Chapter-25 (BAHAY NI JAYCOB)
(SAM)
Bumaba na kami at namangha ako sa bahay nila dahil sobrang laki mukhang pang 30 ang mga nakatira dito dahil sa sobrang laki.
"Ehem !" narinig ko sabi ni jiro kaya napatingin ako sa kanya na nasa may likod ng sasakyan.
Mukhang alam ko na ang ehem na sinasabi niya kaya agad ako pumunta sa likod ng sasakyan kung nasaan siya.
Kami nalang ni jiro ang nasa labas dahil nga duon sa lintek niyang bag yung iba naman ay nakapasok na sa loob at daladala na nila yung mga bag nila. Yung bag ko naman ay si ian na daw ang mag dadala ginaganahan daw kasi siya ngayon, hahahahhaha may tupak talaga ang isang yon.
kinuha ko na yung bag ni jiro at nagulat ako dahil sa sobrang bigat.
Ano bang nilagay mo dito hipon at ang bigat?
Binitbit ko nalang ito dahil pag inilagay ko pa sa aking balikat ay baka mag dugo nanaman.
Dahan dahan ko ito binuhat papasok ng bahay ni jaycob langya bago pa makarating sa may pintuan ng bahay nila ay aabutin ng 100 years ay nako po ng maka pasok na ako ay binagsak ko na yung bag niya sa lapag kaya ito ay ikinagulat ni hipon.
"Langya ka babae ka baka may masira sa loob ng bag ko" galit na sabi niya sa akin aba malay ko ba na may maari mabasag sa loob ng bag mo hindi mo naman sinabi eh.
Habang siya ay nag rereklamo at kinakalkal yung bag niya kung may nabasag ba ay ako naman ay napamangha sa bahay ni jaycob ang laki sobrang ganda pati anglaki ng hagdanan nila at panay tiles ito.
"UY NERDY ANO BA ANG GINAGAWA NINYO DIYAN PUMUNTA NA KAYO DITO SA TAAS" napatingin ako duon sa may hagdanan kung saan may nag salita.
Si Miko lang pala.
"OO, SUSUNOD NA KAMI" sigaw ko sa kanya kaya kinuha ko na yung bag ni hipon at nag lakad na ako papuntang taas.
"Huy teka lang bukas yung bag ko" hindi ko pinansin ang sinabi niya at nag patuloy lang ako sa pagakyat sa taas, Hay jusko po wala na atang katapusan ang hagdanan na ito ah langya naman ay.
Bago pa ako makapunta kung nasaan sinda ian at iba pa ay pagod na pagod na ako.
Langya ang bigat ng bag ni hipon........
-----------
(NICKO)
Nauna na kami pumasok sa loob dahil ang bigat ng dala naming bag syempre hindi namin pinag dala si suplada at alam namin ang nangyari sa kanya.
Nag deretsyo na kaming apat ni sed, ranz at ken sa taas dahil yon ang sabi ni jaycob duon kasi daw ilalagay yung mga gamit namin kaya duon kami dumeretsyo at namangha nalang ako dahil sa sobrang laki ng bahay niya pati tong 2nd floor ng bahay niya ang laki inilagay ko na ang mga gamit ko sa may lapag at umupo ako sa may sofa nila.
Sunod naman tumaas ay si ian na mukhang bigat na bigat siya sa dala niyang tatlo malaking bag saka naman tumaas ang dalawang kasama ni jiro at si jayson at si jaycob naman.
"Nasaan si sam at si jiro?" tanong ni jaycob sa amin.
"Titignan ko sa may sasakyan kung nanduon ba sila" sabi ni miko sa amin at saka bumaba.
"Para hindi sayang ang oras ay ipapakita ko muna sa inyo ang mga kwarto ninyo" sabi ni jaycob sa amin.
Bigla naman dumating si miko at sabi niya ay nasa may baba lamang sinda suplada at si jiro at may inaayos lamang daw sila.
"So lima ang kwarto dito, duon sa dalawang kwarto ay may apat na higaan, May isang kwarto naman ay dalawa lang yung higaan, at duon naman sa dalawang kwarto ay tigisa lamang ang higaan. Baka may mangyaring masama nanaman kay sam ay pinag hiwalay ko sila ng kwarto" sabi niya sa amin. Buti naman at na isip mo iyon.
"So sa dulo ay si nicko, ranz, ken at si sed" ayos !!!!,kami kami ang mag kakasama sa kwarto.
"Sa pangalawang dulo naman ay si sam"
"Sa gitna naman ay kami ni jayson"
"Sa pangalawang una naman ay si zoe"Hmmmmm.....zoe
"Tas sa unahan naman ay si miko, ian, eightan at si jiro. so hangan nandito kayo ay iwasan natin ang mag karoon ng gulo at kung maari ay ating bantayan ang nasa paligid natin" alam ko na ang sinasabi niyang bantayan ang paligid tungkol kay suplada at kay zoe.
Nasaan pala yung babaeng yon hindi ko na kita yon kanina ah.
"Sige mag ayos na kayo ng mga gamit ninyo" sabi niya kaya tumayo na ako at pumunta na ako sa kwarto ng bigla mag salita si ian.
"Nasaan ang cr?" putek naman oh hindi nalang sa kanilang nag cr ay.
"Sa may kusina sa baba" sabi ni jaycob kay ian at saka bumaba si ian.
-----------
(IAN)
Hindi ko na napigilan kaya nag tanong na ako kay jaycob kung nasaan yung cr nila dahil ihingihi na ako kaya ng sabihin niya kung nasaan ang cr ay bumaba na ako.
Nag madali ako bumaba dahil sa sobrang haba ng hagdanan na ito baka dito pa ako maabutan ng may makita ako na nakahandusay at si jiro kaya nilapitan ko kaagad.
"ANO NANG YARI SA KANYA?" tarantang tanong ko kay jiro.
"E-ewan malay ko na-nakita ko lang siya na biglang nawalan ng malay " Agad ako umakyat sa taas para sabihina ng nangyari kay sam.
"Oh! ian ang bili-"
"S-si sa-sam na-na himatay" hingal na hingal na sabi ko sa kanila.
"Nasaan siya?!" natatarantang tanong ni jaycob.
"Samay hagdanan" sabi ko sa kanya at agad siya bumaba at si nicko, miko at si ken. bumaba na din ako.
"Ano nangyari sa kanya?" tarantang tanong ni nicko kay jiro.
"Hindi ko alam basta nalang siya nawalan ng malay " sabi naman ni jiro kay nicko.
"Buhatin ninyo siya at dalhin sa may kwarto niya at ihiga tatawag lang ako ng doctor" utos ni jaycob kaya binuhat ni nicko si sam papuntang sa kwarto ni sam.
Ano ba nangyayari sa iyo sam.
Nasa loob na kami ng kwarto ni sam at inihiga na siya ni nicko sa kanyang higaan.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong sa akin ni miko na nasa may gilid ko na pala.
"Nahimatay daw" sabi ko sa kanya.
Bumalik na si jaycob na may kasamang doctor kaya pinalabas kami at mag ayos nalang daw kami ng mga gamit namin.
Paano naman ako makakapag ayos kung yung aking kaybigan ay hindi maganda ang kalagayan.
Ng lumipat ako sa bahay nila ay wala ako masyado tiwala sa kanya pero ng tumagal ay nag karon din ako ng tiwala sa kanya at itinuring ko na siya isang kaybigan ko.
-------
(JAYCOB)
Nasa loob ako ngayon ng kwarto ni sam para bantayan ko ang pag chechek up na ginagawa ng doctor sa kanya.
Ilang minuto ay natapos na din si doc sa pag chechekup at ang sabi niya kung bakit daw ganon si sam ay napagod lang daw siya kaya siya nahimatay at yung tungkol daw sa sugat ni sam at pinalitan na daw niya ng bagong bandage habang natutulog daw ako kaya bigla ako namula hindi ko napansin na nakatulog na pala ako.
Ng tapos na kami sa pag uusap tungkol kay sam ay lumabas na kami sa kwarto ni sam at iniwan na siyang natutulog.
Pinahatid ko na si doc kay jayson sa labas at sinabi sa kanya na ihatid ni manong si doc sa bahay niya.
Ng makaalis na sila doc ay sinabi ko sa kanila kung ano nangyari kay sam.
"Pagod lang daw iyon sabi ni doc" sabi ko sa kanila na halata ang pagalala ni ian sa kanyang mukha.
"Kaya wag na kayo mag alala natutulog lang ngayon si sam at mamaya magiging maayos na daw siya kaya ayusin na natina ng mga gamit natin" sabi ko sa kanila kaya yung iba ay bumalik na sa pag aayos ng gamit nila habang si ian ay nakatulala na nag lalakad papunta sa kanyang kwarto.
Bumaba na ako para tignan kung ano maari namin kainin para sa tanghalian.
To be continue.......
----------
Vote and Comment😊
October 31 17
Hi i am your friend ian.
PAALALA:
SORRY KUNG MAY MALING SPELLING O MALING TYPE AKO I EEDIT KO NALANG PAG NATAPOS KO NA ANG STORY.
NO TO COPY WRITING!
BIGYAN NG KAUNTING ORAS PARA BASAHIN ITO:
SA MGA SUSUNOD NA CHAPTER AY SOBRANG MAHABA NA KAYA SINASABI KO LANG SA INYO SANA BASAHIN PARIN NINYO MARAMING SALAMAT✖✖✖✖✖😸
ENJOY READING MGA READERSSSS
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top