Chapter-20 (HELPING MANANG)

(SAM)

Nasa canteen ako ngayon.

Dumaan kasi ako kanina sa canteen, ng pagka pasok ko sa school para balitaan si manang, ng bigla naman siya humingi ng tulong sa akin kaya tinanong ko kung ano iyon yon pala tutulungan ko pala si manang sa pagluluto.

Paano naman kasi eh absent ba yung lagi niyang katulong sa pag luluto syempre hindi ako pwede tumangi diba.

Kaya hindi ako makaka atend ng tatlong subject nitong umaga dahil nga sa pagluluto mukha kasi matatagalan ang pag luluto ko.

"Sam" tawag ni manang kaya agad ako lumapit sa kanya.

"Diba sinabi ko na sayo yung mga hihiwain mo tas pag natapos ka lutuin mo na din yung mga lulutuin ngayon. ako na bahala tumikim kung masarap tas sabihin mo sa akin kung tapos kana" sabi niya sa akin habang nag aayos ng mga paninda niya.

"Sige ho manang" sabi ko sa kanya at pumunta na ako sa kusina.

Nag tataka lang ako bat kaya si manang lang ang nag titinda sa canteen namin? este sa building namin bat siya lang ang nag titinda. samantala sa ibang building ng school namin marami ang nag titinda.

Hindi tulad dito parang ayaw ni manang ng kaagaw ah hehhehe.

hmmmmmm........

Bakit ngayon ko lang napinsin ito eh tatlong taon na ako dito sa school na ito ah.

Sabagay pag na ubusan sila ng pag kain eh pwede naman lumabas o duon sa kabilang building bumili kung gusto nila.

Pati marami naman niluluto si manang.

Pati sino ba ang magsasawa sa luto ni manang eh sa sobra sarap nga ng mga niluluto niya ay hindi nakakasawa.

( Athour : sa inyo ba sa canteen ninyo masarap ba yung mga ulam?)

------------

(IAN)

Kakadating ko lang sa school dahil na late ako gumising paano naman kasi nag trabaho ba ako kinda ninang kahapon hanggang 9:00 pm ba kaya napuyat ako tas pagod pa ako.

Nasa loob na ako ng room at nakita kong wala yung bag ni sam sa upuan niya.

Kaya nagtaka ako kung bakit wala yung bag niya eh maaga nga siya umalis ng bahay eh.

Lumapit ako kay nicko na abala sa cell phone niya, para mag tanong kung nakita niya si sam.

"Nick nakita mo ba si sam?" tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Hindi eh bakit?" sabi niya at bumalik na siya sa pag cecell phone.

"Ah wala" sabi ko sa kanya at umupo na ako sa aking upuan.

Ilang oras na ang lumipas at nag time na kaya agad nagsiayos ang mga kaklase ko ng pumasok na si miss. hanggang ngayon wala parin si sam ano kaya ang nang yari duon sa babaeng yon.

----------

(SAM)

recess na ng mga estudyante kaya abala si manang sa labas ng tindahan habang ako abala sa loob ng kusina ni manang para mag luto.

Hay jusko inday, buti talaga maalam ako mag luto.

hmmmm...... paano ako natutong mag luto syempre tinuruan ako ni tita noong maliit pa kasi ako tinuturuan na ako ni tit- aray ang sakit ng ulo ko putek bakit bakit bigla atang dumilim.......

--------

(MANANG)

Hay jusko langya yong isadorang iyon absent ng absent hindi manlang nag sabi edi sana hindi ko na abala si sam kaya tuloy hindi siya naka atend ng klase.

Sabi ko sa kanya na umatend na ng klase niya at kaya ko naman ay ayaw naman niya bumalik at wala naman daw gagawin.

Recess na ngayon kaya abala ako sa pag titinda dito sa labas habang si sam naman ay nasa may kusina at abala sa pagluluto.

"Manang isa nito tas isa po noon" sabi ni ian kaya kinuha ko ang mga gusto niyang bilhin.

Kay sam ko nalaman na ian ang pangalan niya tuwing hapon kasi pag may oras siya o umaga ay pumupunta siya sa akin at nakikipag kwentuhan katulad kay ian na sa kanila nakatira at ako lang ang pinag sabihan niya sabi nga niya wag daw sasabihin sa iba.

Bakit pala nakikita ko minsan kasama niya si sam pag pumupunta dito.

"Oh" sabi ko sa kanya at ibinag na ang mga itinuro niyang pagkain.

"Eto po bayad " sabi niya at umalis na siya.

Hay jusko salamat naman at time na sila. Kaya bumalik na ako sa loob para tignan kung ano nang kalagayan ni sam.

"SAM!!!!" Nagulat ako nang makita ko si sam na nasa may lapag na. kaya nilapitan ko siya at inuga uga.

"HOY SAM!!!" Sigaw ko ulit at inuga siya ng inuga pero hindi parin siya nagigising kaya idinala ko siya sa may clinic ng school.

Langya ka sam ang bigat mo.

----

(Clinic)

Naidala ko na si sam sa clinic at tinanong kay nurse pom kung anong nangyari kay sam kung bakit bigla nalang siya nawalan ng malay.

Kaya nagulat ako sa sinabi ni nurse pom bakit sam bakit mo tinago ito sa akin.

Naki usap ako kay nurse pom na wag sabihin na sinabi niya sa akin kung anong nang yayari kay sam at saka ako umalis para bumalik sa canteen at para matapos ko na yung niluluto ni sam.

-----------

(SAM)

Nabalitaan ko nanaman kay nurse pom na nawalan nanaman ako ng malay kanina bakit pala ako nasa clinic mahigit isang oras daw ako walang malay sabi sa akin ni nurse, hmmmm....

Bumalik na ako sa canteen para ipag patuloy ang pag luluto ko.

"Manang" tawag ko kay manang na nasa loob na ng kusina at nag luluto.

"Manang ako na po diyan" sabi ko sa kanya.

"Oh sam" nagulat siya.

"Ayos kana ba?" tanong ni manang sa akin.

"Ah oo manang ayos na ako. kaya ako na po mag tutuloy ng niluluto po ninyo" sabi ko sa kanya.

sinabi ni nurse na si manang pala daw ang nag dala sa akin sa clinic.

"Anla hoy umupo kanalang duon sa labas at ako na bahala dito patapos na ito eh" sabi ni manang kaya lumabas na ako at umupo.

Mukha kasi hindi niya talaga ako papayagan na ako nalang ang mag luluto kaya sinunod ko nalang yung sinabi niya na umupo nalang ako sa labas.

hmmmmmm.....

"HOY!"

"AYKALABAWKOPO"

"PUTEK KA IAN HINDI MO BA ALAM DUON SA GINAWA MO MAARI AKO ATAKIHIN SA PUSO HA!!" Galit na sabi ko sa kanya.

"Easy lang kaw kasi eh ang lalim ng iniisip mo" sabi niya sa akin.

"Tsk. Ano pala ginagawa mo dito may klase ka pa ah" sabi ko sa kanya.

"Anla hoy. cr sana ako eh nakita kita na nandito kaya nilapitan kita."

"Ah mag cr kana tas bumalik kana sa class room baka hanapin ka na ni miss at sabihin noon ang tagal mo mag cr" sabi ko sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko at saka siya nag salita.

"Alam mo ba kanina pa kita hinahanap tas nandito ka lang pala. Pati ano palang ginagawa mo dito? tas nasaan ang mga gamit mo? bakit hindi ka umatend ng klase?" sunod sunod na tanong niya sa akin.

"May humahabol ba sayo at sunod sunod yang mga tanong mo sa akin. pwede ba isa isa lang muna ha." pag rereklamo ko sa kanya.

"Bakit wala ka kanina sa klase?" unang tanong niya sa akin.

"Kasi pumunta ako dito kanina para tulungin si manang" sabi ko sa kanya.

"Bakit ka nandito?"

"Ayon nga tinulungan ko nga diba si manang!" Nangagalaiting sabi ko sa  kanya.

"May galit sa akin ha?"

"Abay paulit ulit nalang ay!"

"Nasaan ang mga gamit mo?" tanong nanaman niya sa akin.

"Nasa loob ng kusina ni manang. ano okay na ba nasagot ko na ba lahat ng tanong mo ha!?!" sigaw ko sa kanya.

"Oo" sabi niya.

"Oh! eh ayos na pala edi bumalik kana sa room" utos ko sa kanya pero ayaw niya bumalik.

"Bakit ayaw mo bang bumalik ha babago ka lang sa school na ito cutting kana agad"

"Oy macacatting kanaman ah parang hindi ka"

"Hindi naman ah ang tawag duon sa ginawa ko ay half day lang kasi hindi ako pumasok nitong umaga at mamayang hapon pa ako papasok" sabi ko sa kanya.

"Oh tigil na nga ninyo yang pag aaway ninyo at kumain nalang kayo" napa tingin kami duon sa nag salita at si manang lang pala na may dalang pag kain para sa aming tatlo.

"Uy mukhang masarap yan ah" sabi ni ian duon sa luto ni manang.

"Abay oo masarap talaga yan eh si sam ang nag luto niyan eh" sabi ni manang na aking pinag tataka ako ba ang nag luto niyan. ang alam ko lang na niluto ko kanin ay yung mga pritong ulam tas adobo at yung puto pati sinigang.

"Ano kainan na. dapat masarap tong spaghetti na niluto mo sam ha" sabi ni ian sa akin.

Akala ko ba tanghalian na ngayon bat eto lang hahahhaha nag rereklamo pa ay.

"Saglit lang" sabi ni manang at pumasok sa loob ng kusina.

"Oh eto pala kanin at ulam" sabi ni manang sa amin. manang nakakabasa pala po kayo ng iniisip ng tao ang galing naman hehehhehe.

To be continue......

---------

Vote and Comment😊

October 30 17

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top