanya? Oh may iba pa bakit ka umiyak" Bakit ba niya gustong malaman. Ano ba siya nanay ko.
Nanay.......
Ano ba yan bat ba pumasok sa isipan ko yung salitang nanay.
"Bat ba gusto mong malaman. Eh sa iyon lang talaga yung iniyakan ko eh" Naiinis na sabi ko sa kanya.
"We? Hindi nga?"
"Sasapakin kita tignan mo!"
"Nagaalala lang naman yung tao sayo. Paano naman kasi kahapon kapa ang tahimik yung parang wala lang tas kanina hindi ka rin kumain"
"Kumain ako ah"
"Oo kumain ka nga kaunti lang naman. Sabihin mo na kasi sige hindi kita titigilan" Isa patong makulit.
"Okay fine sasabihin ko na. Naalala ko siya dahil kay eightan. Okay naba kaya ako umiyak" Naiinis na sabi ko sa kanya.
"Gawa ni eightan ano naman kinalaman ni eightan duon?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ganto kasi yun. Wag mo sanang sabihin sa iba ha. May tiwala ako sayo" Seryosong sabi kosa kanya.
"Okay"
"Sana, itong tiwala na ibibigay ko sayo sana hindi mo ito sirain" Seryosong sabi ko ulit sa kanya.
"Oo pangako"
"Sawana ako sa pangako sana gawin mo hindi lang puro pangako na hindi naman natutupad"
Naiinis na sabi ko sa kanya. Alam ko na ayoko nang magtiwala pa pero gusto niya malaman kaya sasabihin ko na sa kanya.
"Oo naman. Hindi hindi ko ipagsasabi sa iba ang mga sasabihin mo saakin ngayon" Nakangiting sabi niya saakin.
"Okay. Naalala ko siya gawa ni eightan gawa ng halik niya. Dahil duon sa laro naming kasal kasalan noong bata kami eh bigla naman niya ako hinalikan kaya yun"
"Ah ayun lang ang iniyakan mo?" Nagtatakang tanong niya saakin.
"Ang hirap kasi ipaliwanag sayo!" Naiinis na sabi ko sa kanya.
"Okay lang yan maiintindihan ko naman eh"
"Hay...... Bumalik kasi yung lahat lahat ng hinalikan ako ni eightan lahat lahat ng kasama ko siya. Bakit ako umiyak gawa ng bumalik yung mga alala na iniwan niya akong mag isa. Alam mo ba yung umasa ako na hindi niya ako iiwanan ng mag isa pero hindi iniwanan parin niya ako ka-katulad na-nalang n-ng pag iwan ng isang t-tao mahalaga sa-sa akin noon" Tuluyan na ako umiyak kaya hinawakan ko ang aking mukha at tuluyan ko na binuhos ang lahat lahat. Wala na ako pakielam kung panay luha na ang salamin ko ang alam ko lang ay gusto kong umiyak.
Bakit ko pa ba sa kanya ikinuwento.
--------------------------------
(Nicko)
Hindi ko inakala na iiyak siya. Kaya hindi ko alam ang aking gagawin sa kanya. Kung yayapusin ko ba siya o ano. Iyak lang siya ng iyak.
Mukhang masakit talaga ang ginawa sa kanya ng taong yun. pero bata pa naman sila ah.
Hay nako ngayon ko lang ito gagawin sa kanya. Niyapos ko siya. Bago ko siya niyapos ay tinanggal ko ang salamin niya at hinayaan ko nalang siya umiyak sa aking dibdib. Pag sabay ng luha niya ay ang pagbagsak ng mga meteor shower.
"Ayos lang yan samantha iiyak mo lang iyan nandito lang ako para sayo!" First time ko lang binanggit sa kanya ang buong pangalan niya.
Hindi ko namalayan na niyapos ko na pala siya yung tipong yapos pag na miss mo yung tao.
Hindi ko alam pero parang gusto ko na hindi na matapos ang araw na ito.
To be continue.......
--------------
Vote and comment
April 17 18
PAALALA:
SORRY KUNG MAY MALING SPELLING O MALING TYPE AKO I EEDIT KO NALANG PAG NATAPOS KO NA ANG STORY.
NO TO COPY WRITING!
ENJOY READING MGA READERSSSS
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top