Chapter-29 (Day-4)
(SAM)
"Uy! guys ang seseryoso naman natin ah ano meron?" sabi ko sa kanila na bigla naman ang sasama ng tingin sa akin.
Eh ano meron.
"Hehhehe may nasabi ba ako masama?" tanong ko sa kanila hindi sila nag salita kaya nag salita nalang ako.
"May ipapautos ba kayo?" tanong ko sa kanila pero wala naman sumasagot ng bigla naman sumigaw si jiro.
"Ano ba ang ingay mo kung pwede umalis ka na muna okay ba!. ken ibaba mo nga siya pang pagulo naman ay!!!" galit na galit na sabi niya sa akin.
wow raming sinabi ay eto na baba na ako ng kusa hindi na kaylangan ng kasama tsk.
Pababa na ako ng bigla may mag salita.
"Hahhaha sensyahin mo na yun paano naman kasi ganon siya eh wala pa kami nagagawang kanta" sabi ni ken sa akin kaya nagulat ako.
"Eh??! eh 12 days nalang ah paano yon?" tanong ko sa kanya at niyaya niya ako sa labas para mag pahangin kaya lumabas kami at umupo malapit sa may puno.
"Bakit hindi pa kayo nakakapag gawa?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko rin alam para sa akin ha mukhang hindi kami nag kakaayos sa isang bagay" sabi niya at tumingin sa may puno.
"Oh wag kang ganan" sabi ko sa kanya na kanya naman pinag taka.
"Ha ano???" tanong niya sa akin.
"Sabi ko wag kang sumimangot parang hindi ka ganan eh" sabi ko sa kanya.
"Paano mo naman na sabi na hindi ako ganito?" nag tatakang tanong niya sa akin.
"Hmmm... paano ko ba sasabihin. Kung paano ka araw araw na nakangiti" sabi ko sa kanya.
"Satingin mo ba na totoo ang mga ngiti na ipinapakita ko?" walang emotion na sabi niya sa akin.
"Malay... ewan..." sabi ko sa kanya.
"Oh kita mo ni hindi mo nga alam kung totoo nga ba yung mga ngiti na ipinapakita ko sa inyo" sabi niya at humiga sa may damuhan.
"Pero aminin mo na pag minsan yung ngiti na ipinapakita mo ay totoo diba" sabi ko sa kanya na parang wala parin siyang emotion.
"Diba ikaw alam mo sa iyong sarili kung masaya ka o malungkot diba, kaya wag na wag ka mag sisinungaling sa iyong sarili dahil yang sarili o ang iyong nararamdam mong iyan ay dapat mong ingatan. Hhehehehe lol ang hina ko talaga sa mga ganitong bagay" sabi ko sa kanya.
"Pwede ba mag tanong?" seryosong sabi niya sa akin habang nakatingin sa may puno.
"Sige ano ba iyo?"
"Ano magiging reaction mo pag may iniwan kang bagay tas kaylangan mo talaga iwanan" nagulat naman ako sa tanong niya grabe ah.
"Hmmmmm.... reaction ko sabihin na natin nasa tao yon kung ano gusto niyang ipakitang emotion. Alam mo kung may gusto kang ipakita wag kang matakot kung may gumugulo sa isip mo. Gawin o isipin mo nalang kung ano ang tama" sabi ko sa kanya na seryoso parin ang mukha niya.
"Saglit nga lang bat sa akin kaba nag tatanong ng mga ganan, alam mo na mahina ako sa mga ganang bagay eh" sabi ko sa kanya.
"Gusto ko lang kasi ng may masasabihan ng problema. mukhang nakita mo na kasi yung aking problema kaya nag tanong na ako sayo" ano nakita ang problema ang napansin ko lang naman na malungkot siya ah.
"Kung hindi pa sapat sayo ang mga sagot na tinanong mo sa akin bat ayaw mo kinda nicko mag tanong mukhang marami iyon masasagot sa mga tanong mo" sabi ko sa kanya.
"Pati kung isa pala sa mga barkada mo ang pinuproblema mo ay kaylangan mo silang kausapin dahil yang nararamdaman mo, hindi yan mawawala hangat hindi mo sinasabi sa kanila" sabi ko sa kanya na nakatingin ako sa may gate.
"OY!!!! KAYO DALAWA KAKAIN NA!" napatingin kami duon sa sumigaw at si ian lang pala.
"SUSUNOD NA KAMI!" sigaw ko sa kanya.
Tumayo na si ken sa kanyang pag kakahiga
"Pupunta na ako duon ikaw ba?" tanong niya sa akin na nakatalikod siya sa akin.
"Susunod nalang ako"sabi ko sa kanya kaya umalis na siya.
Ilang oras ang aking sinayang dito sa may puno para humiga at matulala ng bigla ko nalang na isip na mag dilig baka kasi wala nag didilig ng mga halaman sa may garden pati itong puno mukhang matagal na ito at sayang naman kung bigla nalang mamatay dahil na uuhaw na.
Tumayo na ako at pumunta sa may garden ng magulat ako dahil nanduon pala si jayson at nag didilig siya.
"Aba aba ano nakain natina ah" kaya nagulat siya ng bigla ako mag salita hindi lang niya pinahalata.
"Oh nerd" sabi niya sa akin.
"Kanina kapa ba nag didilig?" tanong ko sa kanya.
"Babago lang"
"Ah pwede ako na mag tuloy?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumasagot at nakatingin lang siya sa kanyang dinidiligan.
ilang minuto ang lumipas at saka siya sumagot.
"Sige" sabi niya at pinatay na ang gripo at saka umalis.
Hay makakapag dilig na ulit ako ang tagal ko na din hindi nag didilig pamula noong bata pa ba ako yung last na pagdidilig ko sa mga halaman ni mama tas yung kahapon binasa ko lang naman ng kaunti yung mga halaman na nag 50/50 na.
"Ang saya mo ata ah! pag nag didilig ka ah" napatingin ako sa nag salita at si miko lang pala.
"Bakit hindi ka kumain ng tanghalian dahil ba diyan?" tanong niya sa akin.
"Hindi no wala lang talaga ako sa mood para kumain kanina" sabi ko sa kanya.
"ah!" yun lang ang narinig kong sabi niya sa akin.
ilan minuto ang katahimikan ng biglang
"Uy! jayson ano ginagawa mo dito akin ba yan" napatingin ako sa kanila na parang may pinag kakaguluhan sila.
"Ah.....eh.... balak ko kasi dito kumain"
"Eh?! kala koba kumain kana kanina" sabi ni miko sa kanya.
Hala mukhang masarap yung mga daladalang pagkain ni jayson na nasa may tray omg nagugutom ako.
"kru.....kru......." Hala nako po.
"Pwft hahahahhaha ano ba iyan sam" hirit ng tawa si miko dahil sa pag kurokrok ng tiyan ko na nagugutom na.
Nakakainis bat kasi ang ingay ng tiyan ko buti at hindi tumawa si jayson si miko lang tala tsk maka balik na nga lang sa pag didilig at pag katapos nito ay kakain na ako.
"Itigil mo nga muna yan at kumain ka na dito alam ko na kanina kapang umaga hindi nakain" napatingin ako duon sa nag salita.
Ikaw ba talaga yan jayson totoo ba yang mga naririnig ko hindi ako makapaniwala na ikaw iyan.
Siguro sobrang sarap talaga ng niluto ni jaycob bakit naging ganan na ang ugali mo.
Agad ako lumapit sa kanya baka kasi mag bago pa yang kanyang mga sinabi.
"Aba aba jayson ano nakain natin ngayon?" tanong ni miko kay jayson hindi naman siya umimik sa tanong ni miko.
"Oh!" sabi niya at ibinigay sa akin ang tray na panay laman ng mga pagkain bago pa makaalis si jayson ay agad ako nag pasalamat sa kanya.
"SALAMAT!" sabi ko sa kanya at saka umupo sa tabi ni miko at saka nag umpisa nang kumain.
"kain ka" pag aalok ko kay miko na nakatingin sa akin ng masama.
"No, thank you nalang" sabi niya kaya kumain na ako hehehe gutom na talaga ako eh. Paano naman kasi hindi ako magugutom eh hindi ako nakakain kaninang umaga dahil tanghali na ako nagising syempre pag kagising ko pumunta ako sa kusina kaso wala nang makakain mukha kasi hindi nila alam na kasama nila ako eh.
"Ang takaw mo naman ubos mo yan" napatingin ako kay miko na katabi ko lang pambihira naman ay kung gusto niya pwede naman niya sabihin ah hindi yung kung ano ano pa ang sinasabi niya sa akin na pang lalait.
"Bakit ayaw mo pang sabihin yung totoo na gusto mo humingi sa akin hindi yan kung ano ano pa ang sinasabi mo sa akin ay" Walang emotion na sabi ko kay miko na parang kanyang ikinagulat ang mga sinabi ko sa kanya.
"Eh-eh! na kakain na ako no" halata naman na nag sisinungaling siya paaano ko nasabi hindi kasi siya makatingin sa akin ng maayos.
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain syempre hindi ako madamot kaya hindi ko ginalaw ang binigay sa akin ni jayson na isang pancake at ibinigay kay miko na nasa tabi ko na kanya naman pinagtaka.
"Ano to?" Tanong niya sa akin.
"Pancake masarap yan tikman mo" pag bibirong sabi ko sa kanya.
"Alam ko kumain na ako nito kanina eh, bakit mo sa akin binibigay"
"Mukha kasi kulang pa yung kinain mo kanina kaya iyo nalang yan" sabi ko sa kanya mag sasalita pa sana siya ng bigla nalang ako umalis at pumunta sa kusina para himpilin to pinag kainan ko.
Nagulat ako ng makita ko ang tambak na himpilin sa lababo. langya naman oh ang babait talaga ay wala nag kusa mag himpil, sa bagay YAYA nga pala ako, kaya ako ang mag hihimpil ng mga ito tsk..tsk.
Paano kaya kung wala silang yaya na naka assign no, edi sobrang kalat sigurado ng bahay nila jaycob.
Nag umpisa na ako mag himpil para maka punta ako ng maaga sa bar ni tita excited na kasi ako eh hehehhe.
"Oh! SAM"
"Ay Kalabaw!. Ano ba jaycob! wag kanaman mang gugulat!, buti nalang at hindi ko na hulog tong hawak kong pinggan kundi mag kakautang pa ako sa inyo ng libo" pag rereklmo ko sa kanya na bigla nalang bang sisigaw eh ang tahimik kaya habang nag hihimpil ako tas bigla bigla nalang siya sisigaw.
"Sensya naman ang rami mo naman sinabi" Ay ang mokong sarap batukan.
"Para alam mo na sa susunod na wag na wag mo ako gugulatin o sisigaw ng bigla bigla" sabi ko sa kanya
"Ano ba ang ginagawa mo dito?"
"Hindi ba halata na nag hihimpil ako" naka simangot na sabi ko sa kanya.
"Bakit kanaman nag hihipil?" abat ang mokong ayaw ata niya na may nag hihipil ng pinag kainan nila.
"Bakit? ayaw mo ba na himpilin ko tong mga pinag kainan ninyo?"
"Hindi naman, pero hindi ka kasi naka assign ngayon para mag himpil" ha ano naka assign may ganon.
"Hindi ko ata alam yan" sabi ko sa kanya.
"Edi hindi sinabi sayo ni zoe na siya ang mag hihimpil ngayon"
"HIndi"
"Ay pambihira naman oh. Lagi nalang kasi ikaw nag hihimpil ng pinag kainan namin kaya naisipan ko na halin hinan kayo ni zoe sa pag hihimpil"
abat buti naman at naisip mo iyon. Sabagay wala rin naman yan kwenta eh si zoe mag hihimpil takot nga yon madumihan ng maganda niyang mga kuko.
"Hayaan mo na kaya ko naman to eh" sabi ko sa kanya at saka ako nag patuloy sa pag hihimpil ng mga pinggan nila at saka siya umalis.
------------------------------------
Pag katapos ko mag himpil ay naligo na ako para pumunta sa bar ni tita hehhehe hindi talaga ako makapag hintay na makausap si ate Y. Sino kaya siya hindi ko pa kasi nakikita yung mukha niya sabi kasi ni tita na wag na wag naman ipakita yung mukha namin kahit kanino kahit na sa ka trabaho namin ewan ko ba bakit may nalalaman pa si tita na ganon.
Pag katapos ko maligo ay pumunta na ako sa aking kwarto para kunin ang mga gamit ko at saka ako bumaba ng may maalala ako ay kinuha ko ang isang chocolate may pag bibigyan kasi ako hehehehhee lol.
Ng makuha ko na yung isang chocolate sa kwarto ko ay hinanap ko kung saan kwarto sila nagawa ng kanta isa isa ko kinatok ang kwarto una muna sa kwarto ninda Ian ng wala naman sila duon ay kinda jaycob naman ako pumunta na kwarto bakit kaylangan ko pa pumunta sa kwarto ni zoe eh hindi nga siya nag papasok ng kahit sino sa kwarto niya eh. Hindi ko rin alam kung bakit araw araw ay bigla bigla nalang siya nawawala katulad ngayon hindi ko siya nakita.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni jaycob at saka ko binuksan ang pinto at halos lahat sila ay napatingin sa akin pero yung hinahanap ko naman ay wala duon sa loob kaya sinarado mo na yung pinto baka kasi kainin nila ako ng buhay eh ang sasama kasi ng tingin nila sa akin. Pag kasaro ko ng pinto ay nagulat ako duon sa tao nasa likod ko.
"Oh sam parang nakakita ka ng multo ah" sabi niya.
"ah heheh.. may ibibigay sana ako sayo ken" sabi ko sa kanya at ibinigay ko na sakanya yung chocolate.
"Eh ang aga ng valentine mo sa akin ah" eh ano valentine may sira ata to sa ulo ah.
"He....he... he... binigay ko yan sayo kasi pag kumakain ako niyan nawawala yung problema ko tas nabalik ako sa dati ko" sabi ko sa kanya at nag paalam na ako sa kanya.
"Sige aalis na ako may pupuntahan pa ako" sabi ko sa kanya at bumaba na ako.
----------------
(BAR)
"HA ANO!!!!?"
"Wag kanaman sumigaw" nasa bar ako ngayon ni tita at ang sabi niya na wala daw kami trabaho ngayon kaya wala si ate Y hindi ko siya makakausap ngayon whyyyyyyyy?????????
"Eh bakit naman po walang pasok ngayon?" tanong ko kay tita
"Na ubos na kasi yung stock ng mga alak kaya, baka bukas daw ay mag didiliver sila kaka order ko lang kasi kaninang umaga" pag papaliwanag sa akin ni tita.
"Sige tita uuwi na po ako" Naka simangot na sabi ko kay tita
"Kumain ka muna"
"Wag na po tita nakakain na po ako" sabi ko sa kanya at saka ako nag bye bye at umalis na ako.
--------------
(BAHAY NI JAYCOB)
HAY.......
Nako po talaga si tita hindi man lang niya ako txt na walang trabaho sayang naman yung pamasahe ko huhuhu naman
tas........
tas.....
tas.......
Hindi ko pa nakita si ate Y at hindi kami nakapag kwentuhan
huhuhuhu naman ay.
Tumaas na ako para mag palit na ng damit at pumasok na ako sa aking kwarto kainis kasi akala ko talaga makakausap ko na si ate Y speking of ate Y ano nga pala yung binigay niya sa akin na rigalo hindi ko pa iyon na bubuksan ah.
Saan ko ba iyon iniligay hehehe paano naman kasi kahapon ba kung saan ko nalang iyon pinatong mas binigyan pansin ko yung chocolate na binigay niya sa akin alam kasi niya na paborito ko ang mga chocolate eh hehehhehehe.
Sa wakas nakita ko narin yung rigalo na binigay sa akin ni ate Y, dahandahan ko binuksan ito at hala eto yung
TO: Z
HI Z sana magustuhan mo yung binigay ko sayong rigalo hehehehe napaaga ata ang birthday gift ko sayo ah.
LOVE ATE Y
huhuhu ang bait talaga ni ate nagulat akong makita ko kung ano ang bigay ni ate Y sa akin. damit eto yung damit na suot niya noong una namin nakilala ang isat isa at eto rin yung ginamit niya noong una siya kumanta sa stage at eto yung damit na gustong gusto ko huhuhuu ate Y thank you talaga dito.
Inilagay ko sa loob ng bag ko ang balot na ginamit ni ate Y sayang naman kasi kung itatapon ko.
Hmmmmmm......... Iingatan ko ito baka nga hindi ko na ito suutin eh hehehhe.
To be continue.......
----------------
Vote and Comment😊
November 5 2017
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top