Chapter-2 (PANIBAGONG PAGSUBOK)

5:29 am ay nagising ako dahil sa lagabag ng pintuan namin kaya agad ako pumunta at si papa lang pala iyon.

hay parang hindi na ako nasanay sa kanya ah.

agad akong nag bihis at nag ayos ng aking mga gamit.

Bago ako umalis ng bahay ay sinarado ko muna ang pintuan ng bahay namin at saka ako nag umpisa mag lakad, oo umalis ako ng bahay na hindi kumakain sanay na ako na hindi kumakain ng umagahan minsan lang ako nakain ng umagahan kung may ulam, hindi katulad ng mga mayayaman kahit ano gusto nilang bilhin na pag kain ay mabibili nila ako hindi eh, kasi mahirap lang ako.

Ah oo nga pala nag lalakad nga pala ako papunta sa school ko malapit lang naman yung school sa bahay namin kaya kayang kaya ko lakadin hindi ako katulad ng mga mayayaman kaylangan pa ihatid ng mga tatay nila syempre may tatay ako kaso wala eh, walang time si papa para sa akin hay, pati kung mag jejeep ako sayang ang pera ko kaya mag lalakad nalang ako.

6:40am ay nasa tapat na ako ng gate ng school namin.

Okay handa na ako, handa na ako sa panibagong araw sa school na ito.

*Kaya mo yan sam just ignore them* yan lang ang nasabi ko sa aking sarili at pumasok na ako sa loob ng school namin.

Narinig ko na agad ang mga bulungan nila tungkol sa akin at ang mga bulungan sa aking pangalan samahan narin ang mga masasama nilang tingin sa akin.

"Uy diba siya si nerd yung ano ba......"

"Ah oo siya yun"

"Tsk ang lakas ng loob niya para mag pakita pa"

"kung ako sa kanya hindi nalang ako mag papa kita"

Yan ang mga naririnig ko sa mga nadadaanan ko mga estudyante.

Hindi kasi ako duwag na katulad ninyo. Ano gusto ninyo mag tago ako, Mas gusto ko pang laitlaitin nila ako kaysa mag tago nalang na parang daga.

Yumuko nalang ako at nag lakad papunta sa room ko.

hanggang sa room ba ako rin ang pinag uusapan nila.

*Bakit ba hindi ko naman iyon kasalanan ah*

sabi ko sa aking sarili at saka ako pumunta sa aking upuan na nasa dulo at wala ni isa ang may gusto tumabi sa akin kundi ang bintana lang.

Umupo nalang ako at napatingin nalang sa bintana.

Hay buti kapa bintana hindi mo ako iniwan paano kaya kung buhay ka siguro iiwanan mo din ako no.

Waaaahhhh!!! nababaliw na ako ano ba iyan sam mag aral ka nangalang.

ilang minuto ang lumipas nang mag simula na ang klase first subject namin ay TlE kaya kinuha ko na ang note book ko sa bag ko at nakinig na ako kay miss.

Nasa kalagitnaan na si miss M sa pag tuturo ng bigla nag bukas ang pinto kaya yung iba ay nagulat at yung iba ay napatingin nalang si miss naman ay napatingin nalang.

"HOY! HOY! SAAN KAYO PUPUNTA" awat ni miss sa mga lalaki na bigla bigla nalang pumasok.

"Uupo miss" sabi ng isa sa mga lalaki.

"NEW STUDENT BA KAYO?" tanong ni miss dahil mukha hindi niya kilala ang mga lalaki.

Ng biglang nag si bulungan na naman ang mga kaklase ko.

"Uy diba sila yung taga prince university"

"ah oo nga alam ko na"

"bakit pala ang cute nila"

"hahha oo nga tas hot pa yung isa, pati nalaman ko na may banda daw sila duon sa school nila"

Mga bulungan na rinig naman hay ang galing mag bulungan eh rinig na rinig eh.

"YES MA'AM" sagot noong isang lalaki sa tanong ni miss.

"Hmmm new student bat wala sinasabi sa akin"

"Wait lang student babalik agad ako sige boys mag hanap na kayo ng mauupuan ninyo may itatanong lang ako sa principal" sabi ni miss kaya umoo nalang yung mga lalaki.

Ng maka alis si miss ay, siya naman ang pag tayo ng mga babae at nilapita ang mga transfer na lalaki at pinag kaguluhan, higit duon sigaw dito sigaw duon.

"Uy ano name mo?"

"Uy dito ka na umupo"

"Uy dito ka"

sabi ng mga babae.

Mga ibang kaklase ko lalaki ay ang sasama ng tingin sa mga transfer student.

Tsk porket may itsura pag kakaguluhan na agad tignan nga ninyo yung mga ugali bigla bigla nalang ba papasok na parang walang teacher sa unahan ah.

Hindi na ako nag aksaya ng oras sa panonood sa kanila at kinuho ko nalang yung note book ko at nag aral nalang para sa quiz mamaya.

ilang minuto ang lumipas ng may lumapit sa akin kaya napatingin nalang ako sa kanya.

"layas diyan" utos ng tao na nasa harapan ko.

abat ang kapal naman nito bago lang eh ang kapal na ng pag mumukha.

Hindi ko nalang siya pinanasin at bumalik nalang ako sa pag aaral ko.

"Uy sed may maraming vacant na upuan pa naman ah kaya wag mo nalang paalisin siya"

Napatingin nalang ako sa taong nag salita at isa pala siya sa transfer student.

"Tsk " sabi noong isang transfer sudent na nag papaalis sa akin kanina at umalis na siya.

Nagulat ako ng biglang lumapit saakin yung isang transfer na pumigil duon sa kasama niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hahaha pasensyahan mo nalang yung barkada ko ha mainitin kasi ang ulo noon. Ako nga pala si Nicko at ikaw ay si?" tanong niya sa akin at inaabot pa niya ang kanyang kamay saakin.

Hindi ko ito pinansin dahil malaki gulo nanaman ang mapapasok ko nito bumalik nalang ako sa pag aaral at nag mamaangan na wala akong naririnig.

"Ow okay nice to meet you miss suplada" sabi niya sa akin na aking ikinagulat at umalis na siya sa harapan ko.

sira ulo yun ah tsk.

---------------------------

(Faculty)

Ng matapos ang klase namin at recess na ay pumunta ako sa faculty dahil pinapatawag daw ako ni miss A ang adviser namin at teacher sa math.

nasa loob na ako ng faculty at lumapit na ako kay miss A.

"Miss tawag daw po ninyo ako" sabi ko kay miss.

"Oo miss lim dahil ikaw ang naisipan ko mag tour sa mga bagong tranfer sa room ninyo"

Haaaa ako hay no choice ako dahil inuutusan ako ni miss kaya hindi ako pwede sumuwang sa utos niya.

"Opo miss ano oras po?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw bahala" sabi niya sa akin.

kaya lumabas na ako at bumalik na sa room.

Ng makabalik ako ay nadatnan ko yung apat na transfer na nag kwekwentuhan kaya nag lakas loob ako pumunta sa kanila.

"Hi!" sabi ko sa kanila pero nag patuloy parin sila sa kanilang kwentuhan.

kaya mas nilakasan ko pa ang boses ko.

"HI INUTUSAN AKO NI MISS NA ITOUR KO KAYO SA SCHOOL NAMIN!!" pasigaw na sabi ko sa kanila.

Buti naman at narinig na nila ako dahil tumigil na sila sa kanilang kwentuhan.

"Oh miss suplada ikaw pala ano maitutulong ko sayo" sabi ni mayabang.

Hindi ba nila narinig yung sinabi ko ha??! mga ang bibingi!!!!

"Nandito ako para itour ko kayo sa school namin kaya pwede ba kayo maabala lang ng saglit" sabi ko sa kanila.

"Tsk itotour hindi naman kami maliligaw ah" sabi noung isa na lumapit sa akin kanina yung bigla nalang ba ako inutusan na umalis sa aking upuan.

"Inutusan lang ako kaya dapat ko gawin yung pina pautos sa akin"

Marami na ang na nunuod samin at marami na din ang sasama ng tingin sa akin kahit hindi ako tumingin eh alam na alam ko ganan naman diba sila.

Kaya nag simula na ang mga bulungan bulungan duon bulungan diyan wala eh artista talaga ako.

No choice ako kaya bumalik nalang ako sa upuan ko at umubob nalang ako.

Susubukan ko nalang ulit mamaya baka busy lang talaga sila.

------------------------

Pag katapos ng dalawa subject namin ay lunch na kaya pumunta na ako sa canteen para bumili ng makakain.

"Uy sam musta na?" tanong ni manang saakin.

"Okay lang po kayo po?" tanong ko sa kanya.

"Tsk ano ba to ha kwentuhan lang ba ha hoy nerd kung gusto mo makipag kwentuhan wag dito dahil marami na ang gutom kaya umalis kanalang"

sabi ni nickol na nasa likod ko at bigla nalang niya ako tunulak paalis ng linya.

kaya sa kalampahan ko ay nag dagasa ako at napa upo sa sahig.

Ang sakit ng pwetan ko huhuhuhu!!!

"jusko!" Narinig kong sabi ni manang at agad siyang pumunta sa akin.

"Ayos kalang ba?" tanong ni manang sa akin.

"Oo manang ayos lang po ako" sabi ko kay manang.

"Ano ba manang gusto mo paba tumagal dito o gusto mo ikaladkad kita palabas kay manong guard ha?!!" mataray na sabi ni nickol pero hindi pinansin ni manang at tinulungan niya ako tumayo.

Ng makatayo na ako ay nag paalam na ako kay manang.

"Sige na manang bumalik na po kayo baka mawalan pa po kayo ng trabaho dahil sa akin" sabi ko sa kanya.

"Ayos kalang ba talaga?" tanong ulit niya.

"Oo manang ayos na ayos lang po ako kaya balik na po kayo, maraming salamat po sa tulong ninyo" sabi ko sa kanya at ako na ang umalis.

Pumunta nalang ako sa garden ng school namin at nag hanap ako ng matutulugan.

Hay nako ang sakit talaga ng pwetan ko.

itutulog ko nalang ang sakit ng pwetan ko at ang gutom ko.

To be continue.....

----------

Vote and Comment 😊

October 1 17

Hi i am Nickol

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top