Chapter-34 (Day-9)

(Jiro)

Nasa kwarto ako ngayon at nakahiga kakagising ko lang.

Ang aga ko nga nagising.

6:01 am ba....

Hay.....

Kontingtiis nalang jiro. mag tiis ka lang talaga sa mga kasamahan mo wala na ako mapagpipilian pa kundi ah mag perform na kasama sila at makasama sila ng 7 days dito sa bahay ni jaycob.

Bumalik na ako saaking pagkakatulog maaga pa naman kasi.

---------------

(Ken)

Nasa kwarto ako ngayon at nakahiga at tulala.

May problema kasi ako bat ako ganito hayzzzzz.....

Bakit ba naging ganito ang lahat?????
Bakit kung kaylan ayos na kaylangan ko pang.......

kring.... kring......

Napahinto ako sa aking pag dradrama ng bigla tumunog ang cp ko kaya sinagot ko.

-Hello (sabi ko sa kausap ko sa kabilang linya)

-Ayos na ba ang mga gamit mo Kenken? (Ah si mama lang pala kaya hininaan ko lang ang aking boses baka may makarinig sa akin)

-Hindi pa

-Diba pinag usapan na natin na- ( Hindi ko na tinapos ang sasabihin ni mama at nag salita na ako)

-Just give me 15 day's pa (Pag mamakaawa ko kay mama)

-Hay okay okay basta hanggang 15 day's lang ha

- oo

-Okay byebye

-bye  (Sabi ko at saka ko call ended)

Hay 15 day's nalang.

Kaylangan ko nang sabihin sa kanila.

Bumangon na ako sa aking pag kakahiga at mukhang ako pala ang pinakang huling gumising sa amin ah.

Ano oras na ba?

Kinuha ko ang cp ko para tignan kung ano oras na.

6:29am lang pala ang aga ah.

------

(Jaycob)

Kakababa ko lamang para pumunta sa cr ng makita ko sila na nasa may sofa at nanunuod.... aba aba anong meron maaga pa ah.

"Ang aga naman ninyo gumising" sabi ko kinda ken, nicko, ranz na bigla naman tumingin sa akin.

"Nehhh.....May kachat kasi ako" sagot naman ni ranz at hawak hawak ang cp niya.

"Oh kayo dalawa bat ang aga ninyo gumising?" tanong ko kay ken at kay nicko.

"May masama ako napanaginipan" sabi naman ni nicko sa akin.

Siguro sobrang sama nga hahhahaha........

"May tumawag kasi sa akin" sabi naman ni ken sa akin.

"Ah....." sabi ko sa kanila at saka ako pumunta sa cr.

Malapit na ako ng makasalubong ko si jayson.

"Nasabi mo na ba sa kanila?" tanong niya sa akin.

"Hindi pa baka mamaya sasabihin ko na sa kanila" sabi ko naman sa kanya.

"Sisiguraduhin mo lang na sasabihin mo sa kanila" sabi niya at saka siya umalis.

"Yeh......."

----------

(Sam)

Maaga ako umalis sa bahay ni jaycob para makatulong ako sa pag aayos ng bar ni tita syempre bago ako umalis ay kumain muna ako ng umagahan nagulat nga ako kanina ng gumising ako ng 7:10 am ay mga gising na pala sila at papunta na sila sa open practice room para mag practice daw sila. kaya ako lang pala yung huling gumising.

Nakakapanibago nga kanina eh......

(Bar ni tita)

Pumasok na ako sa loob at kitang kita sa mga mukha ng mga tao na nandito sa loob ang kanila pag kapagod at abalang abala sa pag aayos mukhang especial talaga ang mga pupunta tao ngayon ah.

"Oh sam ano tinutunganga mo diyan tumulong kanga!" Galit na sabi ni mika sa akin.

"Eto na ho" sabi ko sa kanya.

Mamaya nalang ako mag papalit pinag usapan na namin ni tita to kahapon pa bago ako umuwi.

Lumapit ako kay mika para tanungin kung ano maitutulong ko.

"Ikaw na bahala mag ayos ng mga upuan duon sa taas" sabi niya sa akin.

"Okay" sabi ko sa kanya.

Bago ako pumunta sa taas ay pumunta muna ako sa kwarto ni tita para ilagay ang mga gamit ko at saka ako pumunta sa taas.

---------

(Ian)

"Akala ko ba pinayagan mo ako bat ngayon gusto mo na ano ha!" Galit na  sabi ko kay papa.

"Bahala ka na nga diyan babalik na ako kay ninang" sabi ko kay papa at saka ako umalis ng office niya.

tsk....

----------

(Jaycob)

Nasa open practice room kami ngayon at nag prapractice mukhang nasasaulo na nila ang mga part nila yung iba naman ay hindi pa gaano saulo.

Buti nga at hindi matigas ang ulo ni jiro dahil nag papaturo na siya ngayon akala ko kaylangan ko pang mag sermon para sumunod lang siya.

Bigla naman lumapit sa akin si jayson.

"Sabihin mo na sa kanila" sabi niya sa akin.

Hay mukhang kaylangan ko nang sabihin sa kanila.

"Eh paano si sam?" tanong ko sa kanya.

"Edi pag dating niya saka mo sabihin sa kanya" sabi niya sa akin.

"Ah sige" walang ganang sabi ko sa kanya.

"Guy's may sasabihin lang ako mahalaga" sigaw ko sa kanila na kanila naman narinig at lumapit sa akin maliban kay jiro, ken at kay sed na  naka upo lamang sa may bench.

"Ano sasabihin mo?" tanong ni ranz na nakatingin sa akin ng masama.

Aba aba akala mo naman ay may ginagawa ako masama ay kung makatingin ano gusto mo akong kainin.

"Ganto kasi mawawala kasi kami ni jayson at nasa baguio city kami may kaylangan lang kasi asikasuhin duon" sabi ko sa kanila na parang wala lang hindi man lang nagulat hay.....

"So kaylangan nating matapos yung pag prapractice ngayon kaya ituturo namin yung mga hindi pa ninyo alam para pag wala na kami at nakaalis  na ay alam na ninyo ipapractice nalang ninyo" sabi ko sakanila.

"Eh paano kami mag prapractice ni hindi nga sa amin tong mga ginagamit naming guitar at drum?" tanong ni nicko sa akin.

"No problem dito parin naman kayo matutulog mawawala lang naman kami ng limang araw" sabi ko sa kanila.

"Alam na ba ni sam to?" tanong ni ranz sa akin.

"Hin-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla umimik si jiro.

"Bakit kaylangan pa malaman ng nerd na iyon, eh hindi naman siya kasali dito ah isa lang naman siyang katulong kaya hindi na niya kaylangan pa malaman na aalis kayo dalawa" Malamig na sabi ni jiro sa akin.

"Paki mo ba hindi naman ikaw yung mag sasabi kay suplada ah!" sabi ni nicko kay jiro.

Hindi nalang pinansin ni jiro si nicko at umalis nalang si jiro.

Hay ano kaya mang yayari sa kanila pagwala kami ni jayson baka mag karon ng gera.

"Tignan mo ang bastos bigla nalang aalis." sabi ni nicko.

Hay.......

Pinabalik ko na sila sa kanilang pagprapractice nasabi ko na sakanila ang mga dapat nilang malaman si sam nalang.

Habang nag prapractice sila ay iniwanan muna namin sila, Mag luluto pa kasi kami ni jayson este tutulungan ko pala siya sa pag luluto ng tanghalian namin.

"Magiging ayos lang kaya sila?" tanong ko kay jayson.

"Nehhhh... magiging ayos yang mga yan nandiyan naman si nerd eh kaya ni nerd yang mga yan" sabi niya sa akin.

Eh.......Kaya ni sam???? baka nga mabaliw yun eh kung iiwanan namin siya dito.

Zoe?????

"Kaylan pala ang uwi ni zoe?" tanon ko kay jayson.

"Baka mismong acquaintance party daw" sabi niya sa akin at pumasok na saloob ng kusina kaya pumasok din ako.

"Ah buti naman akala ko uuwi yun bukas o kaya ngayon" sabi ko sa kanya.

"So nag aalala ka pala kay nerd" sabi niya sa akin.

"Hi-hindi no" pag tatangi ko sa kanya.

"Bat ba  nerd yung tawag mo duon sa tao hindi naman yun ang pangalan niya ah" sabi ko sa kanya.

"Paki mo ba wag mo nga baguhin yung topic" Sabi niya sa akin.

"Kilala kita jaycob. Wag ka nang tumanggi pa sa akin" sabi niya sa akin na parang aking ikinahiya.

"Ah oo na nag aalala na ako duon sa tao!" napalakas ata ang pag kasabi ko.

Ano ba iyan.

"Yan umamin ka din. Tayo na nga mag umpisa mag luto hindi yang kalandian mo" Nagulat ako sa sinabi niya sa akin.

"Hoy sira ikaw nga ton-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla nalang siyang umalis at pumunta sa may banyo.

Ay napaka bastos nag sasalita pa yung tao.

----------

(Sam)

Tapos na kami mag ayos kaya kainan na syempre nilibre kami ni tita.

Nasa isang malapit na karinderya kami pumunta hindi sumama si tita pupunta daw kasi siya duon sa mga bisita namin mamaya may meeting daw kasi sila.

Ewan koba kung bakit may meeting pa e inarkila lang naman yung bar ni tita ah pati hindi naman sila bisita eh nag arkila sila kaya may bayad pero bisita parin ang tawag duon.......Ano bayang pinoproblema ko langya naman namomoblema ako dahil lang duon, hindi ko namalayan na nangungu na pala yung mga kasama ko na kumain at eto ako nakatulala lang ng biglang mag salita sa tabi ko si hans.

"Okay ka lang sam?" tanong niya sa akin.

"Oo okay lang ako may iniisip lang ako" sabi ko sa kanya.

"Ah.....Kumain kana, lalamig na yang pagkain mo" sabi niya sa akin kaya nginitian ko siya at saka ako kumain.

------------

Pag katapos namin kumain ay nag siuwian muna sila para daw mag palit ng mga damit nila kaya nag paalam na kami sa isa't isa.

Ako naman ay pumunta muna sa bar ni tita hindi na ako uuwi dala ko naman yung damit na gagamitin ko.

Nasa tapat na ako ng bar ni tita bubuksan ko na ang pinto pero hindi ko ito mabuksan ng bigla ko maalala na wala nga pala si tita at may meeting nga pala sila.

Hay ano gagawin ko....... Mag hihintay nalang ako pag naman ako umuwi mag tataka naman yung mga yun bakit wala ako dalang bag pati wala akong pamasahe kung uuwi ako, dahil nasa bag ko yung pera ko huhuhuhu.... tita where na you ba??????????

Pumunta muna ako duon sa karinderya na kinainan namin kanina duon muna ako tatambay mabait naman yung may ari noon.

(Karinderya)

Lumapit muna ako duon sa may ari para mag paalam na tatambay lang ako ng mga ilang minuto dahil may hinihintay lang ako.

Pumayag naman siya kaya kumuha ako ng isang upuan at inilagay sa labas at saka ako umupo.

Ilang minuto ang lumipas ng biglang lumapit sa akin ang may ari ng karinderya.

"Hmmmm.......Familiar ka" sabi niya sa akin at tumingin siya sa aking mukha na parang may gusto siya alamin na sagot sa mukha ko.

Omg ate naman eh baka ako matunaw nito.

"Hmmmmm....."

"Ate isa pa nga pong adobo" Sabi ng isang customer ni ate kaya napapunta duon ang kanyang tingin.

"Saglit lang" sabi niya duon sa customer niya at bumalik ulit sa aking mukha ang mga tinggin niya.

"Saglit lang iha babalikan kita" sabi ni ate at umalis na.

Hehehehe...... ate kahit wag na po ninyo ako balikan.

---------

(Jayson)

Nakain na kami lahat walang imikan ng bigla naman basagin ni miko ang katahimikan.

"Wala parin ba si sam?" tanong niya sa amin.

"Wala pa" sabi ni jaycob sa kanya.

"Hindi ba parang nakakapag taka naman na lagi siyang nawawala tuwing hapon pag hindi naman tuwing hapon mag hapon naman siyang wala katulad ngayon" derederetsong sabi ni jiro sa amin ayan nanaman siya.

"Malay mo may importante lang siyang ginagawa" Sabi ni nicko sa  kanya.

"Ano naman yung importanteng ginagawa niya?" tanong ni jiro.

"Malay ko...... Bakit ko pa ba kaylangan malaman iyon pati wag ka nga mangelam ng buhay ng ibang tao!" Parang galit na sanabi niya yon kay jiro.

Yung iba naman habang nakain ay nakatingin kinda jiro at nicko.

Napapatawa nalang ako sa mga reaction nila syempre pinilit ko na hindi mapatawa.

----------

(SAM)

Gusto ko na talaga umalis dito sa aking kinauupuan dahil kay ate na kanina pa ako pinag mamasdan.

Paano naman kasi habang binibigay niya yung mga order ng customer niya ay siya naman tingin sa akin.

Hay nako po.....

Isang oras na ang lumipas at busy parin si ate kaya hindi niya magawang lumapit sa akin at titigan ako sa mukha ko.

Ano kaya sinasabi niya na familiar daw ako sa kanya??????

Ilang oras na ang lumipas at nawalan na ng customer si ate kaya pumunta siya kaagad sa akin ng matapos siya sa pag hihimpil ng pinag kainan ng mga customer niya.

"Hmmmmm........Saan ba kita nakita......Parang hmmm....." Ano kaya ito si ate.

"Hehehhe...ate sorry po ha ngayon lang po kasi kita nakita kaya nag kakamali po kayo. Baka yung nasa utak po ninyo na familiar po ako sa inyo eh baka ibang tao po iyon" pag papaliwanag ko kay ate.

"Hindi alam ko na ikaw yun pero hindi ko alam kung saan ba kita nakita" sabi niya sa akin.

"Ah alam ko na ik-" hindi na natuloy ni ate yung sasabihin niya ng may bigla may humigit sa akin para ako naman ay madala.

Bago tuluyan makalayo ako sa karendetya ni ate ay nag pasalamat ako sa kanya at saka ko binaling ang tingin ko duon sa nang higit sa akin na hanggang ngayon ay higit higit parin niya ako nagulat ako ng si tita pala ang nang higit sa akin.

"Oh tita" sabi ko sa kanya.

"Ang tagal naman ninyo ay alam po ba ninyo na kanina pa ako pinag mamasdan noong babae yun hindi ko nga ho alam kung bakit ako tinitignan sa mukha sabi niya familiar daw po ako" derederetsong sabi ko kay tita ng bigla siya tumigil sa paghigit sa akin yun pala nasa tapat na kami ng bar niya.

Binuksan na niya yung pintuan at saka kami pumasok sa loob pupunta na sana ako sa loob ng kwarto ni tita para mag palit na ako ng damit ng bigla niya ako pigilan.

"Bakit tita?" tanong ko sa kanya.

"Ano sabi sayo noong babae?" tanong niya sa akin.

"Ah ang sabi lamang niya na familiar daw po ako sa kanya na parang nakita na daw niya ako pero hindi niya daw maalala" sabi ko kay tita.

"Ayon lang ang sabi sayo noong babae?" tanong ulit niya sa akin.

"Oho ayon lang ho" sabi ko kay tita.

"Ah........Ano ba ginagawa mo duon?" tanong ulit niya sa akin.

"Hinihintay po kaya kita sarado kasi tong bar eh naalala ko na may meeting kayo eh nasa loob ng kwarto ninyo yung mga gamit ko pati pera ko kaya nag hintay nalang ako duon" sabi ko kay tita.

"Hay sige kunin mo na yung gamit mo sa kwarto ko. saan kaba mag papalit? Ayan na ba ang suot mo?" tanong niya ulit sa akin.

"Hindi may dala ho ako damit dito na ho ako mag papalit para ready na ako mamaya" sabi ko sa kanya at saka ako pumunta sa kwarto ni tita para mag palit na ng damit at sinuot ko na ang mga dapat ko pang suotin sa aking katawan pati ang maskara ko.

Habang nag aayos ako ng buhok ko ay may biglang kumatok at binuksan yung pintuan kaya napatingin ako at si tita lang pala.

"May kanta kapala nagawa?" Tanong niya sa akin.

"oo meron ho" sabi ko sa kanya na nakatingin sa suot ko.

"Diba damit yan ni Y?"

"Ah oho bigay po niya sa akin kaya eto na yung sinuot ko ngayon" sabi ko sa kanya.

"Ahhhhh Ganda"

"Ng alin ako po ba hahahha lol joke  lang heheheh" pag bibiro ko kay tita na kanya naman kinatuwa at saka lumabas ng kwarto.

2:28 pm palang kaya mahaba haba pa ang oras hihintayin pa kasi namin yung lahat ng bisita ni tita o mga nag arkila ng bar ni tita kaya mga 5:30 pm pa ata mag uumpisa at least i am ready diba.

isang oras na ang lumipas ng dumating na ang mga katrabaho ko at ang aayos ng kanila mga itsura sabagay may binigay si tita na bagong uniform nila para ngayon.

Hay ang yaman talaga ni tita ay.

4:30 pm ay nag sidatingan na ang mga bisita ni tita kaya si mika at ang iba pa ay abala sa pag assist sa mga bisita kung saan ba sila uupo, kung saan ba gaganapin.

Hanggang ngayon ay wala parin si X mukhang hindi na ata siya dadating so ako lang pala ang kakanta ng bigla mag bukas ang pintuan at inuluwa ng pintuan ang isang nilalang na hapong hapo at parang may humahabol sa kanya kung bakit saya hinahapo syempre hindi ako tumunganga lang no kumuha ako syempre ng tubig at pina inom ko kay x.

"Okay kalang ba?" tanong ko sa kanya habang nainom na siya ng tubig na bigay ko sa kanya.

"Oh" sabi niya sa akin at inabot yung baso na ininuman niya.

"Sa-salamat" hingal na sabi niya sa akin.

"Walang anuman yun. umupo kananga" sabi ko sa kanya at umupo na siya sa kanyang mismong upuan.

dito kasi, kami tatlo ay may sariling upuan kaya walang agawan.

Ibinalik ko na yung baso kung saan ko siya kinuha kanina at bumalik na ako sa aking inuupuan kanina.

Nag prapractice na ako para mamaya ang kakantahin ko kasi yung walang iba ang totoo niyan hindi ko ito tinapon sayang kaya no tas tinuloy ko nalang.

Ilang minuto ang lumipas ng biglang pumasok si tita na nakabihis at sinabi na pumunta na daw kami dalawa sa taas at mag uupisa na daw kaya kinuha ko na yung guitar na hinarem ko kay tita kanina.

Mag guiguitar ako ngayon syempre para gumanda naman yung pag kanta ko no para hindi rin mapahiya si tita.

--------

Nasa taas na ako kinakabahan ako dahil ako yung unang kakanta akala ko talaga si x muna eh sabi ni tita umuna na daw ako dahil kakausapin pa daw niya si x kaya no choice ako hayzzzz.....

"Okay guys bigyan po natin ng masigabong palakpakan po ang una kakanta po si miss z" sabi ni mika so kaylangan ko nang tumaas.

Kaya mo yan sam.....

Umakyat na ako at saka ko inilagay sa balikat ko yung tali ng guitar.

Hala nakalimutan ko na may sugat nga pala ako duon

baka......

baka.......

Manakit wala na eh nag umpisa na yung kanta na binigay ko kay hans kanina.

Kaya nag umpisa na ako kumanta.

Habang nag gugutara ako ay nararamdaman ko yung sakit ng aking balikat.

Ayos lang yan sam sanay kanaman ah sanay kanang masaktan ngayon kapaba susuko.

Hindi ako yung tao nasuko nalang.
.
.
.
.
.
Ng matapos na yung kanta ay sinabi ko sa kanila kung ano title noong kanta.

"Walang iba ayon po yung pangalan ng kanta na ginawa ko po sana po na gustuhan po ninyo" sabi ko sa kanila at nag baw na ako pag kababa ko ng stage ay narinig ko ang mga palakpakan nila.

worth it naman ang lahat.

Agad ko tinanggal yung tali sa aking balikat at tumakbo na ako papunta sa kwarto ni tita dahil hindi ko na kaya sobrang sakit na kasi ng bigla ko mabangga si x kaya napaupo ako sa sahig.

"Sorry" sabi niya sa akin at inabot niya ang kamay niya sa akin.

Hindi dapat niyang makita na naiyak ako umiwas ako ng tingin at saka ko inabot ang kamay ko para tulungan niya ako at saka ako pumasok sa kwarto ni tita at inilock para tignan ang nanakit kong balikat.

--------

Hindi na ako nakapag paalam pa kay tita dahil ayoko naman siya abalahin sa mga kausap niyang bisita kaya umalis nalang ako dahil ang sakit talaga ng balikat ko iniwan ko nalang sa loob ng kwarto ni tita yung guitar niya at nag lagay nalang ako ng note na umuwi na ako at masama ang pakilasa ko kahit iba yung dahilan ko kung bakit ako uuwi agad.

pati 9:34pm na ng gabi baka ako pag sarhan na ng bahay ni jaycob huhuhuhu ayoko naman matulog sa labas ang lamig kaya ngayon.

Hay balak ko paman din sana na pumunta ngayon sa bahay ko para tignan kung ayos paba. kung nauwi kaya si papa sa bahay. kung ayos lang ba siya baka nanakawan na kami hay.......

--------

(Bahay ni jaycob)

Nagulat ako ng naka bantay sa may pintuan si jaycob.

"Saan ka galing? bakit gabi kana umuwi?" Tanong niya sa akin.

"Hay sensya na jaycob hindi ko masasagot yang tanong mo pagod kasi ako pati....." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil inaantok na ako.

"Sige na jaycob bukas mag papaliwanag ako" sabi ko sa kanya at pumunta na ako sa aking kwarto.

Habang nag lalakad ako ay nakahawak ako sa aking balikat, ang sakit kasi eh sobrang sakit parang mamatay na nga ata ako.

OA na kung OA sa ayon ang nararamdaman ko.

To be continue.....

--------------

Vote and Comment

December 15 2017

(Bago mag 2018 tapos ko na dapat to)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top