Chapter-17 (THE MEMBER)

(SAM)

Pag katapos ng klase ay naiwan kaming anim sa class room.

Tahimik lang kami walang naimik ni isa sa aming anim.

Ng bigla mabasag ang katahimikan dahil nag salita si nicko.

"Ahm-" naputol ang sasabihin niya ng may bigla pumasok at si miss lang pala.

"Okay so eto na yung makakasama ninyo" sabi ni miss at pinapasok na ang tatlo member at dalawang taga music club.

Halos matanggal na yung panga ko dahil sa kanganga ko.

Paano naman hindi ako nganga nga eh sila

yung.....

yung.......

kamember ko at makakasama ko sila ng 16 day ha!!!! 16 day paano!!!! paano na syempre hindi pa kasama yung araw ng acquaintance party kaya lahat lahat ay 17 days!!!!! HALA KO PO!!!

Lupa kainin mo na ako ngayon na plsss lang huhuhuhuhu.....

"Umupo na kayo" Utos ni miss duon sa mga member na pumasok.

Kitang kita ko ang mga masasamang tingin nila nicko, ranz, sed at ken kay hipon este jiro.

paano naman kasi gawa ata noong away nila dati ba.

Bigla naman bumulong si ian sa akin.

"Bakit parang ang init ata dito" Pag bibirong sabi ni ian. mukhang nakita niya ang mga masasamang tingin ng apat kay hipon.

"Hindi ko alam" Sabi ko sa kanya.

"Okay class!" paninimula ni miss

"Mag pakilala na kayo sa unahan umpisahin muna natin kay sam" Putek ako pa talaga ha langya ayon oh ayon yung masamang tingin ni jayson at ni jiro.

Hala ko po!!!!

Pumunta na ako sa unahan at kitang kita dito sa unahan ang mga mukha nila na nanggagaliitin sa akin ata?!

"A-ah a-ako pa-pala s-si sa-samantha l-lim" Pautal utal na sabi ko at bumalik na ako sa aking upuan.

"Bakit ka nangangatal?" tanong ni ian saakin ng pag kaupo ko.

"Hindi ko alam" pag sisinungaling ko sa kanya.

"IAN ikaw na" sabi ni miss kay ian at pumunta na siya sa unahan pagkatapos niya ay si nicko naman.

"NICKO ikaw na" sabi ni miss kay nicko kaya pumunta na siya sa unahan.

"Hi i am Nicko " habang sinasabi niya ang pangalan niya ay nakatingin siya kay jiro ng masama.

"Ken" sabi ni miss kaya pumunta na siya.

Ah ken pala ang pangalan niya.

sunod na tinawag niya ay si Ranz, ah siya si ranz. hahahha ang totoo niyan hindi ko parin sila kilala ang kilala ko lang si sed yung cold prince daw tas si nicko.

And sunod naman tinawag si sed pag katapos ni sed si jiro na masama ang tingin sa akin na parang gusto ako kainin sunod naman ay si miko ah siya si miko tas si eightan tas sunod naman tinawagan ay si jayson na nakatingin ng masama sa akin. Sunod naman ay si jaycob na halos siya lang yung parang kalmado sa aming lahat.

Ng matapos na ang pagpapakilala ay nag salita na si miss tungkol sa banda.

"So pag usapan na natin tungkol sa banda" sabi ni miss.

"So kaylan kayo mag uumpisa mag practice" tanong ni miss saamin pero walang umimik sa amin.

Bigla may bumasag sa katahimikan at si jayson ang prince 5.

"Bakit sa lahat ng estudyante eh kami ang napili mo?" malamig na tanong ni jayson kay miss.

Bakit nga marami pa namang ibang estudyante ah bakit nga kami.

"Bakit hindi kayo?" tanong ni miss sa amin.

Ano miss binabalik sa amin yung tanong na binigay sa inyo ni jayson.

Nag salita ulit si miss.

"Sasabihin ko pala sa inyo kung ano ano ang mga tungkulin ninyo o position ninyo sa banda" sabi ni miss.

At nag patuloy na siya sa kanyang sasabihin.

"Si sam ay magiging tagabantay ninyo siya yung parang mag rereport sa akin kung ano ginagawa ninyo den magiging yaya ninyo ren pwede ninyo siyang utusan" ang lala naman ha yaya ha putek kung hindi ko kasi gagawin ito baka maparusahan ako ng prisipal tas mag lilinis pa ako ng canteen at ng garden hanggang maka graduate.

Ang lala naman noon diba.

"Den si Jayson at jaycob ang mag tuturo sa inyo at mag babantay na din sa inyo." buti pa sila mag tuturo lang.

"Then the rest ay ang mga member ng banda. Oo nga pala makalimutan ko dalawang banda ang gagawin ninyo so kayo na ang bahala mag hati at kayo nang bahala kung sino ang gusto ninyo mag turo sa inyo. Ayos ba iyon?" tanong ni miss na wala naman umiimik kaya nag salita ulit si miss.

"Sige maiwan ko muna kayo ha pag usapan ninyo ang tungkol sa banda ninyo mamaya pa kayo makakalabas pag binuksan ko na yung pintuan" sabi ni miss at lumabas na siya.

Pag binuksan ano sinasabi niya na pag binuksan?Ha?

Bigla nag bukas ang pinto at si miss lang naman pala kala ko kung sino.

"May nakalimutan ako sabihin. Pag pala sa acquaintance party at hindi maayos yang inyong banda baka mapurasahan kayo ng principal" sabi ni miss at umalis na.

Ng marinig nila ang sinabi ni miss ay parang natakot sila.

Ng bigla mag bukas ang pinto kaya napasigaw ako.

"AHHHHHH!!!" sigaw ko kaya napasigaw yung iba.

"ANO BA HA!" galiiting sabi ni jiro.
Aba kasalanan ko hindi ko naman sinasadyang mapasigaw gawa kasi ni miss.

"Oo nga pala may nakalimutan ako sabihin...... Kaya galingan ninyo" sabi ni miss at umalis na.

Pambihirana, yun lang miss, Baka may ihahabol pa?

wala na ......

wala na......

Nagulat ako ng may bigla ako may narinig sa may pintuan na parang may ginagalaw at nawala na din yung ingay.

"Anong plano?" pagsisimula ni jaycob at lumapit sa amin.

"Ewan" sabi ni nicko.

May na isip akong ideya kaso natatakot ako sabihin.

Ilang minuto ay naging tahimik ang paligid ng bigla tumayo si jayson at lalabas na sana ng hindi niya ito mabuksan.

"Bat hindi mabuksan to?" tanong ni jayson

"Hindi mo ba narinig ang sabi ni miss na sasaruduhan niya daw yung pintuan at mamaya pa niya ito bubuksan" sabi ni jaycob kay jayson kaya bumalik nalang si jayson sa upuan niya kanina.

Hindi na ako makapag pigil pa ay nag salita na ako.

------------------

(MIKO)

Pag kaawas namin ay pinapunta kaming tatlo. si eightan at si jiro sa room ng black rose at may pag uusapan daw tungkol daw duon sa banda na kasali kaming tatlo.

Sino pa kaya ang iba pa naming ka member.

Nasa tapat na kami ng room at kasama namin si miss A. Nauna muna si miss a na pumasok sa loob at saka kami pumasok at nagulat ako dahil kasali pala si miss nerdy.

Umopo na kami at isaisa nag pakilala sa unahan ng matapos iyon ay nag salita si miss kung ano ang mga position namin sa banda so dalawang banda pala edi hahatiin kami sa apat.

Ng matapos na mag salita si miss ay lumabas na siya at inilock ang pinto mag usap usap daw kasi kami. Hanggat hindi pa siya nakakabalik ay hindi pa daw kami makakalabas.

So ano balak????

Kanina ko pa napapansin na ang sasama ng tingin nila kay jiro ano ba meron sa kanya?

Bigla nag salita si nerdy kaya napatingin ako sa kanya.

"Ahm may naisip kasi ako kung pwede sa inyo, may isa sa atin na duon tayo matutulog sa bahay nila. Para hindi sayang sa pamasahe pati hindi nasasayang yung oras" sabi niya sa amin.

"Magandang ideya yan" sabi ni jaycob na nasa tabi ni ian.

"Kaninong bahay naman?" tanong ni nicko.

"Hmmmm...... saamin nalang" sabi ni jaycob na ikinagulat ni jayson.

"Ano????? Hindi pwede yan" galit na sabi ni jayson.

"Bakit hindi naman pwede?" tanong ni jaycob kay jayson.

Oo nga!? bakit nga hindi pwede? eh si jaycob ang nag volunteer na sa kanila nalang matutulog 

Nanahimik nalang si jayson.

"Sino ang may gusto sa kanila na lang?" tanong ni nerdy sa aming lahat.

Si ian si ranz si nicko si ken at si nerdy pati na din yung katabi ko si eightan ay nakitaas na ng kamay . mukhang walang paki yung iba kasama na ako duon.

"So yon na, kay jaycob na bahay tayo matutulog ng 17 day's simula sa sabado" sabi ni nerdy saamin.

"Edi sa school sabado 9:00am kitakita tayo tas mag dala na kayo ng mga damit ninyo para sa sabado deretsyo ma sa bahay ko" sabi ni jaycob.

Tumango nalang yung iba sa sinabi ni jaycob.

Sakto naman ang pag dating ni miss kasi tapos na sila mag meeting hahaha sila lang yung nag uusap eh pero pupunta ako sa sabado mukhang masaya eh.

To be continue......

---------

Vote and Comment😊

October 28 17

Hi i am miko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top