Chapter-32 (Day-7)
(SAM)
Tanghali na ako nagising, napagod kasi ako kahapon.
Bumaba na ako para mag tooth brush pag katapos ko mag tooth brush ay pumunta na ako sa kusina para tignan kung ano makakain ko.
hmmmm....
Ng makakita na ako ng makakain ko ay nag umpisa na ako kumain nasaan kaya yung mga kasama ko.
Ng matapos na ako kumain ay hinimpil ko na ito .
Pag ikaw naman ay sinuswerte ang rami kong hihimpilin na pinggan. sobrang sipag ay talagang ako pa ang mag hihimpil ng pinag kainan nila he...he... sino nga ba ako isa nga pala akong yaya nila.
Ng matapos na ako sa pag hihimpil ay kinuha ko ang aking inumin sa refrigerator at saka uminom ng may makita ako may nakalagay sa may refrigerator na parang drawing ata na may nakasulat.
Kaya kinuha ko ito at saka ko binalik sa loob ng refrigerator ang lagayan ng tubig ko at saka ko binasa yung naka lagay sa papel.
Ang nakasulat sa papel ay sam kung hinahanap mo kami ay lumabas ka ng bahay tas tumigil ka at mag lakad ka papuntang left tas may makikita kang gate sa left.
Sinunod ko ang nakalagay sa papel at dinala ako sa isang lumang gate binuksan ko ito dahan dahan sobrang alikabok naman.
Pagkabukas ko ay nakita ko ang hagdanan na pababa at makikita mo sa dulo ang isang ilaw.
Tinignan ko ulit yung papel kung may nakasulat pa ba at ang naka sulat lang ay nandito kami.
Kaya bumaba na ako pag kababa ko ay may nakita ako pintuan kaya dahandahan ko ito binuksan ang alikabok naman ay.
Ha-Ha Ha-Hachi ano ba iyan agang aga inaaching na agad ako.
Pumasok na ako sa loob at mapapa wow ka sa dume ng dumi ay.
"Oh sam!" napatingin ako duon sa nag salita at si ian lang pala.
"Oh ian." sabi ko sa kanya.
"Nasaan yung iba?" tanong ko sa kanya.
"Ah nanduon sila sa likod" sabi ni ian saakin.
Ha likod may likod pa ba ito?
"Ha???! May likod ba ito?" nag tatakang tanong ko sa kanya.
"Oo, Ano pala ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin na parang may hinahanap siya.
"Ah gusto ko lang kasi malaman kung nasaan ba kayo, kaya sinundan ko ito nakasulat sa papel kaya dinala ako dito" sabi ko sa kanya na abala parin sa pag hahanap kung ano ang hinahanap niya.
"Ano ba hinahanap mo?" tanong ko sa kanya kaya napatigil siya sa pag hahanap.
"Yung microphone sabi kasi ni jayson nandito daw yung Mic nila kaya hinahanap ko" sabi niya sa akin at nag patuloy ulit siya sa pag hahanap
Ah, paano mo naman mahahanap kung ang dilimdilim naman dito ano yang mata mo ha may ilaw ang galing naman.
Kinuha ko sa aking bulsa yung cell phone ko at binuksan yung flashlight ehem kahit hindi to touch screen at manomano lang ito ay may silbi parin ito. Ng mabuksan ko na yung flashlight ay nag umpisa na din ako mag hanap ng microphone na hinahanap ni ian, kawawa naman kasi yung tao mukhang kanina pa siya nag hahanap.
"Ano ginagawa mo?" narinig ko sabi ni ian sa likod ko.
"Hindi pa ba halata, tinutulungan kita hanapin yung microphone na hinahanap mo" sabi ko sa kanya habang nag hahanap.
Pag minamalas ka nga naman, na lowbat yung cp ko hay nako po.
Binalik ko na sa bulsa ko yung cp ko at kinapa ko nalang nako po ang alikabok naman ay hindi manlang muna nila inimis ito.
"Sawakas nahanap kona!" narinig ko sabi ni ian kaya agad ako tumayo sa aking pag kakagapang ng biglang.
---------------
(IAN)
Habang nag hahanap si sam malapit sa may pintuan, ako naman ay dito sa may sofa. sofa na inamag na paano ko naman nasabi eh sa sobrang alikabok ba.
Abala ako sa pag kapa kahit ang nakakapa ko lang ay alikabok, sa may sofa naman ako nag kapa at pag sinuswerte ka nga naman na hanap ko na din kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na mapasigaw.
Pinuntahan ko na si sam kung saan siya nag hahanap.
Nagulat ako ng makita ko si sam na naka upo sa sahig at hawak ang kanyang balikat.
Agad ko siya nilapitan at tinanong sa kanya kung ano nangyayari sa kanya.
"Sam anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanya.
Ng makita niya ako ay bigla nalang niya inalis ang kamay niya sa kanyang balikat.
"Oh! ian, wala to" sabi niya sa akin at dahandahan tumayo.
"Nakita mo na diba yung microphone?" tumango nalang ako sa tanong niya.
"tayo nang pumunta sa likod" sabi niya sa akin kaya nag umpisa na kami mag lakad papuntang likod.
Ako muna yung unang nag lakad at nasa likod ko naman si sam na hawakhawak ang damit ko hindi kasi niya masyadong kita hindi tulad ko malinaw yung mga mata ko sa mga dilim na katulad nito.
Nasa tapat na kami ng pintuan ng likod kaya dahan dahan ko ito binuksan dahil maingay sa tengga ang tunog nito.
------------
(SAM)
Hindi ko inakala na mananakit ang aking balikat. akala ko talaga magaling na yung balikat ko pero hindi pa pala.
Nasa likod ako ngayon ni ian hindi ko kasi masyado kita yung mga daanan kaya umuna muna siya tas humawak nalang ako sa likod ng damit niya para makasunod ako.
Ng bigla siyang huminto at may binuksan na napakaingay sa tenga kaya tinakpan ko ang aking tengga at aking mata dahil sa
inggay nito langya hindi umubra yung pag tatakip ko ng tenga dahil rinig ko parin ang inggay nito.
Ng wala na ako narinig ay dahandahan ko tinanggal ang aking kamay sa aking tengga at dahandahan ko binuksan ang aking mga mata.
Nagulat ako sa aking nakita.
Ano ito Gubat ha!!! Gubat langya naman oh.
"Oh ian nandiyan kana pala" sabi ni jaycob sa kanya.
"Nakita mo na yung-" hindi na na ituloy ni jaycob ang sasabihin niya dahil pinakita na ni ian yung mic kay jaycob.
"Hindi parin kayo nakakapag umpisa?" tanong ni ian kay jaycob na nakatayo lang at pinag mamasdan ang mala gubat na sinasabi nilang likod.
"Paano ba kami mag uumpisa eh hindi namin alam kung saan muna mag uumpisa mag linis ay" sabi ni nicko.
Hay nako po sabihin lang ninyo tamad kayo.
"Akala ko dito tayo mag prapractice eh paano tayo mag prapractice eh ang kalat ay" pag rwreklamo ni jiro.
Eh!!! ano??? balak ninyo na dito mag practice sa malagubat na lugar langya!, paano kayo mag prapractice niyan kung panay damo ang katabi mo ha!!
Hindi na ako nakapag pigil at nag pakita na ako sa kanila mukha kasi hindi nila ako nakita dahil nga nasa likod ako ni ian diba. Paano ko nasabi na malagubat yung sinasabi nilang likod syempre sumilip.
"Nasaan ang panggupit ng damo ninyo, ang mask at walis pati na din basurahan at pandakot?" sunod sunod na tanong ko sa kanila na parang loading parin yung utak nila ng makita nila ako ano nakakita na ng multo ang pangit ko namang multo.
"Hoy ano ba sinasayang ninyo yung oras eh!!!" pag rereklamo ko sa kanila.
"Nanduon sa bodega" sabi ni jayson sa akin at tinuro yung bodega na sinasabi niya kaya pumunta agad ako duon at hinanap ang lahat ng kaylangan ko except sa mask dahil wala dito.
Inilabas ko na yung mga kaylangang gamitin. Ng mailabas ko na ang lahat ay dinala ko na ito at binigyan ko sila ng tig iisang pang linis.
"Ano gagawin ko dito?" nag tatakang tanong ni jiro sa akin.
"Sige nga!, subukan mo nga kainin yan" sabi ko sa kanya na binigyan naman niya ako ng masamang titig.
Ng mabigyan ko na sila ng tigiisang pang linis ay nag salita na ako.
"May panyo ba kayo?" tanong ko sa kanila.
"Oo" sabay sabay na sagot nila sa akin except kay jiro na naka tingin lang sa akin at kay ranz na abala sa cp.
"Okay edi isuot na ninyo yung mga panyo ninyo at ilagay sa may ilong na parang ganito" sabi ko sa kanila at sabay tingin sa panyo ko na nakalagay sa ilong ko buti nalang at may panyo ako hehehehe.
Ng tapos na sila sa pag lalagay ng panyo sa may ilong nila ay nag salita na ulit ako.
"Kung gusto ninyo mag practice agad ay dapat mag tulungtulungan tayo sa pag lilinis. ayos ba iyon?" tanong ko sa kanila kaya tumango yung iba.
Dahil si jiro at si ranz ganon parin abala sa cp yung isa naman abala sa pag titig sa akin.
Buti nalang at hindi ako kandila kundi kanina pa ako ubos.
Ano ba iyang iniisip ko kaylangan na namin mag umpisa para makapag umpisa na sila mag practice.
"Nicko at ken sa loob kayo kayo ang mag wawalis" sabi ko sa kanila
"Hindi ako maalam mag walis" sabi ni ken sa akin.
"Ano?..... Ikaw nicko maalam kaba?" tanong ko kay ken.
"Oo" sabi ni nicko sa akin
"Ikaw ba sed maalam ka mag walis?" tanong ko kay sed.
Kaysa sagutin niya ako ay tumango nalang siya sa akin.
"Edi kayo ni nicko at ikaw ang mag wawalis sa loob" sabi ko sa kanila at umalis na sila at pumunta sa loob para mag umpisa na. yan nanaman ang ingay ng pintuan ang sakit sa tengga ay.
Hmmmm.... Baka mas lalong tumagal kung kakaunti ang mag wawalis sa loob kung hatiin ko nalang kaya ilan ba kami.
Si nicko, ken, ranz, sed, micko, eightan, ian, jiro, jayson, jaycob at ako pati si zoe.
Saglit nga lang nasaan si zoe????
"Nasaan pala si zoe?" tanong ko sa kanila.
"Wala nag babakasyon sa batanggas" sabi ni jaycob sa akin. Ah may nalalaman pa talagang pag babakasyon paano kung nalaman ni miss A yun tudas siya.
"Jaycob, jayson at micko sa loob din kayo kayo na bahala mag imis ng loob tas kami nalang dito sa labas" sabi ko sa kanila kaya pumasok na sila sa loob yan nanaman ang ingay ng pintuan.
"So yung mga natira dito ay mag gugupit o mag tatanggal ng halaman okay ba iyon?" tanong ko sa kanila, Parang hindi nila ako narinig ah.
Mukhang pahirapan ako dito ah.
Lumapit ako kay ranz na abala sa cell phone niya kaya kinuha ko ito at inilagay sa bulsa ko.
"Ano ba ha!" pag rereklamo niya sa akin.
"Kung gusto mong ibalik ko pa sayo na maayos pa yung cp mo kaylangan mo muna mag linis okay ba iyon" nakangiting sabi ko sa kanya.
Lumapit naman ako kay jiro na nakatingin parin sa akin.
"Alam mo yung pag tingin mo wala yan magagawa kung nag uumpisa ka nang mag linis baka may matatapos kana" sabi ko sa kanya.
"Tsk.... Dapat ikaw lang nag lilinis niya ikaw yung yaya ah kaya dapat ikaw ang gagawa hindi kami" sabi niya sa akin at umalis na.
Ayan nanama yung ingay ng pintuaan.
Tsk kala mo kung sino.
"Magumpisa na nga tayo mag gupit" sabi ko sa kanila.
"Oh tignan mo bakit si jiro hindi na tumulong bakit ako" pag rereklamo ni ranz sa akin.
"Alam mo makakabuti ito sa kalusugan mo hindi yang naka upo ka lang sa isang sulok at nag cecell phone mag hapon subukan mo naman ang gumalaw at mag linis" sabi ko sa kanya at nag umpisa na ako mag gupit ng damo.
----------------
(NICKO)
Hindi daw maalam mag walis dahilan niya ang galing mag dahilan ay.
Nasa loob na kami at mapapa wow nalang ako dahil ang dumi atang dilim. Bakit pa kasi dito na isipan mag practice ni jaycob.
Flash back
Nagising ako dahil sa inggay o sabihin na natin ang inggay ni jaycob.
Agang aga ay ang bunganga langya ay.
"Ano ba gumising na kayo!!" ayan nanaman ang bunganga niya.
inaantok pa ako eh.
Ano oras na baga.
Kinuha ko sa aking bulsa ang cell phone ko at tinignan kung ano oras na 5:43 am putek naman agang aga ay.
"Ano ba problema mo?" tanong ni ken sa kanya.
"Abay mag prapractice tayo" nagulat ako sa sinabi niya.
"Ano! agang aga naman niya mga 50 minutes pa" sabi ni ken sa kanya.
"Ano maaga sige kayo pag hindi kayo bumangon wala kayong kakainin umagahan" pananakot niya sa amin.
"Okay lang nandiyan naman si sed eh. diba sed ikaw ang mag luluto" sabi ko at tumingin sa higaan ni sed.
"Ehhhh???? Nasaan si sed???" pagtataka ko.
"Nasa baba na at nakain na" sabi ni jaycob saakin.
Langya yon ah.
No choice ako kundi ang bumangon na sa pag kakahiga, alam ko ang ugali ni sed kaya alam ko na duon siya sa tama kakampe.
Sino paba ang tama edi si jaycob at kami ang mali.
"Tignan mo babangon din naman pala eh. Gisingin mo na yang dalawa" utos ni jaycob sa akin at saka siya umalis.
"Hay!!! ina antok pa ako eh"
"Oy gising na!" sabi ko sa dalawang kumag na ang sarap sa pag tulog akala ko ba gising na to si ken mukhang nag tutulogtulugan pa ay.
"Oy gising na!" sabi ko at inuga silang dalawa.
"Oo na!! oo na !!! eto na oh!" galit na sabi ni ken sa akin at lumabas na siya.
"Oy ! ranz gising na!!" sabi ko sa kanya at inuga uga pa siya may nalalaman pang pag taklob ng kumot kaya tinanggal ko ito.
"Ay putek ka naman ranz pambihira na ay. kanina pa ako nag sasalita dito na gumising ka na at gising ka na pala hindi ka man lang umiikim na gisng kana" pagrereklamo ko sa kanya.
"Oo na ang inggay mo eto na babangon na" sabi niya sa akin at lumabas na.
Makapunta na nga sa kusina para kumain gutom na ako eh.
-----------
Nasa baba na ako at kumakain kasama ko yung tatlong kumag at saka naman bumaba yung anim.
Sino paba edi si jaycob, jayson , ian, micko eightan at jiro.
"Bat mo ba kasi kami ginising ng maaga" sabi ni micko kay jaycob na naka upo na sa upuan.
"Saan ba tayo mag prapractice?" tanong ni ian kay jaycob.
"Basta" sagot naman niya kay ian.
"Malayo ba?" tanong ulit ni ian.
"Basta!. kumain na nga kayo hindi yan tanong kayo ng tanong!" Galit na sabi ni jaycob sa amin.
----------------
Pagkatapos namin kumain ay pinag bihis kami ni jaycob at may pupuntahan kami.
Ng bihis na kami lahat ay bumaba na kami at pinuntaha si jaycob.
Sabi niya ay sumunod na lang kami sa kanya kaya sumunod kami ng bigla naman siya tumigil kaya tumigil din kami sa paglalakad.
Nag taka kami kung bakit siya tumigil sa tapat ng lumang gate na malapit lang sa bahay nila na ikinagulat ni ian.
Parang alam ko na eto eto ba yung sinasabi niyang practice room ha!!!!
Pagkapasok namin ay parang horror house ang dating ay!, sobrang dilim tas ang alikabok, tas sunod lang kami ng sunod kay jaycob ng tumigil nanaman siya kaya tumigil nanaman kami at may binuksan siyang isang gate na napaka inggay na sobrang sakit sa tengga.
"Oh diyan sa loob tayo mag prapractice kompleto ang gamit ko masyado lang maalikabok matagal ko na kasi hindi nagagamit" halata.
Pumasok kami sa loob at malagubat ang itsura Kanyang kanya hanap kami ng mga instrument na gagamitin namin except kay jiro at kay ranz na maarte at ayaw madumihan ang mga kamay nila.
tas si ian naman hindi niya makita yung mic na gagamitin niya. sabi naman daw ni jaycob ay nasa loob daw kaya pumasok ulit si jaycob sa loob kaya ayan nanaman yung tunog na masakit sa tenga.
END OF THE FLASH BACK
So ayon nga ang nangyari kanina.
-------------
(SAM)
Pagkatapos namin mag linis este ako ng matapos na ako mag linis dejoke lang tumulong din naman sila except kay jiro na naka upo lang sa isa sa mga upuan na nakalagay dito sa malagubat na lugar kanina ngayon ay isa nang magandang lugar. Ha ano daw?????
Hahahah hindi magandang lugar kundi open practice room.
Kanina ko lang yun nalaman kay jaycob ng matapos na sila at makita nila na tapos na kami.
Open practice room bakit yun ang tinawag dahil walang bubong pati may halaman na nakalagay sa gilid kaso nga lang nalanta na sayang nga eh.
-------------
Halos limang oras kami natapos sa pag lilinis kapagod, hindi pa nga kami kumakain ng tanghalian.
Kaya bumalik na kami sa loob para tulungan si jaycob hindi pala yung iba dahil suko na dahil pagod na daw daw ha! kaya nag pahinga nalang sila sa taas at kami nalang ni jaycob, jayson at ako ang nasa kusina para mag luto. kahit pa ako pagod eh kaylangan ko tumulong hindi kasi ako bisita dito kaya nakakahiya naman diba.
----------
Pagkatapos mag luto ay pumunta na ako sa taas para tawagin sila na kakain na.
Habang nakain kami ay walang imikan mukhang mag kakagalit parin yung iba kasi may issue kasi sila bakit ganon sila.
Habang abala ako sa pagkain ay hindi ko napansin ang oras 3:57 pm na.
Hala ko po!!!!! Nag madali ako kumain baka kasi maunahan nanaman ako ni ate Y eh.
"Uy sam hinayhinay" Rinig ko sabi ni ian sa akin pero hindi ko siya pinansin at nag patuloy lang ako sa pagkain ng mabilis.
Waaaaaa baka maunahan ako lagot ako nito.
"Eh!!-ehem!!!!!!"
"Yan katakawan kasi nabulunan" sabi ni nicko sa akin.
"Bakit kasi nag mamadali eh" sabi naman ni ian sa akin at binigyan niya ako ng tubig.
"Hay salamat" sabi ko sa kanya at umalis na ako para pumunta sa taas para mag palit na ng damit.
----------
(BAR)
Hapong hapo ako paano naman kasi trapic duon sa may school ko kaya tinakbo ko nalang papunta dito.
"Oh sam hapong hapo ka ata" napatingin ako duon sa nag salita at si tita lang pala.
"Ha???? Nandiyan na ba si ate y" kaysa sagutin ko ang tanong ni tita ay tinanong ko nalang kung nandito na ba si ate y.
"Wala pa" sabi niya sa akin kaya agad ako pumasok sa loob ng kwarto ni tita para mag palit na ng damit.
Ilang oras ako nag hintay sa pag dating ni ate Y marami na din ang costumer namin kaya ilang minuto nalang ay mag uumpisa na ako kumanta.
Ate Y where na you ba huhuhuhu.
"Z taas kana" napatingin ako duon sa nag salita at si hanz lang pala.
Kaya tumaas na ako mukhang hindi pupunta si ate Y ah.
---------
Pag katapos ko kumantaay nag palit na ako ng damit hanggang ngayon ay wala parin si ate Y nag paalam na ako kay tita na uuwi na ako ng may ibigay siya sa akin na papel, kaya binasa ko kung ano nakasulat sa papel.
Ehhhhhh!!!!!! si Ate Y.
Meet me at sm sa may Mcdo tomorrow at 10:30 am I give tita a cup and a black Sun glasses Suotin mo bukas okay ba!, kunin mo nalang kay tita see you tomorrow.
Ommmgggggg whaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!
"Tita nasaan yung cup at Sun Glasses po?" tanong ko kay tita.
"oh. Siguraduhin mo lang na hindi ka niya makikilala" Nagulat ako sa sinabi ni tita paano niya alam??? Ah........ alam ko na....Binasa niya siguro yung sulat na binigay sa akin ni ate y.
------------
Masaya ako umuwi hehehhehe excited na kasi ako bukas gusto ko na makita si ate y
Papunta na ako sa may hagdanan ng bigla ko makasalubong si eightan.
Nag taka ako kung bakit nakatingin siya sa akin, May maskara pa ba ako suot o may dumi lang sa mukha ko?
Hinawakan ko ang mukha ko para malaman kung may maskara pa ba akong suot o may dumi ba sa aking mukha.
Wala naman ah.
Nag lakad nalang ako at hindi nalang siya pinansin. Ng nasa may hagdanan na ako ay naka tingin parin sa akin si eightan.
Ang creepy naman noong tao yun.
Nag madali akong pumunta sa aking kwarto ng bigla manakit ang aking balikat.
Ayan nanaman yung sakit kainis bat nanakit to Akala ko ba nagamot ko na ito kanina.
Pumasok nalang ako sa aking kwarto para tignan kung ano nangyayari sa aking balikat.
Nagulat ako ng makita ko ang aking balikat. Bakit naging ganito ito????
To be continue.....
-------------
Vote and Comment
November 17 17
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top