Chapter-30 (Day-5)
(Sam)
Nagising ako na yapos yapos ko pala ang bigay ni ate Y na rigalo sa akin. Mukhang gustong gusto ko ito ah. Tumayo na ako at sinuot na ang salamin ko saka tinignan kung ano oras na 6:00am ang aga ko pala nagising ah.
Bumaba na ako para mag cr.
Mukhang ako ang unang gumising ah parang masarap mag kape. Pag katapos ko mag cr ay nag timpla ako ng kape at lumabas para tignan ang ulap. Umupo ako sa isa sa mga upuan na nakalagay sa may terris nila at pinag patuloy ko lang ang panunuod sa mga ulap.
Nasaan kaya siya.........
"UY SAM!'
"AYKALABAW"
"Ha?"
"Wag ka nga manggugulat buti at hindi ko natapon tong iniinom kong kape kundi" pagrereklamo ko kay miko
"Sensya naman" sabi ni miko sa akin at umupo sa tabi ko.
"Ang aga mo naman gumising. Ikaw ba ang mag luluto?" tanong ko sa kanya.
"Hindi no hindi nga ako maalam mag luto eh" pagtatanggi niya sa akin.
"ikaw!? hindi ka maalam magluto eh ang takaw mo kaya" hala mukhang nagalit siya sa sinabi ko ah paano ko nasabi ang sama kasi ng tinggin niya sa akin.
"Hindi ka naman mabiro" nakangiting ewan ang mukha ko ng sabihin ko sa kanya.
"Tsk.. Yang sinabi mo biro lang!, hindi halata" nakasimangot na sabi niya sa akin.
Iniba ko na ang usapan dilikado ako dito barkada ito ni hipon baka kaugali rin ni hipon ang totoo niyan hindi ko siya close kahapon ko lamang siya nakausap.
"Gusto mo ba ng kape?" tanong ko sa kanya.
Tumingin muna siya sa akin ng masama at saka siya nag salita.
"Sige" may nalalaman pang pag tingin sa akin ng masama sasangayon rin naman pala siya.
Iniwanan ko sa upuan ko ang kape ko saka ako pumasok sa loob at saka nag timpla ng kape.
Ng ayos na ay lumabas na ako at ibinigay kay miko ang kape niya.
"Masarap ba ito? Anong kape ito? Saan mo naman nakuha ito" abat hinay hinay naman iisa lang ako no.
"HA....HA...HA... Kung ayaw mo itapon mo nalang" sabi ko sa kanya at kinuha ko na yung kape ko sa aking upuan at saka umupo.
"Sayang" tignan mo nanghihinayang din pala ang isang to.
"Wala bang tinapay" abat matakaw nga ang isang ito, nahingi pa ng tinapay ay.
"Titignan ko sa kusina kung meron ba" sabi ko sa kanya kaya inilagay ko ulit sa aking upuan yung kape ko at saka pumunta sa kusina para tignan kung may tinapay ba.
Pag sinuswerte ka nga naman oh ang raming tinapay makakuha ng marami hehehe mukhang natatakam kasi ako.
Inilagay ko sa pinggan yung mga tinapay at saka lumabas.
"Oh hati tayo ha" sabi ko sa kanya at inabot sa kanya ang pinggan na may laman na tinapay.
Kinuha ko na yung kape sa upuan ko at saka umupo.
"Penge ako" sabi ko sa kanya kukuha na sana ako sa pinggan ng tinapay ng bigla niya ilayo kaya hindi ako nakakuha.
"Tsk napakatakaw ay" pabulong na sabi ko na mukhang narinig niya.
"Hindi ka naman mabiro. hindi ko kaya ubusin to no" sabi niya sa akin at inabot yung pinggan kaya kumuha na ako ng tinapay at saka sinawsaw sa kape.
"Ano yang ginagawa mo?" Nakanganga na ako at aakma na susubuin ko na sana yung tinapay ko ng bigla naman siya nag salita kaya hindi ko na nasubo yung tinapay na naka sawsaw sa kape.
"Kumakain" sagot ko sa kanya at tinuloy ko na ang pagsubo ko ng tinapay sa aking bunganga omg ang sarap, na miss ko ito ah.
hehehe sinawsaw ko ulit yung tinapay ko sa kape at susubuin ko na sana ng bigla nanamaan siya mag salita.
"Masarap ba?" tanong niya sa akin.
"OO" sabi ko sakanya at sinubo na ang tinapay na may kape.
Kumuha ulit ako ng tinapay sa pinggan at isinawsaw ulit sa kape naka ilang tinapay na ako ay nakatingin parin sa akin si miko na parang nag tataka na ewan.
"Kung ayaw mo ng tinapay akin nalang ha" sabi ko sa kanya at kinuha sa kanya yung pinggan na may lamang tinapay.
"Masarap ba yan?"
''Alam mo tuwing susubo nalang ako ng tinapay lagi mo nalang tinatanong yan. Bakit ayaw mong subukan na isawsaw yung tinapay sa kape tas kainin mo" sabi ko sa kanya at sumubo ulit ako ng tinapay.
Ay putek ang isang ito ah nakatingin parin sa akin ayaw kasi subukan para malaman niya kung masarap ba o hindi.
Kumuha ako ng tinapay at isinawsaw ko sa aking kape at pinanganga ko si miko.
"Nganga " sabi ko sa kanya.
"Ha? Bakit"
"Ano ba yan rami pang tanong ngumanga kana ngalang" sabi ko sa kanya kaya ngumanga naman siya.
"Nganga rin naman pala eh aarte pa kasi" pabulong na sabi ko akala ko maririnig niya ako, isang subo lamang niya yung tinapay na binigay ko sa kanya ay samantala ako dalawang subo, sabagay nilalasahan ko pa bat ganon hehehehehe.
"Ano masarap ba?" tanong ko sa kanya.
"Ahm okay lang" ha? okay !eh nakakailang tinapak ka na nga eh, Kung hindi pa kita susubuan baka hanggang ngayon nakatingin ka lamang sa akin.
Habang abala kami sa pag ubos ng tinapay ay nag salita ako. boring kasi eh hehehehe.
"First time mo ba kumain nito?" tanong ko sa kanya.
"Ahm oo yung pag sawsaw ng tinapay sa kape" sabi niya sa akin.
"Saan mo naman napag aralan na kumain nito?" Nag taka ako sa taanong niya. Pinag aralaan.
"Pinag aaralan ba ninyo kung paano kumain? O kung ano ang kakainin ninyo?" Nag tatakang tanong ko sa kanya.
"Ah oo. Bakit hindi mo ba ito pinag aralan sa school ninyo?"
"Pfttttt hahahhahahha...." hindi ko napigilan ang sarili ko na tumawa. Hindi ko alam kung bakit ba ako tumatawa.
"Bakit may nakakataawa ba duon sa sinabi ko?" tanong niya sa akin umiling lang ako sa kanya at tumahan na ako sa pag kakatawa.
"Hindi ko iyan na pag aralan o natutunaan sa school no. Sa mga magulang ko yan natutunan noong bata pa ako" sabi ko sa kanya.
"Ah" matipid na sabi niya sakin. Tumigil na ako sa pagkain habang siya naman ay deretsyo parin sa pagkain ng tinapay.
Hindi ko na malayan na 7:12 am na pala ang bilis ng oras ah tinignan ko kasi sa cell phone kung ano oras na.
Kaya pumasok na ako sa loob na hindi manlang nag papaalam kay matakaw paano naman kasi abala sa pagkain niya kaya hindi niya ako suguradong napansin na umalis dahil abala siya sa pag lamon.
Pumunta ako sa kusina para himpilin ang baso ginamit ko
Nagulat ako ng nasa kusina pala si Jayson.
"Oh jayson ano ginagaw mo dito?" tanong ko sa kanya at saka ako pumunta sa lababo para mag himpil.
"Na tae" pilosopong sabi niya sa akin.
"HE..........HE" sabi ko sa kanya ng matapos ako mag himpil ng baso ay aalis na sana ako ng may maalala ako.
"Salamat pala duon sa pagkain na binigay mo sa akin kahapon" sabi ko sa kanya at saka ako umalis at umakyat sa taas.
------------------------
(TANGHALI)
Nasa lamesa na kaming lahat syempre gumawa ako ng paraan para makaupo ako.
Kinuha ko muna yung upuan na nakalagay sa loob ng kwarto ko. Heheheheh.
Buti nga at nabuhat ko ito at hindi sumakit ang balikat ko.
Nagdasal muna ako bago kumain, ng matapos na ako sa pagdadasal ay kumain na ako hehehehe sarap ng pagkain eh hindi kasi ako kumain kanina nabusog kasi ako duon sa tinapay at kape eh.
Habang nakain ako ay napansin ko ang mga mukha nila na parang hindi ma ipinta pinobroblema ba nila yung sa kanta ba, mukhang wala pa sila nagagawa ah.
Makakain na ngalang at sayang naman tong niluto ni jaycob para sa amin.
Habang nakain ako ay bigla nalang tumayo si jiro at umalis ni hindi man lang niya nagalaw yung pagkain niya sunod naman umalis ay si ranz na isa ring hindi ginalaw ang kanyang pagkain at abala sa cellphone niya sunod naman umalis ay si ian na nakakapit sa braso niya si zoe parang puno si ian tas si zoe naman yung unggoy pftt hahhaha buti pa siya kahit konti ay kumain si ian samantala si zoe mas abala sa pagkapit habang sa pagkain naman niya ay ni hindi nga ata niya nakita.
Ilang minuto ang lumipas ay isa isa na sila umalis at kami nalang ni miko ang naiwan. si miko na abalang abala sa pagkain ang takaw talaga ng isang to pero hindi naman nataba ano kaya sekreto nito at hindi man lang nataba hahaha parang hindi ako.
Ng kami na lang ang tao at wala na yung iba ay nag tanong ako kay miko kung ano meroon sa kanila.
"Malay ko kahapon pa nga silang ganan eh hindi ko alam kung ano ang mga pinoproblema nila" sabi niya at saka siya nag patuloy sa kanyang kinakain.
Ng matapos na kami kumain ni miko ay hinimpil ko na ang mga pinggan. yung naman sa mga natira pagkain ay inilagay ko sa plastic at inilagay sa may sulok may pagbibigyan kasi ako nito eh hehehehe.
-----------------
(BAR)
2:35pm ay nasa bar na ako ni tita.
Maaga ako pumunta sa bar ni tita para mag palit agad baka kasi makita ako ni ate Y. Habang nag hihintay ako dito sa kwarto ni tita na dumating si ate Y at naghihintay na mag 5:00pm na dahil yun ang oras ko para kumanta ako. Habang nag hihintay ako ay nag isip ako ng kanta para sa dalawang banda mukha kasi hindi sila matatapos ng maaga paano ko ba nasabi na matatapos sila eh ni wala panga sila nasisimulang na kanta nalaman ko lang kay miko kanina tinanong ko kasi sa kanya kung tapos na ba sila gumawa ng kanta eh ni hindi pa nga daw sila nakakapag umpisa.
"WAAAAAAH!!!!" Na inis na ako ha. bakit hindi ako makapag gawa ng maayos, Nasaan ba yung unang kanta na ginawa ko para sa kanila. May ginawa na kasi ako kaso hindi ko binigay dahil sabi ni zoe pangit daw .
"HMMMMMMM................." sulat sa papel, pilas, tapon ano ba iyan paulit ulit nalang ay hindi ba ako makakapag gawa ng maayos.
"WAAAAAAhhhhh!!!!" sigaw ko ulit.
"Oh what is your problem?" napatingin ako duon sa maypinto kung saan may nag salita at si ate Y lang pala kaya napangiti ako at lumapit sa kanya at saka siya niyapos. bumitaw na ako sa pagkakayapos at sinagot ko ang tanong niya.
"Hay nako ate kaylangan ko kasi gumawa ng kanta" sabi ko sa kanya at bumalik na ako sa aking upuan kanina.
"HA! What?! you have a problem with the song. No way are you z?" gulat na gulat na sabi ni ate Y sa akin.
"Oo....Bat parang gulat na gulat ka?" tanong ko sa kanya.
"Paano naman ako hindi magugulat eh ikaw nahihirapan gumawa ng kanta ikaw!! Z hindi mo ba tanda dati gumagawa ka ng kanta at pinakita mo yun sa akin nagulat pa nga ako dahil ang galing mo gumawa parang walang... wala lang sayo ang gumawa ng kanta ah!, ano nang nangyari sa yo Z?" Pag tataka tanong ni ate Y sa akin.
"Hindi ko kasi alam kung magugustuhan ba nila yung ginawa kong kanta para sa kanila." sabi ko sa kanya.
"Parang hindi ikaw yan Z" sabi niya na aking pinag taka.
"Ha?" sabi ko sa kanya.
"Alam mo dati wala kang paki sa iba kung gusto ba nila yung gawa mo o hindi ang alam mo lang ay ang mapasaya ng tao gamit ang ginawa mong kanta at ang pagkanta mo" sabi niya sa akin.
Iba na kasi ngayon ate Y hindi mo alam kung ano na ang...............
"Basta Z maging ikaw yan alam ko na may nag sabi sayo masama tungkol sa kanta mo o may nag bago sayo noong nawala ako. Wag mong hayaan na itago yang nararamdaman mo ilabas mo lang iyan, alam ko na may naiisip ka ayaw mo lang ito ilabas dahil takot ka sa mga maaring sabihin nila sa ginawang mong kanta. Just be your self and do not mind the others." sabi niya sa akin at niyapos niya ako.
"Maraming salamat sa tulong ate Y" sabi ko sakanya at saka siya bumitay sa pakakayapos sa akin.
"Sige ccr lang ako" sabi niya kaya tumango ako at lumabas na siya.
Pinag patuloy ko na ang pag gagawa.
hmmmmm.......
Tama nga si ate Y maging ako kung sino ako at wag na wag ko papansinin ang mga tao nasapaligid ko na kung ano ano sinasabi tungkol sa gawa ko o sa akin.
Habang abala ako sa pag gagawa ng kanta ay narinig ko nag bukas ang pinto kaya nag salita ako.
"Ate Y salamat ulit" sabi ko sa kanya at tumingin ako sa kanya. nagulat naman ako na hindi naman pala si ate Y ang pumasok at si X lang pala.
"Hehehehhe sensya kala ko kasi ikaw si ate Y" sabi ko sa kanya na kanyang ikinagulat.
"Ayos lang" sabi niya kaya bumalik na ako sa pag gagawa ng kanta.
Habang nag gagawa ako ng kanta ay napaisip ako bakit kaya kompleto kami? hindi kasi kami kompleto kung wala naman okasyon ano kaya okasyon ni tita ngayon.
Ilang minuto ang lumipas ng bigla pumasok si ate Y at tawag daw ako ni tita kaya lumabas ako at lumapit kay tita na nasa paburito niyang ipuan.
"Bakit tita?' tanong ko sa kanya.
"Mukha napansin mo naman na magkakasama kayo ngayong araw" sabi niya sa akin.
"Opo. Ano po meron?" Tanong ko sa kanya.
"Napag isipan ko kasi na hindi pa ninyo close ang isa't isa eh magandang bagay na makilala ninyo ang isa't isa pero wag na wag mong ipapakita kung sino ka sa kanila" sabi niya sa akin. Ng wala na siya sasabihin ay aalis na sana ako ng bigla niya ako tawagin.
"Z may ipapasuyo sana ako sayo" sabi niya sa akin kay lumapit ulit ako sa kanya.
"Ano ho iyon?" tanong ko sa kanya.
"Kung oks lang sayo pwede kaba gumawa ng bago mong kanta?" Ha!? kanta?bago?
"Bakit naman po?" tanong ko sa kanya.
"Nag request kasi ang isa nating costumer eh siya yung may ari ng pabrika. Eh dito balak niya sa bar ko na mag acquaintance party eh sa july 2 daw eh ni request ka niya sa araw na iyon kung pwede ka daw kumanta syempre iba yung sweldo mo sa akin at yung ibibigay niya para sayo. Kaya kung gusto mo lang naman gumawa ka ng bagong kanta para duon sa araw na iyon" sabi ni tita sa akin.
"Mag tratrabaho po ba sinda mika duon sa araw na iyon tita?" tanong ko sa kanya.
"Yup"
"Eh si ate Y po ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi daw siya pwede sa araw na iyon. eh si X daw wala naman daw gagawin sa araw na iyon kaya makakapunta siya kahit hindi nirequest siya, eh ako naman ang mag papasweldo sa kanya" sabi niya sa akin. Sayang naman kung tatanggihan ko pati nakakahiya kay tita.
"Sige tita ano po ba oras?" tanong ko sa kanya.
"6:00 pm. Oo nga pala makakalimutan ko pa new out fit na susutin mo sa araw na iyon" nagulat ako sa sinabi ni tita.
"HO?!" bago damit dapat ang susuutin ko. eh tatatlo lang yung long sleeve na dress ko na hindi lagpas tuhod tas mag kakatulad pa, yun kasi ang binigay sa akin ni tita eh.
"Syempre ikaw ang bibili o kaya kung meron ka pwede yun nalang ang suutin mo basta dress" sabi niya sa akin at pina alis na niya ako.
Hala wala naman ako ibang long sleeve na dress na damit hindi kasi ako nag dredress pero pantalon lang ang mga suot ko tas t- shirt pati joging pant wala naman ako short na pangalis, wala rin naman ako pambili ng bago dress hay nako po.......
-----------------
Sa aming tatlo ako yung
Huling umuwi at huling kumain kinda tita, yun kasi ang sabi ni tita mamaya pa daw ako umuwi eh naka uwi na si ate Y at si x ako nalang ang naiwan at yung iba pang nag tratrabaho dito sa bar ni tita ay nakauwi na.
Ng nakapag palit na ako ng damit ay nag paalam na ako kay tita na uuwi na ako at saka ako umalis bago ako umuwi ay pumunta muna ako duon sa may sulok ng bar ni tita na panay mga aso mga galang aso na kasi sila lagi ko sila binibigyan ng pagkain na galing sa bahay ni jaycob na mga tira nila at pinapakain sa mga galang aso katulad ngayon siguradong busog na busog sila ang rami kasi natirang pagkain eh noong sabado ko lang sila nakita na pagalagala dito kaya na isipan ko na pakainin sila gamit yung mga tiratirang pagkain nila jaycob.
----------
(BAHAY NI JAYCOB)
Bago ako matulog ay kailangan ko munang matapos ang unang kanta na ginawa ko para sa kanila tas bukas nalang yung pangalawang kanta sana magustuhan nila itong kanta na ginawa ko para sa kanila.
To be continue.......
-----------
Vote and Comment😊
November 6 2017
Hi! Boring na ba yung story ko?
PAALALA:
SORRY KUNG MAY MALING SPELLING O MALING TYPE AKO I EEDIT KO NALANG PAG NATAPOS KO NA ANG STORY.
NO TO COPY WRITING!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top